Share

Chapter 24

"K-Kadiri. Yuck. Ew. Ewi!." ilang beses na bulalas ni Johan nang nasa loob na kami ng sasakyan niya.

Nakatingin lamang ako sa pa-iba't ibang uri ng reaksyon na inilalabas ng mukha niya. Nakanganga at pawang inaantabayanan ko na lang ang magiging susunod na ilalabas ng mukha niya.

Pagkatapos niya akong halikan, ay agad siyang nagpaalam sa tatay niya. Rinig na rinig ko pa ang dahilan niya kaya't nahampas ko siya doon sa loob ng wala sa oras. Natawa ang tatay niya dahil doon kaya pinayagan niya agad kaming maka-uwi.

Handa na akong sumigaw at magwala kanina at tanungin siya ng tanungin about sa halik na iyon. Ngunit ununahan naman ako ni Johan and at the same time, nagkaroon ng sagot kahit papaano ang tanong ko kahit hindi naman connected.

Panay ang pag-untog ni Johan sa manibela ng noo niya at sabay sabunot din sa kanyang buhok. Hindi ko magawang suwayin siya dahil hindi ko alam kung paano ako magsisimula.

"H-Hindi naman tayo magiging awkward sa isa't-isa pagkatapos ng nangyari d-diba?."
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status