Share

Loving the Rainbow
Loving the Rainbow
Author: jenavocado

Chapter 01

"Stop being so clingy, Arabella! You're making my shirt gusot! Ano ba!." 

Inis kong inalis ang pagkakayakap ko kay Johan at matalim siyang tiningnan. Tumaas ang kilay nito sa akin at nag-bente kwatro.

"What's with the look? You're mad at me?." mataray na tanong nito sa akin dahilan para mapanguso ako. Ano bang problema nito, naglalambing lang naman ako sa kanya. 

"Tsk." i hissed at tumayo na'lang kesa sagutin siya. Dumiretso ako sa kusina niya at nagtimpla ng gatas ko. Bwesit, ke-aga-aga ang taray niya sa akin, parang hindi niya ako kaibigan!

Nang makabalik ako sa sofa ay agad nitong binaling ang tingin sa akin, hindi ko siya pinansin at nanatili akong walang imik. Bahala siya sa buhay niya, ngayon ko lang siya nayakap after two weeks tapos ganito naman ang gagawin niya sa akin? Argh! Nakakainis 'tong taong 'to!

"Come here, Arabel. You're so far from me." pangungulit nito pero hindi ako nagpatinag. 

"Stop making that tampo, Arabel, hindi bagay sayo." dagdag pa nito, rinig ko ang pagbuntong-hininga niya at kalaunan ay binuka ang kanyang braso.

Ang arte talaga nito, pati pagtatagalog kailangan samahan ng Ingles.

Nangunot ang noo ko. "Ano yan?."

"Tanga ka ba?." ayon na naman ang matalas niyang dila. 

Pag nagkataong hindi ako nakapag-timpi, may mapuputol talagang dila.

"I opened my arms for you to come and hug me, hindi ba obvious?!." imbyernang sagot nito sa akin. 

Muli akong napanguso ngunit unti-unti din ngumisi. He's really that soft to me huh! Sabi na 'e, unting arte lang bibigay din ang h*******k na 'to.

"Stop wearing that grin, Arabel, you look like ugly witch." 

"Tanga ka rin pala 'e, kaya nga witch. May witch bang maganda?." ngiwi ko.

"Meron." mabilis na responde niya.

"At sino naman, aber?."

"Ikaw." taas kilay na sabi nito.

Hindi ko pinansin iyon, kahit kailan talaga. 

Mabilis kong nilapag sa maliit na table ang tasa ko at yumakap muli kay Johan. He rapped his arms around me at dahil doon ay napangiti ako. This is so warm. I can smell his girly scent, tsk, imbes na panlalaking pabango ang maamoy ko sa kanya ay pambabae tuloy. Pero who cares? Ang mahalaga mabango siya.

"I really feel disgusted right now." maya'y aniya nito, napatingala ko sa kanya, yumuko ito sapat upang makita niya rin ako.

"You always say that, Johan-."

"Johana." he corrected me, this bullshit!

"Johana." i repeated. "Wag mo nga akong artehan, alam naman nating dalawa na gusto mo ang yakap-Aray!."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng walang ano-ano'y kinalas nito ang pagkakayakap ko sa kanya at malakas akong tinulak dahilan para ma-out of balance ako at mahulog sa sahig! What the freaking pakpak!

"Putcha, yung pwet ko!." mangiyak-ngiyak na hapo ko sa aking pwetan habang nakapikit. 

"Tumayo ka jan, hindi ako naawa sayong babae ka. Nag-iinarte ka na naman." malamig na turan nito.

Binuksan ko ang kaliwang mata ko at pasimpleng sinulyapan si Johan na masama na naman ang tingin sa akin, umayos ako ng upo sa sahig at pinahaba ang aking nguso. Masakit naman talaga ang pagkakabagsak ko, pero tama naman siya may part talaga na nag-iinarte lang ako. 

Napatingin ako sa carpet na nasa lapag, ba't ko ba nakalimutan na may mata siya at hindi siya tanga na kagaya ko? ofcourse kampante siyang itulak ako dahil alam niyang sa carpet naman ang bagsak ko. Buang!

"Lapit." senyas nito sa akin at dali-dali akong tumayo, tinapik niya ang balikat niya at sumandal ako doon. Ni-resume ni Johan ang pinapanood namin at nanatili naman akong tahimik.

Pero dahil sadyang pinaglihi ako sa bulate, charot! Hindi ako mapakali sa pwesto ko, i want to go to mall pero alam kong hindi papayag si Johan dahil kakagaling ko lang sa sakit. 

"Two weeks mo kong hindi nakita, na-miss mo ba ako?." tanong ko. As usual nandidiri na ekspresyon ang iginawad niya sa akin.

"Hindi ka ba kinakabahan sa sinasabi mo, Arabella?." pagbubuo niya sa pangalan ko, diring-diri talaga 'to sa'kin, parang tanga lang.

Tuwing maiinis o seryoso siya, binubuo niya ang bigkas sa name ko, tapos pag-trip niya naman na biruin ako, Arabel lang ang tawag niya sa akin, which is i kinda find cute. 

"Sinasaktan mo ang heart ko, Johan." sabay pout ko. Napapikit ako ng pitikin ni Johan ang noo 'ko hindi naman iyon masakit kaya hindi na'lang ako umagal, mamaya marindi 'to sa sa'kin, baka mapauwi ako ng wala sa oras.

"Paki 'ko naman sa heart mo? Wag ka ngang salita ng salita jan, Arabel, alam mo bang nakakadiri ang tanong mo sa'kin, like yuck!."

Napataas ang kilay 'ko at sandaling pinagmasdan ang lukot na mukha ni Johan. Hindi niya daw ako na-m-miss? Tanga ako minsan, pero alam ko kung na-m-miss ako ng isang tao o hindi. Hindi niya naman siguro ako susunduin sa bahay kung hindi niya ako na-miss. 

Di na'lang umamin 'tong burgahitang 'to, parang ikamamatay niya naman ang pag-amin sakin.

"Gala tayo, Johan-." pag-iiba ko ngunit agad niya akong pinutol.

"Kakagaling mo lang sa sakit, gagala ka agad?." sabi ko na nga ba 'e. Dapat talaga nanahimik na'lang ako. 

"Tumigil ka, Arabella, kaya nga kita kinuha doon sa inyo para hindi ka makagala, tapos ngayon ako naman ang yayayain mo, jusko kang bakla ka-."

"Ikaw ang bakla, hindi ako." putol ko rin sa kanya.

"Ay ang gaga, sabunutan kita jan 'e, vinocal out mo talaga ah, para namang di 'ko alam na bakla ako. Ka-imbyerna ka!."

Ngumisi ako sa kanya at muling sumiksik. Rinig ko pa ang pandidiring angil niya sa akin pero paki ko naman?

Nasa ganon lamang kami na pwesto ni Johan hanggang sa mag-aya itong kumain na kami ng pananghalian. I insisted to cook for the both of us, but he disagree with me, mas maigi na daw na magpa-deliever na'lang para safe.

Siraulo talaga, anong akala niya sa akin, hindi marunong magluto? Hindi marunong mag-ingat-.

'You burned his kitchen just last month. Do you think he'll let you cook again after what just happened?'

Napasinghap ako ng kusang magtanong ang utak ko sa akin. I almost forgot about that scene!

Hindi ko naman yun sinasadya, may kausap ako sa phone non at nakalimutan ko na may niluluto nga pala ako, that time na sumigaw si Johan ay halos himatayin ako ng malingunan ko ang apoy sa kalan, buti na'lang talaga at hindi malaki ang apoy kundi tusta ang buong condominium. 

Naalala ko pa kung papaano ako nagmakaawa kay Johan non, i cried a lot dahil sa katangahan ko, isama pa na panay ang sermon sa akin ni Johan at ng iba pa naming kaibigann. I almost killed people, kundi hindi lang ako naagapan ni Johan. And after that incident, never na nila akong pinayagan na maki-alam sa mga kusina nila. Even sa bahay ay sinabi nila iyon kay Mama, that's why hindi na ako nakakapagluto!

"What branch do you want?." tanong nito habang nagkakalikot ng phone, bago sumagot ay lumipat ako sa likod ni Johan, pinatong ko ang baba ko sa balikat niya at tumingin doon sa phone.

"Mang inasal, please." 

"Ok," tipid na sagot nito at isa-isa ng inad-to cart and mga itinuro ko. "Hindi ka naman nakain ng halo-halo, why even bother to add this?."

"Nakain kaya ako!."

Nilingon niya ako at ayon na naman ang kilay niya. "Yeah, nakain ka nga, yung kinakain mo yung yelo lang tsaka yung sabaw non and the rest ipapa-ubos mo sa akin!." tuktok nito sa noo ko. 

Nasapo ko iyon at bahagya siyang hinampas. "Wag ka ng epal jan hehe, better add it na para makakain na tayo!." 

Mabilis na dumating ang order namin, kapwa kmai tahimik ni Johan habng kumakain. Grabe, gutom na gustom siguro ako kaya ang lakas kong kumain. Napa-barp ako ng wala sa oras, agad kong tinakpan ang bunganga ko dahil baka magalit si Johan, may etiquette kasi ito sa hapag, lagi nga niya akong sinasaway sa tuwing paraa akong baboy kung kumain. 

"Excuse me." mahinang paalam ko sabay tayo at punta ng sala, dumighay ako ng malakas at sinapo ang aking tiyan. Dagdag bilbil na naman para sa araw na ito.

Muli akong bumalik sa kusina at doon ay hindi pa'rin tapos si Johan, i reached my phone in my pocket and started to scroll to my social media. Someone caught my attention at pakiramdam ko tatakasan ako ng ulirat. 

"Are you going to cry, Arabella?." Johan immediately on act. He caress my check. 

"I-It sill hurt, Johan." seryosong turan ko. Nilingon niya ang phone ko at nakita ang tinutukoy ko doon, he sighed and turned it off.

"Why are you still not moving on, Arabella? It's been five years, why are you still madly inlove with your ex?."

Napayuko ako at napailing.

"Stop thingking about him, Arabella. Block him so you can have your peace," dagdag pa nito. Lumuhod ito sa aking harapan at mataman na sinalubong ang nanlalabo kong paningin dahil sa luhang gustong lumabas sa akin.

"Stop thinking about him, Arabella," he repeatedly said as he hugged me. "You have no idea how much you're hurting me when you cry over that jerk."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status