Share

Chapter 80

“Shit! Johan! Can you hear me?! . . . Sergeant Manalo, are you there?! Hello?!”

Samo’t saring kabog sa dibdib ang sumakop sa buong sistema ko sa hindi magkamayaw na pagtawag ni Thanos kay nila Johan mula sa kabilang linya. Gusto kong magtanong kung ano bang nangyayari at bakit panay na lang ang pagsigaw niya at pagmumura, ngunit walang lumalabas na tinig sa akin. Ayaw man lang makisama ng aking bibig at boses dahil sa pagkabahala na nararamdaman ko. Sa pagkakakilala ko sa kaniya ay hindi magandang isipin ang masasalamin sa ganiyang kilos at boses niya.

Kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa kanila.

“Johan, can you hear me?! Am I audible?!” Sunod sunod pa ring tanong ni Thanos sa pinsan, habang mabilis na nagtitipa sa laptop niya kasama ang ilan sa mga pamilyar na tauhan nila ni Johan.

“Sir, Thanos. Wala na po kaming signal kay Sir, Johan—”

“What?!” Nakakabinging pagsigaw ni Thanos, kasabay nang buong puwersang pagtayo sa kaniyang upuan upang lumapit sa isang tauhan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status