Share

Chapter 03

"Ayaw ko niyan, Johan. Hindi naman na masama ang pakiramdam ko, oh!." dabog ko at tago sa compartment niya.

Ilang araw na simula ng mag-file ako ng leave dahil sa utos nitong baklang 'to, naiinis ako sa kanya sa totoo lang, pinilit niya talaga akong mag-leave at sabi pa sa akin na siya na daw ang bahala na mag-abot ng pera kay nila Mama. 

Malaking tulong na yun kung tutuusin, pero hindi naman garapal ang mukha ko para i-grab na'lang ang offer niya, parang ang sarap niyang takasan sa totoo lang.

"Isa, Arabella, wag mo kong paghintayin." halata ang inis sa boses nito, sumilip ako ng kaunti sa kanya at kitang-kita ko kung papaano niya nasundan ang mata ko. I smiled at him nervously.

"Lalabas ka jan o papasukin kita?." pagbabanta niya at napalunok ako sa sumagi sa utak ko, biglang uminit ang pakiramdam ko sa paligid. 

Putcha!

I immediately hid under the compartment, rinig ko ang malakas na tili ni Johan habang malakas na hinahatak sa akin ang compartment niya.

"Inumin mo na kasi to, Arabella, it's just herbal you witch, makakatulong sayo 'to!." 

Muli akong sumilip. "Just a herbal?! hah?!, 'e kung ibuhos ko yan sayo?!." inis ko sabi sabay tago ulit.

Ayaw na ayaw ko talaga nang mga herbal supplement, painumin niyo na ako ng pinaka-pangit na lasa ng alak wag lang ang herbal meds, ikamamatay ko!

Speaking of herbal, this gay manipulated me last night, akala ko avocado juice ang iniinom ko 'yun pala ay herbal juice na! 

"Arabella, dalawa!." napipikon na sigaw nito.

Napairap ako, as if naman matatakot ako sa kanya. Once again ay inilabas ko ang ulo ko sa compartment at kinalabit ang legs niya. 

"Tulungan pa kitang magbilang gusto mo?." pang-iinis ko pa at nanggagalaiti ang bakla na sinakal ako!

Masyadong mabilis ang pangyayari, hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin at ang gagong bakla na 'to sinakal pa talaga ako!

"A-Ackk!." nahihirapan na paghinga ko at pinapalo ko pa ang braso niya. Tangina, papatayin ata ako ng bruhang 'to! 

"Bwesit ka talagang babae ka, pahihirapan mo talaga ako ah! You're really such a pain in ass."

"M-Mas masakit pag-w-walang p-pwet." hirap na usal ko.

Gusto kong matawa sa sarili ko, sa kalagayan kong ito ay nakuha ko pa talagang magbiro. Nakahinga lamang ako ng maluwag ng tigilan ako ni Johan at dahil sa gusto kong gumanti ay patayo na sana siya ng bigla ko siyang tuhurin.

"A-AAhh!." pamimilipit niya at napataob sa higaan. Namumula ang mukha nito, namimilog ang mata at unti-unting nalabas ang ugat niya sa leeg. "I-Itlog ko!." hirap na sigaw niya. "A-Ang itlog ko, peste, A-Arabella!."

I burst out laughing at pinatungan siya sa likod niya nang magpagulong-gulong ito sa higaan, nang dumapa siya ay dumapa din ko sa likod niya at ang bakla ay halos mamatay na sa pandidiri.

"Y-Yuck! Yung boobs mo!." palo nito sa higaan at pilit na gumagalaw. 

"Ano yung boobs ko? Malaki?." tawang tanong ko at ayon na naman ang pagtili niya. "Para ka talagang bakla, Johan-."

"Tanga ka? BAKLA TALAGA AKO!." sigaw niya na naman.

Tibay naman ng esophagus nito. Ngumuso ako at tumayo na, para naman siyang nakahinga, tumihaya ang gaga at matalim akong tinitigan. Naningkit din ang mata ko sa kanya at may naisip na naman ako na kalokohan. Mabilis akong pumatong sa may tiyan niya at grabe nga naman na panlalaki na mata ang pinukol ng bakla sa akin.

Napatakip ito ng mukha at parang tuod na hindi gumagalaw.

"Arabella, pag di ka umalis jan, pagsisisihan mo talaga yang kilos mo sinasabi ko sayo!." banta nito

I just giggled.

"Arabella." mahinang bulong nito sa pangalan ko gamit ang malalim nitong boses at sa di malamang dahilan ay nagdulot ng samo't saring kuryente sa aking katawan.

Mabilis pa sa alas-kwatro akong umalis sa kanya at tumayo. Before i even could go, Johan pulled me towards him.

"Saan ang punta mo?." husky ang boses na pagkakakatanong nito, putanginaaaa! i cannot!

"K-Kakain." naisambit ko.

Johana rolled his eyes and lead the way leaving me behind. 

Napahawak ako sa dibdib ko. What was that? A sudden unfamiliar feelings tickled my heart. Aatakihin ba ako? Napabuntong hininga ako at iginawi ang paningin ko sa shoulder bag kong nasa sofa. 

I immediately took my inhaler, nag-re-ready sa posibleng mangyari. 

Napapikit ako ng marinig na naman ang malalim na boses ni Johan na nag-p-play sa isipan at pandinig ko. Aatakihin talaga ako ng wala sa oras nito. 

It's like a music-no-hindi-andwae, pano naging music ang boses ng gagang yun, 'e sintonado yun, ghosh am i going crazy? Ganito ba epekto ng herbal na pinainom niya sa akin kagabi?

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang makarinig ako ng pagkatok. nang lingunin ko iyon ay si Johan. 

"Let's eat na, nagluto ako ng favorite mo." ngiting usal nito.

Nakailang pikit ako bago ko nakumpirma na hindi guni-guni ko lamang ang pagkakangiti niya, it's so genuine. " Did you just genuinely smiled at me, Johan?." sabay angkala ko sa braso ko sa bewang niya ng makalapit, ramdam ko ang pag-kembot ng kanyang balakang bagay na ikinangisi ko.

Matambok ang pwet ni Johan, kaya naman kada kembot niya ay natatawa ako, ang sarap kasi nong tingnan, parang ang aliw lang.

"You're hallucinating, why would i give you a genuine smile? Hindi pa naman ako nababaliw para ngitian ka ng ganon, bruhilda ka." sabay pabirong hila niya sa buhok ko.

"Aba'y malay ko, baka na-a-amaze ka na sa beauty ko." biro ko rin at ayon na naman ang di-madrawing niyang pagmumukha.

"Yuck, may beauty ka ba?."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kung hindi ka lang bakla, baka nga nong unang kita mo pa'lang sa'kin, maulol ka na, huh." pagmamayabang ko.

Well, totoo naman talaga ang sinabi ko, ma-a-assign ba akong muse ng campus namin nong highschool kung hindi ako maganda? I mean, duh beauty and brains nasa akin na, sinong hindi mahuhulog diba?

"For your information, kahit magiging lalaki ako, hinding-hindi ka pa'rin papasok sa standards ko."

Aba ang tibay ah.

"Wannan know why?." biglang seryosong tanong nito sa akin, ngumuso ako nagkibit-balikat.

"Dahil kahit kailan hindi ako magkakagusto sa taong ilang taon ng iniwan, ay parang tanga pa'ring nagluluksa." he look at me intensely,. "And because of that, you really don't fit into my standards, Arabella."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status