Share

Chapter 02

"So nasasaktan ka nga tuwing nakikita mong umiiyak si Arabella dahil sa ex niya?." maka-ilang tanong na ni Eric.

Andito kami ngayon sa may starbucks at parehas na breaktime namin, kabilang kay Johan na wala namang trabaho at gusto lang rin maki-kape.

Napanguso ako. Nag-iipon nga ako at minsan na'lang kung mag-order dito tapos nagpa-palibre naman siya.

Napailing na'lang ako.

Hindi sumagot si Johan, tumingin ito sa akin at nagtaas-baba ang kilay ko. Inirapan niya ako at ako naman ay ganon din sa kanya, galing nito. Pagkatapos mag-care about sa akin, iirap-irapan na'lang ako.

Hinarap ko sila Eric at tumango."Oo, i literally heard him saying those words to me, after that my tears immediately taken back!." ako na ang sumagot para sa kanya. 

Eric and Thanos immediately went bonkers on Johan, kitang-kita ko ang pagka-inis nito sa mga nangyayari, i can't help but just to laugh at his reaction.

"Mga impakta kayo!." Johan exclaimed and we all went shut our mouth and turn our gaze to the other side. I can barely breath because i still want to laugh. 

"What's the big deal on it?." parang natatangahang tanong niya sa amin. 

"Ofcourse, sinong matinong kaibigan ba ang hindi masasaktan kung nakikita mong umiiyak ang kaibigan mo? As if naman hindi ko sinabi sa inyo 'yan noon?!." Johan looks like an angry bird. A super red one.

Thania apologized and so we are. "Di ka naman mabiro bakla, napaka-pikon naman nito." komento ni Eric.

"Tigilan mo ko, Eric baka masuntok kita."

Natigilan ako at ngising pusang nilapit ang mukha ko sa kanya. "As if naman keri ng itlog mong sumuntok, Johan?." natatawang sabi ko at namula ang kanyaang tenga, muling nabuhay ang tawanan sa pagitan namin.

"Bakit, itlog ba ang ginagamit pan-suntok, Arabella?." 

Dali-dali akong napa-iling.

"Ni-literal ng gaga." si Thanos.

"Hay naku, wag niyo ng asarin si Mama mo Johana, nabibigkas ang true name ko, kadiri!." si Eric.

Muli kong ibinaling ang atensyon ko kay Johan.

"Suntok ka nga, Johan. Pakitaan mo naman kami ng mga da-moves mo, tutal ay black belter ka naman sa karate, at meron ka ring medal sa boxing, why not magpakitang gilas ka?." paghahamon ko sa kanya.

He took a sip at his coffee and leaned back to his chair. "Ganyan ba epekto ng pag-alaga ko sayo, Arabella? You're literary crossing your joke on me?." 

Napalunok ako sa kaseryosohan ni bakla, ampota ang taray niya na naman. Pag siya nagbibiro sa akin nasabay lang ako, pero siya...never! Siraulo talaga.

"Am i a joke to you?." he added making me numb for a seconds.

"Si Thanatos kasi 'e." sisi ko naman sa kaibigan naming si Thanos na nanlaki ang mata at muntikan pang mabuga ang kanyang iniinom.

"Anong Thanatos, bruha ka!."

"Bakit, yun naman talaga name mo diba?."

"Thanos lang yun, hindi Thanatos, impaktita ka talaga kahit kailan, Arabella!." naiiyak na kunwaring saad niya.

Tumawa lang ako at muling pinagpatuloy ang pag-inom sa kape ko. Gusto ko sanang kausapin si Johan pero mukhang wala sa mood ang lolo niyong bakla.

Gusto kong tumawa ng bongga ngayon at asarin siya, pero dahil siya si Johan na epal, sinarili ko na'lang ang tuwa ko. Baka mamaya ako ang makatikim ng kanyang suntok, kawawawa naman ako.

"Be there at 5-sharp, wag mo kong paghintayin dahil talagang sasabunutan na kita, maliwanag?."

Napatango ako kay Johan bago tuluyang pumasok sa trabaho ko, kumaway pa ako sa kanya pero as usual irap lang ang natanggap ko. 

Ang impaktitang yun, wala nang ginawa kundi ang magtaray sa akin. Pasalamat talaga siya at hindi ako napatol sa bakla, kundi kawawa siya. hehe.

Walang bago sa araw ko, nakaka-stress ang buong maghapon kahit naka-upo lang. Kinuha ko ang phone at pinicturan ang lamesa kong ubod na ng kalat dulot ng mga mali kong report. 

I posted it on i* and Johan immediately commented, wala pa ngang ilang segundo bago ko na-upload yung pic.

'Work hours, pero todo kalikot sa phone ang inaatupag mo?.'

Mabilis kong binura ang comment niya at tinurn-off ang comsec. Papahiyain pa ako ng bakla, katulad ng inaasahan ko, Johan called me. 

["What do you think you're doing? Office hours and you're just posting some nonsense things on i*? Do you want to lose your job?."]

Bumuga ako ng hangin bago ko siya sagutin. 

"Tumawag ka para sermunan ako?." walang ganang tanong ko, ayaw kong makipagtalo dahil sa pagod na nga ako. Pero deep inside sa utak ko, may senaryo ng pinapatay ko siya, charot!

Daig niya pa ang boss ko.

Napapikit ako habang panay ang sermon ni Johan sa akin, ang daldal niya, daig niya pa pwet ng manok. Kung bomba lang siya, matagal ng sabog ang kinalalagyan niya ngayon. 

["Stop holding your phone, Arabella. I'm telling you, your going to lose your job this time pag-hindi ka pa umayos. Do you think I will help you? No, never, gaga ka!.]

Napahilot ako sa sintido ko. 

["Malaki ka na pero tingnan mo ang ginagawa ko sayo, araw-araw na panenermon na ang ginawa ko sayo, hindi ka pa'rin nadadala. You're so annoying, do you know that?!.]

Wow, ah. Ako pa annoying, 'e siya nga itong nakakainis na dahil hindi ko maibaba ang phone ko, bwesit na baklang kabayo na 'to!

["Gigil mo ako, beh. Sasabunutan talaga kita mamaya, lagot talaga 'yang hairlalu mo at pisngi mo dahil ipapatikim ko sayo ang--call ended.]

Hindi ko pinatapos si Johan, sumasakit ang ulo ko sa mga patutsada niya sa akin, mas lalo niyang dinadagdagan ang pagod ko sa totoo lang. 

I heavily sighed and went back to my work. Pinatay ko rin ang phone ko para hindi ako ma-distract. Kaloka, parang gusto ko tuloy bumalik sa pagkabata, like tanging mga kalaro ko lang ang pro-propblemahin ko, nothing more, nothing less. 

Yung tipong iiyak mo na'lang, tapos maiintindihan na nila kasi bata ka 'e, pero pag-nasa ganitong edad ka na, hindi ka pwedeng umiyak, hindi ka pwedeng umayaw na'lang dahil kinabukasan mo na ang nakasalalay.

I wish i was born like Johan, hindi naman sa ayaw ko sa pamilya ko, pero sana naging kasing yaman din nila kami, Johan definitely be thankful na maswerte siya, kahit hindi na siya mag-trabaho ay mabubuhay naman siya, hayst sana lang ay magk-anak ang bakla para may kasama siya sa buhay. Isa yan sa mga inaalala ko kahit papaano sa kanya, napaka-swerte niya nga pero wala naman siyang kasama sa buhay-- i mean, anjan naman ang mga parents niya, pero para pa'rin siyang mag-isa. 

Hindi pala-kaibigan si Johan, himala na nga lang na kami ang andito sa tabi niya, masyado siyang pihikan, animo'y buntis.

Napailing ako, kahit may sapak pagdating sa akin si Johan, kaligayahan niya pa'rin ang mahalaga para sa akin, he seems so not worried pero alam ko mismo na nag-iisip rin siya. Kung pwede lang samahan namin siya hanggang pagtanda, gagawin ko talaga.

"Arabella, yung jowa mo nasa lobby na!."

Napangiti na'lang ako sa mga katrabaho ko ng bigyan nila ako ng isang mapanuksong ngiti, hindi naman na big deal sa akin na itinutukso nila ako kay Johan, siya lang kasi ang nakikita nila.

"Sige na gogora na ang sexy na sekretarya ng building na ito, mag-ingat kayong lahat! Babush!."

Pagkababa ko sa lobby ay agad na nagtagpo ang paningin namin, Johan glared at me like he's about to attack me, but somehow ng makalapit ako sa kanya ay nagbago ang ekspresyon nito o nagbago ba talaga? 

Hindi ko na alam dahil nalabo na din ang paningin ko at isa pa, nasikip ang dibdib ko. Siguro ay aatakihin na naman ako ng asthma ko. 

Pasimple akong bumuntong hininga at pinagaan ang pakiramdam ko. 

"Bilisan mo, may pupuntahan pa ako." pagmamaldita niya na naman. 

Sumunod ako sa kanya sa parking at tahimik lang ako. 

"Ano, ba't nakatunganga ka jan?." 

Ngumuso ako at dumukwang sa may bintana ng sasakyan niya, nasa loob na pala siya hindi man lang ako pinagbuksan.

"Ano teh, tatambay ka lang jan? Gusto mo sabunot?.'

Imbes na patulan siya ay pumikit muna ako sandali, narinig ko ang pagmura ni Johan. Nang magdilat ako ay makikita ang pag-aalala sa mukha niya, pinatay niya ang makina at lumabas ng sasakyan, ako, umayos ako ng tayo.

"Are you ok, Arabel?." mahinahong tanong niya, umiling ako. Ayaw kong magsinungaling kasi kasalanan niya kung bakit bumibigat lalo ang pakiramdam ko, hehe. Nanisi pa nga.

Si Johan ang nagbukas ng pinto at marahan akong pinasok doon, kinabitan niya rin ako ng seatbelt at binaba ng kaunti ang sandalan para makahiga ako. Nang makapasok siya ay agad kong tinapik ang braso niya.

"Gusto ko ng kape-ay wag na pala.''agad na bawi ko ng maalala kong may pupuntahan nga pala siya. "Pakihatid na'lang ako sa may terminal, Johan, baka importante ang pupuntahan mo-."

Johan interrupted."No, hindi mahalaga yun, para kang lalagnatin na naman, Arabel, dapat talaga hindi ka na pumasok ngayon, napakatigas kasi ng ulo mo, ewan ko ba sayo. Pag-aalalahanin mo na naman sila Tita sayo 'e, sa condo na'lang kita dadalhin, doon ka muna para hindi sila mag-alala sayo-"

"Hindi ba't parang mas mag-aalala sila kung sa condo mo ako tutuloy."

Sandali niya akong nilingon. "Parehas tayong babae, ba't naman sila mag-aalala?." Bumuntong hinga siya. "Hoy, Arabella, alam mong sa ating dalawa ikaw ang pinaka-delikado kaya kung ano mang nasa isip mo, please lang hindi ako papasok sa kweba mo!."

Natawa ako. "Gago."

"It's gaga, not gago."

"Wala naman akong damit sa condo mo, iuwi mo na'lang-."

"Shut up, Arabel, sa condo ka magpapahinga at period na yun. Don't make me repeat it." 

Ngumuso na'lang ako at hindi na nagsalita, ano bang laban ko sa ugok na 'to, desisyon sa buhay ko ang animal!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status