Share

CHAPTER THREE

–CHAPTER THREE: LIFE OF REAL H*LL–

Walang emosyon kong pinagmasdan ang mukhang nakikita ko sa salamin.

An angelic face that can make all man kneel 

An enchanting smile that can melt your heart

A perfect shaped body that many woman wished to have

A living doll and almost perfect human

Yet lived in full of misery and pain

I laugh bitterly when i remember her first warn, Our first meeting. Isang bwan na ang lumipas ng una kaming magkita sa panaginip ko, isang bwan na rin ang lumipas simula ng namuhay ako bilang sya at isang bwan nakong nakakulong dito sa kwarto namin ni Zyaire.

Tandang-tanda ko pa ang mga salitang iniwan nya sa akin bago sya tuluyang nawala.

'Hindi sya ang tipikal na asawa kagaya ng iniisip mo, Isa syang halimaw na maski ikaw ay kaya nyang kainin'

'Simula ngayon wala ka ng magpagkakatiwalaan pa maliban sa sarili mo'

P*tangina lang! 

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Pakiramdam ko mas gugustuhin ko nalang mamatay at mapunta sa impyerno kaysa makasama ang halimaw na iyon. Kung pwede ngang mag-back out dito matagal ko ng ginawa!

'K*ngina!'

Ngayon alam ko na kung bakit ganoon nalang ang galit nya sa kanyang asawa at kung bakit 

Nasabi nya iyon sa akin. Dahil lahat ng iyon ay totoo at nangyayari na ito sa akin ngayon.

Dagdag pa ang mga ala-alang pinakita nya sa akin, Pagka-gising ko ng araw na iyon nalaman ko na lahat ng bagay tungkol sa kanya. Mula sa mga magulang nya at kapatid hanggang sa pamilya ng bwisit nyang asawa.

Kahit gusto kong labanan at saktan ang g*gong iyon ay hindi maari dahil hindi iyon magugustuhan ng mga magulang Zeinarah or should i say mga magulang ko. Lalo na't may ay ginawa akong kabalbalan sa ama nya. Napangisi ako ng wala sa oras mukhang mapalakas ang sapak ko sa matandang iyon.

'Tsk! Buraot kasi!'

Napapikit ako ng tuluyang nang magbalik ang ala-ala ng una kong kalokohan bilang sya. Ng una ko makita ang tatay nya

–FLASHBACK–

"EMPRESS, Your father here he said he wants to talk to you" Ani ni Kzia ng makapasok sa aking kwarto yumukod ito bago nagsalita bilang tanda ng respeto. Napa-kunot ang noo ko ng sabihin nya iyon.

'Father?'

May tatay ba ako? Ang pagkaka-alam ko p*tay na ang mga magulang ko?

Wala sa sariling napatampal ako sa aking noo ng maalala kong wala na pala ako sa original kong katawan. B*bo lang

Pero seryoso ito ang magiging first meeting namin ang magulang ni Zein. Agad akong napa-bangon mula sa pagkakahiga sa mini sofa ng kwarto.

Bwisit nanonood pa yung tao eh!

Nang makatayo walang emosyon ko syang hinarap, D*mn mukha pa naman akong tanga sa suot ko. Naka ponnies ako ngayon kulay pink ito at may design na kuneho sa ulo. Bakit ba kasi ganito ang mga damit ng babaeng iyon parang bata, Sana kahit yung pantulog nya ay tumino ng kaunti. Pansin ko kasi puro pambata ang mg damit nya, Mukha tuloy akong ewan psh!

"Bakit daw?" Malamig na tugon ko saka pinagpagan ang cheese na nagkalat sa aking damit, Peace out kumain kasi ako ng popcorn habang na nonood ng n*****x well of course kasama yung pusa ni Zyaire na di hamak namang mas magandang kasama kumpara sa amo nya. Muli nag-init ang ulo ko ng maalala ang pagmumukha ng lalaking iyon psh! gwapo nga h*yop naman.

"I apologize empress but i didn't bother to ask, It would be disrespectful for him and also for you"  Paliwanag nya saka yumukod muli tumango ako bilang tugon saka nagtanong ulit

"Nasaan sya?" Tanong ko nalang saka binuhat yung pusa, Hay bumili kaya ako ng isa pa para may ka-partner sya. Baka maging bitter ito tulad ko

"He's in the living room empress" Sagot nya tumango nalang ako saka naglakad palabas 

Pero hindi pa man ako naka-ilang hakbang ay muli nya akong tinawag

"U-uhm, Empress?" Alanganing tawag nya kunot noo ko syang liningon. Ano nanaman ba!

"What?" Ani ko saka kumuha ng popcorn sa bulsa ng aking ponnies pero syempre hinagis ko muna ito ere saka sinalo gamit ang aking bibig.

'Nice!!'

"Are you sure that you're going to face him while wearing that thing?" Ngiwing sagot nya napatingin naman ako sa suot ko may mali ba dito sa suot ko tatay ko lang naman ang haharapin ko.

"Why is this wrong?" Balik tanong ko sa kanya saka sya tinignan sa mata, yung tipong tingin na oras na hindi ko magustuhan ang sasabihin nya ay il*libing ko sya ng buhay, Napangisi ako ng napalunok sya.

"N-never mind empress, it actually fits to you" she compliment psh plastic din naman ang isang ito eh, Ako nga hindi nagagandahan sa mga pinasusuot ko sya pa kaya!

Hindi ko na sya pinansin saka naglakad palabas ng kwarto, tahimik lang kami habang binabalagtas ang hallway maya-maya ay nakarating na kami sa main staircase ng palasyo, Oh well ngayon ko lang actually nalaman na ito pala ang main palace ng mga Cassano. At tanging kami ni Zyaire lang ang nakatira, Nalaman ko rin na may Centered palace sila kung saan nagtatrabaho ang iba pang royalties.

Kabilang ang mga Count, Duke, Prince ganoon din sya pero kaso hindi ata talaga ako belong dahil ayaw akong payagan ng kumag na pumunta doon marami raw lalaki. Ano namang tingin nya sa akin two timer, salawahan bwisit!

Nang makababa agad na bumungad sa akin ang lsang matanda at sa tansa ko ay nasa mid fifties na ito, Naka-tuxendo ito seryoso itong nakatingin sa akin ganun din ako. Ngunit may isang parte ng katawan nya pumukaw sa atensyon ko ang kanyang ulo, Dahil pftt..

"HAHAHA K*ngina akalain mo yun Kzia panot pala tatay nya!" Hindi ko na napigilan pa at agad na humagalpak sa tawa p*tcha kung makikita nyo lang konti nalang ay makakamukha na nya si shaolin!

O kaya naman low budget version ni James Bond ang peg.

Nakita ko sa peripheral vission ko si Kzia kita ko ang pag-pipigil nya ng tawa ganoon din ang mga katulong dito sa palasyo. Kahit ang mga body guard na nakabantay sa akin halos matawa na.

'Mukhang magiging masaya ang first meeting ko sa panot nyang tatay, Pftt'

Maya-maya pa ay humupa na ang pagtawa ko 

Kaya bumaling muli ako ng tingin sa matanda

At hindi na ako nag-taka ng bumungad sa akin ang namumula nyang mukha dala ng galit. Wala sa sariling napa-lobo ko ang aking bibig para mapigilan ang nagbabadya kong tawa

'Buraot ka Zaina! Tatay mo na yan ngayon'

"How dare you? Speak to me like that wala ka talagang modo" Biglang sigaw nya sa akin kaya natigilan ako kita ko rin ang pagyuko ng mga katulong namin, bakas sa kanilang mukha ang takot samantalang si Kzia nakatungo lang at walang emosyong nakangin ng diretso sa kanyang harapan

Ngunit pagka-ganoon man ramdam ko rin ang pagiging alerto nya na Para bang alam na nito ang gagawin oras na may gawing hindi ka aya-aya ang matandang nasa harapan ko.

Napa-ayos ako ng tayo saka ko sya tinignan ng blanko ang ekpresyon, Alam ko ang bagay na ito naalala ko ang mga memorya ni Zeinarah sa kanyang ama at lahat ng iyon ay puro kah*yupan lang at pagmamaltrato sa kanya.

Nalaman ko rin na pinagbili lang ng kanyang ama si Zeinarah sa emperor dahil sa nalapit ng ma-bangcrupt ang kumpanya ng kanilang pamilya. At ginawa lang pambayad ng utang si Zein sa pamilya ng mga Cassano which is alam kong advantage ni Zyaire para makuha sya.

Lihim ako napangisi kung akala nya mapapaikot nya ko tulad ng anak nya pwes nagkakamali sya, kung inaakala nyang hindi ko sya lalabanan lalong mali sya. Hindi ako ang anak nya at lalong hindi ako katulad ng anak nyang handang magpaka-t*nga matanggap lang sya sa kanilang pamilya.

"Youre unbelievable, You giving me more reason to shame you as my child. Youre imm*ral, unmannered and shameless kid. Bakit dahil ba asawa kana ng emperor at mas mataas na ang rango mo sa akin kaya kinakaya mo na akong bastusin ng ganyan, Tandaan mo Zeinarah ako ang dahilan kung bakit ka nandyan kaya matuto kang gumalang... Bastos na bata!" Sigaw nyang muli.

"Mawalang galang na tanda! Pero kase talent ko yun eh. Ano magagawa ko" Kalmado ngunit 

Nakakaloko kong sabi saka ngumisi sa kanya dahilan para lalong syang mag-ngitngit sa galit.

"WHAT!" Galit nya sigaw. 

'Bangasan ko kaya toh! Kung makasigaw akala mo bingi ang kausapa nya!'

"Bingi ka ba ang sabi ko talent yun ang bastosin ka, At nabuhay akong muli para bastusin ka hanggang sa matsugi kana" Makahulugang ani ako nakita ko naman ang pagkunot ng noo nya na para bang hindi nya na gets ang huling sinabi ko.

'Sige isispin mo, Tanda!'

Alam kong hindi nya naitindihan ang huling linyang binitawan ko, Pero dahil mabait nako sa aking second life at nangakong hindi nako 

Mananakit ng ibang tao sige ipapaintindi ko sa kanya isa-isa. But of course with a twist!

Dahil naniniwala ako sa kasabihang action speak lounder than words, Bakit hindi natin i-apply sa kanya at ipaparanas sa kanya ang  

Kah*yupang ginawa nya kay Zeinarah, Pero in a nicer way naman.

'Masaya yun!!'

Muli akong natauhan ng bigalang may sumigaw which is si tanda uli na sobrang lakas ng sigaw nya ay napatakip ako ng tenga

'Nakalunok ba sya ng mic! Bwisit!

"Imbec*le, mukhang tama ang balitang nasagap ko nabagok nga siguro ang ulo mo kaya lalong lumala ang pagiging walang modo mong ugali!" Sigaw nya sa akin, Bigla tuloy naginit ang ulo ko, Inaasar ba ko nito alam ko namang wala akong modo at proud ako sa bagay na iyon dahil hindi ako plastic katulad ng kaibigan mo!

Hindi nalang ako sumagot at pinilit na kumalma baka kasi pumutok agad ang butsi ko at map*tay ang matandang ito ng wala sa oras. Hayst naalala ko tuloy ang pangako ko kay Zein

'Mangako ka Zaine, na hinding hindi mo sasaktan sa kahit anong paraan ang aking ama. Anoman ang gawin nya sayo'

'Pangako'

Putengene naman oh! mukhang masisira ko ang pangakong iyon dahil sa pangit na paguugali ng tatay nya, Hindi pa naman ako sanay na hindi lumaban. Lalo na't pikon akong tao!

Ano nalang ang mangyayari kapag dumating ulit sya dito baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa matsugi sya ng wala sa oras, Ugh! Ang hirap naman

"Tigilan mo na pagiging pabigat sa emperor at 

Tumulong nalang sa kanya baka sakaling magkaroon ka ng silbi sa ating pamilya! T*nto, Idi*ota" Bulyaw nyang muli at saka tumalikod.

Napayukom ako sa aking kamao, Ito na nga ang sinasabi ko. Bingo na ang matandang ito sa akin. Nahanap na ata nya ang keyword na magpapa-putok ng butsi ko, kanina pa nya ako linalait eh isang beses ko lang naman syang nilait in a nice way ko pa ginawa ah..

'Humanda ka ngayon sa akin panot!'

Tawagin ba naman akong walang silbi eh breadwinner at justice giver nga ako ng pamilya ko, Nagawa ko pang isakripisyo ang buhay ko para lang mabigyan sila ng hustisya at wala akong pinagsisihan doon.

Ngayon tatawagin nya akong wala silbi aba! Ibang kaso na ata iyan!

"Hoy Tandang panot!" Kuha ko sa atensyon nya lumingon ito sa akin. Blankong emosyon ko namang sinalubong ang tingin nya, Dahan dahan kong tinupi ang sleeves ang aking ponnies hanggang siko.

Saka ko pinatunog ang mga daliri ko na para bang may bubugbugin ako ngayon, Oh well meron naman talaga..

"Maling sinabi mo ang bagay na iyon shaolin" Kamalmadong ani ko napataas naman ang kilay nya ngumisi ako saka pumwesto ng pangatakeng posisyon.

'Lagot ka sa akin!'

"Dahil sa ginawa mo binigyan mo lang ako ng dahilan para palabasin si Bruce Lee!" Sigaw ko saka sya sinukod

Mamaya nalang ako hihingi ng sorry kay Zein, Pero sige I-aadvance ko na ang paunang sorry 

'Pasensya na kapatid, Pero talagang totoo ang kasabihang promise are meant to be broken kaya isa lang ang masasabi ko..Peace out nalang sayo!'

Nang makalapit sa sakanya agad ko syang dinambahan sa likod saka sumakay doon. Para akong matsing na nakapit sa kanya nakita ko ang pag-alerto ng mga gwardya nya pero mabilis ko silang tinignan ng masama.

"Subukan nyong lumapit" Babala ko saka dinuro sila , "At isiguraduhin kong isusumbong ko kayo kay hubby para ipaligpit nya ang bawat angkan nyo" Bulyaw ko sa kanila nakita ko ang paglunok nila at pamumutla ng kanilang mukha.

'Mukhang epektib ang, Ang hubby blackmail ko! HAHA panis'

Noong una ay hindi pa ako sanay na tawagin syang ganoon pero ng magtagal na-obserba kong rumurupok ang kumag na iyon sa tuwing binabangit ko ang salitang 'hubby' kaya kalaunan ay nasanay nakong gamitin ang endearment na iyon kapag may pabor akong hihingiin sa kanya.

'Hubby is the key!'

Nabalik ako sa ulirat ng bigalang nag pumiglas ang panot kita ko ang hirap nya sa paghinga dahil nga sa naka-kapit ang isang braso ko sa kanyang leeg habang ang isa naman ay nakasabunot sa bilang nyang buhok

"W-what t-the h-h*ck y-your d-doing woman!" Sigaw nya habang pilit na nagpupumiglas Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ang pagsabunot sa kanya. Maya-maya ay napukaw ng atensyon ko si Kzia may dinadial sya sa kanyang cellpho

leche! Siguradong si Zyaire ang tatawagan nya!

"Kzia tumigil ka! huwag na huwag mong tatawagan ang kumag na iyon at hayaan muna akong ubusin ang nalalabing buhok ng matandang ito!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status