Mga kalahating minuto ang lumipas ng ma-receive ko ang wedding dress na binili sa akin ni Ma’am Helena. Akala ko ay ayun na iyon ngunit nagulat ako ng sampung mag-aayos sa akin ang pumasok sa hotel room ko.
“Good morning, Miss Danielle. Ma’am Helena ordered us to help you with your make-up and hairstyle.” Napakamot ako sa pisnge dahil sa hiya. “U-Uh, kaya ko naman po ayusan sarili ko hehe,” Sambit ko at hilaw na tumawa. Umiling ang pinaka head stylist at ngumiti. “Where here not just to make you beautiful but also to assure you na hindi ka mahihirapan at mapapagod dahil kailangan mong i-present ang sarili mo sa magiging asawa mo.” Napabuntong hininga na lang ako at hindi na nagreklamo. Dahil utos rin naman ito ni Ma’am Helena ay tinanggap ko na ito dahil wala namang masama sa ginawa niya. In fact, inalala niya lang ako para maiwasan kong mapagod. Saglit akong tumawag kay Ma’am Helena at may sinseridad na nagpasalamat. Dapat kong i-appreciate ang mga ginagawa sa akin ng mabuti ng ibang tao dahil hindi lahat ay kayang gumawa ng mabuti na may sensiridad. Katulad na ng magulang ko. Nagsimula nila akong ayusan sa mukha. Hindi basta-basta ang pagdampi nila ng mga gamit nila sa mukha ko dahil binilinan raw sila ni Ma’am Helena na huwag akong makaramdam ng kahit anong kati, sakit o ano pa man iyon na makapagpa conscious sa akin. Halos umabot ng 20 minutes ang pag-aayos nila sa mukha ko kaya agad nilang sinunod ang pag-aayos naman sa buhok ko. They gave me a brochure na kapag binuksan mo ay makikita mo ang 500 types of wedding hairstyle. Namangha ako sa mga hairstyle na nakita ko. Pinapili ako ng mga ito kung ano ang gusto ko ngunit ibinigay ko ang brochure sa kanila at hinayaan ang mga ito na pumili sa akin. “Okay ba ito sayo, Ma’am? This one looks simple in front but when they looked at you at the back, the elegance and the styles will make your groom look at you with full of love,” Nang marinig ko ito ay napangiti ako at nakaramdam ng kilig kaya sumang-ayon ako sa rekomenda nito. Halos umabot ng kalahating oras ang pag-aayos sa buhok ko at ng sa wakas, maingat nilang sinuot sa akin ang isang kumikinang na gown na gawa sa diyamante. Ang haba rin ng laylayan ng gown ay halos katumbas ng dalawang limousine na mahaba. “Ma’am Helena is right when she said that there’s no wedding gown as beautiful as you could make you look ugly. Your whole existence screams perfection!” Namamanghang wika ng Head Stylist sa akin na sinang-ayunan ng mga kasama niya. Halos makaramdam ako ng pamumula sa nakakatunaw na compliment nito. Bigla kong naalala si Aries at inisip kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nakita na niya ako mamaya. Mahuhulog kaya ito sakin? Magugustuhan na niya kaya ako? Natapos ang pag-aayos sa akin na may maraming katanungan. Kinakabahan rin ako dahil ikakasal na ako sa taong gusto ko. At dahil tapos na rin naman ay pinagpahinga nila ako at pina-relax upang maging handa ako mamaya. Lumipas ang dalawang oras, dumating ang mamahaling chopper ni Ma’am Helena sa hotel rooftop upang sunduin ako. She decided to use it para maiwasan ko raw ang traffic. Nang makalapag sa mansyon ng mga Florenzo ay nagulat ako dahil sa eleganteng palamuti ang mga nakasabit sa bawat gilid. Mayroon ding red carpet papunta sa gitna kung saan doon kami magkikita ni Aries. Parang ang bilis ng pangyayari sa buhay ko. Nandoon na rin ang magulang ko na tila proud ito dahil sa mga magagandang ngiti ng mga ito. Pinagmasdan ko rin ang mga bisita na halos mahiya na lamang ako dahil sa pagiging elegante ng mga awra ng mga ito. I’ve looked for Aries Florenzo in front and I saw him standing there, staring at me coldly. Nakaramdam ako ng saglit na pagkirot sa aking puso dahil sa ibinibigay nitong tingin sa akin. Kahit na ganito ito ay pinakita ko pa rin ang ngiti ko. Yes he is cold to me but it doesn’t stop me from praising his looks. As usual, mala greek god talaga ang itsura nito na halos maiisip mo na lang na paano naging perpekto ang mukha nito? He was wearing a simple black coat yet it screams expensive and powerful. Bakit ba bagay lahat sa kanya pero parang hindi kami bagay para sa kanya? Napailing ako at natawa sa aking isip. Nag-umpisa ang ceremony na halos nakatitig lamang ako sa kanya. Hindi nagkaroon ng pagpapakilala sa mga bisita at sa family ko dahil na rin sa kagustuhan ni Aries. Nang tawagin ako ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya na hindi man lang hinihiwalay ang aking tingin. Parang gusto ko na lang siyang titigan ng magdamag dahil sa maganda nitong mukha. Tila nag slow motion ang lahat ng makalapit ako. The Father says something na hindi ko na maintindihan. Walang vows o anuman dahil hindi talaga pumayag si Aries, ayon kay Ma’am Helena. Mabuti nga at napilit pa nito na sumipot sa kasal namin na hindi ko alam kung kasal ba talaga. Masakit, oo. Sobrang sakit mg ganitong senaryo. Para bang pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa kanya na halos kamuhian naman ako nito. “You’ll gonna regret marrying me, Danielle.” Malamig sa malamig pa nitong bulong sa akin na nagpataas ng balahibo ko. “You may now kiss the bride,” Rinig kong saad ng pari ngunit hindi man lang kumilos itong si Aries. Nakatitig lamang ito sa akin na tila walang pakialam. Nagkaroon ng bulong-bulungan sa paligid tungkol sa akin at kay Aries na nagpabahala sa akin. Nakita ko ang paglukot ng mukha nito na tila naiirita sa paligid. Nilingon ko ang mga ito and they are really whispering bad to us, especially to Aries. Nag-isip ako ng paraan kung paano mahihinto ang mga ito. Saglit kong tinignan si Aries at hinawakan ang braso nito. Napalingon ito sa akin na may kunot ang noo na tila ba iniisip kung anong ginagawa ko. Napakagat ako ng labi sa naisip ko. “I’m so sorry Aries but I need to protect you from them,” Pagbulong ko ngunit hindi narinig kaya bahagya itong lumapit sa akin upang pakinggan ang sasabihin ko. Ngunit ginawa ko itong opportunity. I tiptoed and gave him a soft kiss to his lips. I close my eyes to feel my heart become crazy. Libo-libong boltahe ang naramdaman ko sa buo kong katawan. Ang puso ko ay tila sasabog na dahil sa bilis ng tibok nito. Hihiwalay na sana ako sa aming halik ng hapitin nito ako sa beywang at mas diniin at nilaliman pa nito ang halik. Nagulat ako at hindi naka-respond but as soon as he kisses me more deeply, nagpaubaya na lang bigla ang katawan ko at hinawakan ito sa dibdib. Nang matapos ay humiwalay ito sa aming halik at tinignan ako nito na may kakaibang emosyon. Isang emosyon na hindi ko mabatid. There is something I want to say to him kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita sa kanya na nagluha sa akin sa saya. “I-I love you, Aries. Mahal na mahal kita sobra,”Dahil na rin sa daming kailangan gawin ni Zero ay pinaalis ko na ito dahil mukhang ayaw pa niyang iwanan ako agad. Mabuti na lang at napapayag ko ito dahil aalis rin ako katulad niya.“Ma’am Danielle! Kumusta po?” Bati sa akin ng isa pang staff ko na si Ronnie. Nginitian ko ito.“Okay lang naman. Kayo kumusta kayo dito?” Balik na tanong ko.Kumamot ito sa kanyang ulo at sumimangot.“Okay rin naman po kami kaya lang dahil naaksidente yung isang kasamahan namin ay kailangan pong may pumalit. Pasensya na po kung pinapunta pa po namin kayo dito,” Naiilang na sambit nito at yumuko.Hinawakan ko ito sa balikat at bahagyang tinap.“Ako ka ba, okay lang no!” Natatawang sambit ko at umiling. “Tsaka, na-miss ko talaga ‘tong flower shop ko eh,” “Ganun po ba? Sige po, dahil gusto niyo naman po at hindi ko kayo pinilit, edi salamat po!” Masiglang wika nito kaya hindi ko maiwasang matawa sa biro nito.Pumasok na kami sa poob ng Folower shop at nagpaalam ito sa akin na mag-aasikaso muna kaya hinaya
Ilang araw na ang lumipas simula noong unang pagkikita muli namin ni Tita Helena. I can say na na-miss ko talaga ito dahil tinuring na naman ako nito na parang anak niya. Buong araw ay nag-stay lang ito sa hotel ni Zero, taking care of Uno. Dahil ayaw rin naman namin maisip niya na parang ayaw namin siyang papuntahin ng bahay ay sinama namin siya sa bahay. Ginawa namin iyon para makapag relax siya at hindi ma-awkward sa paligid niya. Magta-talong araw na siya rito sa amin and It seems like she’s having fun with her apo. Wala naman sa amin iyon dahil makakapag trabaho si Zero ng maayos. Ako naman ay minsan ay nadalaw sa flower shop na hinabilin ko sa mga nagbabantay doon noon simula nang dumating ako.and I might say, sobrang na-miss ko ang shop ko. Ito rin kasi ang puntahan ko noon kapag ang daming nangyayari sa akin noon na kamalasan. “Tita, punta lang po ako sa shop ko. One of my staff got into an accident kaya hindi makakapunta, okay lang po ba kayo dito?” Tanong ko habang naka
Lumipas ang buong araw na nasa bahay lang kami ni Uno. Si Zero kasi ay agad na pumunta ng Z Hotel upang mag-asikaso ng mga kailangan niyang gawin. Kinabukasan ay tsaka lamang kami nag-decide na papuntahin si Tita Helena sa Z Hotel kaya maaga akong nag-ayos upang makapunta sa Hotel kasama si Uno. Tumawag rin kanina si Tita at ramdam ko ang pananabik niyang makita kami. Inayusan ko si Uno at binihasan ng maayos. Hinanda ko na rin ang kanyang mga bote at gatas na iinumin niya mamaya. Kumuha rin ako ng ilang baby clothes kung sakali man kailanganin kong palitan si Uno. Natapos ang pag-aayos ko ng maaga kaya maaga rin kaming aalis ngayon. Kinuha ng driver ni Zero ang iba kong dala at nilagay sa compartment ng sasakyan para makarga ko si Uno. Halos lumagpas ng kalahating oras ang naging biyahe namin. Mabuti na lamang ay maaga kaming umalis dahil kung hindi, sobrang mata-traffic kami. “Love! Okay lang ba kayo? Kumusta ang biyahe?” Pagsalubong ni Zero sa amin at binuhay si Uno. Ni
Zero and I got married after I labored my baby. Siya na rin ang nag-insist na ikasal kami after ng panganganak ko dahil mas okay raw iyon. Sa buong walong buwan na pagtitiis ko na dalhin ang bata ay nakaalalay lang palagi sa akin si Zero. We moved to America para makapag-relax kami at makalayo sa mga pangyayaring ayaw ko ng balikan pa. Masasabi kong sa buong ilang buwan na pagsasama namin ni Zero, hindi ako nito pinabayaan at iniwan man lang ng walang paalam. Palagi rin itong nag-aasikaso sa akin, sa gawaing bahay at sa pagluluto na talagang minabuti niyang pag-aralan nang siya pang upang matuto ito. That made me fall for him. Nagsimula akong tignan si Zero na isang lalaki na magiging asawa ko habang buhay. “Love, mag-ingat ka sa pagbaba ng hagdan at baka mapano kayo ni baby Uno,” Nag-aalalang wika nito matapos i-lock ang pinto ng aming bahay. Buhay ko kasi si Uno, ang pangalan ng baby namin dahil na rin maraming dala si Zero na mga gamit namin. “We’re fine. Let’s go quickly, we
“. . . Wala ka ng karapatan sa bahay na ‘to at wala ka ng koneksyon sa amin!” Mabilis kong hinila ang maleta ko habang malalaki ang hakbang naglakad palabas. Hindi ko alam kung paano ko nahila ang maleta ko na punong-puno ng mabibigat na gamit. Siguro dahil na rin sa galit ko at pagmamadali ko na lumayas sa mansyon. Tulo lang ng tulo ang luha ko kahit na hindi naman ako umiiyak. Bakit ganun ‘no? Hindi ko naman gustong lumuha pero dahil sa sobrang sakit ng dibdib ko sa mga nangyayari sa akin ay kusa na lang lumalabas ang luha ko. “The fudge, Danielle! Why are you crying?!” Narinig kong sigaw ni Zero kaya mabilis kong pinunasan ang pisnge ko na punong-puno ng luha. Agad nitong kinuha sa akin ang maleta at tinabi. Pinatingin ako nito sa kanyang mata at halos hindi ko mapigilan na lumuha muli. His eyes looks sincere. His eyes looks concerned. Nakita ko ang pagpula ng gilid ng mata nito at pagpipigil na umiyak. “S-Sasabayan mo ba ako sa pag-iyak?” Natatawang sambit ko kay Zer
“. . .do you want to marry me?” Paulit-ulit itong nagpe-play sa utak kahit na ilang araw na ang lumipas. Nang aabihin niya iyon sa akin ay talagang napatigil ang pag-iyak at natahimik na lang. Kung hindi pa nga ako nito tinawag hindi pa ako makakagalaw. Yun nga lang ay mabilis akong bumalik sa hotel room ko at doon ko hinayaan ang sarili ko na tumulala. Tatlong araw na ang lumipas pero hanggang ngayon ay iniiwasan ko pa rin si Zero dahil sa pagkabigla. At the same time ay natataranta ako tueing magkakasalubong kami. Napabuntong hininga ako at bumangon. Hindi pwedeng mag-stay na lang ako palagi dito sa hotel dahil nakakahiya na rin kay Zero. He just let me be here for free kahit na I insisted to pay. “You’re already paid by staying here,” Natatandaan ko pang sabi nito. Tumayo ako at nag-unat. Kailangan kong umalis kahit papaano kaya I decided to go to my parent’s house. Nag-ayos ako ng sarili at mabilis na lumabas rin agad. Mabuti na lang binilhan rin ako ng mga damit ni