Vexana Mas lalo ko lang inilapit ang sarili ko sa kanya na mas lalo naman nag papula sa mukha nito at ngayon nga ay hindi na ito maka tingin sa akin ng diritso kaya naman ang bu bunyi ang loob ko dahil doon. Patunay lang kasi na may effect pa rin ako sa kanya. Hindi naman halata na may gusto pa rin siya sa akin. Kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon at hindi ko na rin mapigilan pa ang aking sarili ay hinalikan ko ito sa noo. Para naman. mawala ang effect ng pag halik ni Ate Alice dito kanina. Tsaka niyakap ko na rin siya ng mahigpit sabay bulong dito ng "Hindi pa tayo tapos mag usap." pagka sabi ko nun ay agad na rin akong umalis. Baka kasi hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili at hindi lang halik sa noo ang magawa ko sa kanya. Lalo pa nga at amoy na amoy ko na siya ngayon pati na rin ramdam na ramdam ko ang napaka lambot nitong katawan na nag papainit lang lalo sa akin. Sama mo pa ang napaka bago nitong amoy na nanonoot sa kalob loban ko. Kaya naman kahit labag sa loob
Vexana Pag baba ko ay dumiritso na kaagad ako sa kusina upang uminom sana ng tubig pero bago pa ako makapasok sa loob ay nadinig ko na kaagad ang pakikipag usap ng pinsan ko kila Manang. "Ako po ngayon ang mag luluto pwede na paki assist na lang po ako. Sabi ko kasi kay Layla na ako ang mag luluto ngayon e." sabi nito kila manang. Kaya naman ipinag paliban ko na muna ang pag pasok sa kusina. Mamaya na lang siguro ako papasok para naman isipin nito na wala akong alam sa plano niya. Kaya dumiritso na muna ako sa may garden upang mag palamig doon pansamantala. Nag palipas muna ako ng isang oras bago ko naisipan na bumalik na sa loob at dumiritso na nga ako sa may kusina. Sakto naman na sila manang na lang ang nandoon kasi tapos na daw mag luto si Ate Alice. Kaya naman ang ginawa ko ay nag luto din ako para naman makita kung anong luto ang magugustuhan ni Layla. Marunong naman ako mag luto kasi yan na lang ang libangan ko kapag nasa bahay ako at wala masyadong ginagawa. Nag papaturo
VexanaKumakain na kami pero panay ang tingin ko kung ano ang ulam na kinakain nito at lihim naman na napapangiti ako paano ba naman kasi at halata naman dito na yung niluto ko na ulam ang madalas na sandukin nito. Gusto ko sana na humalakhak sa tuwa dahil kitang kita ko ang medyo pagka bad trip na ni Ate Alice ngayon. Lalo na ng di sinasadya ay tumingin ito sa akin. Na sinabayan ko naman ng kindat dito sabay nguso pa sa pagkain. Paano naman kasi ay siya lang naman halos ang kumakain nung niluto niya. Kahit nga ako ay hindi na nag tangka pa na tikman man lang pang yung luto nito. Aba alam ko naman na hindi ito magaling mag luto. Baka kung ano pa ang mga nilagay nito sa pagkain. Mabuti na nga lang at hindi din trip ni Layla ang niluto nito. Hayst alam ko naman kasi na hindi masyado sa masasabaw na pagkain ito kaya nga hindi ganun ang niluto ko e. Akala ko pa naman ay nag research na ito ng tungkol kay Layla. Hindi pa naman pala. Natutuwa naman na ipinag patuloy ko na lang ang pagka
Vexana Pag labas ko ng room ko at sakto an padaan ako sa room ni Ate Alice ay narinig ko na may kausap ito sa kanyang phone. Medyo naka open kasi ang pinto nito at medyo malakas din ang kanyang boses kaya dinig na dinig ko ang pag sa salita ni Ate. Wala naman sana akong balak na makinig sa usapan ng mga ito dahil unang una ay wala naman akong pakialam dito pangalawa ay hindi ako si marites na lahat na lang ay gusto pakialamanan at gusto e broadcast ang kanyang mga nalalaman na may dagdag bawas pa. Pero napa tigil ako sa pag lalakad ng marinig ko ang sumunod na sinabi nito sa kanyang kausap. "Wala na bang ibang choices kung hindi ang kailangan na pumunta na kaagad ako dyan? Hindi ba yan kayang ayusin na hindi kailangan ng presensya ko?" sunod sunod na tanong nito sa kanyang kausap. Natigilan naman ako dahil doon. So ibig sabihin ay aalis siya ngayon at ma so solo ko ngayong araw na ito si Layla. Dahil doon ay hindi ko naiwasan na mapangiti ng malaki. Ito na ba ang sign upang gawin
Vexana "Wala si Ate Alice at umalis kaya ako ang kasama mo mamaya mamasyal pupuntahan kita dito bago mag 4 kaya mag ready ka na kaagad sa ayaw at sa gusto mo." inis na sabi ko naman sa kanya. Kahit na ang gustong gusto ko ng gawin ngayon ay ang halikan ito at yakapin dahil matagal ko ng gustong gawin sa kanya yun pinipigilan ko lang ang aking sarili. Nakita ko naman ang pag ismid nito kaya lihim na lang akong napangiti dahil doon. Ang cute lang kasi niya kapag nag ga ganyan siya. Hayst wala naman yatang hindi cute dito e. Lahat na lang ng gawin niya ay cute sa paningin ko. Matapos kong masabi ang salita na yun ay mabilis na akong umalis sa harapan niya at baka hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili at kahit hindi pa kami nito ay mahalikan ko na siya kaagad. Nang maka alis na ako sa room nito ay dumiritso na akong muli sa baba upang e sure kung okay na ba yung pinapalinis ko na ATV na siyang gagamitin namin sa pamamasyal ni Layla mamaya. Nang makita ko na tapos na itong linisa
Vexana Nang maka sakay na ako ay agad na kinuha ko ang kamay nito at ipinilupot yun sa bewang ko. Mag po protista pa sana ito pero agad na sinamaan ko ito ng tingin kaya naman wala na siyang nagawa pa kung hindi ang sundin na lang nito ang gusto ko. Takot din yata na baka kung ano ang gawin ko sa kanya. Wala kasi dito ang kanyang tagapag tanggol na si Ate Alice kaya hindi yan pwede na mag inarte sa akin baka halikan. ko siya pag nag inarte pa ito na sana ay gawin niya para may dahilan ako na gawin sa kanya ang bagay na yun. Hinihintay ko nga din na tawagin a ko nitong Ate Vexana e. Nang maka halik na ako dito. Yun kasi ang panakot ko sa kanya dahil inis na inis na ako dito na panay ang Ate nito sa akin. Feeling ko tuloy ang layo masyado ng Agwat ng edad namin na dalawa. Parang tuloy ang tanda tanda ko na e 4 yrs lang naman ang agwat namin sa totoo lang. Maya lang ay naramdaman ko na lang ang pag sandal ng ulo nito sa likod ko at mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa aki
Vexana Nang makarating kami sa bahay ay mabilis na bumaba ako ng sa sakyan at saka inalalayan na maka baba si Layla. "careful" sabi ko pa dito habang naka ngiti sa kanya ng malaki. Bakit ba e ang saya saya ko kaya ngayon. Syempre ikaw ba naman mahal din ng taong mahal mo at yun nga girlfriend ko na siya ngayon. Kaya wala ng magagawa pa si Ate Alice kung sakali na bumalik man siya bukas dahil hindi naman ako basta basta maka papayag na hahayaan ko na silang dalawa lang nito na gumala no. Kailangan na kasama ako baka nga siya pa ang maging chaperone namin ni Layla e. Baka naisin na lang nito na bumalik na lang muli ng Manila. Kaysa ang makita kami na sobrang sweet sa isat isa.Papasok na sana ito sa loob ng bahay pero mabilis na pinigilan ko ito dahil ang gusto ko ay di diritso na kami sa may garden kung saan ay nandoon na naka set up ang dinner namin nito. Sakto din lang kasi at mag seven naman na. Dito kasi sa farm ay gabi na yun at oras na para sa dinner. Kaya tamang tama lang na
Vexana Naka ngiti na ipinag hila ko na ito ng upuan at inalalayan siya na maupo. Feeling Reyna ang gaga. Pero okay lang na siya ang Reyna. Ang Reyna ko. Bagay naman sa kanya na pag silbihan ng isang tulad ko. "Bakit ang sweet sweet mo yata ngayon Love? Hindi ka naman ganyan nakakapanibago lang talaga." hindi na naka tiis na kuminto nito sa akin Kaya naman hindi ko maiwasan na pisilin ang ilong nito ang cute lang kasi niya e. "Matagal ko ng gustong gawin sa iyo ang mga bagay na ito kaya lang ay baka mag taka ka at isipin na may gusto din ako sa iyo kaya kabaligtaran ang ipinapakita ko sa iyo na ugali ko. Pero alam mo naman ang dahilan diba kung bakit ganun ang ugali ko sa iyo noon. Pero syempre dahil hindi ko na mahintay pa at baka maagaw kapa sa akin ng iba ay nag tapat na kaagad ako sa iyo. Akin ka na ha. Wala ng iba pang pwede na lumapit sa iyo kung hindi ako lang. Pwede rin naman si Melissa at ang family mo. Pero wala ng iba ha. Kasi pag aari na kita." mapang angkin na sabi ko d