VexanaKumakain na kami pero panay ang tingin ko kung ano ang ulam na kinakain nito at lihim naman na napapangiti ako paano ba naman kasi at halata naman dito na yung niluto ko na ulam ang madalas na sandukin nito. Gusto ko sana na humalakhak sa tuwa dahil kitang kita ko ang medyo pagka bad trip na ni Ate Alice ngayon. Lalo na ng di sinasadya ay tumingin ito sa akin. Na sinabayan ko naman ng kindat dito sabay nguso pa sa pagkain. Paano naman kasi ay siya lang naman halos ang kumakain nung niluto niya. Kahit nga ako ay hindi na nag tangka pa na tikman man lang pang yung luto nito. Aba alam ko naman na hindi ito magaling mag luto. Baka kung ano pa ang mga nilagay nito sa pagkain. Mabuti na nga lang at hindi din trip ni Layla ang niluto nito. Hayst alam ko naman kasi na hindi masyado sa masasabaw na pagkain ito kaya nga hindi ganun ang niluto ko e. Akala ko pa naman ay nag research na ito ng tungkol kay Layla. Hindi pa naman pala. Natutuwa naman na ipinag patuloy ko na lang ang pagka
Vexana Pag labas ko ng room ko at sakto an padaan ako sa room ni Ate Alice ay narinig ko na may kausap ito sa kanyang phone. Medyo naka open kasi ang pinto nito at medyo malakas din ang kanyang boses kaya dinig na dinig ko ang pag sa salita ni Ate. Wala naman sana akong balak na makinig sa usapan ng mga ito dahil unang una ay wala naman akong pakialam dito pangalawa ay hindi ako si marites na lahat na lang ay gusto pakialamanan at gusto e broadcast ang kanyang mga nalalaman na may dagdag bawas pa. Pero napa tigil ako sa pag lalakad ng marinig ko ang sumunod na sinabi nito sa kanyang kausap. "Wala na bang ibang choices kung hindi ang kailangan na pumunta na kaagad ako dyan? Hindi ba yan kayang ayusin na hindi kailangan ng presensya ko?" sunod sunod na tanong nito sa kanyang kausap. Natigilan naman ako dahil doon. So ibig sabihin ay aalis siya ngayon at ma so solo ko ngayong araw na ito si Layla. Dahil doon ay hindi ko naiwasan na mapangiti ng malaki. Ito na ba ang sign upang gawin
Vexana "Wala si Ate Alice at umalis kaya ako ang kasama mo mamaya mamasyal pupuntahan kita dito bago mag 4 kaya mag ready ka na kaagad sa ayaw at sa gusto mo." inis na sabi ko naman sa kanya. Kahit na ang gustong gusto ko ng gawin ngayon ay ang halikan ito at yakapin dahil matagal ko ng gustong gawin sa kanya yun pinipigilan ko lang ang aking sarili. Nakita ko naman ang pag ismid nito kaya lihim na lang akong napangiti dahil doon. Ang cute lang kasi niya kapag nag ga ganyan siya. Hayst wala naman yatang hindi cute dito e. Lahat na lang ng gawin niya ay cute sa paningin ko. Matapos kong masabi ang salita na yun ay mabilis na akong umalis sa harapan niya at baka hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili at kahit hindi pa kami nito ay mahalikan ko na siya kaagad. Nang maka alis na ako sa room nito ay dumiritso na akong muli sa baba upang e sure kung okay na ba yung pinapalinis ko na ATV na siyang gagamitin namin sa pamamasyal ni Layla mamaya. Nang makita ko na tapos na itong linisa
Vexana Nang maka sakay na ako ay agad na kinuha ko ang kamay nito at ipinilupot yun sa bewang ko. Mag po protista pa sana ito pero agad na sinamaan ko ito ng tingin kaya naman wala na siyang nagawa pa kung hindi ang sundin na lang nito ang gusto ko. Takot din yata na baka kung ano ang gawin ko sa kanya. Wala kasi dito ang kanyang tagapag tanggol na si Ate Alice kaya hindi yan pwede na mag inarte sa akin baka halikan. ko siya pag nag inarte pa ito na sana ay gawin niya para may dahilan ako na gawin sa kanya ang bagay na yun. Hinihintay ko nga din na tawagin a ko nitong Ate Vexana e. Nang maka halik na ako dito. Yun kasi ang panakot ko sa kanya dahil inis na inis na ako dito na panay ang Ate nito sa akin. Feeling ko tuloy ang layo masyado ng Agwat ng edad namin na dalawa. Parang tuloy ang tanda tanda ko na e 4 yrs lang naman ang agwat namin sa totoo lang. Maya lang ay naramdaman ko na lang ang pag sandal ng ulo nito sa likod ko at mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa aki
Vexana Nang makarating kami sa bahay ay mabilis na bumaba ako ng sa sakyan at saka inalalayan na maka baba si Layla. "careful" sabi ko pa dito habang naka ngiti sa kanya ng malaki. Bakit ba e ang saya saya ko kaya ngayon. Syempre ikaw ba naman mahal din ng taong mahal mo at yun nga girlfriend ko na siya ngayon. Kaya wala ng magagawa pa si Ate Alice kung sakali na bumalik man siya bukas dahil hindi naman ako basta basta maka papayag na hahayaan ko na silang dalawa lang nito na gumala no. Kailangan na kasama ako baka nga siya pa ang maging chaperone namin ni Layla e. Baka naisin na lang nito na bumalik na lang muli ng Manila. Kaysa ang makita kami na sobrang sweet sa isat isa.Papasok na sana ito sa loob ng bahay pero mabilis na pinigilan ko ito dahil ang gusto ko ay di diritso na kami sa may garden kung saan ay nandoon na naka set up ang dinner namin nito. Sakto din lang kasi at mag seven naman na. Dito kasi sa farm ay gabi na yun at oras na para sa dinner. Kaya tamang tama lang na
Vexana Naka ngiti na ipinag hila ko na ito ng upuan at inalalayan siya na maupo. Feeling Reyna ang gaga. Pero okay lang na siya ang Reyna. Ang Reyna ko. Bagay naman sa kanya na pag silbihan ng isang tulad ko. "Bakit ang sweet sweet mo yata ngayon Love? Hindi ka naman ganyan nakakapanibago lang talaga." hindi na naka tiis na kuminto nito sa akin Kaya naman hindi ko maiwasan na pisilin ang ilong nito ang cute lang kasi niya e. "Matagal ko ng gustong gawin sa iyo ang mga bagay na ito kaya lang ay baka mag taka ka at isipin na may gusto din ako sa iyo kaya kabaligtaran ang ipinapakita ko sa iyo na ugali ko. Pero alam mo naman ang dahilan diba kung bakit ganun ang ugali ko sa iyo noon. Pero syempre dahil hindi ko na mahintay pa at baka maagaw kapa sa akin ng iba ay nag tapat na kaagad ako sa iyo. Akin ka na ha. Wala ng iba pang pwede na lumapit sa iyo kung hindi ako lang. Pwede rin naman si Melissa at ang family mo. Pero wala ng iba ha. Kasi pag aari na kita." mapang angkin na sabi ko d
Vexana Napansin naman nito na hindi ko siya nilulubayan ng tingin kaya naman napa taas ang kilay nito sabay sabi sa akin ng. "Baka matunaw naman ako dyan sa ginagawa mo na yan Love. Oo alam ko na maganda ako at patay na patay ka sa akin pero ang creepy lang kasi kapag ganyan ka. hindi ako sanay." sabi nito sa akin .Kaya naman bigla na lang akong napa tawa dahil doon. Hindi ko alam na makapal din pala ang apog nito sa katawan para sabihin sa akin ang mga ganoong bagay. Naka tanggap naman ako ng masamang tingin mula dito dahil sa ginawa kong pag tawa sa sinabi niya. "tinatawanan mo ba ako ha Vexana?" masungit na tanong nito sa akin. Mas lalo lang naman na lihim akong napa tawa dahil doon. my goodness ang lakas na ng loob niya na sungitan ako ng ganyan. Na dati rati ay ako ang gumagawa nito sa kanya pero parang na baligtad na yata at parang gusto ay e under na ako agad agad nito. Pwede naman na e ander niya ako walang problema sa akin yun. Basta ba pag dating sa kama ay ako ang top
Vexana Hindi na rin ako maka kilos dahil sa nangyari at para bang na mental block na lang ako bigla. Hindi ko inaasahan ang bagay na yun. Basta ang alam ko lang ngayon ay magka lapat ang labi namin dalawa ni Layla at wala na akong ibang nasa isip ngayon kung Hindi ito na lamang. Maya lang ay nag layo na rin naman ang mga labi namin nito at basta na lang nito hinilig ang kanyang ulo sa dibdib ko. At naka yakap na rin lang ito at hindi na rin siya kumilos pa. Basta ako ay naka yakap din lang sa kanya ng mahigpit at pilit na binabalik ang aking sarili dahil sa nabigla talaga ako sa biglaang pag halik nito sa akin. Hindi ko kasi napag handaan ang bagay na yun e. Pero masaya ako. Oo masaya talaga ako akalain mo na nag kiss na rin kami nito sa wakas. Although smack lang naman talaga siya kung tutuusin pero kahit na iba pa rin ang dating na nag lapat ang mga labi namin nito. Ganito pala ang pakiramdam kapag nahalikan mo ang taong mahal mo. Kaya naman pala palagi kong nababasa o kaya napa