Share

CHAPTER 24

[RANN] 

Matapos ang ginawa naming panunuod ng mga bituin kanina ay inihatid na rin ako ni Nathan sa unit ni Damon. Tahimik lang akong pumasok ng bahay, marahang naglalakad. Ayokong makagawa ng kahit na anong ingay, baka mamaya ay magising si Tanya, masermunan na naman ako. 

Nang mapansin kong tahimik ang buong salas ay bumuntong hininga muna ako bago nagpasyang maglakad nang muli, pero bago pa ako makahakbang ay biglang umilaw ang buong salas. "Ano sa tingin mo ang oras na?" Halos mapatalon ako dahil sa boses na narinig ko, dahan dahan akong umikot at bumaling sa nagsalita muna sa likuran ko. 

Halos mapalunok ako nang makita ko si Damon na nakasandal sa pader kung nasaan nakainstall yung switch ng ilaw, nakahalukipkip siya at nakaipit sa braso niya ang librong madalas niyang basahi

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status