"I have an interview this afternoon. You want to come with me?"
Interview... Hindi naman ako kailangan doon kaya hindi na lang siguro.
"Hindi na, Bryle. I'm fine here. Ikaw na lang."
"Oh... 'kay. Just call me if you need anything. Huwag ka ring aalis dito, Chelle. Nasa labas ang mga body guard.
"Okay..."
Lumapit siya sa akin para halikan ako sa noo. Pumikit naman ako at dinama ito.
"Thank you. Alis na ako."
"Drive safely." I reminded him.
What am I going to do now? Tutunganga lang ba ako rito mag hapon?
It's already four in the afternoon. Nag-tungo na lang ako sa banyo para maligo. I want to go to the mall. Siguro naman may pinaka malapit na mall dito?
Halos kalahating oras yata ang tinagal ko sa banyo. I am now fixing my clothes. I am wearing a black cropped halter top with a black bodycon mini skirt and a stilleto. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Nagsuot din ako ng aviators para hindi gaanong makilala ng mga tao.
Tapos na akong mag-ayos nang marinig ko ang pangalan ni Bryle sa tv. Kanina pa bukas 'yan kahit hindi naman ako nanonood. Masyado kasing tahimik eh, kaya binuksan ko.
"Is that really true, Bryle? That you're in a relationship with international model, Richelle Valdez?"
Ipinakita si Bryle sa screen.
"Yes. I'm her boyfriend."
"Kung ganoon, gaano katagal na kayong may relasyon?"
Bakit ba ang dami nilang tanong? Tsk!
"Eleven months. And our anniversary is tomorrow."
Really, huh? I turned the tv off. Totoo naman 'yong sinabi niya. Eleven months na kaming magkasama. Mag-kaibigan. Damn.
"Saan po kayo ma'am?" Bungad ng isang body guard ni daddy nang lumabas ako sa condo ni Bryle.
"I'm just going to the nearest mall. I need to shop for myself."
"Puwede po nating iutos na lang iyan, ma'am. Sabi ni sir kapag may kailangan kayo ay magsabi ka lang at siya na ang bahala."
Napairap ako sa sinabi niya. So, what now? Babalik ulit ako sa loob? Eh nakabihis na ako? Tss...
"I can do it by myself. Please, let me go for now. Ako na ang bahala kay daddy."
Nagkatinginan ang dalawang guard.
"Pero ma'am iyon po ang bilin sa amin."
"Fine! You can just follow me if you want! Basta aalis ako ngayon, okay? Tss..." Sabi ko at nagsimula nang mag-lakad. Sumunod naman sila.
Habang nasa elevator ay tinext ko na lang si daddy. Sinabi ko sa kaniya kanina na may interview ngayon si Bryle. Alam niyang mag-isa ako sa Condo kaya sana naman ay pumayag siyang umalis ako.
Ako:
Dad, I'm going to the nearest mall now. Don't worry too much, kasama ko ang mga body guard ko.Mabilis naman ang reply niya.
Dad:
Take care my daughter. Huwag ka masyadong lalayo.Mabuti naman at iyon lang ang sinabi niya.
Nang nass kotse na ako ay nakatanggap din ako ng text galing kay Bryle
Bryle:
You're going out?I typed my message to him
Ako:
Yeah. Sa malapit na mall lang. I need to shop for myself. Konti lang ang dala kong gamit.He replied immediately. Tapos na ba ang interview niya?
Bryle:
Sana ay hinintay mo na lang ako. Nasamahan sana kita.Ako:
Hindi na, Bryle. It's fine. Kasama ko naman ang mga body guard.Bryle:
Hindi mo kabisado ang mga lugar dito, Chelle. Baka mapano ka.You're concern? Of course, Richelle you're his bestfriend! Just a fucking bestfriend!
Pinaandar ko na lang ang sasakyan ko at hindi na siya nireplyan pa. Baka mag-away lang kami. Wala ako sa mood.
Una akong pumunta sa mga damit. Konti lang dala ko kaya kailangan kong bumili. Naka buntot sa akin ang dalawang body guard kaya wala namang lumalapit sa akin. Wala rin naman masyadong tao kaya ayos lang talaga na dito ako nag-punta. Siguro ay konti lang ang pumupunta rito.
Namili rin ako ng ilang accessories for myself. Apat na paper bag ang bitbit ko nang kinuha ito sa akin ng isang body guard.
"Ako na n'yan, ma'am."
Hinayaan ko siyang ilagay iyon sa likod ng aking sasakyan.
"Mauna na kayo."
Nagulat naman sila sa aking sinabi.
"Saan pa kayo pupunta, ma'am? Sasamahan po namin kayo."
Gosh! Hindi ba talaga ako puwedeng umalis mag-isa? Minsan na rin naman kaming nag-punta rito sa Pinas kaya hindi naman siguro ako maliligaw! At isa pa, hindi na ako bata!
"Pupunta lang ako saglit sa Bar. Hindi naman ako magtatagal."
"Bar po? Naku, ma'am! Malalagot kami n'yan sa daddy mo at kay sir Bryle!"
"Pumayag na si daddy, okay? At si Bryle, ako na ang bahala sa kaniya. I'll call him."
"Hindi puwede, ma'am–"
Hindi ko na siya pinatapos. Pumasok na ako sa loob ng kotse ko. Binuksan ko ang bintana.
"Don't follow me, okay? Bumalik na kayo at ako na ang bahala kay Bryle. I just want to relax." I said and closed the window of my car.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Ayokong umuwi nang hindi maganda ang mood. Magre-relax na lang muna ako sa Bar.
Sa isang high end Bar sa BGC ako pumunta. Konti lang ang tao, siguro dahil weekdays ngayon.
"One cocktail please,"
Binigay naman ng bartender ang gusto ko.
Bakit ba kasi na-in love pa ako kay Bryle? Mag kaibigan lang dapat kami eh! Hindi ko siya puwedeng mahalin ng higit pa doon dahil may mahal na siyang iba! Damn!
Pagkatapos ng pagpapanggap na 'to, saan ako pupulutin? I'm an international model but here I am! Making myself stupid for loving him. Kung mapatawad na siya ni Monica, kung magkabalikan nga sila... Saan na ako lulugar nito? Magiging balewala na lang ba ako sa kaniya kung sakali? Itatakwil na ba niya ako dahil hindi na niya ako kailangan kapag dumating ang araw na 'yon? Fuck. Hindi ko kaya! Mahal na mahal ko siya...
"Hey, miss... You're alone?"
I turned to the guy who's now sitting beside me.
"Yeah." Walang gana kong sagot.
"You look like an international model. Richelle Valdez, I guess? You look like her,"
I chuckled at what he say.
"My name is Richelle Valdez,"
"Woah! Really?"
Hindi ko alam kung totoong hindi niya ako nakilala o nagpapanggap lang siya. Kadalasan kasi sa mga nakilala ko sa Bar ay kagaya niya. Lalapit tapos magpapa cute. Kunwari hindi ako kilala, pero malalaman ko sa huli na kilala naman pala ako. May iba kasi silang kaibigan na lalapit din at iyon ang nagbubuking sa kanila.
"I thought you're just look like her! Ikaw pala talaga 'yan!"
Ngumisi ako at umiling.
"Anyway, do you want to dance?"
Hmm... I'm here to have fun so why not, right?
I nodded at him. Iginiya niya naman ako patungo sa dance floor.
Para akong baliw na nagsasayaw nang inilapit sa akin nung lalaki ang mukha niya. Itutulak ko na sana siya ngunit may binulong siya sa aking tainga. Hinayaan ko na lang dahil malakas ang music dito at baka nga naman hindi ko siya marinig.
"Nakikita ko 'yong mga pose mo sa magazine. You are really hot, Richelle."
"Of course, I am. I need to be hot because I'm a model." I answered playfully.
"You're really good at modeling, huh? Galing mag-pose, talagang nakakaakit." He said the last word and went near me again.
This time, napahinto na ako sa pagsasayaw. Naramdaman ko rin ang kamay niyang hinahaplos na ang baywang ko ngayon. Sinubukan ko itong alisin ngunit hinapit niya na lang akong bigla!
"Ano ba! Don't touch me!" Usal ko.
Busy ang lahat sa pagsasayaw at maingay ang music kaya siguradong walang nakakarinig sa akin!
"Ang arte mo naman. I just want to feel your sexy body. Anong masama roon?"
"You pervert!" Sigaw ko at sinubukan ulit alisin ang kamay niya ngunit mabilis niyang nahawakan ang kamay ko! He even try to kiss me! Mabuti at naiwas ko agad ang aking mukha!
"Damn you! Don't touch me! You pervert!"
"Huwag ka ng pakipot, miss. Magugustuhan mo naman ang gagawin ko sa 'yo–"
"Fuck you! Bastos!" Sigaw ko at sinubukang makawala sa hawak niya. Hinigpitan niya lang lalo ang hawak sa akin at mas idiniin niya ako sa katawan niya.
"Fuck! Help!" Muli kong sigaw at umaasang may lalapit para tulungan man lang ako!
"I said shut up–"
Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil may bigla na lang humablot sa kaniyang kwelyo. Someone punched him on his face and the next thing I knew, nakabulagta na siya sa sahig. Ang ibang sumasayaw ay nakatingin na ngayon sa amin.
Hindi tumitigil sa pag-suntok iyong lalaki kaya nilapitan ko na. Hinawakan ko siya sa braso at pilit na hinila.
"Are you going to kill him?! Stop that!"
Namumungay ang mga mata niya nang bumaling sa akin.
"Okay ka lang? Sinaktan ka ba niya?" He said ignoring what I said earlier.
"I-I'm fine. He didn't hurt me."
Damn. Bakit ganito nararamdaman ko? Para akong kinakabahan na ewan.
"Tawagin n'yo yung bouncers! Ipadampot n'yo yan!" may narinig akong nagsabi no'n.
Napatingin tuloy ako sa paligid. Doon ko lang rin natanto na may kumukuha ng video sa amin! Agad namang itinago nung babae ang kaniyang cellphone nang makita akong nakatingin sa kaniya. Damn! Paniguradong makakarating 'to kila daddy!
Maya-maya pa ay may dumating ngang mga bouncers at kinuha iyong manyak na lalaki. Masama ang tingin nito at duguan ang mukha. I turned to the guy who saved me. May sugat din sa gilid ng labi niya. Siguro ay nasuntok din siya kanina.
"Yung camera mo, bro." Isang lalaki ang lumapit sa kaniya at inilihad nito ang isang camera. Kinuha naman niya iyon saka muling bumaling sa akin.
"T-thank you for saving me. M-may sugat ka."
Why am I stuttering? Fuck!
Pinalis niya ang kaunting dugo sa gilid ng kaniyang labi.
"Daplis lang 'to. Ayos ka lang ba talaga?"
"Y-yeah, I'm fine. M-may first aid kit ba rito? Gamutin natin ang sugat mo."
Iyon lang ang paraan para makabawi ako sa kaniya! Nakuha niya iyong sugat niya dahil sa'kin!
I saw the shocked on his face when I said that. Pati ang katabi niyang lalaki ay nagulat din sa sinabi ko.
"S-sige, bro. Balik muna ako sa table natin," sabi nung katabi niya.
Tumango lamang siya rito. Ang mga tumitingin sa amin kanina ay bumalik na ulit sa pagsasayaw. He then looked at me intently. Para bang inoobserbahan ang katawan ko. Medyo naasiwa tuloy ako dahil sa tingin niya.
"May kasama ka ba?" Tanong niyang bigla.
"W-wala. I'm alone."
He nodded. "Where's your boyfriend, then? Hinayaan ka niyang pumunta mag-isa rito?"
"He didn't know that I came here."
Kumunot naman ang kaniyang noo.
"Nag-away kayo?"
Hindi naman kami nag-away ni Bryle, pero...
"Nevermind," aniya sabay iwas ng tingin. "Sa susunod, 'wag kang pupunta rito ng walang kasama. Lalo na't ganyan ang suot mo."
Napatingin tuloy ako sa damit ko. What's wrong with my clothes? Ganito naman madalas ang sinusuot ko!
"Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng boyfriend mo."
Wala akong boyfriend! Sasabihin ko sana ngunit hindi nga pala puwede! Nagpapanggap nga pala kami ni Bryle!
"H-hindi mo gagamutin 'yang sugat mo?" I asked again.
"Daplis lang naman 'to, malayo sa bituka."
Paano ako makakabawi sa kaniya kung ganoon?
"Aalis na ako. Umuwi ka na rin, mag-iingat ka." He said and then walked away.
Hahabulin ko pa sana siya ngunit ang bilis niyang mag lakad! Nagmamadali ba siya? Ni hindi ako muling nakapag-pasalamat sa kaniya!
Napahawak ako sa pouch ko nang maramdamang may nag-vibrate dito. I'm sure it was my phone. Kinuha ko ito at tiningnan. 65 missed calls?! Damn, Chelle! You're dead!
Its been two years when he left me. Its been two years since he's gone. Its been two years... But I am still into him. I put the frame to his grave gently. It was our first picture together. Siya mismo ang kumuha ng picture na iyon. I'm wearing a black halter top while he's wearing his hospital gown. Nakaakbay siya sa akin habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay ko. Simple lang ang litrato na iyon ngunit napaka espesyal nito para sa aming dalawa. Para sa akin... "Hey... Its been two years, Jian. But I'm here again. I miss you." Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa noong araw ng pagkamatay niya. Nanlalambot ang mga tuhod ko at talagang sobrang bigat ng pakiramdam ko. Alam mo 'yon? Minsan ka na nga lang magmahal, minsan ka na nga lang makatagpo ng taong tanggap kung ano o sino ka man. Tapos... mawawala pa. "Jian... Please, wake up... Please... 'Wag mo akong iiwan.
I don't want to push her away. It's hard to push her away. But what can I do if that's the only way for her to be happy again? Her mom was right... She can't be happy with me. She can't live peacefully with me. Masakit man pero iyon ang totoo. May mga bagay na kailangan nating isakripisyo para sa mga taong mahal natin. Kahit na mahirap ito para sa atin. Kahit gaano pa ito kasakit.Sobrang nahirapan ako noong itinaboy ko siya. Ayokong gawin 'yon, pero iyon ang tamang gawin. Masakit para sa akin na makita siyang umiiyak sa harapan ko. Nasasaktan ako kapag nasasaktan siya. Pero dahil iyon ang dapat gawin, kahit mahirap ay ginawa ko."E-Elly..." Marahan kong sambit sa pangalan ni Elly nang sa wakas ay nagkaroon akong muli ng malay. She's talking to Chelle. I know."Jian, malapit na ako. Please... 'wag ka na munang magsalita."Parang tumalon sa galak ang puso ko nang sa wakas ay muli kong na
Habang tumatagal ay mas nanghihina ang katawan ko. Kahit pagtayo ay nahihirapan akong gawin. Hindi ko na rin gaanong nagagalaw ang mga kamay ko. Dahil sa nangyayari ay halos araw-araw nasa loob lamang ako ng aking kuwarto. Nakahiga at parang lantang gulay na bagsak ang katawan. Ayaw ko na ganito lamang ako ngunit ako mismo ay hindi alam ang gagawin sa sitwasyon ko ngayon.Ilang linggo ang lumipas at ibinalita sa tv na hiwalay na raw si Richelle at ang artistang si Bryle. Masama na na akong tao kung sasabihin kong natuwa ako sa balitang iyon? Damn! Kahit alam kong imposibleng maging akin siya lalo na sa sitwasyon ko ngayon, ay umaasa pa rin ako! I'm really out of my mind!Ang sabi ay maayos raw silang naghiwalay ni Bryle at magkaibigan pa rin naman daw sila hanggang ngayon. Kung maayos silang naghiwalay, ano naman kaya ang maaaring dahilan ng paghihiwalay nila? Sabi ay hindi raw third party, wala rin daw nagl
May mga bagay na hindi natin inaasahan na mangyayari. May mga bagay na ayaw nating maranasan natin. Pero mapipigilan mo ba ang mga bagay na ito? Kung ang mismong tadhana na ang gumagawa ng paraan para maranasan mo ang mga bagay na ito?Halos dalawang linggo na ang lumipas simula nung mawalan ako ng paningin. Nagpunta kami sa ospital ni Elly at sinabi ng doctor na isa raw sa mga sintomas ng sakit ko ay ang pagkalabo ng mata. Pero yung sa akin malala na yata. Hindi lang lumabo ang paningin ko, kundi tuluyan na siyang nawala...Hindi na ako makalakad ng maayos. Hindi na ako makakalakad ng mag-isa. Kakailanganin ko pang gumamit ng tungkod. Hindi na rin ako makakapagtrabaho dahil wala na nga akong paningin. Bulag na ako... Hindi ko na makikita ang mga bagay sa paligid na nais kong kuhanan ng litrato. Hindi ko na magagawa ang mga nais kong gawin... gaya ng dati...Gustuhin ko man magalit sa Panginoon dahil
Halos buong gabi akong hindi nakatulog sa kakaisip sa kaniya. The way she looks at me... The way she touch me... Damn. Ang lambot ng kamay niya nang hinawakan niya ako kahapon. Am I lucky, isn't it? Sa wakas ay nakaharap ko siya ng harapan kahapon. Dati ay inaabangan ko lang siya sa Airport kapag nababalitaan kong magpupunta siya rito. Tinatanaw sa malayo. Pero kahapon ay nakita ko siya ng mas malapit at nakausap pa.Dahil sikat si Richelle ay kumalat ang balita na niligtas ko siya. Iba't-ibang larawan sa Bar ang kumalat sa social media noong araw din na 'yon. Ininterview pa ang kaniyang mga magulang at nagsabi na nagpapasalamat raw sila ng lubos sa taong nagligtas sa kanilang anak. It's my pleasure, though. I really want to protect their daughter. I really want to save her. Always."Kuya, papasok ka sa trabaho?" Si Elly habang inaayos ko ang camera ko."Oo." Simple
"Bro, may maganda akong balita sa 'yo!"Iyon ang bungad ni Aurel sa akin nang isang gabi ay sinagot ko ang kaniyang tawag."Tungkol saan?" Tanong ko habang hinihilot ang aking sentido."Nandito sa Bar si Richelle! At mag-isa lang siya!"Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Mag-isa? Bakit siya pupunta roon ng mag-isa?"Sinong Richelle?" Tanong kong muli kahit na alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Pero malay ko ba kung ibang tao pala 'di ba?Halakhak agad ni Aurel ang narinig ko sa kabilang linya."Come on, bro! May iba ka pa bang kilalang Richelle? Hindi ba wala naman na?" Halakhak niyang muli. "Richelle Valdez, of course... Your ultimate crush." He still said even though I already knew who he's talking about.Damn."Bilis na. Pumunta ka na rito kung gusto mo siyang makita. Wal