Share

Chapter 4

"Where have you been? Alam mo bang kanina pa ako tumatawag sa iyo? Bakit hindi mo sinasagot?!" Singhal ni Bryle nang makarating ako sa Condo.

Mabilis akong umalis doon sa Bar dahil expected ko na 'to. Magagalit siya. Magagalit si daddy.

"I just want to relax, Bryle. Kaya pumunta ako saglit sa Bar–"

"And what happened?! Nakapag-relax ka naman ba? Kahit may hindi magandang nangyari sa 'yo doon?"

Kumunot ang noo ko. Alam na ba niya? Kung alam na niya malamang ay alam na rin ni daddy! Sesermunan na naman ako no'n!

"May video'ng kumakalat ngayon sa social media tungkol sa nangyari kanina. Nabastos ka, hindi ba?"

"H-hindi naman natuloy, Bryle, kasi may nag ligtas sa akin–"

"At paano kung wala?" He said. "Kung wala anong mangyayari sa 'yo? Tuluyan kang mababastos nung gagong 'yon? Huh, Chelle?"

I bit my lower lip. He's right. Paano kung hindi ako tinulungan nung lalaki kanina? Paano kung wala siya?

Pero ano bang pake niya, hindi ba? Anong pake mo, Bryle? Hindi mo naman ako mahal 'di ba? At nag-aalala ka lang dahil baka magalit si daddy. Hindi ka nag-aalala para sa akin.

"I-i'm sorry. Hindi ko alam na ganoon ang mangyayari, Bryle. I'm sorry. Pangako, hindi na mauulit."

His jaw clenched before he looked at me.

"Hindi na talaga mauulit dahil hindi ka na puwedeng umalis ngayon ng mag-isa."

Nagulat ako sa sinbi niya.

"Huh? P-pero–"

"Go to your room now, Chelle. Call your dad. Nakausap ko na siya kanina, pero mas mabuting mag-usap na rin kayo. He's worried about you,"

"O-okay. I'll call him."

He nodded his head. "Puntahan mo 'ko sa kwarto kapag may kailangan ka,"

"Sige... Magpapahinga na ako," sabi ko at tamad na nag-tungo sa aking kwarto.

Nilapag ko ang pouch ko at kinuha ang cellphone. I dialed my dad's number. Agad niya naman itong sinagot.

"Richelle! What did you do?! I told you not to go somewhere–"

I cut him off.

"Easy, dad. I'm fine. Nothing bad happened to me–"

"Even so! Why did you went to a Bar?! Hindi mo kabisado ang lugar dyan sa Pinas!"

"Gusto ko lang makapag-relax, dad. And besides malapit lang naman po rito."

I heard him sighed deeply.

"Next time, if you want to relax, tell me! Sasabihin ko kay Bryle na ipasyal ka riyan–"

"You don't have to, dad. Ayos lang po. Kaya ko naman ang sarili ko." Sabi ko.

"Kung gano'n bakit nangyari iyong kanina? Kung walang tumulong sa 'yo ay nabastos ka na, Richelle!"

"I'm fine now, dad. Huwag mo na pong isipin iyon, okay? Don't worry too much."

"Sana ay 'wag mo nang ulitin iyon, hija. Mamamatay kami ng mommy mo sa pag-aalala sa iyo rito."

"Hindi na po, I'm sorry."

"That's good then. Sige na, kakausapin ko pa si Bryle."

"Don't get mad at him, please? Walang kasalanan si Bryle sa nangyari."

"I won't blame him, don't worry. Mag-uusap lang kami."

"Okay, dad. Magpapahinga na po ako."

"Sige. Take care,"

It's a very tiring day. Inaamin kong kinabahan ako sa nangyari kanina, akala ko mapapahamak na ako. But thank God that guy came to help me. The way he punch that pervert guy, para bang galit na galit siya rito. Kilala niya kaya iyon?

Nagulat ako nang tumunog muli ang phone ko. Brynn is calling.

"Hello?" I answered.

"What happened to you?! Are you alright? We watched the video, Richelle!"

"I'm fine now, I guess..." Napapaos kong sabi.

"Bakit ka ba kasi nag-punta sa Bar ng mag-isa? Nagpasama ka sana kay Bryle para walang nangyaring ganoon!" Sermon niya.

"May interview siya, Brynn. I don't want to disturb him."

"Oh? Edi sana sumama ka na lang sa kaniya! Para hindi ka napahamak!"

Sinapo ko ang ulo ko dahil sa mga sermon niya. Alam ko namang nag-alala sila, pero kailangan ba nila akong pagsabihan lahat?

"Hindi ka na sana nag-punta sa Bar, Chelle."

"C'mmon, Brynn! Someone saved me, so, I'm fine now! Nothing happened to me, okay? Don't worry." I assured her.

"Who saved you, then? Did you know him? What's his name?"

"I don't know... Hindi niya naman sinabi kung ano ang pangalan niya."

Medyo natawa ako sa sariling sinabi.

"Did you say your thank you to that guy?"

"Of course, Brynn. Pero umalis siya agad kaya hindi na ako nakapag-pasalamat ulit. Gusto ko pa ngang gamutin ang sugat niya kaya lang huwag na raw dahil malayo sa bituka."

"May sugat siya?"

"Yeah. Nasuntok siya nang dalawang beses yata."

"Tanda mo ba mukha niya?"

Napaisip ako sa tanong niya. Medyo tanda ko naman, pero...

"Hindi gaano. You know, medyo madilim sa bar. Pero naka-white v-neck shirt lang siya. Medyo... malaki ang pangangatawan, moreno but... He looks so handsome."

She chuckled at what I say. Anong nakakatawa? Totoo namang guwapo iyong nagligtas sa akin kanina!

"Wow. I thought madilim sa Bar? Paano mo nasabing guwapo siya?" Natatawa niyang sinabi.

Oh, damn her!

"Medyo madilim lang naman, Brynn. Saka... medyo magkalapit kami kanina kaya kita ko ang mukha niya."

"Hmm... Really, huh?"

"Ano ba 'yang iniisip mo? I'm just describing him, okay? And what's the matter, by the way? He saved me and that's all. Hindi na importante kung gwapo siya o ano."

Muli siyang tumawa sa sinabi ko.

"Why are you so guilty, then?"

"Guilty of what?"

"Nevermind! Sige na! Tatawagan na lang kita ulit." Utas niya bilang pagsuko sa mga sinabi ko.

"Okay..."

"Baka rin tumawag sa'yo si Quinn. You know, we're worried about you..."

"Just tell her that I'm fine, Brynn. Huwag na kamong tumawag dahil pagod ako. I just want to rest for now."

"Okay, okay. Rest well. Love you, Chelle."

"Love you too..." I utter before ended the call.

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung nangyari ang insidente. At halos dalawang linggo naman na kaming narito ni Bryle sa Pilipinas. Okay naman na kami, hindi naman na siya galit. Sa kasalukuyan kaming kumakain ng lunch ngayon.

"May nag-invite sa akin sa runway mamaya. Ihahatid mo ba ako or... iyong mga body guard na lang?"

He stopped eating and stared at me.

"Ako na lang. Wala naman akong gagawin ngayon."

I nodded. "How's Monica? Nagkita na ba kayo ulit?"

"Hindi. Hindi na rin niya ako tinext pa."

I nodded again. "What's your plan now?"

"I... don't know. Pakiramdam ko galit pa rin siya sa akin." Malungkot niyang utas.

"Bakit naman? Hindi pa naman kayo ulit nag-usap, 'di ba?"

Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako.

"Why don't you try to talk to her? Alam mo naman yata kung saan siya nakatira?"

Bumaling siya sa akin.

"I think this is not the right time, Chelle. Hindi pa ako handang harapin siya."

"What?" Tumawa ako. "When is the right time, then?"

Hindi pa siya handa? Anong mangyayari sa kanila kung ganoon?

"If you're not ready today, kailan pala, Bryle? Paano kung may iba na siyang mahal? Paano kung huli ka na? Hindi ka pa ba kikilos?"

Tinikom niya ang bibig niya. Alam kong mahal ko siya. Pero alam ko ring masasaktan siya kung sakaling magkaroon nga ng ibang gusto si Monica. And I don't want him to be hurt. He's my... bestfriend...

"You're here for her, right? We're pretending because of her. Mababalewala ang pag-uwi natin dito, Bryle, kung hindi ka kikilos ngayon pa lang. If you really want her to comeback, then go! Chase her, Bryle! Talk to her!"

He chuckled a bit. What's funny? Nakakainis 'to!

"Why are you laughing?" Iritado kong tanong sa kaniya.

"Para kasing mas excited ka pang magkabalikan kaming dalawa." Aniya natatawa.

Excited? Hell, I'm not! Kapag nagkabalikan kayo, masasaktan ako! I just want you to be happy that's why I'm forcing you to talk to her now! Para na rin matapos na ang pagpapanggap na 'to kasi hindi ko na kaya, Bryle! Ang sarap isigaw 'yan sa mukha niya! Damn it!

"You are very supportive, Chelle. Thank you for that." Aniya, may ngiti pa ring tinatago sa mga labi.

"I just want you to be happy, Bryle. Siguradong kapag nagkabalikan na kayo, magiging masaya ka 'di ba?"

Tumango siya.

"Chase her now, then. Do everything for her to come back to you..."

He smiled and nodded again.

"I will, Chelle. Thank you..."

"No problem. You know that I'm always willing to help you, right? We're bestfriends..."

At mananatiling bestfriend lang...

"I am lucky to have you. Huwag kang mag-alala, kapag kinasal kami ikaw ang una kong iimbitahan."

Wow. Kasal, huh?

"Hindi ka pa nga niya binabalikan, kasal na nasa isip mo?"

Humalakhak siya. "Of course, Chelle. Kapag nagkabalikan kami, doon din papunta iyon. Why? You don't want me to get married?" Nag-taas siya ng isang kilay.

I want, Bryle. But not to her...

"S-syempre gusto ko! Kaibigan mo ako, 'di ba? Susuportahan kita kahit saan."

Kahit masakit para sa akin. Kahit masaktan ako, Bryle. I will still support you. Because damn... I love you so much!

After eating our lunch, we prepared for the runway later. I am one of the judges, the designer invited me to be a judge. Maraming bumati pagkarating namin. Mga kilalang designers at international model rin. May ilan ngang nakasama ko na sa photo shoots sa ibang bansa.

Naupo kami ni Bryle sa upuang naka-assign para sa amin. Nag-simula na rin ang runway.

The models are great. Magaling sila mag-dala ng mga damit na suot nila. Magaling pa silang rumampa. Na-miss ko rin tuloy rumampa sa stage. Hays.

"Thank you for coming, Richelle. I'm really glad that you two came," Mrs. Vera said after the runway.

I smiled at her. "It's an honor, Mrs. Vera. Thanks for inviting us."

"Anyways, congrats to your happy relationship, Bryle. You two looks stunning,"

"Thank you," simpleng sagot ni Bryle sa kaniya.

"I expect you to the after party later, okay? I'll wait for the both of you,"

"Okay, Mrs. Vera."

"Okay. I'm just going to talk to the other visitors." Paalam niya.

Tumango kami ni Bryle sa kaniya.

"Bathroom lang rin ako, Bryle."

"Ha? Samahan na kita,"

I chuckled. "Huwag na! Bathroom lang naman, iihi lang ako. Mabilis lang 'to."

"Okay. Mag-iingat ka,"

Tumango ako at umalis na. Umihi ako at nag-ayos na rin ng kaunti. Hindi ako puwedeng maging haggard dahil maraming camera sa paligid. Mahirap na.

Palabas ako ng bathroom nang tumunog ang phone ko. Kinapa ko ito sa sling bag na dala ko. Muli naman itong tumunog. Sandali nga! Sino ba ang tumatawag at tila walang hinto sa pag-tunog ang phone ko?

Nakapa ko na ang phone ko at sasagutin ko na sana ang tawag nang tumama ako sa isang matigas na dibdib dahilan kung ba't nahulog sa baba ang aking cellphone.

"Ohmygosh! My phone!"

Natataranta kong dinampot ang nahulog kong cellphone! Medyo nahirapan pa akong yumuko dahil sa suot ko. Damn!

"I'm sorry, hindi ko sinasadya!"

Hindi ko siya pinansin at dali-dali kong sinubukang buksan ang phone ko. Thank God! Ayos pa siya!

"Fuck, I'm really sorry. Hindi kita napansin–"

"Y-you?!" Sabi ko nang bumaling ako sa kaniya.

Siya 'yong lalaking nag ligtas sa akin sa Bar! Bakit siya nandito?

"Miss Richelle..." Mahinahon niyang sambit sa pangalan ko. "I'm really sorry about your phone. Hindi kita napansin agad. Nasira ko ba?"

Napatingin ako sa camerang nakasabit sa leeg niya. Is he a photographer? Naalala ko, may dala rin siyang camera noon sa Bar.

"Hey... You okay?"

Napakurapkurap ako sa tanong niya. Damn you, Chelle! Masyado mo na yata siyang natitigan!

"Uh... Yeah, I'm fine."

"I'm really sorry about your phone. Nasira ba?"

"H-hindi naman. Ayos lang... Ayos naman siya."

"That's good then. Pasensya na ulit. Sige, mauna na ako."

Bago pa siya makaalis ay hinawakan ko na siya sa kaniyang braso. Tumigil siya at lumingon sa akin. Tumingin siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

"I-I'm sorry..." Yumuko ako at binitiwan siya. Bawal ba siyang hawakan?

"Bakit?" He asked.

Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya.

"I just want to say thank you again, for saving me... last time."

Tumango siya. Bakit naman ang seryoso masyado ng mukha niya? Parang ang suplado niya tingnan.

"Wala 'yon. Tumulong lang ako."

"Still, thank you... Kung hindi ka dumating no'n ay baka kung ano na ang nangyari sa akin."

"You're welcome," he said seriously. "Sige na. Kailangan kong pumunta sa banyo."

"Oh... Okay! Sorry!"

Tumango lang siyang muli at umalis na.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status