Share

Chapter 12

Lumipas ang ilang araw at tuluyan na nga akong hindi pumunta ulit kila Jian. Hindi ko alam pero tila ako nainsulto sa mga sinabi niya no'n. Kung ayaw niyang tulungan ko sila, fine! Hindi naman ako ang mawawalan, 'di ba? Isa pa, sayang lang rin naman ang oras ko sa pagpunta sa bahay nila. Mahalaga sa akin ang bawat minuto ko.

Kakatapos lang ng shoots namin at patungo na sana ako sa aking sasakyan nang dumugin ako ng mga tao. Nakita kong may iilang reporter din! Mabuti na lang bago pa sila makalapit ng tuluyan ay naharangan na sila nung dalawang body guard ko.

May nakita akong hawak na camera ang ilang reporter na sumusubok na lapitan ako.

"Miss Richelle! Gusto lang po namin itanong kung nagkabalikan nga ba kayo ni Bryle?" Sa unang tanong pa lang nila ay nanlaki na ang mga mata ko.

The heck? Kami ni Bryle? Nagkabalikan?

"May nakakita umano sa inyo na nagpupunta ka raw ulit sa condo

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status