Share

Chapter 2

Nang mag-land kami sa Airport ay kita ko na sa mukha ni Bryle na tila kinakabahan siya. I tap his shoulder and smile.

"Smile, Bryle! Lalabas na tayo ng eroplano, tapos ganyan hitsura mo? Paano mo siya mapapaniwala n'yan? Your tita?"

He then sighed deeply.

"I'm just excited to be here again. Finally, after years..."

"Are you really sure na handa kang gawin ito?"

Kumunot ang kaniyang noo.

"What if maniwala nga siya na may relasyon tayo? Baka lalo lang siyang magalit sa'yo?"

"I'm doing this for her, Chelle. This is the only way para payagan ako ni tita na umuwi rito. Kung hindi ko ginawa ay paniguradong naroon pa rin ako sa states ngayon."

Malungkot akong ngumiti. You are really lucky, Monica. He loves you so much. He'll do anything just to get back to you again.

"And besides, she has nothing to worry about... We are just pretending. She's the one I truly love..."

Napakagat ako sa labi ko. Parang may punyal na tumusok sa aking puso dahil sa mga sinabi niya. Damn it! Why do you have to say those words, Bryle? I'm hurting!

"R-right! We are just p-pretending. She has nothing to worry about." I said like it didn't hurt.

He smiled at me then held my hand. Napatingin ako sa mga kamay namin na ngayon ay magkahawak na.

"Let's go? I'm sure there's a lot of people outside. Mga nag-aabang,"

I nodded my head.

"Yeah. And reporters for sure. We need to face them."

He licked his lower lip before he nodded.

Muli kong sinuot ang aking shades at nag patianod na sa hila niya.

Pag-labas namin ng eroplano ay tama nga ang aming hula. Maraming tao ang nag-aabang, mga fans at reporters. Mahigpit ang hawak ni Bryle sa aking kamay nang humarap kami sa kanila. Agad nila kaming pinalibutan.

"Bryle, how's your flight?" Paunang tanong nung isang babaeng reporter.

"It's fine," Bryle answered simply.

"Miss Richelle, is it true that you're two are in a relationship?" One of the reporter turned to me.

"Yes. Bryle is my boyfriend." Diretso kong sambit.

Sa sinabi kong 'yon ay nag-hiyawan ang mga fans ni Bryle na narito. I smiled at them.

Alam kong marami pa silang gustong itanong ngunit hinila na ako ni Bryle paalis doon. Hinarangan naman sila ng mga body guard para hindi na makalapit sa amin. Humugot ng malalim na hininga si Bryle nang makapasok kami sa kanyang kotse. Binitiwan na rin niya ang kamay ko.

"Gosh! Ang dami nila ah! Dami mong fans!"

He turned to me and chuckled.

"May fans ka rin naman doon, Chelle. Hindi lang sa akin..."

"Even so! I'm sure mas madami fans mo 'no! Inaabangan talaga nila ang pagbabalik mo!"

And did you saw their smile when I told them that you're my boyfriend? They looked happy, Bryle. Tila sang-ayon sila na magkaroon tayo ng relasyon. But this is all just pretending...

"Let's just go now. I'm sure napagod ka sa byahe."

Tumango ako sa sinabi niya at ngumiti. He then started the engine of his car.

Pareho kaming tahimik sa byahe hanggang sa makarating sa kanyang condo. Tita niya ang may gustong dito ako tumira. Gusto nitong magkasama kami sa iisang bubong. Pumayag naman si Mom and Dad dahil para na rin daw masigurong safe ako. Ayos lang naman kay Bryle dahil tatlo naman daw ang kwarto sa Condo niya.

Inilapag niya ang mga bag namin sa gilid ng pintuan bago siya bumaling sa akin.

"Doon sa unang pinto ang kwarto mo." Tinuro niya ang pinto malapit sa kitchen. "Sa pangalawa naman 'yong akin." Dagdag niya. "Magpahinga ka muna. Maliligo lang ako pagkatapos ay magluluto. You want something to eat?"

Nagkibit balikat ako.

"Anything. Papahinga na muna ako."

He nodded. "Okay..."

Kinuha ko ang bag ko at nag-tungo na sa kwartong tinutukoy niya. It's fine, though. Plain lang ang disenyo ng kwarto. Sino naman kaya ang natutulog dito noong mag-isa lang siya? Tatlong kwarto ang mayroon dito. Nadala na kaya niya rito si Monica? Tss... Stop thinking about those things, Chelle!

I put my phone on my ear when Ron's called.

"Hello?"

"Talagang ginawa mo, huh? Sumama ka sa kaniya?" Nahimigan ko ang galit sa kaniyang boses.

"I told you, I'm helping him, Ron. I need to do thi–"

"Oh fuck, Richelle! I know you're doing that because you like him! You're in love with him!"

"So, what if that's true?"

Natahimik siya sa sinabi ko.

"You're right, then... I like him, Ron. I'm in love with him. What's wrong, then?"

"C'mmon, Chelle! Don't be stupid for him! Kaya kayo nandyan ay dahil sa babaeng gusto niya! Panakip butas ka lang! Kaya ka niya sinama riyan!"

Napapikit ako ng mariin. Fuck...

"Stop it, please..."

"I'm just saying the truth here, Richelle! Nagpapanggap kayong dalawa dahil gusto niyang umuwi dyan, hindi ba? He wants to be with his girl again. He wants her girl to come back–"

"Oh, please stop, Ron? Can you please stop?"

"C'mmon, Chelle! Don't do this to yourself!"

"I need to rest, Ron. Ibababa ko na 'to. Mag-usap na lang tayo ulit."

"Wait, Chelle–"

Pinatay ko ang tawag at agad ibinaba ang phone ko. Damn him! Bakit kailangan niya pang sabihin ang mga 'yon? Panakip butas, really? Fuck! But that's the truth, Chelle! He's right! Panakip butas ka lang! Nandito kayo dahil may babalikan siya! Babalikan niya si Monica! And fuck! Paano ako? Damn...

Tamad kong pinindot ang cellphone ko at sinagot naman ngayon ang tawag ni daddy. Pinilit kong ihinahon ang sarili bago nagsalita.

"Dad..."

"How's your flight, darling?"

"Fine, dad. Nasa Condo na kami ni Bryle."

"Okay. I watched the news. I'm really happy for the both of you, hija."

"Thank you, dad..."

"Hmm... Bakit parang matamlay ka yata? May problema ba?"

"Wala po. I'm just tired sa byahe kanina."

Yeah... and hurt...

"Okay. Take a rest for now, then. Ingat kayo riyan."

"Kayo rin po."

I ended the call. Nag-open naman ako ng f******k at puro tungkol sa pagdating namin ni Bryle ang nasa newsfeed ko. Nakakatawa. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa amin. Hindi nila alam, peke lang ang lahat...

Pumunta ako sa messenger at nakita kong may chat ang kambal sa group chat namin.

Quinn: Richelleeee!

Brynn: She's not online, Quinn.

Quinn: Gosh, Brynn! Did you watched the news? Ang dami nga talagang fans ni Bryle!

Brynn: Yeah. But I don't care about his fans, twinny. I'm worried for our bestfriend.

Quinn: Me too, of course! @Richelle Valdez please reply to our chats! We are damn worried!

Napangiti naman ako sa usapan nilang dalawa. I am lucky to have them.

I type my reply to their chats.

Richelle: Hey... I'm fine, don't worry about me.

Mabilis naman ang reply nila.

Brynn: You sure?

Richelle: Of course, Brynn.

Quinn: Nag-tanong sa akin si Ron, Chelle, about sa pagpunta mo riyan. Did you two talk?

Richelle: Yes. Hayaan n'yo na. Nag-usap na kami.

Quinn: Gosh, Chelle! He's crazy for you!

Hindi na ako ulit nag-chat sa kanila. I logged out my account too. I'm physically and emotionally tired. Tila ba nawalan ako ng gana na kumilos ngayong araw.

Naligo na lang muna ako at pagkatapos ay matutulog na sana ngunit kumatok si Bryle sa aking kwarto. Walang gana akong tumayo at hinarap siya.

"She texted me, Chelle!" masaya niyang sabi sabay lahad sa akin ng kanyang cellphone.

Kunot noo kong kinuha iyon at binasa ang text daw ni Monica.

Nica:

   Akala ko sa states ka na for good?

Anong klaseng tanong iyon? Talagang inakala niyang hindi na siya babalikan ni Bryle dito? Eh mahal na mahal siya nung tao!

Nakita kong mayroon nang reply si Bryle sa kaniyang text.

"Akala ko rin eh. But I need to do something. May babalikan ako." That was his reply to her.

At ikaw 'yon, Monica. Ikaw 'yong babalikan niya. Ikaw ang pinunta niya rito. Ganun ka niya kamahal...

"What do you think about her text?"

Nag-angat ako ng tingin kay Bryle.

"Tingin mo hindi na siya galit sa ginawa ko?"

"I don't know, Bryle. Hintayin mo na lang siguro na mag-reply siya ulit..."

Bryle nodded his head. "Okay. Hmm... I just hope that she's not mad at all. I want her to come back. At mas madali kong magagawa iyon kung hindi na siya galit sa akin. Mas mapapabilis ang pagpapanggap natin..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status