Mag-log in“Malay mo naman, ineng,” sabi ng tinderang nagbebenta ng isaw. “May nakalaang gwapong lalaki para sa’yo.”
Napailing ako habang kumakain ng isaw. “Naku, Aling Isaw, wala nang gwapong loyal ngayon. Habang gwapo at maraming nagkakagusto, mambababae!” Natawa siya. “Eh ano, tatanda kang dalaga?” “Kaysa naman masaktan,” sagot ko. “Para sa’kin, basta gwapo, manloloko. Wala nang forever ngayon.” Destiny? Kalokohan! Matino na lalaki? Asa! Forever? Utot mo! “Hindi ka ba naniniwala sa pag-ibig, iha?” tanong ni Aling Isaw. Napabuntong-hininga ako at inabot ang bente pesos. “Mas gusto ko pang maniwala sa sarili ko kaysa sa pag-ibig.” Naglakad na ako papunta sa kalsada nang pahabol niyang isinigaw, “Sana sa susunod mong balik, nakita mo na ang lalaking nakatadhana sa’yo!” Napailing na lang ako. Lalaking nakatadhana? Sa twenty-two years kong nabubuhay, wala namang lalaking nagseryoso sa akin. Napabuntong-hininga ako. Alas kuwatro pa lang, pero grabe na ang init at siksikan sa Maynila dahil rush hour. Kung hindi lang kailangang umattend sa booksigning, hindi talaga ako luluwas dito. Palinga-linga akong naghahanap ng jeep pa-terminal nang may makita akong paparating, kaya agad akong nakisiksik sa mga taong naghahabol din ng masasakyan. “Excuse me, padaan! Pasensiya na!” sabi ko habang nakikisiksik sa mga tao. Napatakbo ako nang paandar na ang jeep. “Sandali! Pasakay ako!” sigaw ko, pero binugahan lang ako ng usok ng tambutso. “Bwisit, malas!” gigil kong bulong habang nakapaypay sa mukha at masamang tingin sa papalayong jeep. Napabuntong-hininga ako at napamaywang habang naghihintay ng jeep. Napakainit at sobrang ingay pa ng paligid. Bigla akong natigilan nang maramdaman kong may matulis na bagay na tumutusok sa balakang ko. Napalunok ako at dahan-dahang napababa ng tingin. Napapikit na lang ako sa inis nang mapagtanto kong mukhang mahoholdap pa yata ako. “Lord naman… bakit ba ang malas ko?” “Ibigay mo ang bag mo kung ayaw mong masaktan,” mariing bulong ng lalaki sa likod ko. Sa halip na sumigaw, napangiti na lang ako sa kaba. “Akala ko sa gabi lang may holdapan. Sa araw din pala? Tsaka kuya, mukha ba akong may pera?” bagsak-balikat kong sagot. Nakasimple lang akong yellow dress, may suot na yellow lucky charms at handmade na kuwintas. Puro gamit lang din ang laman ng mga bag ko—ballpen, lipstick, cellphone, wallet na may dalawang daan, libro, beads, T-shirt, at mineral water. Sa totoo lang, parang ako pa ang naaawa sa holdaper. Wala siyang mapapala sa akin. “Ibigay mo na sa akin ang gamit mo kung ayaw mong masaktan,” gigil niyang bulong habang mas idinidiin ang kutsilyo sa tagiliran ko. “O-Okay na, kuya! Ibibigay ko naman, chill ka lang,” mahina kong sagot. Para tuloy kaming may secret transaction sa gilid ng kalsada. Dahan-dahan kong iniabot sa kanya ang tote bag at sling bag ko. Mukha siyang matandang nasa mid-forties. Marahas niya iyong kinuha bago mabilis na lumayo. Napabuntong-hininga na lang ako nang wala nang matira sa akin. Pero teka… hahayaan ko na lang ba? Paano ako makakauwi niyan? “Tanga mo talaga, Lucky,” bulong ko sa sarili ko. “Tulong! Kinuha ng lalaking iyon ang gamit ko!” sigaw ko habang tumatakbo at tinuturo ang holdaper. Napatingin sa akin ang mga tao. May ilang humabol, pero may iba ring nanood lang at nag-video. “Hoy! Bumalik ka! Wala kang mapapala sa bag ko!” sigaw ko habang pilit siyang hinahabol. Halos maabot ko na ang buhok niya nang bigla akong matalisod. “Aray! Malas naman,” daing ko habang nakaupo sa kalsada at hinihipo ang sugatang tuhod. “Miss, ayos ka lang?” tanong ng lalaking nagtitinda ng sigarilyo at kendi sa bangketa habang tinutulungan akong makatayo. “Y-Yung bag ko…” hingal kong usal. Hinagod niya ang likod ko para pakalmahin ako. “Huwag kang mag-alala, hinabol na nila yung magnanakaw. Nasugatan ka ba?” Napangiti ako. Cute siya. Mukhang chickboy. “Ayos lang ako. Salamat,” sabi ko. Ngumiti siya at lumitaw ang dalawa niyang dimples. Wow. Pareho kami. “Tisoy nga pala,” pakilala niya. “Lucky,” sagot ko habang tumitingin sa direksyon ng holdaper. Nahuli na! Napangisi ako at tinapik ang balikat ni Tisoy. “Nice to meet you.” “Sana magkita ulit tayo, Lucky!” sigaw niya habang tumatakbo na ako papunta sa holdaper na binubugbog na ng mga tao. Nabawi ko ang mga gamit ko at agad nagpasalamat sa mga manong na humabol sa holdaper. Sinilip ko ang holdaper na nakahandusay sa lupa. Sa sobrang inis ko, ilang beses ko siyang sinipa hanggang mawalan siya ng malay. Buti nga! Pinagod niya pa talaga ako. “Maraming salamat po ulit,” sabi ko sa mga tumulong bago ko napansing papalapit si Tisoy. Hindi ko na siya gaanong pinansin dahil may paparating na jeep. Kahit puno, agad akong sumabit sa may pintuan at kumaway sa kanila. “Salamat po ulit!” Sumilip ako sa loob ng jeep pero puno na pala. “Neng, sabit ka na lang,” sabi nung isang lalaki. Napasimangot na lang ako at naupo sa may pintuan habang sumisinghot ng usok. Inayos ko pa ang dress ko at napatingin sa kasunod naming sasakyan. Brown na Chevy Silverado. Sosyal. Grabe naman ang araw na ’to—naholdap na, nadapa pa, tapos nakasabit pa ngayon sa jeep. Lucky ang pangalan ko, pero puro kamalasan ang buhay ko. Pagdating sa terminal, agad akong bumaba. “Ateng, nasaan po yung bus pa-Solara?” “Papuntang Solara? Kakaalis lang, neng.” Parang gumuho mundo ko. “Wala na pong ibang masasakyan?” “Mamaya pa ulit. Mga alas sais.” Napabuntonghininga ako. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi na lang akong minamalas! Kailan ba ako seswertehin? Naupo na lang ako sa may gutter habang yakap ang tuhod, nalulumbay dahil kailangan ko pang maghintay ng ilang oras bago makauwi sa Solara. Bigla akong napalingon nang may marinig na lalaking galit na may kausap sa cellphone. “Yes, alam ko! Sisilipin ko muna ang Solara. Fvcking cancel all my appointments for today! And don’t call me again, bastard!” Napakurap ako habang pinapanood ang matangkad na lalaking nakatalikod sa’kin. Grabe, makapagmura si Kuya. Pero infairness… ang sexy ng likod. Broad shoulders, tapos naka-knee boots pa, parang magsasaka ang dating. At dahil nabanggit niya ang Solara, isang bagay lang ang sigurado ko—papunta rin siya sa bayan ko. Napatayo ako nang makitang lumapit ang lalaking iyon sa brown na Chevy Silverado na kanina pa nakasunod sa jeep. Siya pala ang may-ari no’n. Habang abala siya sa Petron, mabilis akong sumakay sa likod ng pick-up at nahiga para hindi niya ako mapansin. Wala na akong pakialam basta makauwi sa Solara. Napangiti ako nang umandar ang kotse. Papunta siya sa Solara, papunta rin ako. Makakatipid pa ako at hindi na kailangang maghintay ng bus hanggang gabi. “Kung sinuswerte ka nga naman, Lucky,” bulong ko sa sarili ko. Plano kong tumalon agad pagbaba sa Solara bago pa niya ako mahuli. Mukha pa naman siyang suplado. Pero dahil sa pagod mula sa biyahe, book signing, at holdap kanina, unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko. Naalimpungatan ako sa padabog na pagsara ng pinto ng sasakyan. Papalubog na ang araw nang bumangon ako at inayos ang magulo kong buhok. “Sino ka?!” Gulat akong napalingon at halos mabingi sa lakas ng tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin ng lalaking sobrang gwapo—parang hulog ng langit. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kong nakisakay lang pala ako nang palihim! Tunay na misteryoso ang tadhana. Hindi mo namamalayan, ang taong hinahanap mo ay nasa paligid mo lang pala.5 years ago…“Great! Ang gaganda ng mga kuha mo, Lucky!” nakangiting sabi ng photographer na nakuha namin para sa incoming 18th birthday photoshoot ko.Napangiti rin ako habang tinitingnan ang mga kuha ko sa camera niya. “Wow, ang ganda…” natutuwa ko ring usal. “Kuhang-kuha niyo ’yong diwata theme na gusto ko.” “Ikaw rin! Kuhang-kuha mo ang pagiging diwata! Mukha ka talagang diwata ng Solara! Ang ganda-ganda mo!” natutuwang puri sa akin ng babae.“Thank you po.” Napahagikhik ako sa hiya.“Lucky! Miss Gela! Tara na po! Kumain na po tayo,” tawag ni Mama sa amin, kaya kumaway ako. Nakaligpit na sina Mama at Papa at handa na sa pag-alis. “Ma! Mauna na po kayo, maiwan po muna ko rito.” paalam ko nang makalapit.Kumunot agad ang noo niya. “Huh? Bakit hindi ka pa sasabay? Medyo malayo rin kung lalakarin mo, Lucky!” “Okay lang, Ma. Hindi naman mainit. Gusto ko lang muna magpahangin dito at magsulat…” sabi ko at tinaas ang notebook at ballpen na props ko rin sa photoshoot.Tinitigan niya mu
“Pakasalan mo ako.” Nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya. Matagal pa akong nakatitig lang sa seryosong mukha niya habang nakaawang ang mga labi.Ano raw? Wait, nabingi ba ako sa katahimikan sa paligid namin? At kung anu-ano na ang naririnig ko?Tumayo siya nang maayos at umiwas ng tingin. Nang tingnan niya ako muli ay nag-angat siya ng noo, tila hindi napahiya sa katahimikan ko.“If you really want to save Solara… then marry me,” wika niya sa mas seryosong tinig.Mas lalo akong napatanga at naguguluhan nang tiningnan ko siya. “Huh?! B-bakit? Anong connect ng pag-alis niyo dito sa Solara sa pag-aasawa?” Kumalat ang kunot sa aking noo. Umigting ang panga niya at mariin akong tinitigan. “I need a bride…” Nalaglag ang panga ko at napataas ang kilay ko. Napalunok siya at parang ayaw niya pang sabihin ang susunod na mga salita, pero nang mag-iwas siya ng tingin ay sinabi niya rin ang katotohanan. “Kailangan kong magpakasal,” he said, not looking at me.Napatanga ako sa kanya. I l
“Papa, Mama… sorry, ngayon lang ako nakadalaw.” Hinaplos ko ang lapida nilang may nakaukit na mga pangalan.Sumayaw ang punong nasa tabi ng kanilang libingan. Isang bulaklak ang dahan-dahang nalaglag sa likod ng kamay ko.Napangiti ako.“Galing sa'yo 'to, Papa?”Pinisil ko ang bulaklak at napabuntong-hininga.“Alam n'yo na siguro ang nangyayari. Pinayagan na ni Mayor ang mga property developers. Buong buhay mong ipinaglaban ang Mirasol, tapos ngayon… ibibigay lang niya ito sa mga kapitalista.”“If you were just here, Papa…” malungkot kong usal.Noong nabubuhay pa siya, hindi lang siya naging mabuting ama—siya rin ang naging kapitan at tagapagtanggol ng Mirasol.Now that he's gone… paano na kami?Muling sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Malik. Galit ako kay Mayor, pero alam kong mahalaga rin sa kanya ang Mirasol. Ang mas kinamumuhian ko ay ang lalaking nangunguna sa proyektong ito. Malik Ignatious Degrano.A wolf in sheep's clothing.Will this project really serve the greater good o
Hindi ko akalaing muling magtatagpo ang landas naming dalawa. Ngunit hindi ko kailanman inasahang ang lalaking malugod kong tinanggap sa aming bayan ang siya ring magtatangkang umangkin nito. At hindi ko iyon papayagan. “Ikaw…” Tila maging ang aking mga salita ay nilipad ng hangin nang magtama ang mga mata naming dalawa. Malamig ang tingin niya sa akin; walang bakas ng pagkagulat. Napalunok ako at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayong mas malinaw ko na siyang nakikita sa sapat na distansiya, lalo kong napansin ang agwat naming dalawa—ang kaibahan niya sa lahat ng taong narito. The man before me radiates authority and power. He isn't just physically tall; even the way he looks at us screams that he's beyond anyone's reach. So intimidating. Ang presensiya niya'y tila isang diyos—napakaperpekto at nagsusumigaw ng kapangyarihan.Kumunot ang noo niya at mas tinitigan niya ako. Sa pananahimik ko, lalo lang tumalim ang titig niya, tila sinusukat at minamaliit ako hanggang
Natigil din sa pagtawa si Monique. Napakuyom ang mga kamao ko.“Anong kailangan niyo?” tiim bagang na tanong ko. Tinaasan ako ng kilay ng higad. Sana mawalan ka ng kilay."Bibilhan ko lang ng accessories ang girlfriend ko," sabi ni Jepoy habang hawak ang baywang ni Kaira. “Hmm, gusto ko ng green necklace and yellow bracelet. Sana naman hindi malas ‘yan. Alam mo naman, Lucky, malas ka.” pambibwisit ng higad na malandi.Nanlaki at nanlilisik ang mga mata ko nang makitang hawak ni Jepoy ang baywang ni Kaira. Nakakadiri.“Suggestion ko lang, Kaira: hindi bagay sa’yo ang green at yellow. Hmm, mas bagay sa’yo ang kulay itim dahil isa kang maitim na higad na dumidikit at sumisiksik sa kung kani-kanino. Nakakadiri. Ew, right, bes?” pambibwisit ko rin kay Kaira, na masama na ang tingin sa akin ngayon.“Yup! Ew! Ang kati-kati talaga ni Kaira—ah, ’yung higad! Ang kati no’n pag dumikit sa balat mo, bes. Buti hindi ka nakakatihan, Jepoy.” maarteng tugon ni Monique kaya napangisi ako.“Bes, hindi
Inaasahan ko na ang magandang tanawin na bubungad sa akin sa Solara ngunit hindi ko inakalang makakita ng ganito kagwapong nilalang sa pagbabalik ko rito. At mas lalo akong nasilaw sa angkin niyang kagwapuhan dahil natatamaan ang kanyang mukha ng gintong sinag ng papalubog na araw. Ito na ba ang diyos ng Solara?“Sino ka? At bakit nasa sasakyan kita?” Ang tila galit niyang boses ang nagpagising sa pagkatulala ko sa gwapo niyang mukha.Napakurap ako at napatingin sa paligid. Nananaginip ba ako? Berdeng kapatagan. Matatayog na puno at luntiang halaman. Mga palayang marahang sumasayaw sa bawat haplos ng hangin. Mga bulaklak na wari’y nang-aakit mula sa malayo. At higit sa lahat, ang napakagandang paglubog ng araw na perpektong natatanaw mula sa kinaroroonan naming dalawa. At siya. Na para bang isang panaginip.“Baba,” mariing usal niya na muling nagpakurap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kong nakisakay pala ako nang hindi nagpapaalam! Napalunok ako at nahihiyang ngumiti







