Home / Romance / Lucky Destiny / Chapter 2: Welcome

Share

Chapter 2: Welcome

Author: teacher cy
last update publish date: 2026-07-01 01:02:56

Inaasahan ko na ang magandang tanawin na bubungad sa akin sa Solara ngunit hindi ko inakalang makakita ng ganito kagwapong nilalang sa pagbabalik ko rito. At mas lalo akong nasilaw sa angkin niyang kagwapuhan dahil natatamaan ang kanyang mukha ng gintong sinag ng papalubog na araw. Ito na ba ang diyos ng Solara?

“Sino ka? At bakit nasa sasakyan kita?” Ang tila galit niyang boses ang nagpagising sa pagkatulala ko sa gwapo niyang mukha.

Napakurap ako at napatingin sa paligid. Nananaginip ba ako? 

Berdeng kapatagan. Matatayog na puno at luntiang halaman. Mga palayang marahang sumasayaw sa bawat haplos ng hangin. Mga bulaklak na wari’y nang-aakit mula sa malayo. At higit sa lahat, ang napakagandang paglubog ng araw na perpektong natatanaw mula sa kinaroroonan naming dalawa. 

At siya. Na para bang isang panaginip.

“Baba,” mariing usal niya na muling nagpakurap sa akin. 

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kong nakisakay pala ako nang hindi nagpapaalam! 

Napalunok ako at nahihiyang ngumiti. “Ahm, hehehe.” Napaatras ako sa pagkakaupo at halos yakapin ko na ang mga tuhod ko.

Napayuko ako sa takot at hiya nang mariin niya akong tinitigan at halos magdikit ang mga kilay niya. 

“A-Ano kasi… nakisakay ako sa’yo. S-Sorry, hindi ako nagpaalam. B-Babayaran naman kita—” nanginginig kong sabi habang kinukuha ang wallet ko. Kukuha sana ako ng pera nang bigla niyang winasiwas ang kamay niya. 

“Ayoko ng pera mo. Umalis ka na,” malamig niyang wika. Napalunok ako sa matiim niyang titig. Napatayo ako at muling ngumiti sa kanya. 

“O-Okay. Salamat at nandito na ako sa Solara.”

Sa pagtayo ko, sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin na nagpalipad sa aking mahabang buhok. Napapikit ako at hinayaang yakapin ako ng Solara. 

Nandito na ulit ako sa tahanan ko. Ang bayan ko. Ang buhay ko. Solara.

Pagmulat ko, pares ng nakakatunaw na itim na mga mata ang bumungad sa akin. Sa isang titig niya, bumilis ang tibok ng puso ko. 

Ngumiti ako sa kanya bago tumalon pababa. Humarap ako sa kanya. 

“Welcome to my world, Mister. Ito ang Solara—maganda, masagana, at mapayapa. Sana ma-appreciate mo ang kagandahan ng aming bayan. Muli, maligayang pagdating sa Solara,” nakangiti kong bati. 

Nawala ang ngiti ko nang makitang nanatili lang siyang nakatitig sa akin. 

“Sige, alis na ako! Bye!” paalam ko sabay kaway sa kanya. Tatalikod na sana ako nang bigla niya akong tawagin. 

“Next time, don’t do that again. Paano kung sa ibang lugar kita dinala at may masamang nangyari sa’yo? Huwag kang basta-basta sumasama sa taong hindi mo kilala.” 

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. “Sige. Hindi ko na ulit gagawin iyon.” sabi ko at tumalikod na. Napangiti ako habang naglalakad.

Buti na lang, kahit mukhang masungit ang lalaking iyon, wala siyang masamang ginawa sa akin. Kahit papaano, maswerte pa rin ako.

Maswerte talaga! Ikaw ba naman makakakita ng mala-greek God sa itsura at anghel sa kabaitan, ‘di ba? 

Napahagikgik ako nang maalala kung paano halos magdikit ang kanyang mga kilay habang nakatitig sa akin kanina. Masungit na anghel. 

“Aray!” Napahimas ako sa aking braso nang may humampas doon. Paglingon ko, bumungad sa akin ang magaling kong kaibigan na may hawak na malaking pamaypay. 

“Huy, teh! Kanina ka pa namin tinatawag. May nagtatanong kung magkano itong bracelet na tinda mo! Tulaley? Ano 'yan, nananaginip ka pa?” bulyaw ni Monique sabay irap sa akin. 

Sumimangot ako at hinanap ang customer. “Nasaan na?”

“Ay teh! Umalis na! Kanina pa! Ano ba kasing tinutulala mo diyan?” Ang sakit talaga sa tenga ng boses nitong si Monique!

“Baka naman may nakilalang gwapong lalaki si Lucky sa Maynila kahapon!” Humagikhik si Chariz. 

Napanguso ako sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagsalansan ng mga lucky charm na tinda ko. Full-time writer ako, pero nagsa-side hustle rin bilang tindera ng mga handmade kong anik-anik. 

“Ano ba ang sinasabi niyo diyan?” painosenteng sabi ko, kahit totoo naman, may nakilala nga akong gwapong lalaki na hinatid pa ako pabalik rito!

“Sus, ’wag kami, neng! Nakita ko pa nga yata ang laway mong muntik nang tumulo habang nagde-daydream ka kung kailan mo kaya makikita ulit si Prince Charming!” ” pang-aasar ni Dahlia. Agad namang nagtawanan ang mga kasama namin sa kani-kanilang puwesto sa palengke. 

Mga kapitbahay ko sila sa palengke. Magkakatabi ang aming mga puwesto at magkakalapit lang ang aming edad, kaya naging magkakaibigan kami. 

Hindi ko rin napigilang mapangiti, pero napailing ako sa kanila. Hinding-hindi ko aaminin na hanggang ngayon nga ay hindi mawala sa isip ko ang lalaking iyon.

“Tumigil nga kayo diyan. Walang prince charming ‘no!” Dahil hindi naman siya Prince Charming! He’s a god!

Pinagtulungan pa rin nila akong tuksuhin kahit paulit-ulit akong umiling. Para matahimik na sila, ikinuwento ko na lang ang nangyari kahapon—minus ang parte kung paano ako nakihitch at ang tungkol sa gwapong lalaking nakilala ko. Ang mga walanghiya, tawa nang tawa sa kamalasan ko. 

“Maiba tayo, mga day! May bumisita pala dito kagabi. Engineer raw! Mukhang nagtitingin sila ng lupa kasi panay ang punta nila dito.” 

Mas nakuha ng tsismis na ito ang atensyon ko. Aba’y hindi dapat nahuhuli sa balita ang napakagandang diwata ng Solara—na walang iba kundi ako.

“Baka bibili lang ng lupa?” tugon naman ni Dahlia na inaayos ang mga ginawa niyang basket.

“Hindi e. Kasi ang sabi-sabi, magtatayo daw ng subdivision…” mahinang usal ni Chariz.

“Hindi naman puwede ‘yan. Paano ang mga puno ng Solara? Tsaka dapat sa syudad sila magtayo ng subdivision, hindi dito!” mataray na singit ni Monique sa tabi ko.

“O baka, bibilhin nila ang lupa sa bawat isa sa atin at sasakupin nila ang—” exaggerated na usal ni Ysabel, kaya pinutol ko siya.

“HEH!” sigaw ko kaya sabay-sabay silang napatingin sa akin. “Hindi mangyayari ang sinasabi n'yo dahil hindi ko hahayaang sakupin nila ang Solara. Nakalimutan n'yo na ba na ako ang diwata ng Solara? Hindi ko hahayaan na maagaw nila ang mga kayamanang mayroon tayo!” kumpiyansa kong sabi. Sabay-sabay naman silang napangiwi. 

“Diwata talaga?” ngiwing usal ni Monique, kaya hinampas ko siya ng bayong.

“Pero, Lucky, hindi natin maiiwasan ’yon. Kilala na ng mga turista ang Solara. Huwag na tayong magulat kung balang araw ay may magtangkang angkinin ang lupain natin para sa negosyo nila,” dagdag ni Ysabel. 

Ngumuso ako at napairap. “Ang dami talagang alam niyang babaeng ‘yan,” bulong ni Monique.

“Malay mo nga mangyari ‘yon, edi goodbye Solara na?” nalulungkot na usal ni Chariz.

“Hays, ang nenega niyo! Hindi iyon mangyayari at hindi puwede! Positive lang, ‘di ba, bitter?” Tinuro ako ni Monique.

“Positive lang! Pero hindi ako bitter!” Umirap ako sa kanya  at ngumiti sa mga taong dumadaan. 

“Hello! Baka gusto ninyong bumili ng lucky charms? Bracelets? Necklace? Murang-mura, hindi ka mapapamura!” nakangiting sabi ko sa mga dumadaan. 

Umiling lang sila kaya napanguso ako. Narinig ko pang pinagtatawanan ako ni Monique, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nang muli akong tumingin sa harap ng tindahan, napangiti ako nang makita ang dalawang pares ng sapatos na nakatayo roon. 

“Welcome to Lucky’s Lucky Charms! Baka gusto niyo ng accessories? May bracelet ako, iba’t ibang kulay para maging makulay ang buhay mo—!” Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang mga taong nasa harap ko. 

On second thought, hindi pala sila tao.

Isang engkanto at higad. And I am not welcoming them into my shop.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lucky Destiny   Chapter 42: True

    Tumayo ang ina ni Malik at sinalubong ang bagong dating. Napatayo rin ako habang pinagmamasdan silang mainit na magbeso at magyakapan. “I’m glad you came, Lian. It’s been a while since the last time I saw you. Parang kapag wala si Malik rito ay hindi mo na ako dinadalaw.” masayang sambit ni Yna at masuyong nakangiti. Ang bagong dating na babae ay tila close na close sa ina ni Malik sa paraan pag-uusap nila.“Oh, I’m sorry, Tita. But when I received your message last night, I was so happy to hear from you and to finally be here! It’s just that I became so busy in New York. Kakauwi ko lang two days ago.”Ngumiti siya bago muling nagsalita. “I was actually planning to visit you na rin since napauwi naman ako. I also heard about the accident at the site Malik was overseeing. I was so worried about him, but he hasn’t been replying to my messages.” Saglit siyang napalingon sa paligid. “Is he here, pala?”Dahil sa paglibot nila ng tingin ay nakita na nila akong muli. Yohoo! Dito ang tingin

  • Lucky Destiny   Chapter 41: Unexpected Visitor

    Bumalik muli sa isip ko ang alaalang iyon. I can hear Kuya Lhor’s voice from a distant. Umiiyak siya. “Wala na sila Mama at Papa, Lucky…” Narinig kong sabi niya kaya napasigaw ako. Sumigaw ako para hindi ko na marinig ang boses niya. Paulit-ulit na sigaw habang tinatakpan ang aking tenga.“Lucky!” Pero tila ako nagising sa isang boses. Unti-unting luminaw ang paningin ko. Nawala si Kuya, ang ospital, ang mga boses…And I saw Malik in front of me. Nag-aalala ang mga mata, nakahawak sa aking mga braso, nakaluhod sa harap ko.“M-Malik…” nanghihinang usal ko at lumuha.“W-What is happening to you…” gulat na usal niya pero tanging paghikbi lang ang naging sagot ko. He pulled me from a hug and caressed my back.“Sorry, a-ako ang dahilan kung bakit inatake ang Mama mo.” sabi ko at yumakap rin ng mahigpit sa kanya habang umiiyak na parang bata.“Don’t blame yourself. And Mom’s okay now. Calm down, Lucky. Mom’s okay. She’s fine. Nothing to worry about anymore. Kailangan niya lang magpahinga.

  • Lucky Destiny   Chapter 40: Tragedy

    “Pa! Huwag na tayong magkaroon ng magarbong handaan sa debut ko.” Iyon agad ang salubong ko sa kakarating na mga magulang na galing sa maisan.Nakasuot sila ng damit magsasaka habang inilalapag ang mga pasalubong na mais at gulay.“At ano namang gusto mo sa birthday mo, Lucky?” nakangiting tanong ni Papa matapos kong magmano.“Sayang naman ang photoshoot mo kung hindi tayo magpaparty.” sabi ni Mama habang nagmamano din ako.Ngumiti ako sa kanila. “Ma, makikita pa rin naman nila ang pictures ko. Pero huwag na ho tayong magpaparty. Pumunta na lang tayo sa Maynila! Hindi pa ako nakakapunta doon e.”Natigilan sila pareho at nagkatinginan. Naupo si Papa sa sofa pagkahubad ng sumbrero na agad ko ring niligpit. “Maynila? Ano namang pupuntahan natin doon?” seryosong tanong ni Papa.“Iyong mga sikat na pasyalan, bisitahin natin, Pa! Mag-eighteen na ako pero hindi ko pa nakikita ang tunay na mundo…” nakasimangot kong sabi sa huli na ikinatawa nila.“Anong hindi nakikita ang tunay na mundo? Ito

  • Lucky Destiny   Chapter 39: Homesick

    “I’m sorry…” usal ni Malik pagkasara niya nang p***o ng kwartong pinasukan namin.Humarap siya sa akin, namumungay ang mga mata. “Okay lang, I was really expecting na hindi niya ako magugustuhan… hindi ko lang inexpect na mas malala pa pala siya sa iniisip ko. Sorry, Malik. Pero galit na galit ang mama mo sa akin at sorry rin dahil nainsulto ako sa mga sinabi niya at hindi ako matatahimik lang. For your information, galit rin ako sa Mama mo.” Walang pag-aalinlangan kong sinabi sa kanya ang mga hinaing ko. Nagsisinungaling na kami sa harap ng ibang tao, pati ba naman sa isa’t isa ay magsisinungaling din? I am tired of pretending. Kahit itong galit ko man lang, malaman niya.“I know, and I’m sorry about her attitude. Mama can be strict and stern. Maybe the reason she was so angry earlier was because she couldn’t accept that I went against her and got married without her knowing…” seryosong sambit niya at hinawakan ang braso ko.“But if she gets to know you, she’ll definitely fall for y

  • Lucky Destiny   Chapter 38: Insults

    Nagkatitigan kaming dalawa ng ina ni Malik. Nagrereflect sa itim niyang mga mata ang galit sa akin. But I continued to smile at her kasi bakit ako matatakot sa kanya gayung ang mga sinabi ko ay totoo naman?Hindi ko sasayangin ang pagkain… kahit hindi masarap! Ito na ba ang bunga ng mga sinira nilang kalikasan… isang ulam na hindi naman masarap! Kung si Manang Lui siguro ang nagluto nito, I’m pretty sure that this will be the best Pan-Seared Chilean Sea Bass with Lemon Butter Sauce dahil ang luto ay hinahaluan ng pagmamahal at hindi mula sa katulong na marahil ay masama ang loob sa amo!Tumikhim si Malik na muntik ko nang makalimutang narito pa pala. Nakukuha na kasi ng ina niya ang inis ko! Ngayon alam ko na kung bakit ganito ang ugali ni Malik. Pinaglihi yata siya sa sama ng loob ng ina niya.“Lucky grew up around farms, so she wouldn’t waste food, Mom.” malamig na usal ni Malik habang tinitingnan ang ina niya.Umiwas na ako ng tingin sa kanila at inabala na lang ang sarili sa pagk

  • Lucky Destiny   Chapter 37: Mother in Law

    Sa malawak na dining area, dahan-dahang napunta ang mga mata ko sa pagkaing nasa hapag hanggang sa makarating sa isang maputing babaeng nasa mid-fifties na nakatayo sa dulo ng mahabang dining table. Maayos na nakabun ang itim niyang buhok. She wears a white silk blouse and beige tailored trousers, paired with simple yet elegant jewellery.Makikita na ang mga wrinkles sa mukha niya, pero hindi nito natatakpan ang kanyang kagandahan. She is the kind of woman whose beauty seems to grow more refined with age.She smiles as she happily greets Malik, but the moment her gaze shifts toward me, her smile slowly fades.“Who is this young lady you’re with?”Nakangiti pa rin siya, ngunit may halong diin ang bawat salita niya habang diretso at mapanuri ang tingin sa akin.Nakakatakot nga lang na habang ginagawa niya iyon, napapanatili niya ang kanyang ngiti… isang mapagkunwaring ngiti.Napaatras ako, pero gulat akong nag-angat ng tingin kay Malik nang mapansin kong umatras din siya kasabay ko.Now,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status