Se connecterNatigil din sa pagtawa si Monique. Napakuyom ang mga kamao ko.
“Anong kailangan niyo?” tiim bagang na tanong ko. Tinaasan ako ng kilay ng higad. Sana mawalan ka ng kilay. "Bibilhan ko lang ng accessories ang girlfriend ko," sabi ni Jepoy habang hawak ang baywang ni Kaira. “Hmm, gusto ko ng green necklace and yellow bracelet. Sana naman hindi malas ‘yan. Alam mo naman, Lucky, malas ka.” pambibwisit ng higad na malandi. Nanlaki at nanlilisik ang mga mata ko nang makitang hawak ni Jepoy ang baywang ni Kaira. Nakakadiri. “Suggestion ko lang, Kaira: hindi bagay sa’yo ang green at yellow. Hmm, mas bagay sa’yo ang kulay itim dahil isa kang maitim na higad na dumidikit at sumisiksik sa kung kani-kanino. Nakakadiri. Ew, right, bes?” pambibwisit ko rin kay Kaira, na masama na ang tingin sa akin ngayon. “Yup! Ew! Ang kati-kati talaga ni Kaira—ah, ’yung higad! Ang kati no’n pag dumikit sa balat mo, bes. Buti hindi ka nakakatihan, Jepoy.” maarteng tugon ni Monique kaya napangisi ako. “Bes, hindi talaga makakatihan ang engkanto sa isang malanding higad kasi pareho lang sila. Parehong pangit at nakakadiri, ew! Layo layo nga tayo, bes. Ayokong mangati,” maarteng dagdag ko at umirap sa kanila. "Akala mo naman ang ganda-ganda mo!" asar ni Kaira. "Naiinggit ka lang kasi ako ang pinili ni Jepoy." "Right, babe?" malandi niyang tanong. Tiningnan ko si Jepoy at sinamaan ng tingin. Ngumiti lang siya kay Kaira, kaya lalong kumulo ang dugo ko. “Tara na, babe. Sa iba na lang tayo bumili,” panlalambing niya sa higad. “No, babe. Gusto ko kay Lucky bumili. Pasalamat ka nga, Lucky, binibilhan kita. Nakakaawa ka kasi.” Ngumisi ako sa kanila. Alam niyo yung pakiramdam na sobrang galit na namumuo sa sistema ko na napapangiwi na lang ako dahil alam kong kaunting-kaunti na lang sasabog na ako! Sige lang, Kaira, Jepoy, isang-isa na lang! “‘Di ba, Lucky? Kaya kung ako sa’yo, magiging mabait na lang ako at hindi magpapakabitter,” nakangising usal niya. “Lucky!” Napatili si Monique nang ihambalos ko kay Kaira ang bilao ng mga bracelet. “O my gosh, Lucky, tama na!” pagpigil niya sa akin. “Hindi kayo kawalan! Tandaan niyo ‘yan! Huwag na huwag na kayong babalik dito!” sigaw ko at dinuro sila na ang kapal talaga ng mga mukha! “Kaira, hindi ako naiinggit sa’yo at ito ang tandaan mo, Jepoy, makakahanap din ako ng mas gwapo, mas mayaman, at mahal na mahal ako! Hindi kita kailangan! Hindi ka kawalan!” galit kong sigaw. Napatingin na sa’min ang mga tao sa palengke. Nakakahiya, pero mas nanaig ang galit ko sa kanilang dalawa. Natawa si Jepoy at mayabang na ngumisi. "Lucky, tingnan mo nga ang sarili mo. Wala kang dating at wala kang mararating. At ikaw? Makakahanap ng ipapalit sa akin?" Humalakhak siya. "Baliw na baliw ka kaya sa'kin." Nanginig ang nakakuyom kong kamao at nanlabo ang paningin ko sa pinipigilang luha. Hindi ako makapagsalita. “Ang kapal naman ng mukha mo! Ikaw na nga itong nanakit sa best friend ko, ikaw pa may ganang magyabang?! Pwes, ulol ka dahil maganda si Lucky at maraming magkakagusto sa kanya! Ikaw kaya ang walang dating! Hindi ko nga alam kung bakit ka nagustuhan ni Lucky, gayong you are nothing!” galit na sigaw ni Monique sa kanya. Humalakhak si Kaira. “At sino naman ang magkakagusto kay Lucky?” Umiiling na usal ni Kaira. Umiwas ako ng tingin. "Si Steve! Gusto ni Steve si Lucky! 'Di ba, bes?" ani Monique. Napamawang ang bibig ko at gulat siyang nilingon. Bakit naman nadamay si Steve? “Si Steve? Hindi na ‘yon babalik,” usal ni Jepoy. “And duh, hindi nababagay si Steve kay Lucky.” Umirap si Kaira. “Mas lalo namang hindi siya bagay sa higad na tulad mo, Kaira. Yung level mo kasi, pang Jepoy lang. Yung puro hangin lang pero wala naman talagang dating. And looking at both of you now, I think you two really suit each other. Thanks, Kaira, for taking Jepoy away from me kasi nung nawala siya, doon ko nalamang siya pala ang malas sa buhay ko. Kaya, Kaira, ikaw na bahala sa basura ko, huh?” nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa mas lalong ikinapanget ng mga mukha nila. “Putangina mo, Lucky!” nangangalaiting sigaw ni Jepoy. I smirked and tossed my hair. Mas lalo silang napahiya nang magtawanan at tuksuhin sila ng mga tao sa paligid. “Ngayon lang ako natuwa sa’yo, Kaira! Salamat sa pagkuha ng basura ni Lucky!” sigaw ni Aling Sue. “Shut up!” maarteng sigaw ni Kaira. "Umalis na kayo! Hindi na kayo nahiya sa prinsesa ng Solara!" sigaw ni Tito Gin pagpasok niya sa palengke. "Alis! Mayayabang!" sabat ni Dahlia. Pinagtulungan silang palayasin ng mga tao kaya hindi na maipinta ang mga mukha nina Jepoy at Kaira. Napangiti ako kay Tito Gin at sumaludo. Ngumisi lang siya bago nagtungo sa kaniyang puwesto sa isdaan. “Ayos ka lang, Lucky?” tanong ni Ysabel. Napabuntong-hininga ako nang makaalis na ang mga peste. “Salamat.” sinserong sabi ko sa kanila. “Sino pa bang magtutulungan kundi tayo-tayo lang?” nakangising sabi ni Chariz. Natawa kami. Sabi nila ang pinakamagandang barangay sa Solara ay ang Mirasol, pero hindi lang kagandahan ang meron sa amin, kundi isang tahanan. Dala ang bilao ng mga natitirang bracelet, masaya akong naglalakad pauwi. Sumasayaw ang aking yellow-orange na palda sa bawat hakbang habang nilalaro ng panghapong hangin ang mahaba kong buhok. Ngunit dahan-dahang napawi ang ngiti ko nang madaanan ko ang isang sakahang pinagkakaguluhan. Isang babae ang umiiyak at sumisigaw habang kaharap ang isang matangkad na lalaki, napapalibutan ng mga kapitbahay at ilang estranghero. “Hindi niyo puwedeng kunin ang lupang ito! Ito lang ang hanapbuhay namin! Maawa naman kayo, wala na ang asawa ko at may apat akong anak na binubuhay!” umiiyak na sigaw ng babae na si Aling Martha pala. “Hindi niyo pagmamay-ari ang lupaing ito, Mrs. At naaprubahan na gagawing residential area ang barangay niyo.” “Ano?! Kung ganoon ay paano na ang mga sakahan at lupa namin dito?” sigaw ng isang lalaking magsasaka rin. Mas lalong dumami ang mga taong nakikiusyoso. Puno ng pag-aalala, takot, at pagkagulat ang mababakas sa aming mga mukha. Ano bang nangyayari? "Para sa kaalaman ng lahat! Ang lugar na ito ay nakatakdang paunlarin. Kung hindi ninyo pagmamay-ari ang lupang inyong sinasaka, panahon na upang humanap kayo ng ibang matitirhan. At kung sa inyo naman ang lupa, handa naming bilhin ito sa makatarungang halaga. Ngunit tandaan ninyo, matutuloy ang proyektong ito sa ayaw man ninyo o sa gusto," maawtoridad na wika ng lalaking kaharap ni Aling Martha. Suminghap ang mga tao at nagbulungan. Nagngitngit ang ngipin ko sa galit sa sinabi ng lalaki. Sino ba siya para utusan kaming umalis at ipagbenta ang mga lupa namin?! “At sino ka naman para sabihan iyan?!” matapang kong sigaw, dahilan para lumingon ang mga tao sa akin. Mas lalo kong tinaasan ang aking noo nang makita kong dahan-dahang gumalaw ang matipuno niyang katawan paharap sa akin. Tila tumigil ang mundo ko nang magtama ang mga mata namin. Ang lalaking nais bumili ng mga lupain namin ay walang iba kundi ang gwapo at supladong anghel na naghatid sa akin pabalik sa Solara! "I am Engineer Malik Ignatious Degrano, CEO of Degrano Realty and Development Corporation. And I am here to ensure that this land is put to better use."Ang mga tao nga naman... gagawin ang lahat para sa pera. Para sa sariling interes, kaya nilang isakripisyo ang buhay ng iba. Nangilid ang luha sa mga mata ko habang pinagmamasdan ang mala-demonyo niyang mga ngisi. Na para bang tuwang-tuwa siya sa napili niyang desisyon.“Ang sama mo. You can just get married! Wala ka pang maaapakang tao!” galit kong sabi.Malakas siyang natawa. Tumayo siya at mayabang na humarap sa akin. “Why would I sacrifice my freedom for the people of Mirasol? They're strangers to me. Kikita ba ako kapag naawa ako sa kanila?” Pinanlisikan ko siya ng mata at napatayo rin.“At least sa dalawang option na ibinigay ng mama mo, puwede mong piliin ang makakabuti sa lahat! You can easily get married, get your inheritance, and live a happy life. Hindi 'yung nandito ka at ginagawang kumplikado ang tahimik na buhay ng maraming tao!”Napatawa siya.“Wow. You make it sound so easy to get married.” Lumapit siya hanggang halos wala nang pagitan sa amin. “Bakit papakasal ka b
“Ikaw…” usal ko habang nakatitig sa kanya.It’s funny how the world seems so small. And how playful destiny can be.Ang lalaking minsang naghatid sa akin pauwi sa Solara, ang lalaking minsan kong hinangaan dahil sa kabaitan niya, at ang lalaking matagal kong hinintay… ay siya ring lalaking pinakakinamumuhian ko ngayon.Kasabay ng malakas na pagsara ng pinto ay ang pagsabog ng mahaba kong buhok. Napatigil kami sa pagtititigan at napalingon sa pinto na malakas na isinara ng hangin.Nang magsara ang pinto ay doon ko mas naramdaman ang katahimikan. Kaming dalawa sa malaking bahay na ito… nakasaradong pinto…Kinabahan ako nang muli kong masalubong ang mga mata niyang mariin at nakakapanghina kung makatitig.“H-hindi ako magtatagal… Kaya sabihin mo na ang gusto mong sabihin,” sabi ko, dahil biglang hindi ako naging komportable sa isiping kaming dalawa lang sa bahay na ito! Of course, this man is still a stranger! At halos nasa gitna kami ng kawalan! Nasa ibaba pa ang mga kabahayan kaya kun
5 years ago…“Great! Ang gaganda ng mga kuha mo, Lucky!” nakangiting sabi ng photographer na nakuha namin para sa incoming 18th birthday photoshoot ko.Napangiti rin ako habang tinitingnan ang mga kuha ko sa camera niya. “Wow, ang ganda…” natutuwa ko ring usal. “Kuhang-kuha niyo ’yong diwata theme na gusto ko.” “Ikaw rin! Kuhang-kuha mo ang pagiging diwata! Mukha ka talagang diwata ng Solara! Ang ganda-ganda mo!” natutuwang puri sa akin ng babae.“Thank you po.” Napahagikhik ako sa hiya.“Lucky! Miss Gela! Tara na po! Kumain na po tayo,” tawag ni Mama sa amin, kaya kumaway ako. Nakaligpit na sina Mama at Papa at handa na sa pag-alis. “Ma! Mauna na po kayo, maiwan po muna ko rito.” paalam ko nang makalapit.Kumunot agad ang noo niya. “Huh? Bakit hindi ka pa sasabay? Medyo malayo rin kung lalakarin mo, Lucky!” “Okay lang, Ma. Hindi naman mainit. Gusto ko lang muna magpahangin dito at magsulat…” sabi ko at tinaas ang notebook at ballpen na props ko rin sa photoshoot.Tinitigan niya mu
“Pakasalan mo ako.” Nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya. Matagal pa akong nakatitig lang sa seryosong mukha niya habang nakaawang ang mga labi.Ano raw? Wait, nabingi ba ako sa katahimikan sa paligid namin? At kung anu-ano na ang naririnig ko?Tumayo siya nang maayos at umiwas ng tingin. Nang tingnan niya ako muli ay nag-angat siya ng noo, tila hindi napahiya sa katahimikan ko.“If you really want to save Solara… then marry me,” wika niya sa mas seryosong tinig.Mas lalo akong napatanga at naguguluhan nang tiningnan ko siya. “Huh?! B-bakit? Anong connect ng pag-alis niyo dito sa Solara sa pag-aasawa?” Kumalat ang kunot sa aking noo. Umigting ang panga niya at mariin akong tinitigan. “I need a bride…” Nalaglag ang panga ko at napataas ang kilay ko. Napalunok siya at parang ayaw niya pang sabihin ang susunod na mga salita, pero nang mag-iwas siya ng tingin ay sinabi niya rin ang katotohanan. “Kailangan kong magpakasal,” he said, not looking at me.Napatanga ako sa kanya. I l
“Papa, Mama… sorry, ngayon lang ako nakadalaw.” Hinaplos ko ang lapida nilang may nakaukit na mga pangalan.Sumayaw ang punong nasa tabi ng kanilang libingan. Isang bulaklak ang dahan-dahang nalaglag sa likod ng kamay ko.Napangiti ako.“Galing sa'yo 'to, Papa?”Pinisil ko ang bulaklak at napabuntong-hininga.“Alam n'yo na siguro ang nangyayari. Pinayagan na ni Mayor ang mga property developers. Buong buhay mong ipinaglaban ang Mirasol, tapos ngayon… ibibigay lang niya ito sa mga kapitalista.”“If you were just here, Papa…” malungkot kong usal.Noong nabubuhay pa siya, hindi lang siya naging mabuting ama—siya rin ang naging kapitan at tagapagtanggol ng Mirasol.Now that he's gone… paano na kami?Muling sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Malik. Galit ako kay Mayor, pero alam kong mahalaga rin sa kanya ang Mirasol. Ang mas kinamumuhian ko ay ang lalaking nangunguna sa proyektong ito. Malik Ignatious Degrano.A wolf in sheep's clothing.Will this project really serve the greater good o
Hindi ko akalaing muling magtatagpo ang landas naming dalawa. Ngunit hindi ko kailanman inasahang ang lalaking malugod kong tinanggap sa aming bayan ang siya ring magtatangkang umangkin nito. At hindi ko iyon papayagan. “Ikaw…” Tila maging ang aking mga salita ay nilipad ng hangin nang magtama ang mga mata naming dalawa. Malamig ang tingin niya sa akin; walang bakas ng pagkagulat. Napalunok ako at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayong mas malinaw ko na siyang nakikita sa sapat na distansiya, lalo kong napansin ang agwat naming dalawa—ang kaibahan niya sa lahat ng taong narito. The man before me radiates authority and power. He isn't just physically tall; even the way he looks at us screams that he's beyond anyone's reach. So intimidating. Ang presensiya niya'y tila isang diyos—napakaperpekto at nagsusumigaw ng kapangyarihan.Kumunot ang noo niya at mas tinitigan niya ako. Sa pananahimik ko, lalo lang tumalim ang titig niya, tila sinusukat at minamaliit ako hanggang







