LOGINHindi ko akalaing muling magtatagpo ang landas naming dalawa. Ngunit hindi ko kailanman inasahang ang lalaking malugod kong tinanggap sa aming bayan ang siya ring magtatangkang umangkin nito. At hindi ko iyon papayagan.
“Ikaw…” Tila maging ang aking mga salita ay nilipad ng hangin nang magtama ang mga mata naming dalawa. Malamig ang tingin niya sa akin; walang bakas ng pagkagulat. Napalunok ako at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayong mas malinaw ko na siyang nakikita sa sapat na distansiya, lalo kong napansin ang agwat naming dalawa—ang kaibahan niya sa lahat ng taong narito. The man before me radiates authority and power. He isn't just physically tall; even the way he looks at us screams that he's beyond anyone's reach. So intimidating. Ang presensiya niya'y tila isang diyos—napakaperpekto at nagsusumigaw ng kapangyarihan. Kumunot ang noo niya at mas tinitigan niya ako. Sa pananahimik ko, lalo lang tumalim ang titig niya, tila sinusukat at minamaliit ako hanggang sa gusto ko na lang lamunin ng lupa. Pero hindi ako magpapadala sa kagwapuhan niyang iyan! Kahit dalang-dala na ako! "You want to put our land to better use?" ulit ko sa huli niyang sinabi. Napatingin ako sa paligid. Nakatitig sa akin ang mga taga-Solara, tila nakikiusap na ipaglaban ko ang lupang ito. Lumagpas ang tingin ko sa kanila at nilibot ko ang tingin sa napakagandang kalupaan ng Solara. Natawa ako at muling tumingin sa kanya. “Hindi pa ba namin ginagamit nang maayos ang lupa? Tingnan mo ang paligid, Engr. Malik. Ang bawat tanim dito ay kabuhayan ng mga tao. Hindi lang kami ang nakikinabang dito—pati na rin ang mga turistang bumibisita sa Solara. Kaya huwag mong sabihing hindi napapakinabangan ang lupang ito. Ang gusto ninyo lang ay pagkakitaan ito." Nagkatinginan ang ilan sa mga kasamahan niyang marahil ay mga opisyal ng kumpanya. Lumakas ang bulungan sa paligid. Pero si Malik, nanatili ang mariing titig sa akin. Na para bang wala siyang pakialam sa mga sinabi ko. "Tama si Lucky! Hindi namin ibibigay ang lupa namin! Wala kayong karapatang angkinin ito!" galit na sigaw ni Tito Gin, ang kapitan ng barangay na agad na dumating nang kumalat ang balita sa Mirasol. Malik straightened, his broad shoulders squaring as he looked at us with cold, intimidating eyes. Nang ngumisi siya, halos mapamura ako sa kayabangan niya. “Brgy. Mirasol is the perfect place for a master-planned residential community. And yes, I see your point.” Tumingin siya sa akin sa mga matang tila nawiwili. "Farming has sustained this community for generations, and I respect that. But this land has greater economic potential. A residential development will create jobs, attract investors, and open more opportunities for the future," pormal niyang wika at lumingon siya sa mga tao sa paligid. “At ang mga taong narito… Ilan sa inyo ay hindi naman pagmamay-ari ang lupang ito. Pinahiram lamang ito ng pamahalaan ng Solara para inyong gamitin. Ngayong may mas malaking proyekto para sa lugar na ito, umaasa akong makikipagtulungan kayo." Saglit siyang tumigil bago niya ako muling tingnan. "If you truly love this place, then you should want it to grow." Pakiramdam ko ay sinampal ako ng huling sinabi niya. What is he trying to say? Ayokong mag-grow ang Solara? Kinuyom ko ang mga kamao ko at hindi na napigilan ang pag-iinit ng ulo sa mga sinasabi niya. “At anong karapatan mo para sabihin sa ’min ’yan?! Puwede ba, umalis na kayo dahil hindi namin ipagbibili ang mga lupa namin! And don’t tell me to my face that I don’t want this place to grow, because I do! And it will grow without your methods. Hindi namin kayo kailangan!” galit kong usal sa kanila, kaya hinawakan ni Tito ang balikat ko para pakalmahin ako. "Kailangan ng bayan, Lucky." Napatigil ako at napalingon. Si Mayor ang bagong dating. Umiwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin. He really looked like Papa. "Mayor," bati ni Tito Gin. "Magandang araw sa inyo." Nakipagkamay siya rito bago humarap kay Malik. "Pasensiya na kung nahuli ako ng dating, Engr. Degrano." Sa nakikita kong pagpapalitan nila ng tingin ay lalong lumalakas ang hinala ko. Mas sumasama ang pakiramdam ko. Kaya hindi ko na napigilan ang pananahimik at nagsalita na ako. "Mayor, ano po bang ginagawa nila rito? This isn't the first time property developers have come here. Hindi ba't kayo mismo ang nagsabing hindi gagalawin ang Mirasol?" mariin kong usal, pinapaalala ang naging desisyon niya noong nakaraang taon nang tanggihan niya ang panukala ng isa pang development corporation. “You’re here kasi papaalisin niyo sila dito, Mayor, ‘di ba?” nakikiusap kong usal habang nakatitig sa kanya. Umaasa akong wala pa ring nagbago sa desisyon— "It's been a long time, Lucky. Maybe it's time to let go... and let this place reach its full potential." usal ni Mayor. Kasabay ng malungkot niyang ngiti ay tuluyang pumatak ang luha sa aking pisngi. Nagsinghapan ang mga tao. Napayuko si Mayor pero naglakad siya, nilampasan ako, at tumayo sa tabi ni Malik. "Alam kong malulungkot at madidismaya ang karamihan sa inyo. Ngunit bilang inyong alkalde, tungkulin kong tingnan hindi lamang ang kasalukuyan kundi pati ang kinabukasan ng Solara. At naniniwala akong ito ang kailangan ng ating bayan. You all know that Brgy. Mirasol is one of the most promising locations in Solara. Malapit ito sa pangunahing kalsada, sa palengke, at sa mga paaralan. Matapos ang masusing pag-aaral at pakikipagpulong sa Degrano Realty and Development Corporation, inaprubahan ng ating pamahalaang bayan ang residential development project sa Brgy. Mirasol. Hindi tayo maaaring manatiling nakatali sa nakaraan. Kung gusto nating umunlad ang Solara, kailangan nating tanggapin ang pagbabago. Ang proyektong ito ay magdadala ng trabaho, mga negosyo, at mas magandang kinabukasan para sa ating mga anak. Sana'y huwag nating hadlangan ang pag-unlad dahil lamang sa takot sa pagbabago." Ang anusyong kailanman ay hindi ko tatanggapin. Traydor! Paano niya nagawa ito sa amin? Hindi niya ba naisip ang mga taong mawawalan ng tirahan at kabuhayan?! “Pero, Mayor, paano ho ang aming sakahan?” naiiyak na sigaw ng isang matandang lalaki. Biglang nagsalita si Malik. Mataas ang noo at matikas ang tindig; tila isang bagong luklok na hari na humaharap sa kanyang nasasakupan. "Brgy. Mirasol is no longer just a farming community. Solara is growing, and with that growth comes the need for more homes, better infrastructure, and new opportunities. Degrano Realty and Development Corporation envisions this area as a master-planned residential community—with parks, commercial spaces, wider roads, and modern facilities that will benefit future generations." Kahit sa nanlalabong mga mata dahil sa mga luha ay nandidilim ang paningin ko sa kanya. “At para maitayo ang pangarap ninyo, kailangan munang sirain ang kabuhayan namin?! Ang mga palayan na nakikita ninyo ay hindi bakanteng lupa! Bawat metro ng lupang 'yan ay bumubuhay sa mga pamilyang narito! Wala ba kayong awa?!" pagsisigaw ko na sinundan ng maraming mga hinaing mula sa mga taumbayan. Ngunit natahimik ang lahat sa walang emosyon, walang-awang boses at mga salita ng bagong pinuno. "The world doesn't wait for anyone. Communities either adapt or get left behind. That's reality. Mirasol is part of Solara, not separate from it. As long as this project serves the greater good of the municipality, it will move forward." Malik's eyes never left mine.Tumayo ang ina ni Malik at sinalubong ang bagong dating. Napatayo rin ako habang pinagmamasdan silang mainit na magbeso at magyakapan. “I’m glad you came, Lian. It’s been a while since the last time I saw you. Parang kapag wala si Malik rito ay hindi mo na ako dinadalaw.” masayang sambit ni Yna at masuyong nakangiti. Ang bagong dating na babae ay tila close na close sa ina ni Malik sa paraan pag-uusap nila.“Oh, I’m sorry, Tita. But when I received your message last night, I was so happy to hear from you and to finally be here! It’s just that I became so busy in New York. Kakauwi ko lang two days ago.”Ngumiti siya bago muling nagsalita. “I was actually planning to visit you na rin since napauwi naman ako. I also heard about the accident at the site Malik was overseeing. I was so worried about him, but he hasn’t been replying to my messages.” Saglit siyang napalingon sa paligid. “Is he here, pala?”Dahil sa paglibot nila ng tingin ay nakita na nila akong muli. Yohoo! Dito ang tingin
Bumalik muli sa isip ko ang alaalang iyon. I can hear Kuya Lhor’s voice from a distant. Umiiyak siya. “Wala na sila Mama at Papa, Lucky…” Narinig kong sabi niya kaya napasigaw ako. Sumigaw ako para hindi ko na marinig ang boses niya. Paulit-ulit na sigaw habang tinatakpan ang aking tenga.“Lucky!” Pero tila ako nagising sa isang boses. Unti-unting luminaw ang paningin ko. Nawala si Kuya, ang ospital, ang mga boses…And I saw Malik in front of me. Nag-aalala ang mga mata, nakahawak sa aking mga braso, nakaluhod sa harap ko.“M-Malik…” nanghihinang usal ko at lumuha.“W-What is happening to you…” gulat na usal niya pero tanging paghikbi lang ang naging sagot ko. He pulled me from a hug and caressed my back.“Sorry, a-ako ang dahilan kung bakit inatake ang Mama mo.” sabi ko at yumakap rin ng mahigpit sa kanya habang umiiyak na parang bata.“Don’t blame yourself. And Mom’s okay now. Calm down, Lucky. Mom’s okay. She’s fine. Nothing to worry about anymore. Kailangan niya lang magpahinga.
“Pa! Huwag na tayong magkaroon ng magarbong handaan sa debut ko.” Iyon agad ang salubong ko sa kakarating na mga magulang na galing sa maisan.Nakasuot sila ng damit magsasaka habang inilalapag ang mga pasalubong na mais at gulay.“At ano namang gusto mo sa birthday mo, Lucky?” nakangiting tanong ni Papa matapos kong magmano.“Sayang naman ang photoshoot mo kung hindi tayo magpaparty.” sabi ni Mama habang nagmamano din ako.Ngumiti ako sa kanila. “Ma, makikita pa rin naman nila ang pictures ko. Pero huwag na ho tayong magpaparty. Pumunta na lang tayo sa Maynila! Hindi pa ako nakakapunta doon e.”Natigilan sila pareho at nagkatinginan. Naupo si Papa sa sofa pagkahubad ng sumbrero na agad ko ring niligpit. “Maynila? Ano namang pupuntahan natin doon?” seryosong tanong ni Papa.“Iyong mga sikat na pasyalan, bisitahin natin, Pa! Mag-eighteen na ako pero hindi ko pa nakikita ang tunay na mundo…” nakasimangot kong sabi sa huli na ikinatawa nila.“Anong hindi nakikita ang tunay na mundo? Ito
“I’m sorry…” usal ni Malik pagkasara niya nang p***o ng kwartong pinasukan namin.Humarap siya sa akin, namumungay ang mga mata. “Okay lang, I was really expecting na hindi niya ako magugustuhan… hindi ko lang inexpect na mas malala pa pala siya sa iniisip ko. Sorry, Malik. Pero galit na galit ang mama mo sa akin at sorry rin dahil nainsulto ako sa mga sinabi niya at hindi ako matatahimik lang. For your information, galit rin ako sa Mama mo.” Walang pag-aalinlangan kong sinabi sa kanya ang mga hinaing ko. Nagsisinungaling na kami sa harap ng ibang tao, pati ba naman sa isa’t isa ay magsisinungaling din? I am tired of pretending. Kahit itong galit ko man lang, malaman niya.“I know, and I’m sorry about her attitude. Mama can be strict and stern. Maybe the reason she was so angry earlier was because she couldn’t accept that I went against her and got married without her knowing…” seryosong sambit niya at hinawakan ang braso ko.“But if she gets to know you, she’ll definitely fall for y
Nagkatitigan kaming dalawa ng ina ni Malik. Nagrereflect sa itim niyang mga mata ang galit sa akin. But I continued to smile at her kasi bakit ako matatakot sa kanya gayung ang mga sinabi ko ay totoo naman?Hindi ko sasayangin ang pagkain… kahit hindi masarap! Ito na ba ang bunga ng mga sinira nilang kalikasan… isang ulam na hindi naman masarap! Kung si Manang Lui siguro ang nagluto nito, I’m pretty sure that this will be the best Pan-Seared Chilean Sea Bass with Lemon Butter Sauce dahil ang luto ay hinahaluan ng pagmamahal at hindi mula sa katulong na marahil ay masama ang loob sa amo!Tumikhim si Malik na muntik ko nang makalimutang narito pa pala. Nakukuha na kasi ng ina niya ang inis ko! Ngayon alam ko na kung bakit ganito ang ugali ni Malik. Pinaglihi yata siya sa sama ng loob ng ina niya.“Lucky grew up around farms, so she wouldn’t waste food, Mom.” malamig na usal ni Malik habang tinitingnan ang ina niya.Umiwas na ako ng tingin sa kanila at inabala na lang ang sarili sa pagk
Sa malawak na dining area, dahan-dahang napunta ang mga mata ko sa pagkaing nasa hapag hanggang sa makarating sa isang maputing babaeng nasa mid-fifties na nakatayo sa dulo ng mahabang dining table. Maayos na nakabun ang itim niyang buhok. She wears a white silk blouse and beige tailored trousers, paired with simple yet elegant jewellery.Makikita na ang mga wrinkles sa mukha niya, pero hindi nito natatakpan ang kanyang kagandahan. She is the kind of woman whose beauty seems to grow more refined with age.She smiles as she happily greets Malik, but the moment her gaze shifts toward me, her smile slowly fades.“Who is this young lady you’re with?”Nakangiti pa rin siya, ngunit may halong diin ang bawat salita niya habang diretso at mapanuri ang tingin sa akin.Nakakatakot nga lang na habang ginagawa niya iyon, napapanatili niya ang kanyang ngiti… isang mapagkunwaring ngiti.Napaatras ako, pero gulat akong nag-angat ng tingin kay Malik nang mapansin kong umatras din siya kasabay ko.Now,







