Chapter 37
Napapalakpak si Juanda nang makalabas si Carla.
"Ang galing mo Ma’am, napaalis mo ang bruha." tawang-tawa niyang sabi.
"Shhh, loka, marinig ka nun." tawa ko.
"Oh, bakit nakasimangot si Carla? Hindi rin ako pinansin." tanong ni Carter na biglang pumasok sa kitchen.
"Ay Ma. Baka may period. Teka nandiyan ka na pala. Tamang-tama luto na ‘to."
"Wow, sakto, gutom na rin ako. Tulungan ko na kayo."
"Hindi na. Pwesto ka na sa dining, kami na ni Juanda ang magdadala."
&nbs
Chapter 38 "You’ll stay. Harlie, needs you by his side. And I constantly want you by my side…" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Carter. "C-Constantly?" paniniguro ko. "Yes...pwede naman siguro ‘yon di ba? I really like being with you." walang kakurap-kurap na sagot niya. Bigla kong nabawi ang kamay ko na hawak niya."I-I don’t think that’s gonna happen.""You don’t want to be with me anymore?" bumakas ang pagkadismaya sa mukha niya.Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko pero ayokong lokohin ang sarili ko. Sa totoong buhay kasi hindi palaging nangya
Chapter 39"Nakakagulat ka naman." siko ko kay Carter. "Let’s go?" aya niya na wala man lang kangiti-ngiti sa mga labi. "Ah okay. Jacob, mauna na kami. Ingat ka sa daan." paalam ko kay Jacob. "Sige, ingat din." kaway pa ni Jacob. Akmang kakaway din ako nang hagipin ni Carter ang braso ko at hinila na ako palayo. "Oi, makahatak ka naman, may lakad?" tanong ko kay Carter habang palabas kami ng publishing house. "Rush hour na, mahirap matraffic." "Sabagay." nasabi
Chapter 40"Naku girl, medyo matagal din tayong hindi nagkita, ah? Kaya dapat shot ka!" halos pasigaw na ani Irene dahil hindi kami magkarinigan sa lakas ng sound system sa bar na pinuntahan namin sa may BGC ."Oo, libre mo naman, eh! Teka asan jowa mo, bakit hindi mo sinama?" tanong ko saka lumagok ng isang shot ng kung anumang cocktail drinks ‘yon."War kami. Kaya tayong dalawa lang, kaya magpakalunod ka diyan. Hayop na ‘yon, di man lang ako naalalang batiin." himutok niya sabay lagok."Ah! Kaya pala dito mo ko niyaya! Magsisenti ka!" kantiyaw ko.Usually kasi kapag birthday niya, ililibre niya lang ako ng food sa resto or fast food o kaya sa bahay niya kasama family niya."Hayaan mo na ko, double purpose ang araw na ‘to.""Sige, kukunsintihin kita kasi ikaw ang gagasta, pero bakla, palagi na lang kayong nag-aaway, hindi malabong sa hiwalayan ang tuloy niyo. Sabi ko naman kasi sa’yo ‘wag mo ng bigyan ng
Chapter 41 "Thanks for cheering me up. The best ka talaga Renato." Umirap siya at bahagya akong tinampal sa braso. "Okay na sana kaso bakit Renato? Panira ka!" "Cheers!" angat ko sa baso ko. And there we went on and on and on. Hanggang sa halos hindi na kami parehas makatayo sa sobrang hilo. "Waiter, paorder naman ako. Isang giniling at isang tasang kanin." senglot ng kausap ko sa waiter. "Gaga! Ano’ng akala mo nasa karinderya lang tayo?" saway ni Irene sa akin. "Bakit ba? Sa gusto ko ‘yon, eh! Alam mo ba noong nagluto ako ng giniling, nagustuhan ni Carter. Best ulam daw na natikman niya." kwento ko at dumukmo nasa counter. "Ah, giniling, bagay sa puso mong hindi napagbigyan ang hiling?" pang-aasar niya sabay tawa kaya naman napairap ako. "At sa’yo dinuguan para sa puso mong sugatan! Hahaha!" ganti ko. "Ge, tawa ka! Kain ka na lang ng lumpia para sa puso mong nahopia!" "Sa’yo nilaga
Chapter 42 Hailey "Oh, Cal nandiyan ka na pala. Nagluto na ko," nakangiting bati ko kay Callie na kadarating lang galing trabaho. Hindi siya sumagot kaya itinigil ko muna ang paghahayin ko sa lamesa. Humiga siya sa yantok na sofa namin. Ni hindi na nakapagtanggal ng sapatos. Pagod, malamang. "Okay ka lang ba?" usisa ko saka ko siya nilapitan. "Medyo masama lang ang pakiramdam ko." Matamlay ang boses niya. "Namumutla ka. Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko at sinalat ang leeg niya. "Callie? Ano'ng medyo masama ang pakiramdam?Inaapoy ka na ng lagnat! Halika magpalit ka ng damit tapos magpahinga ka na," inalalayan ko siyang tumayo papuntang kwarto at tinulungang magpalit ng damit. Humiga kaagad siya kaya binalutan ko na ng kumot dahil ginawa na ginaw daw siya. "Magluluto lang ako ng noodles. I
Chapter 43HaileyLumalalim na ang gabi. At nag-i-enjoy naman akong kasama si Carter.Mayamaya lang ay inabutan ako ni Carter ng isang baso ng alak."H-Hindi ako umiinom, sorry.""That's okay. Means, two glasses for me," nakangiting aniya.Hindi ko na alam kung saan na nagpunta sina Sunshine. Ang laki naman kasi nitong venue."Sana makatayo ka pa," biro ko dahil hindi ko na alam kung pang-ilang baso na iyong nainom niya."Sorry. Hindi naman talaga ako palainom. It's just that...I feel like I could forget her if...""Kung maglalasing ka?" putol ko dahil parang nagbubuhol na ang dila niya.Tumango siya. Namumungay na rin ang mga mata niyang may mahahabang pilik."She just left without a word and...I don't know. It's not fair..."I simply patted his head."Okay lang 'yan. Kung iniwan ka
Chapter 44"Gising ka na talaga!" hindi maiwasang magpatakan ng luha ko, matapos check up-in ng doctor si Hailey. She’s out of danger. Pero dahil sa tagal niyang comatose, asahan daw na maaaring may mga ilang pagbabago sa pasiyente. Lalo nasa ugali. Kaya may mga pagdadaanan ring mga treatments si Hailey habang nasa process siya ng recovery. "G-Gaano ako katagal na nakaratay dito, Callie?" parang batang natututo palang magsalita na tanong niya. "Magtatatlong buwan na." May sumungaw na luha sa mga mata niya. "Ganoon ako katagal na nawala?" confusions was written all over her face. And it broke me.&nbs
Chapter 45 "May mga treatments kang pagdadaanan kaya dapat magpalakas ka," sabi ko kay Hailey nang makauwi si Carter. "Makakalakad ba ulit ako ng maayos?" tanong niya dahil hindi siya makatayo ng sarili niya lang. For three months she’s been a coma patient, kaya naapektuhan din ang paglalakad niya. "Oo naman. Basta tiyaga lang tayo. Kain ka na." akmang susubuan ko siya pero umiling siya. Kinuha niya sa akin ang kutsara at tinidor. Tinitigan niya iyon. She looked so confuse. Akala ko kakain na siyang mag-isa, pero nagulat ako nang ipaltok niya iyon. Nagkalansingan tuloy sa sahig.