"Ivana!"
Napakurap na naman ako, na marinig ko ang malakas na pagtawag ni Hannah sa pangalan ko. Napalunok ako at naramdaman ko na naman ang pangangapal ng mukha ko.
"Ayos ka lang ba talaga?" muli ay tanong nito sa akin.
Tumango ako.
“I'm okay." sagot ko. "Tapos na ako, let's go," aya ko na sa kanya na kahit hindi ko pa halos nababawasan ang pagkain ko ay tumayo na ako, kinuha ang tray ng pagkain at nauna na akong umalis.
"Ivana, hindi pa ubos ang pagkain mo." tawag niyang muli sa akin pero hindi ko na siya nilingon at diretso na lang ako sa paglabas ng canteen matapos kung maibalik ang aking pinagkainan.
…..
“Hi!” pagbati sa akin ni Jestony ng makasalubong ko ito sa hallway ng palapag ng classroom namin.
Nasa senior high na ako at ilang buwan na lang ay graduation na namin.
Si Jestony ang isa sa pinakamakulit na manliligaw ko. Kahit na ilang beses ko na itong tinaggihan ay patuloy pa rin siya sa pangungulit sa akin. At sinabi niya na hindi daw siya titigil hanggat wala pa siyang nakikitang isang lalaking kasa-kasama ko daw. O matatawag na boyfriend.
Naiinis na ako sa kakulitan niya pero nakakapagod din naman ang pagsita ko sa kanya kaya hinahayaan ko na lang hanggang sa ito na mismo ang tumigil at mapagod sa pagsunod sa akin.
“Ivana, para sayo.” sabay abot sa akin ng hawak niyang bungkos ng rosas.
Ilang beses ko na ring sinabi sa kanya na hindi ako mahilig sa mga bulaklak at lalong pinakaayaw kong bulaklak ay rosas pero patuloy lang siya sa pagbibigay.
“I told you, I don’t like roses.” naiinis na sabi ko sa kanya saka ko siya nilagpasan.
Nagpatuloy ako sa paglagpas sa kanya. Uwian na at palabas na ako kanina, ngunit humarang naman siya sa dinaraanan ko.
“Sandali, ihahatid na kita hanggang sa gate.” pag aalok pa niya saka siya umagapay sa paglalakad ko.
Hindi ko na lang siya sinita. Hinayaan ko na lang ulit siya kaya ang iba ay naiisip na kasintahan ko na siya dahil palagi siyang nakasunod sa akin.
Tulad nga ng sinabi ko kanina, nakakapagod ang sitahin ang isang tulad nito na napakakulit. Kaya para saan pa para sitahin ko ito ng paulit ulit.
“May susundo ba sayo? Gusto ihatid kita?” tanong pa niya sabay alok.
“May family driver kami.” iyon ang palagi kong sagot dito.
“Sinabi ko naman sayo na handa akong maging personal driver mo. Bakit hindi mo ako subukan?”
“Ano ba? Sinabi ko naman sayo na hindi ko kailangan, ang kulit mo.” naiirita na naman ako na sita dito.
“Alam mo naman kung gaano katindi ang pagkagusto ko sayo, bigyan mo na kasi ako ng pagkakataon.”
Binilisan ko ang naging hakbang ko at hindi pinansin ang patuloy nitong pagsasalita. Para na itong sirang plaka.
“Ivana, mahal na mahal talaga kita.” sabi pa niya at nagulat na lang ako ng bigla niya akong hawakan sa braso at hilain.
Wala pa masyadong estudyanteng tulad namin ang naglalakad sa bahaging iyon ng pasilyo kaya ang lakas ng loob nitong isandal ako sa pader.
“Bitawan mo ako, Jestony. Ano ba?” nakaramdam ako na matinding kaba ng makita kong hindi na lang nagbibiro si Jestony. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin.
“Maayos akong nakikipag usap sayo, pero lagi mo akong binabalewala. Ginagalang ko naman ang pasya mo pero masyado mo na akong pinapahirapan.”
Napalunok ako ng marinig ko na kakaiba na rin ang kanyang tono. Nakaramdam ako ng matinding takot lalo na ng humigpit ang hawak niya sa akin.
“No!” napalakas ang sigaw ko at pilit ko siyang iniwasan ng yukuin niya ako at tangkang halikan.
Hindi ako makakapayag na isang tulad lang niya ang kukuha ng unang halik ko. No! Hindi ito maari.
Nagpumiglas ako. Pinilit kong makawala sa mahigpit niyang pagkakahawak.
“Bitawan mo ako. Hayop ka.” patuloy ako sa pagpupumiglas at ginawa ang lahat ng makakaya ko huwag lang siyang magtagumpay sa kanyang balak.
Ngunit sa lakas niya kumpara sa lakas ko ay balewala ang pagpupumiglas ko hanggang sa naubos na lahat ng lakas ko.
But then, sa puntong nawalan na ako ng pag asa na makaiwas sa kanya at magtatagumpay na ito sa masamang balak sa akin, naramdaman ko na lang ang biglang pagkakakalas ng hawak niya sa akin at basta na lang siyang tumilapon sa malayo.
Napahawak ako sa sarili kong damit na halos masira na ni Jestony kanina kung hindi lang dumating ang isang taong tumulong sa akin para makawala sa kahayupan ni Jestony.
….
“T-tito Janus.” pagbigkas ko sa pangalan ni tito Janus ng makita ko na siya ang tumulong sa akin mula kay Jestony.
Tumingin siya sa akin, seryoso at napakalamig ng ekspresyon ng mukha nito kaya kinilabutan pa rin ako sa takot. Hindi sa takot ko sa ginawa sa akin ni Jestony kundi sa malakas na presenya ni Tito Janus.
Hindi umimik si Tito Janus, pinasadahan pa niya ako ng tingin, kung saan ako mahigpit na nakahawak sa damit ko sa tapat ng dibdib ko.
Napansin ko ang marahas na pinakawalan niyang paghinga saka ko nakita ang pagtanggal ng kanyang coat.
Matapos niya iyong tanggalin ay lumapit na siya at ipinasuot niya sa akin iyon.
“Stay here.” ang malalim nitong boses na sabi sa akin.
Tumango ako, nakasunod na lang ang tingin ko sa kanya sa kung ano ang susunod niyang gagawin.
Nagsimula na siyang humakbang palapit kay Jestony na patayo na mula sa pagkakatumba nito sa lupa.
“You! Hayop ka, sino ka bang nakikialam sa ginagawa ko.” galit na tanong ni Jestony kay tito Janus, ngunit ng tuluyan ng makatayo at mapatingin kay tito Janus si Jestony ay para itong napipi at napaatras pa ng hakbang palayo.
“What?” mas naging malalim ang boses ni tito Janus na tanong iyon kay Jestony. Seryoso na humakbang pa hanggang sa tuluyang makalapit kay Jestony. “Disturbing you?For what? For harassing my niece?”
“Niece?” pang uulit pa ni Jestony sa sinabi ni Tito Janus. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Jestony. “Ivana is my girlfriend, tito…”
“Huwag mo akong tawaging tito dahil hindi kita pamangkin. At sa sinabi mo, na kasintahan mo ang pamangkin ko? Sigurado ka? Ivana, tell me. Is he your boyfriend?” pagbaling na tanong niya sa akin.
Mabilis ang naging tugon ko at umiling.
“He is harassing me, Tito Janus. Palagi niya akong kinukulit kahit na sinabi ko ng hindi ako interesado sa kanya. Patuloy lang siya sa pagsunod sa akin.” totoong sagot ko.
“Did you hear that?” tanong ni tito Janus ng muling bumaling kay Jestony.
At bago pa makasagot ulit si Jestony ay nahawakan na ni Tito Janus ang isa nitong kamay at saka iyon mahigpit na pinilipit.
“Ahh!” namilipit sa sakit na sigaw ni Jestony. “Ang sakit. B-bitawan mo ako.”
“Ito ang kamay na nakita kong nangahas na humawak sa pamangkin ko,” narinig kong sabi ni tito Janus na mas pinilipit ang kamay ni Jestony.
Napangiwi pa ako ng makitang napangiwi si Jestony at naluluha na ito sa sakit. Ngunit hindi dahil nakikisimpatya ako sa kanya kundi dahil sa hindi ko kayang tignan ang kalupitan ni tito Janus.
Napalunok ako, ganito pala magalit si tito Janus. Itinuturing niya akong pamangkin kaya ganun na lang ang ang galit niya ng makitang may nagtangkang masama sa akin. Pero sa naisip kong itinuturing niya lang akong pamangkin ay bakit nakaramdam ako ng pagrerebelde sa ibang bahagi ng puso ko.
“Rmember this, young man. Mabuting lumayo ka sa pamangkin ko simula ngayon kung ayaw mong parehong kamay mo ang mawala sayo.” may pagbabanta na sabi ni tito Janus kay Jestony.
“Oo, opo. Hindi na ako uulit. Bitawan mo ako. Ahh!” namimilipit na tugon ni Jestony.
Ngunit bago binitawan ni tito Janus si Jestony ay mas pinilipit pa niya ang kamay nito saka patulak na binitawan.
“Let’s go,” and before I gatherer my thoughts, hinawakan na ako sa kamay ni tito Janus at hinila na ako palabas ng eskwelahan.