INIT na init ako habang binabagtas ang eskinita papunta sa maliit na bahay na inuupahan ni Mama kasama ang asawa niyang sugarol. Nakabukod ako sa kanila simula nang makapagtapos ako at magkaroon ng sariling trabaho.
Bata pa lang ako nang iwan kami ni Papa para sumama sa kabit nito. Simula no'n ay naghirap kami. Naranasan kong hindi kumain nang isang buong araw, magdikdik ng asin bilang ulam, at manlimos sa kapit-bahay dahil sa kumakalam na sikmura.
Isang araw, nagising na lang ako sa bahay ng isang lalaking hindi ko kilala. Boyfriend pala iyon ni Mama at pag-aari nito ang bahay kung nasaan kami. Simula no'n, iyon na ang naging paraan ni Mama para mabuhay kami—ang sumama kung kani-kaninong lalaki kapalit ng pagkain at matitirahan.
Napagod ako sa ganoong sitwasyon. Kaya pinangako ko sa aking sarili na oras na makapagtapos ako at makahanap ng trabaho, aalis ako at hindi na muling lilingon pa. Pero dahil sa nangyari sa akin, heto ako, naglalakad pabalik sa buhay na pilit kong tinatakasan.
"Puta ka! Matapos ng lahat ng ginawa ko para sa iyo, iiwan mo lang ako!"
"E, tarantado ka pala, e! Ano bang nagawa mo para sa akin? Ang bugbugin ako? Ang bigyan ako ng pasa?!"
"Hoy, Magda! Pinapalamon kita! Binabayaran ko ang bubong na sinisilungan mo!"
"Puwede ba, Gado? May pangarap din ako sa buhay! Hindi ko plinanong tumanda na isang kahig, isang tuka!"
Malayo pa lang, rinig ko na ang pagtatalo ni Mama at ng lalaki nito. Naiiling na lang ako habang papalapit sa maliit na bahay na yari sa semento.
Umalis ako noon na ganito ang eksena, babalik akong ganito pa rin pala.
"At saan ka sasama? Sa bago mong lalaki? Hoy, Magda! Ginawa mo na rin iyan noon! Ano bang nangyari? Hindi ba't bumalik ka rin sa akin!"
"Hindi na mangyayari iyon, Gado! Dahil naka-jackpot ako ngayon! Mayaman ang lalaking nabinggwit ko!"
Saktong paglapit ko sa pinto ng bahay ay siyang bukas naman nito. Natigilan si Mama nang makita ako.
"Ma... "
Ilan sandali itong natahimik dahil sa gulat, pero nang makabawi ay nakaismid ako nitong hinila sa braso para umalis.
"Magda! Bumalik ka rito! Hayop ka talaga! Itaga mo sa bato, babalik ka rin! Hindi mo ako kayang iwan!"
Napalingon pa ako kay Gado at nakitang may hawak itong alak habang nakasandal sa pinto. Kulang na lang ay bumagsak ito sa kalasingan.
"Ma, saan kayo pupunta? Iiwan n'yo si Mang Gado?"
"Punong-puno na ako sa hayop na iyon! Wala nang ibang ginawa kundi uminom at magsugal! Binubugbog pa ako kapag hindi napagbibigyan!"
Mabilis kong hinatak ang kamay ko na hawak nito kaya natigilan siya sa paglalakad. "Magpapalit na naman kayo ng lalaki? Hindi ba talaga kayo titigil, ma? Ilang lalaki na ba ang dumaan sa buhay n'yo? Pang-ilang lalaki na itong sasamahan n'yo ngayon!"
Mabilis nitong tinakpan ang bibig ko at luminga sa paligid. "Huwag ka ngang maingay! Naririnig ka ng mga tao!"
Galit kong inalis ang kamay niyang nakatakip sa aking bibig. Gusto kong umiyak sa galit habang nakatingin dito.
"Akala ko, pagbalik ko, nagbago na kayo! Pero hindi pa rin pala!"
"Last na ito!"
"Pang-ilang beses n'yo na bang sinabi iyan! Ma, tama na! Kaya naman natin mabuhay nang hindi umaasa sa lalaki!"
Sandali itong natahimik habang nakatingin sa akin. Mahigpit kong kinuha ang kamay niya at pinisil ito.
"Sumama na kayo sa akin. Magtatrabaho ako para sa atin, ma. Hindi natin kailangan ng mga lalaki—"
"Puwede ba!" Marahas nitong tinabig ang kamay ko. "Last na nga ito! Mayaman si Enrico, Anika! Mabubuhay niya tayo kahit hanggang sa tumanda ako!"
"Ma naman!"
Gusto kong magpapadyak sa gigil. Hindi na ba talaga niya kayang hindi umasa sa lalaki?
Bigla ako nitong hinila sa isang sulok at pinaghahampas sa braso. "Ikaw na bata ka! Matapos mong maglayas at hindi ako kausap, babalik ka bigla at ito ang ibubungad mo sa akin! Pagkatapos kong gawin ang lahat ng ito para sa iyo!"
"Hindi ko naman hiningi na gawin mo ito, ma! Ayaw ko! Ayaw ko na laging umaasa tayo sa mga lalaki na parang hindi natin kayang mabuhay nang wala sila! Kaya siguro ako niloko ni Stanley, ma! Dahil karma na ito sa akin sa pagkunsinti ko sa panlalalaki mo kahit doon sa mga may asawa na!"
Bigla itong natigilan sa lahat ng sinabi ko. Matagal niya akong tinitigan bago nagbawi ng tingin at bumaling sa malayo.
Umiiyak ako habang nakatingin dito. Nakonsensya ako nang makita ang pamumula ng mga mata niya na parang nagpipigil na ng luha.
"Pitong taon ka noon nang palayasin tayo ng asawa ng kinakasama ko. Wala akong dalang pera, pagkain o maski damit. Dalawang araw tayo sa lansangan, nanginginig ka na sa gutom pero wala akong magawa. Hanggang sa tumirik na ang mga mata mo kaya sinugod kita sa hospital. Sabi ko noon, hayaan ka lang Niyang makaligtas, gagawin ko ang lahat para mabuhay ka. Kahit ibenta ko pa ang kaluluwa ko sa demonyo."
Tuluyang bumuhos ang masaganang luha sa pisngi ko. Gusto kong mag-sorry dito at yakapin siya, pero nang hahawakan ko na ang kamay niya ay bigla siyang humarap. Kinuha niya ang kamay ko at mataman akong tiningnan.
"Sumama ka sa akin, Anika. Huli na ito. Promise, gindi na ako mag-aasawa ulit! Si Enrico na ang huling lalaki sa buhay ko."
Inis akong pumikit at nagpahid ng mga luha. Kung kailan maiisip kong puwede pa, na maaari pa kaming magbago, ganito ang ginagawa ni Mama.
"Paano mo nasisiguro na huli na nga siya? Paano kapag magkasama na kayo, saka lalabas ang tunay niyang ugali? O malaman natin na may asawa pala siyang tinatago? O baka may bisyo, baon sa utang o nagtatagong kriminal!"
"Hindi!"
"Paano mo nga nasisiguro!"
"Dahil kilala ko siya! Matagal na siyang byudo, at respetadong tao siya at ang pamilya niya!"
Naiiling akong pumikit. "Ma, saan mo na naman ba nakilala ang lalaking iyan? Sa bar? Sa casino?"
"Sa hospital."
"Hospital?" Kumunot ang noo ko.
"May binibisita ako sa hospital nang isugod siya roon. Nagkakilala kami, nagkapalagayan ng loob. Inalagaan ko siya at nakilala ko ang pamilya niya."
Tumango ito habang titig na titig sa akin. Pilit niya akong kinukumbinsi na maniwala sa kaniya.
Huminga ako nang malalim. "Last na ito?"
Mabilis itong tumango. "Oo, last na! Kaya sumama ka na sa akin, ha?"
"Saan?"
"Sa Hacienda Altagrasia."
Magnus' POV"Good morning, sir!"Nginitian ko ang dalawang babaeng bumati sa akin nang makalabas ako ng elevator. Pinamulahan ang dalawa at kilig na humagikgik nang madaan ko sila."Good morning, Sir Magnus! Do you want your coffee or just a glass of tea?" tanong ng sekretarya ko. Nagmamadali itong tumayo at lumapit sa akin."No, thanks. I'm good, Elsa."Papasok na sana ako sa office ko nang matigilan ako at muli siyang harapin."Give me 10 minutes before you enter my office, okay?"She nodded at me, smiling from ear to ear. I winked at her before going inside my office. Hindi pa ako nakakalapit sa work desk ko nang marinig kong muling bumukas pinto."Magnus!"I turned and a smile formed on my lips when I saw a familiar face. "Darius? Kuya!""Bro!"Agad ko siyang nilapitan at niyakap. It's been what? 2 years since we last saw each other? Mula nang ihatid niya kami rito, iyon na rin ang huling beses na nagkita kami."To be honest, bro, I didn't think you'd survived. Sa lakas nang pagka
Magda's POVMARAHAN akong nagpahid ng face powder sa mukha ko para itago ang pasa na nakuha ko mula kay Enrico. Nang puntahan niya ako sa condo unit ni Daryl ay halos patayin na niya ako sa bugbog. Kung hindi pa siya napigilan ng mga tauhan niya.Huminga ako nang malalim. Matapos kulayan ng pula ang mga labi ko ay tumayo na ako at dinampot ang maliit na maleta kung saan nakasilid ang mga inimpake kong gamit."What is the meaning of this?"Huminto ako sa pagkilos nang marinig ang malalim na boses ni Enrico. Marahan ko siyang nilingon at nakita ang madilim pero nag-aalala niyang mukha."Aalis na ako."Nagmamadali niya akong nilapitan at isang sampal ang ibinigay sa akin. Napaatras ako sa lakas no'n, pero pinilit kong hindi matumba at saka matapang na sinalubong ang mata niya."Anong pinag-usapan n'yo ni Daryl no'ng araw na iyon? Na sasama ka na sa kaniya at iiwan ako?! Idiot! Walang pera ang anak ko! Wala kang mahihita sa kaniya!""Pumunta ako kay Daryl dahil gusto kong humingi ng tulon
Anika's POV"Ma?"Tuluyan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Natigilan siya at nanlaki ang mga mata nang makita ako."Hanggang ngayon... hanggang ngayon pala... ""Anika, hindi. Walang ibig sabihin ito." Mabilis siyang naglakad papunta sa akin.Mama tried to hold my hand but I refused. Umiwas ako sa kaniya na parang may pandidiri."I hate you! Hanggang sa kahuli-hulian, pinatunayan mo sa akin na hindi kita dapat ituring na magulang!"Mabilis na namasa ang gilid ng mga mata niya. "Anika, you don't understand.""Hindi mo na nga ako mabigyan ng kompletong pamilya, pati sarili kong pamilya, pilit mo pang sinisira! What did I do to deserve this? Bakit ikaw pa ang naging ina ko!""Anika?"Natigilan kami at napalingon sa gawi ni Daryl. Gising na ito pero parang nahihirapan sa pagbangon dahil sa kalasingan.Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko. Tiningnan ko sila nang masama bago patakbong umalis. Narinig ko pa ang boses ni Daryl na tinatawag ako, pero hindi na ako lumingon pa.***Da
Anika's POV"Saan ka pupunta? Bakit ka nag-iimpake?"Tumigil ako sa ginagawa at nilingon si Adela na halata ang gulat sa mukha nang makita ang ginagawa ko."Aalis na.""Aalis? Bakit ka aalis?"Muli ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay. "Hiwalay na kami ni Daryl. Puwede ka nang lumipat dito kung gusto mo."Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. Mabilis niya akong nilapitan, pero ibinaling ko ang atensyon ko sa pagliligpit ng mga gamit."Ano? Ano naman ang ibig mong sabihin do'n, ha? At saka, saan ka pupunta? Buntis ka pero aalis ka dito? Saan ka titira?""May business trip ang boss ko na kailangan kong samahan. Isa pa, hinanapan na niya ako ng apartment na malilipatan.""Ang boss mo?" Halata ang gulat at pagtataka sa boses niya. "Bakit niya gagawin iyon? Bakit ka niya kailangan hanapan ng malilipatan? May bahay ka naman.""This is not mine, Adela." Muli ko siyang binalingan. "Sa boyfriend mo ito.""Wait a minute, bakla! Galit ka ba sa akin?"Matalim ang mga matang tiningnan ko s
Anika's POV"Po?" iyon lang ang tangi kong nasabi dahil hindi ko alam ang ire-react sa kaniya. Is he... for real?Tumayo siya at ipinasok ang mga kamay sa sariling bulsa. "I need to find a woman to marry, Anika.""Bakit? Naguguluhan po ako. Bakit naghahanap kayo ng babaeng pakakasalan? At ako... bakit ako? Alam n'yo naman po ang gulo ng buhay ko.""My father wants me to marry the daughter of his business partner. I don't want to marry her."Walang bahid ng pagbibiro ang mukha niya. To be honest, I've never seen him this serious before."Pero assistant n'yo lang ho ako, Sir Isaac.""Yes, but I like you."Muli akong natigilan sa mga narinig. Pinag-initan ako ng mukha. "Sir Isaac, paano n'yo naman po ako magugustuhan? May sabit na po ako. Hindi pa ako hiwalay sa asawa at buntis pa ako. Puwede kayong maghanap ng dalaga at walang sabit.""Yeah, I know, but I don't like them, Anika. Mapili ako sa babae, ayaw kong basta magpakasal lalo sa hindi ko kilala.""Bakit n'yo po ako gusto?"Nagkibit
Anika's POV"Gawin mo kung anong gusto mo. Wala akong pakialam."Nanginginig ang mga tuhod na iniwan ko si Daryl at bumalik sa mall. Malapad na ngiti mula kay Adela ang sumalubong sa akin.Never in my life na nakaramdam ako ng galit sa kaibigan kong si Adela. Isa siya sa kakaunting taong natatakbuhan ko sa tuwing may problema ako noon. But now, I don't know. Nasasaktan ang puso ko kaya nakakaramdam ako ng inis sa kaniya.Pumasok kami sa isang restaurant at kumain na muna. Kahit gusto ko nang umuwi ay nagpaunlak na lang ako. Ayaw kong isipin nila na sobrang affected ako sa dalawa."Here, try this," nakangiting sabi ni Adela at akmang susubuan si Daryl."No, it's okay," nakangiti rin nitong tanggi."Ano ka ba? Sige na. Masarap ito, parang ako."Sandaling natigilan si Daryl at tumingin sa akin. Nang makita niyang sa kanila nakatuon ang atensyon ko, titig na titig siya sa akin nang tanggapin niya ang isinusubo ni Adela.Umiwas ako ng tingin habang sunod-sunod sa paglunok. Bakit ba ako nag