Chapter 43Naging okay na rin kami ni Magnus makaraan ang ilang araw. Paalis kami ngayon dahil inaya niya akong magbakasyon. Babalik raw kami sa rest house ng mga magulang niya. "Maven, kayo na ang bahala dito. Tawagan niyo agad ako kapag nagkaproblema." Nailipat ko na rin sila tatay sa bahay na nabili ko. Hindi pa alam nila Maurice ang tungkol doon. Ang huli kong balita sa kanila ay ibinenta na talaga ni nanay ang bahay. Si Maurice ay galit na galit sa akin, kung ano ano ring masasakit na salita ang nasabi niya. "Oo naman, ate. " Ngiti ni Maven sa akin. "Martina, ang baby mo ha? " "Ako na ang bahala, tsaka kila tatay." Tumango naman ako sa sinabi niya. Mas naging malapit rin sa akin si Martina simula ng nalaman kong buntis siya. Nagsisimula na siya sa trabaho niya online. "Aalis na rin po kami, Tay. " Pamamaalam ni Magnus kay Tatay. "Huwag mo nga akong matawag na itay, hindi naman kita anak." Ingos ni tatay na ikinatawa ko. Malimit na rin kasing pumunta rito si Magnus at wa
Chapter 42"Bam." Bungad sa akin ni Magnus ng magbukas ako ng pintuan ng condo. "Ah, wala po akong order today. Baka nasa maling unit po kayo." Seryosong sabi ko na ikinatitig niya sa mukha ko. Nang hindi siya nagsalita ay sinarhan ko na ang pintuan. JsMukhang saka niya lang iyon narealize. Nagdoorbell na lang siya ng nagdoorbell sa labas. Bahala ka diyan. Gago ka. Pinapalitan ko ng pass ang pintuan kaya hindi siya makapasok. Natulog na lamang ako at hinayaan siya sa labas. Kinabukasan ng umaga ay maaga akong naghanda para sa pagpasok ko. Mukhang marami akong na report papers sa boss ko. hi I'm yI wore a dark red colored suit terno. I also wore bold make up. Nang makalabas ako sa aking unit ay nakita kong nakaupo sa gilid si Magnus. Nakasubsob ang mukha nito sa kanyang mga braso. Hindi siya umalis simula kagabi? "Magnus... Hey, wake up." Naupo ako sa harap niya at saka siya patuloy na ginising. "Bam. Galit ka pa? I'm so sorry." Napakunot naman ang noo ko sa kanya. "Si
Chapter 41"Ms. Carreon! Wala pa din ba si Sir Magnus? " Tanong sa akin ng isang Head of department. Napabuntong hininga na lamang ako dahil doon. Isang buwan ng wala ang magaling na lalaki. Ang sabi niya sa akin ay dinala sa ospital si Ma'am Alexandria kaya naman kinakailangan niyang umuwi. Iyon ang huling update niya sa akin noong nakaraang buwan. "Tatawagan ko kayo once na bumalik na siya. " Seryosong sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at saka umalis. Napasandal ako sa swivel chair ko. " Tsk. Baka nagpakasal na ang lalaking iyon sa Greece. " Wala sa sariling sabi ko. May mga tauhan pa rin na nakasunod sa akin. Sa ngayon ay ay bahay ako nila tatay umuuwi. Pinapatapos ko pa ang lilipatan nila kaya hindi ko pa sila mapauwi doon. Si Maven naman ay araw araw na may naghahatid sundo, base na rin sa utos ng magaling na lalaki. Sa totoo lamang ay nag aalala na ako kay Magnus. Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sa kanya doon. Kahit naman tawagan ko siya ay hindi
Chapter 40"Anak, sigurado ka bang dito kami titira? " Napatingin si tatay kay Magnus kaya napatikhim ako. "Opo, tay. Panandalian lang naman po, aasikasuhin ko pa po kasi yung binili kong bahay at lupa. Ayaw niyo ba rito? " Malumanay na tanong ko sa kanya. "Ah, hindi naman, anak. Parang masyado lamang itong malaki para sa amin." " Sakto lamang ito para sa inyo, tay. ""Kakausapin ko na lang din si Maurice tungkol sa nangyari. Pasensiya ka na, anak. Kargo mo pa rin kami. " " Huwag mo ng isipin iyon, tay. Ako na po ang bahala. " Malumanay na sabi ko. " Mag aapply din ako ng work from home, tay. Para po sa amin ng baby ko. "" Saka na, Martina. Unahin mo muna iyang pagbubuntis mo. Sabi ng doktor ay medyo maselan ka. " Sagot ko naman agad. " Tuloy pa rin naman ako sa pagpapart time ko, ate. Ako na ang bahala sa iba kong gagastusin. " Sabi naman ni Maven. " Kaso si nanay... " Dagdag pa niya. " Ako na roon. "Habang nag uusap kami ay may pumasok na tauhan si Magnus. " Ah, ma'am...
Chapter 39"Ate? " Mabilis akong napalingon sa humawak sa balikat ko. "Ma... Maven." "Ayos ka lang ba, ate? Namumutla ka? " Nag aalalang tanong niya sa akin. "Ha? Ah, ayos lang. Medyo nahilo lang ako. Anong ginagawa mo rito, bakit ka sumunod? " Tanong ko sa kanya. Nilukot ko ang papel at saka ibinulsa iyon. "Pinasunod ako ni tatay. Samahan raw kita." Maliit siyang ngumiti sa akin. "Ah, ganun ba. Halika, doon tayo." Aya ko sa kanya. "Ate..." "Ano iyon? " "Ayos lang naman kung kay tatay ako sasama, hindi ba? " Nag aalangan na tanong niya. "Sabi nga ni tatay, desisyon mo iyan. Ikaw ba? Sa kanya mo ba gustong sumama?" Marahan siyang tumango sa akin. "Oo, ate. Kaso si nanay..." "Malaki na si nanay. Hayaan na lang din natin siya sa gusto niya. Basta, ituloy mo lang ang pag aaral mo. Okay? " "Oo naman, ate. Malapit na rin akong grumaduate." Ngiti niya sa akin. "Si ate Martina mo, asikasuhin mo na lang din siya kapag may oras ka. " "Wala ba siyang boyfriend, ate? " Napalingon
Chapter 38"Martina, kumusta ? " Tanong ko s akanya ng maiwan kaming dalawa. Napansin ko ang pagpayat niya. Mukhang may dinadala dala ring problema si Martina. "Ah, ate kasi..." "Umalis na ako sa trabaho ko. Buntis ako, Ate Vicenthia..." Napalunok naman ako dahil doon. "Ilang buwan na iyan? " Tanong ko sa kanya. "Dalawang buwan na, ate." Nakatungong sagot niya sa akin. "Hindi namin alam na may nobyo ka, Martina. Alam niya ba ang tungkol diyan? " Seryosong tanong ko sa kanya. "Iyon na nga, ate... Hindi niya mapapanagutan ang anak ko. May pamilya siya, ate." Nagsimulang umiyak si Martina. Mas lalo naman akong natahimik dahil sa rebelasyong iyon. "Hindi ko alam ang gagawin ko, ate. Umalis ako sa opisina dahil nalaman ng asawa ni Jun ang tungkol sa amin." "Hindi pa ba ulit kayo nagkakausap ng ama ng bata? Bakit ka naman kasi pumatol, kung alam mong may asawa? " Diretsang tanong ko. "Nagkamali na nga ako, ate." Iyak niya. "Alam mong mali, sumige ka pa. Anong balak mo ngayon?