Dahil sa isang gabi ng pagkakamali, nagsimula ang pagmamahalan ng mag-among sina Magnus at Milana. Ngunit sa pagbabalik ng nakaraan ng dalaga, ang inaakalang magiging maayos na relasyon ay biglang naging magulo. Maipaglalaban kaya ng dalawa ang kanilang pagmamahalan o magpapadala sila sa bagsik ng nakaraan?
Lihat lebih banyakChapter 1
"Milana, wala pa din ba si Sir Magnus? " "Mil, may kailang akong papirmahan kay Sir. " " Ms. Carreon, bakit ilang araw ng wala si Sir? " Damn it! Kakarating ko lang at puro tanong na nila ang bumungad sa akin. Tsk, humanda talaga sa akin ang lalaking iyon pagkabalik niya. Ilang araw na akong inaalila ng mga head ng departments! Sayang ang bago kong nails at hair color! Damn it, hindi ko mairampa dahil sa pag-absent niya. Sayang rin ang nagastos ko dahil sa pagiging haggard ko dito sa opisina niya. "Good morning din sa inyo! Hindi ko alam kung kailan makakapasok si Sir. As you can see, may inaasikaso siya. Tatawagan ko kayo agad kapag pumasok na siya, okay? Yung ibang may dala ng kailangang papirmahan kay Sir ay iwan niyo na lang dito, ipapasok ko na lang sa opisina niya mamaya." Pigil na inis na sabi ko sa kanila. Isa isa naman nilang iniabot ang mga dala nilang papeles at saka sila nagsialisan. Napabuntong hininga na lamang ako. Sinubukan ko ring tawagan si Sir Magnus ngunit cannot be reached ba rin siya. Ang lalaking iyon talaga! Basta basta na lang hindi napasok. Naiiwan tuloy halos lahat sa akin ng mga gawain niya. Pasalamat siya at maganda ang pasahod niya. Meron din siyang pa-service at pabahay! Magtiyaga na lang ako dito kesa humanap ng ibang trabaho. "Tsk." Ibinaba ko ang aking bagong biniling bag sa aking table at saka nagsimulang magtrabaho. "Morning, Milana. Mukhang bad mood ka na naman ata." Palihim na lamang akong napairap dahil sa biglang pagdating ni James. "Wala pa rin si Sir, kung siya ang kailangan mo." Hindi ko naman siya tinapunan ng tingin, ipinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko. "Ikaw talaga ang sadya ko, Milana. Tara muna mag-snacks, alas nuebe na rin naman." Napabuntong hininga na lamang ako at saka bored na tumingin sa kanya. Kung makapag-aya ang lalaking ito! Akala ba niya ay makakalimutan ko ang pagkahuli ko sa kanya at sa isang intern na naghahalikan sa CR?! Kapal, ha? Well, wala naman akong pakielam doon. But, he's so manyak! Isang beses ko na rin siyang nahuli na namalo ng puwitan ng isang bagong employee. Ewan ko ba sa trip niya ngayon at ako ang inaabala niya, pansin ko na sa kanya na palaging bagong employee o kaya mga intern ang pinagdidiskitahan niya. "I'm busy. " Maikling sabi ko sa kanya. "C'mon, Mil. Hindi ka naman papatayuan ng rebulto kung magsisipag sipagan ka diyan. " Pagak naman akong natawa dahil sa sinabi niya. " Can't you read between the lines? I don't want to be with you, James. So, stop this bullshit and go." Matiim akong tumitig sa kanya. Kita ko naman ang pagdaan ng inis sa mukha niya. Tama iyan, mainis ka lang na gunggong ka. "Ang ilap mo naman Ms. Carreon. Inaaya ka lang mag-snacks. Libre ko naman." Napakamot sa ulong sabi niya. Still trying, huh? "I can buy it for myself, Mr. Jimenez. Kung wala ka ng ibang kailangan ay pwede bang iwan mo na ako rito? Busy kasi ako sa trabaho." I smiled coldly. "Tsk. Ang yabang mo naman, Milana. Akala mo ba ay hindi ko napapansin ang pagiging malapit mo kay Sir? Iyon ba ang dahilan mo kaya ganyan ka? " He smirked at me. Ngunit, imbis na mainis ay malakas na lamang akong napatawa dahil sa sinabi niya. "Damn! Oh, fuck! Ang sakit na nga tiyan ko." Tawa pa rin ako ng tawa habang hinihimas ko ang tiyan ko. Siya naman ay mukhang mas lalong nainis dahil sa pagtawa ko. " Alam mo, James? Tingnan mo ang sarili mo sa salamin. Inis ka ba kasi hindi ka favorite ni Sir? " Nang aasar na sabi ko pa sa kanya. "Akala mo ba hindi kita papatulan na babae ka? " Itinaas niya ang kamay niya at akmang sasampalin ako ng biglang may malaking kamay na pumigil sa kanya. Pinag-krus ko na lamang ang braso ko habang bored na tumitingin kay James at sa lalaking pumigil dito. "Huwag ka nga..." Natigilan naman si James, nawalan ng kulay ang mukha niya ng makilala kung sino ang pumigil sa kanya. "Si... Sir Magnus! " Pabalya naman siyang binitiwan ni Sir. "You're fired. Ms. Carreon, come to my office." Malamig na sabi ng suplado kong boss saka pumasok sa opisina niya. "Si... Sir! Huwag naman po, may asawa at anak po ako." Kabadong kabado na sabi ni James nang habulin niya si Sir Magnus papasok sa opisina niya. Napatawa na lang ako sa isip ko dahil sa sinabi niyang iyon. Kinuha ko ang mga papeles sa table ko at sumunod sa kanilang dalawa. "Sana naisip mo iyan Mr. Jimenez bago ka gumawa ng kalokohan sa loob ng opisina ko. " Seryosong sabi ni Sir Magnus, hinubad nito ang coat na suot niya na agad ko namang kinuha para isabit sa may gilid ng table niya. "Sir..." "No need to explain. Nakita ko rin ang nangyari kanina, I don't need an employee like you. You may go, marami pa akong gagawin. " Matigas na sabi ni Sir Magnus. Masama namang napatingin sa akin si James ngunit nagkibit balikat na lamang sa kanya. "Are you okay? " Diretsang tanong sa akin ni Sir Magnus ng makaalis si James. "Yes, Sir. Lalo na ngayong pumasok ka na ulit." I smiled widely at him. Humanda kang lalaki ka. "Hm. Sounds like a threat to me, Vicenthia." He smirked. "I told you to stop calling me that. Tsk, here. Kailangan ng mga iyan ng pirma mo. " Marahan kong inilapag ang mga hawak kong folders sa desk ni Sir Magnus. "Fuck. Napakarami naman niyan. Kakapasok ko lang, Ms. Carreon." Biglang nagsalubong ang kilay niya dahil doon. "Ako na lang pipirma, Sir? Tutal, ako naman ang nagawa ng trabaho mo." Sarkastikong sabi ko na ikinataas ng kilay niya. Napailing na lamang siya sa akin. "So feisty. Tsk, give me that. Kung wala ng iba ay pwede ka ng lumabas." He rolled his eyes on me. "Well, Mr. Salvatori... Look at my nails and my hair. Wala ka bang napapansin? " Iniharap ko pa sa kanya ang kuko ko at ang mahaba kong buhok. "Oh? Sabihin ko ba dapat maganda? " Supladong sabi niya sa akin. "It is supposed to be beautiful and fresh! Pero dahil hindi ka pumasok ng ilang araw ay na-haggard na." Mataray na sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga na lamang siya at saka kinuha ang wallet niya sa bulsa niya. "Here, use this card. Also, buy yourself a new pair of heels. Mukhang malapit ng masira iyang suot mo. Maghalf day ka na today para makapag-pamper ka. Nakakahiya naman kasi masyado kitang naabala." Napatingin din ako sa suot ko sa aking paa. Well, medyo may kalumaan na nga ito. Napangiti na lamang ako kay Sir Magnus. "Nice! Thanks, Sir! Deserve ko naman ito dahil nag-act like a CEO ako noong absent ka. " Ngisi ko sa kanya at saka mabilis na lumabas ng opisina niya.Chapter 33Natahimik naman silang lahat ng biglang dumating si Magnus at kasama pa nito si Zakir. " We found her." "Where is she? " Mabilis na napatayo si Alistair dahil sa sinabing iyon ni Magnus. "Hey, boy. A bastard like you don't need to meddle in our business." Malamig na sabi ni Don Alicio. "Oh, Anastacia's my business." He just smirked. "Put him away." Malamig na utos ni Don Alicio sa mga tauhan niya. Ngunit bago mahawakan si Alistair ng mga tauhan nito ay umimik si Magnus. "Touch him and I will kill you all. Let's go, Ali. Vicenthia, come with us. You don't have a business here. " Malamig na sabi ni Magnus. " Anak... " Napatayo si Ma'am Alexandria dahil doon. " Let him, Alex. Malaki na ang anak mo. " Naiiling lamang na sabi ni Sir Gregori. " Subukan mo, Magnus Priam. Aalisin kita sa last will ko. " Galit na sabi ni Don Alicio. " I don't care. Pumayag lang naman ako sa kasal na iyan dahil iyon ang gusto ni Dad." Balewalang sabi ni Magnus. Hinawakan pa ni Magnus ang k
Chapter 32"You're not supposed to be here, Milana." I scoffed when Anastacia said that. Gago ba siya? Restroom talaga 'to. Inis. "Really? And that man is not supposed to be here, either. " Mataray na sabi ko. " Anong gagawin mo ngayon, Anastacia? Nahuli niya tayo? " Playful na tanong naman sa kanya ni Alistair. " Stop it, you jerk. " Irap naman ng babae. " Don't worry. I'll shut my mouth. Wala rin naman akong pakielam sa inyo. " Malamig na sabi ko. " Really? Baka naman nagdidiwang ka dahil wala ka ng magiging kaagaw kay Magnus? " Natatawang sabi sa akin ni Anastacia." I'm not in a competition with anyone, Anastacia. Calm down, nanginginig ka na sa kaba oh. Stop acting like you're higher than me. Sunud-sunuran ka lang din naman sa mga magulang mo. " Nakangising sabi ko sa kanya at saka lumabas ng restroom. So, he's the one na ikinukwento niya kanina. " What took you so long? " Nagulat ako ng may biglang magsalita sa gilid. " Sir Magnus. " " Gulat na gulat. " He scoffed. "
Chapter 31"Hija, nandito ka rin pala." Magiliw na sabi sa akin ni Ma'am Alexandria ng magkasalubong kami ng pabalik na ako sa aking cabin. "Good evening, Ma'am." Nakangiting bati ko rito. "Sino ang kasama mo? Oh, god! I'm sorry, nalimutan kong iinvite ka." She stressfully said. "It's fine, Ma'am. I'm with Zakir, he invited me here." "Oh, Priam's friend. Yeah, he can invite anyone here! He's the owner of this cruise." Muntik na akong mabilaukan dahil sa sinabi niyang iyon. "Come with us, ipapakilala kita sa Lolo ni Priam." Aya nito sa akin na hindi ko natanggihan. "Papà, she's Milana. Secretary ni Priam. " Nakangiting pakilala nito sa akin . "Magandang gabi po. " Magalang na bati ko. " Good evening. I already know you, hija. " He smirked at me. Napalunok naman ako dahil doon. "Well, that's great! Siya lamang ang tumagal na sekretarya ng apo mo, Papà. She's really an asset to your grandson's company." Palakpak pa ni Ma'am Alexandria. " Really? Should I hire her then? I can se
Chapter 30"Are you okay? Mas mabuti kung iiwasan na lang natin sila. Do you want to get yourself killed? " Inis na pangaral ko kay Zakir habang nilalapatan ng first aid ang natami niyang sugat. "Kaya nga tayo naririto, Milana. Don't worry about me, I'll be fine. Ang isipin mo ay ang sarili mo." Diniinan ko ang bulak sa gilid ng labi niya. "Aw! That hurts." Inis rin na sabi niya. "Ikaw ang nagsama sa akin dito, Zakir Ozkan. So, take care of me. Kung hindi pa kayo i awat ng mga kaibisan ninyo ay baka nagpapatayan pa rin kayo hanggang ngayon. You make a scene earlier. Mabuti na lamang at wala doon ang pamilya ni Magnus." "That's the plan. " Maikling sabi niya. "Plan? Gago ka ba? Ni hindi ko nga alam na kasama pala ito sa plano mo! Ang manggulo sa bakasyon ng Pamilya Salvatori." Galit na sabi ko pero tinawanan niya lamang ako. "Tsk, alam ko na kung bakit ka nagustuhan ng kaibigan. Don't worry, I'll protect you while we're here. " Maliit siyang ngumiti sa akin na ikinabuntong hining
Chapter 29Pinagpalit muna ako ni Sir Zakir ng damit bago kami tuluyang lumabas sa deck ng barko. Umusad na rin ito... Natawa na lamang ako ng maisip kong kakaiba talaga ang trip nila. "Hmm, I picked the right clothes." Ngisi sa akin ni Sir Zakir. Nakasuot siya ng slacks na kulay cream at dark brown na malambot na polo. Kakulay ito ng suot kong tube dress na umaabot sa paa ko. "Matchy matchy? " I smirked. "Yeah. Just call me Zakir from now on. Ayokong isipin ng mga tao na may fetish tayong dalawa dahil Sir ang tawag mo sa akin. " Pang aasar niya na ikinabusangot naman ng mukha ko. "Chill, I'm just joking." Tawa niya. "Halika na, I'm hungry." Irap ko. "Yes, your highness. This way, please." Nailing naman ako sa kanya at saka humawak sa braso niya. Magkasabay kaming naglakad patungo sa deck. Marami rami na rin kaming nakasalubong na bumabati sa kanya. "Milana! You're here." Napalingon ako sa bumati sa akin. "Rexia! Hi. " Nagulat pa ako ng makita siya rito. "Yeah, the whole fam
Chapter 28Nang makalabas kami ng bar ay malakas kong sinampal si Magnus. Hindi na nga pala ako nagtatrabaho sa kanya, bakit ko pa siya tatawagin na Sir? "Mga kagaguhan mo talaga! " Duro ko sa kanya. "Stop playing with my cousin! Ano? Dahil hindi mo ako nakuha ay siya naman ang pupuntiryahin mo?" Galit din na sabi niya. "E, gago ka pala talaga ! Baka nakakalimutan mo kung anong ginawa mo sakin! Wala akong pake kung pinsan mo iyon. I'm just enjoying my life! " Bulyaw ko sa kanya. Natigilan naman siya dahil sa sinabi ko. "Well, bakit natahimik ka? Naalala mo na ang kagaguhan mo? You, asshole! Huwag ka ng makikielam sa buhay ko." Nilayasan ko na lang siya. "Teka, Vicenthia. Let me explain..." Habol niya sa akin. "Explain, what? Sa tingin mo ay makikinig pa ako sayo. Gago ka." Dire diretso lamang ako sa paglalakad. "Vicenthia, c'mon! You know my family..." "I know them very well... At akala ko... totoong seryoso ka sakin... Na sana, naisip mo na kahit papaano ay ipaglaban ako. M
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen