แชร์

K5

ผู้เขียน: LonelyPen
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-17 03:28:15

Kinabukasan, parang nagising si Farah sa isang bangungot na hindi niya matakasan. Habang nakaidlip pa siya sa kama, tumunog ang cellphone niya. Sunod-sunod. Notifications, messages, mentions. At sa bawat pag-swipe ng screen, mas bumibigat ang dibdib niya.

Headline sa isang gossip site:

“New CEO’s Fiancée — Former Girlfriend of Nephew?”

Sa ilalim ng artikulo, nakalagay ang litrato nila ni Dawson kagabi, hawak ang kamay niya, nakangiti habang ipinapakilala siya bilang fiancée nito.

Hindi lang iyon. Sa comment section, nagsisiksikan ang mga opinyon ng hindi niya kilala:

“Wow, gold digger alert!”

“Ang tapang, ex ng pamangkin tapos ngayon si tito naman?”

“Dawson deserves better.”

“Alam ba ni Jason ’to?”

Napahawak siya sa noo. Para siyang hinihila pababa ng mga salitang iyon, bawat letra ay parang tingga sa puso.

“Kalma lang, Farah,” bulong niya sa sarili. “Wala kang ginagawang masama.”

Pero kahit anong sabihin niya, ramdam niya ang bigat ng paghusga.

Pagpasok niya sa opisina, halos mabingi siya sa katahimikan. Lahat ng empleyado, tila may sariling opinyon. May ilan na nagbubulungan habang palihim na tumitingin. May iba na hindi na nag-abala pang itago ang panlilisya sa mga mata.

Ramdam niya ang pagsukat sa kanya mula ulo hanggang paa, para bang tinatantiya kung magkano ang halaga niya kapalit ng posisyong kinalalagyan niya ngayon.

“Good morning…” mahina niyang bati sa receptionist. Pero hindi man lang siya tinapunan nito ng tingin, bagkus ay nakataas ang kilay.

Huminga siya nang malalim at nagtuloy sa kanyang mesa. Tuwing nadadala siya ng kaba, naaalala niya ang titig ni Dawson kagabi—matatag, parang nagsasabing “Huwag kang bibitaw.”

At iyon ang baon niya ngayon.

ISANG HAPON, pumunta siya sa pantry para kumuha ng tubig. Doon niya narinig ang dalawang empleyado na nag-uusap.

“Grabe, no? Ang bilis umakyat.”

“Magaling mag-akyat ng sarili. Kung ako si Mr. Rockwell, mag-iingat ako. Baka next time, ibang uncle naman ang ma-target.”

Nalaglag ang bote ng tubig na hawak ni Farah, kumalabog sa sahig. Napatigil ang dalawa at dali-daling nag-alisan, pero bago iyon, nagpalitan sila ng tingin at nagsimangot.

Pinili niyang huwag silang habulin. Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong salita. Pero masakit pa rin. Masakit pa ring mapakinggan.

Kinahapunan, bumaba siya sa lobby para makipag-meeting sa isang kliyente. Doon niya napansin ang isang babaeng nakaupo, nakataas ang binti, parang pag-aari ang buong lugar.

Mahaba ang buhok, naka-designer dress, at may kumpiyansa sa bawat galaw. Nang makita siya, ngumisi ito nang mapait.

“Ah. So ikaw pala.”

Napatigil si Farah. “Ako?”

Tumayo ang babae, at sa isang iglap ay naglapit sila. Amoy niya ang mamahaling pabango nito, amoy na halos nakaka-intimidate.

“Ikaw ang dahilan kung bakit hindi na sumasagot si Dawson,” sabi nito, malamig ang tono.

Kumunot ang noo ni Farah. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“I’m Camille. And just so you know, balak ko sanang maging asawa niya.”

Nanigas si Farah sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Sa unang pagkakataon, may humarap sa kanya nang direkta—hindi bulungan, hindi tsismis sa likod, kundi isang babae na hayagang sinasabi na siya ang tunay na karapat-dapat kay Dawson.

“Ako si Farah,” mahina niyang tugon, pero matatag ang titig. “At sa pagkakaalam ko, si Dawson mismo ang pumili kung sino ang magiging fiancée niya.”

Umiling si Camille, natawa nang mapait. “Oh, sweetie. Hindi mo kilala si Dawson. Hindi siya nagtatagal sa isang babae. At sigurado akong hindi ka tatagal.”

Nag-init ang pisngi ni Farah. “Kung ganoon, bakit ka nandito? Kung sigurado kang ikaw ang pipiliin niya, bakit parang desperado kang magpakilala sa akin?”

Nag-iba ang ekspresyon ni Camille—mula sa kumpiyansa, biglang kumislot ang labi. Pero bago pa ito makasagot, isang pamilyar na boses ang sumingit.

“Farah.”

Si Dawson. Nakasalubong sila sa lobby, malamig ang mga mata habang nakatingin kay Camille. Walang alinlangan, hinawakan niya ang kamay ni Farah at bahagyang hinila palayo.

“Stay away from her, Farah,” bulong niya sa tainga nito, mahigpit.

Natahimik si Camille, pero hindi sumuko. “Dawson, really? She’s not even your type. Alam mong mali ito.”

Tumigil si Dawson, tumingin pabalik. “Alam ko kung sino ang gusto ko, Camille. At hindi ikaw iyon.”

Parang sampal sa hangin ang bawat salita niya.

PAG-AKYAT NILA NI DAWSON pabalik sa opisina, hindi mapakali si Farah. “Sino ba talaga siya?” tanong niya, mahina pero may halong kaba.

“Dating kaibigan ng pamilya,” sagot ni Dawson. “At matagal nang sinusubukang ipilit ng mga magulang niya na maging asawa ko siya. Business alliance, as usual.”

“Pero…” nag-alinlangan si Farah, “…parang may ibang ibig sabihin ang tingin niya sa iyo.”

Humigpit ang hawak ni Dawson sa kamay niya. “Wala siyang karapatan. Ikaw lang ang fiancée ko. Huwag mong hayaang guluhin ka ng kahit sino.”

Pero kahit narinig niya ang mga salitang iyon, ramdam ni Farah na hindi iyon ang huling pagkikita nila ni Camille.

Sa sumunod na mga araw, dumami ang tsismis. Sa elevator, sa cafeteria, kahit sa banyo—lahat may sariling bersyon ng kwento.

“Ginamit lang niya si Jason tapos ngayon si Dawson naman.”

“Malakas ang kapit niya. Baka siya ang dahilan kung bakit nawala si Jason sa posisyon.”

“Kung ako kay Mr. Rockwell, hahanap ako ng mas disente.”

Isang beses, habang kumukuha siya ng kape, may empleyado pang nagsabi nang malakas, parang sinasadya: “Kung gold digger siya, magaling siyang magtago.”

Naramdaman niyang nanikip ang lalamunan niya.

Ngunit tuwing gusto niyang sumuko, naiisip niya ang titig ni Dawson, ang kamay nitong laging nakaalalay. At doon siya kumakapit.

Sa gabi, habang mag-isa siya sa condo, tinitigan niya ang sarili sa salamin.

“Hanggang saan mo kakayanin?” tanong niya sa sariling repleksyon.

Sa isip niya, naroon pa rin ang imahe ni Camille, ang bulungan sa opisina, ang headline sa gossip sites. At habang humahaba ang listahan ng mga hadlang, lalong lumilinaw sa kanya: magsisimula pa lang ang tunay na laban.

At sa laban na iyon, hindi lang puso niya ang nakataya, kun'di pati ang pangalan, karangalan, at ang kinabukasan niya kay Dawson.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K22

    Dalawang araw ang lumipas mula sa huling engkuwentro nila ni Bianca, ngunit hindi pa rin mawala sa isip ni Farah ang mga sinabi nito. Akala niya’y hindi na muling magpapakita ang babae, ngunit pagkababa pa lang niya sa elevator ng kumpanya, agad na sumalubong sa kanya ang mapanuring titig ni Bianca. Eleganteng-elegante ito sa suot na fitted dress, parang sinasadya talagang ipamukha na hindi siya basta-basta. “Farah,” malamig ang boses ni Bianca, ngunit may ngiting nakakasulasok. “Still trying to fit in here, I see.” Hindi na nagpaapekto si Farah. Diretso niyang tinitigan ang babae, hindi nagpatalo sa tingin nito. “Kung gusto mong magdrama, huwag dito. You’re wasting your time, Bianca.” Ngumisi si Bianca at tumalikod, naglakad patungo sa rooftop garden ng kumpanya na parang may imbitasyon sa mga hakbang niya. At gaya ng inaasahan, sumunod si Farah. Hindi siya papayag na palaging siya na lang ang tahimik at ang binabastos. Pag-akyat nila sa rooftop, malamig ang hangin, ngunit

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K21

    Tahimik ang opisina ni Dawson Rockwell, maliban sa mahinang tunog ng wall clock na parang nanunuya. Nakaupo si Dawson sa swivel chair, nakasandal ngunit bakas ang pagod sa mga mata. Sa dami ng problemang bumabalot sa kanya at kay Farah, hiling niya’y kahit isang araw ng katahimikan. Ngunit hindi iyon ang araw na ito. Biglang bumukas ang pinto na parang walang kumatok. Dumiretso sa loob si Bianca De Guzman—mataas ang kumpiyansa, naka-pulang dress na humahapit sa kurba ng kanyang katawan, at may ngiting puno ng pang-uuyam. Ang kanyang mga mata, matalim na parang alam ang mga sikreto na pilit itinatago ni Dawson. “Dawson,” malamig ngunit mapanuksong bati niya. “Bakit parang naguguluhan ka lately? Hindi bagay sa’yo ang ganyan. Ikaw ang Rockwell—lahat ng bagay nasa ilalim ng kontrol mo… or maybe not?” Nag-angat ng tingin si Dawson, malamig ang anyo. “Anong kailangan mo, Bianca? Hindi kita inimbita rito.” Lumapit si Bianca nang dahan-dahan, sinadya pang lumapit sa mesa niya, nakas

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K20

    Hindi mawala sa isip ni Farah ang nakita niya kagabi. Habang kumakain sila ni Dawson, nahuli ng kanyang mga mata ang cellphone nitong bahagyang nakalabas mula sa bulsa. Kumurap iyon, may notification—at ang pangalang lumabas ay nagpanginig sa kanyang kalamnan. Camille. Imposible. Hindi ba’t patay na si Camille? Hindi ba’t ang larawan nitong duguan ang mismong banta na ipinadala sa kanya? Bakit may mensahe ito kay Dawson—at bakit unread pa? Buong gabi, halos hindi siya nakatulog. Nakatingin lang siya sa kisame, paulit-ulit na iniisip: Buhay pa ba si Camille? At kung buhay nga siya, bakit parang konektado kay Dawson ang lahat ng ito? Kinabukasan, sa department, pilit niyang ibinaon ang sarili sa trabaho. Nakaupo siya sa mesa niya, binubuksan ang mga papeles at emails, pero ang utak niya ay gulo-gulo. Wala siyang ibang iniisip kundi ang mga tanong na hindi niya kayang itanong nang direkta kay Dawson. Gusto niyang sumabog, gusto niyang humarap sa asawa at sabihin ang lahat—ang

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K19

    Humigpit ang hawak ni Farah sa folder habang naglalakad siya sa basement parking. Ramdam niya ang bigat ng paligid, parang may mga matang nakasunod sa bawat kilos niya. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso, at sa bawat hakbang ng sapatos niya, kumakalabog din ang kaba sa dibdib. Pagdating niya sa gilid kung saan nakaparada ang kanilang sasakyan, biglang may humarurot na motorsiklo. Nagpreno ito sa tapat niya, halos tumalsik ang hangin sa lakas ng pagpepreno. “Farah Cruz Rockwell?” malamig na tanong ng rider na nakasuot ng itim na helmet. Hindi siya agad nakasagot, nanigas ang kanyang katawan. Ang mga kamay niya’y nanginginig. Walang sabi-sabing iniabot ng rider ang isang maliit na kahon na itim, kasya lang sa dalawang palad. At bago pa siya makapagtanong, bigla itong umarangkada at naglaho sa dilim ng parking lot. Naiwan si Farah, nanginginig at hingal na hingal. Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon. At halos mabitawan niya iyon sa nakita. Isang pulang rosas, naka

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K18

    Mabilis ang tibok ng puso ni Farah nang muling pumasok sa gusali ng Rockwell’s Company. Kahit nakaayos ang kanyang suot—puting blouse at itim na palda, simple pero elegante—hindi niya maiwasang maramdaman ang bigat ng mga matang nakasunod sa bawat hakbang niya. “Good morning, Mrs. Rockwell,” bati ng isang receptionist, may halong ngiti pero may bakas ng pag-usisa. Narinig din niya ang mga pabulong sa paligid. “Siya pala ‘yon…” “Ang swerte niya, asawa na si Sir Dawson…” “Pero, totoo kaya ‘yong mga chismis?” Ramdam ni Farah ang init na umaakyat sa kanyang pisngi. Kahapon lamang, isa lang siyang simpleng staff. Ngayon, lahat ng tingin—may paghanga, may inggit, may duda—ay nakatutok na sa kanya. Huminga siya nang malalim at nagtuluy-tuloy papasok sa opisina. Pinilit niyang magpokus sa trabaho, pero hindi mawala ang kaba sa dibdib. May malamig na pakiramdam siyang tila may paparating na hindi maganda. At hindi siya nagkamali. Pag-upo niya sa kanyang mesa, tumunog ang no

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K17

    inabukasan, tila walang mabigat na nangyari kagabi. Parang hindi sila muntik magbanggaan ng mga damdaming hindi nila masagot. Parang hindi nagkaroon ng mga tanong at alinlangan si Farah. Sa bawat kilos ni Dawson, tila isa lang ang ipinapakita niya—ang pagiging perpekto nitong asawa.Pagmulat pa lang ng mga mata ni Farah, naroon na ito sa tabi niya. May dalang tray ng breakfast in bed: croissant, omelette, at isang baso ng orange juice. Pinagmamasdan pa niya si Dawson habang inaayos nito ang kumot sa gilid, at sa isang iglap, hinagkan siya sa noo bago ngumiti.“Good morning, Mrs. Rockwell,” malambing na bati nito, halos parang wala silang problema. “Did you sleep well?”“Y-Yes,” tipid niyang sagot, pilit ang ngiti. Pero sa loob niya, sunod-sunod ang bugso ng tanong. Paano ang mga kahon ng gamit sa rest house? Sino ang mga babaeng iyon? At bakit ako ang nakalista sa susunod?Gusto niyang itanong, gusto niyang isigaw ang lahat ng tanong sa lalaki—pero paano, kung heto ito ngayon, buong-b

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status