Share

K4

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-08-17 03:22:06

Dalawang araw matapos ang alok ni Dawson, hindi pa rin mapakali si Farah. Parang nakabitin sa hangin ang kanyang dibdib, hindi makahanap ng sapat na lakas para tanggapin ang desisyong ginawa niya.

Sa bawat paghinga, may bahid ng pangamba, ngunit kasabay din nito ay ang matinding kuryosidad kung ano ang naghihintay sa kanya sa piling ng lalaking iyon.

Nakaupo siya sa sofa ng kanyang maliit na apartment, tangan ang isang tasa ng kape na halos malamig na. Ilang ulit niyang binalikan sa isipan ang huling sandali nila ni Dawson—ang simpleng “Yes” na binitawan niya, kasabay ng kanyang panginginig.

"Ginawa ko ba ‘to dahil galit ako kay Jason? O dahil may kakaiba akong nararamdaman kay Dawson?" tanong niya sa sarili, pilit hinahanap ang tiwala sa sariling puso.

Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone sa mesa. Agad niyang kinuha, at nanlamig ang kanyang palad nang makita ang pangalan ni Dawson sa screen. Saglit siyang natigilan bago pinindot ang sagot.

“Hello?” mahina niyang bati, halos paos.

“Maghanda ka,” maikli nitong sabi. Malamig, diretso, walang espasyo para sa pagdadalawang-isip.

Nagtaas siya ng kilay, kahit hindi ito makita ng lalaki. “Maghanda? Para saan?”

“May dinner tayo mamaya.”

“Dinner?” ulit niya, parang gustong linawin na baka nagkamali siya ng dinig.

“Family dinner. And I’ll be introducing you as my fiancée.”

Parang tumigil ang oras. Nabitiwan ni Farah ang tasa, buti na lang at wala nang laman. Napalunok siya, at ilang segundo bago siya nakasagot.

Labis na gulat ang kanyang nadarama dahil sa bilis ng pangyayari. Hindi niya iyon inasahan.

“F-fiancée?” bulong niya, halos hindi makapaniwala.

Napakabilis ng tibok ng puso niya sa mga oras na iyon. Para na nga siyang kakapusin ng hangin sa katawan anumang oras.

“Yes.” Ang tinig ni Dawson ay walang bakas ng alinlangan, parang isang negosyanteng sanay na sa bawat kumpirmasyon. “Wala nang atrasan, Farah.”

Natulala siya matapos ibaba ni Dawson ang tawag. Nakatitig lamang siya sa dingding, iniisip kung paano niya kakayanin ang gabing iyon.

ALAS-SIYETE NG GABI, dumating si Dawson sa kanyang condo. Isang itim na luxury car ang huminto sa harap ng gusali, at agad itong umagaw ng pansin ng ilang kapitbahay. Mabilis siyang bumaba, naka-itim na suit at kurbata, para bang isang hari na bumaba mula sa kanyang trono.

Bumukas ang pinto ng kotse at lumabas ang isang bodyguard para tulungan si Dawson. Sa taas, tanaw siya ni Farah mula sa bintana. Naramdaman niya ang panginginig sa kanyang tuhod. “Diyos ko, ano ba ‘tong pinasok ko?”

Hindi nagtagal, nag-doorbell na ito. Binuksan niya ang pinto, at halos hindi makapagsalita nang masilayan ang presensiya ng lalaki. Matangkad, gwapo, at may aura ng kapangyarihan.

“You look pale,” ani Dawson, nakakunot ang noo. “You’re not planning to back out, are you?”

Huminga siya nang malalim. “No… just nervous.”

Bahagyang lumambot ang mukha ni Dawson. “Good. Nervous is normal. But tonight, you will stand beside me with your head held high. No one will question you if you don’t question yourself.”

Parang isang paalala iyon na hindi lang basta kasunduan ang pinapasok niya, kundi isang papel na kailangang gampanan.

“Are you ready?” tanong ni Dawson.

Tumingin siya rito, at kahit nanginginig ang loob, tumango siya. “I’ll try.”

Ang private restaurant ay halos nakatago sa gitna ng siyudad, isang mamahaling lugar na dinarayo lamang ng mga kilalang negosyante at pamilyang may impluwensya. Puno ng kristal na chandelier ang kisame, at bawat mesa ay may puting tela at gintong kubyertos.

Nasa loob na sila nang maramdaman agad ni Farah ang bigat ng mga matang nakatingin sa kanya. Mga board members ng kumpanya, lahat ay nakangiti ngunit bakas ang kuryosidad.

At doon, sa gitna ng mahaba at mamahaling mesa, nakaupo ang pamilya ni Jason. Nakita niya ito agad—si Jason mismo, na ngayon ay nanlalaki ang mga mata sa pagkakakita sa kanya.

Kasama nito ang kanyang ina at ama, parehong nagulat at hindi makapaniwala. Ang ina ni Jason ay muntik pang mabulunan sa iniinom nitong alak nang marinig ang salitang,

“This is Farah… my fiancée,” anunsyo ni Dawson, malamig ngunit may halong kumpiyansa.

Bumagsak ang panga ni Jason, at ang bulungan sa paligid ay umalingawngaw.

“Fiancée?” may narinig siyang bulong mula sa kabilang dulo.

“Hindi ba ito ang ex ng pamangkin niya?” isa pang mahina ngunit malinaw na komento.

“Eskandaloso…”

Ramdam ni Farah ang mga titig na parang karayom sa kanyang balat. Ngunit bago pa siya lamunin ng kaba, marahang hinawakan ni Dawson ang kanyang kamay sa ilalim ng mesa, mahigpit ngunit nakakapagbigay ng kakaibang lakas.

“Relax,” bulong nito sa kanya. “Just smile.”

Nagpatuloy ang dinner, ngunit hindi maikakaila ang tensyon. Tahimik si Jason, paminsan-minsan ay nakatitig kay Farah na para bang hindi makapaniwala sa nakikita.

“So,” basag ng katahimikan ng ama ni Jason, na halatang pilit ang ngiti, “matagal na ba kayong… magkakilala?”

Nagtagpo ang tingin ni Farah at Dawson. Sandali itong ngumiti bago sumagot. “Sapat na para malaman kong siya ang babaeng pakakasalan ko.”

Halos mabulunan si Jason. “You’ve got to be kidding me,” bulalas niya, hindi na kayang itago ang emosyon. “Uncle, siya ang ex ko!”

Tahimik na napayuko si Farah, ngunit agad siyang tinapik ni Dawson sa kamay.

“And so what?” sagot ni Dawson, malamig ang tono. “She is no longer your girlfriend. She is my future wife," may diing sabi ni Dawson na siyang nagpatibok ng puso ni Farah ng labis.

“Pero—!”

“Jason.” Mariing tinig iyon ng ama niya. “Enough.”

Namula si Jason sa inis at hindi na nagsalita pa, bagama’t ramdam ang pagngangalit ng panga nito.

Samantala, pinilit ni Farah na kumilos nang maayos. Nakipag-usap siya sa mga board members, sumagot sa ilang tanong tungkol sa trabaho at background niya. Ngunit kahit anong gawin niya, dama niya ang paminsang tingin ng panghuhusga.

“Ang bata pa niya,” bulong ng isang babae. “Gold digger?”

Napakagat-labi si Farah, at muntik na siyang maiyak. Ngunit muling nagsalita si Dawson, malakas at malinaw.

“Let me make this clear,” aniya, nakatingin sa lahat. “Farah is with me not because of my money, but because she has a heart and a strength that no one here could ever understand. If anyone dares disrespect her, you disrespect me.”

Tahimik ang buong mesa. Walang naglakas-loob na sumagot.

Matapos ang mahabang gabi, natapos din ang dinner. Paglabas nila ng restaurant, malamig ang hangin, at tahimik si Farah. Nakatingin siya sa kalsada, iniisip ang mga pangyayaring parang isang pelikula lamang.

Sumakay sila sa kotse, at sa wakas, nagsalita siya. “Bakit mo sinabi ‘yon?”

“Anong alin?” tanong ni Dawson habang nagmamaneho.

“Na may lakas ako. Na may puso ako. You don’t really know me, Dawson. Hindi mo pa alam lahat tungkol sa akin," mababa ang tinig na sabi ni Farah.

Bahagya siyang tiningnan nito, saglit na ngumiti. “I don’t need to know everything yet. What I know is enough to protect you.”

Napalunok si Farah. May kakaibang bigat ang mga salita nito, ngunit may init ding nagmumula rito na hindi niya maipaliwanag.

“Hindi ako sanay na ganito,” bulong niya. “Na lahat nakatingin, lahat humuhusga.”

“I’ll teach you,” sagot ni Dawson. “But for tonight, you did well.”

Sandali siyang natahimik, nakatingin sa labas ng bintana. Ngunit sa loob-loob niya, may bahagyang ngiti ang sumilay. Hindi niya alam kung saan hahantong ang lahat, pero alam niyang nagsisimula nang magbago ang kanyang mundo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K22

    Dalawang araw ang lumipas mula sa huling engkuwentro nila ni Bianca, ngunit hindi pa rin mawala sa isip ni Farah ang mga sinabi nito. Akala niya’y hindi na muling magpapakita ang babae, ngunit pagkababa pa lang niya sa elevator ng kumpanya, agad na sumalubong sa kanya ang mapanuring titig ni Bianca. Eleganteng-elegante ito sa suot na fitted dress, parang sinasadya talagang ipamukha na hindi siya basta-basta. “Farah,” malamig ang boses ni Bianca, ngunit may ngiting nakakasulasok. “Still trying to fit in here, I see.” Hindi na nagpaapekto si Farah. Diretso niyang tinitigan ang babae, hindi nagpatalo sa tingin nito. “Kung gusto mong magdrama, huwag dito. You’re wasting your time, Bianca.” Ngumisi si Bianca at tumalikod, naglakad patungo sa rooftop garden ng kumpanya na parang may imbitasyon sa mga hakbang niya. At gaya ng inaasahan, sumunod si Farah. Hindi siya papayag na palaging siya na lang ang tahimik at ang binabastos. Pag-akyat nila sa rooftop, malamig ang hangin, ngunit

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K21

    Tahimik ang opisina ni Dawson Rockwell, maliban sa mahinang tunog ng wall clock na parang nanunuya. Nakaupo si Dawson sa swivel chair, nakasandal ngunit bakas ang pagod sa mga mata. Sa dami ng problemang bumabalot sa kanya at kay Farah, hiling niya’y kahit isang araw ng katahimikan. Ngunit hindi iyon ang araw na ito. Biglang bumukas ang pinto na parang walang kumatok. Dumiretso sa loob si Bianca De Guzman—mataas ang kumpiyansa, naka-pulang dress na humahapit sa kurba ng kanyang katawan, at may ngiting puno ng pang-uuyam. Ang kanyang mga mata, matalim na parang alam ang mga sikreto na pilit itinatago ni Dawson. “Dawson,” malamig ngunit mapanuksong bati niya. “Bakit parang naguguluhan ka lately? Hindi bagay sa’yo ang ganyan. Ikaw ang Rockwell—lahat ng bagay nasa ilalim ng kontrol mo… or maybe not?” Nag-angat ng tingin si Dawson, malamig ang anyo. “Anong kailangan mo, Bianca? Hindi kita inimbita rito.” Lumapit si Bianca nang dahan-dahan, sinadya pang lumapit sa mesa niya, nakas

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K20

    Hindi mawala sa isip ni Farah ang nakita niya kagabi. Habang kumakain sila ni Dawson, nahuli ng kanyang mga mata ang cellphone nitong bahagyang nakalabas mula sa bulsa. Kumurap iyon, may notification—at ang pangalang lumabas ay nagpanginig sa kanyang kalamnan. Camille. Imposible. Hindi ba’t patay na si Camille? Hindi ba’t ang larawan nitong duguan ang mismong banta na ipinadala sa kanya? Bakit may mensahe ito kay Dawson—at bakit unread pa? Buong gabi, halos hindi siya nakatulog. Nakatingin lang siya sa kisame, paulit-ulit na iniisip: Buhay pa ba si Camille? At kung buhay nga siya, bakit parang konektado kay Dawson ang lahat ng ito? Kinabukasan, sa department, pilit niyang ibinaon ang sarili sa trabaho. Nakaupo siya sa mesa niya, binubuksan ang mga papeles at emails, pero ang utak niya ay gulo-gulo. Wala siyang ibang iniisip kundi ang mga tanong na hindi niya kayang itanong nang direkta kay Dawson. Gusto niyang sumabog, gusto niyang humarap sa asawa at sabihin ang lahat—ang

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K19

    Humigpit ang hawak ni Farah sa folder habang naglalakad siya sa basement parking. Ramdam niya ang bigat ng paligid, parang may mga matang nakasunod sa bawat kilos niya. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso, at sa bawat hakbang ng sapatos niya, kumakalabog din ang kaba sa dibdib. Pagdating niya sa gilid kung saan nakaparada ang kanilang sasakyan, biglang may humarurot na motorsiklo. Nagpreno ito sa tapat niya, halos tumalsik ang hangin sa lakas ng pagpepreno. “Farah Cruz Rockwell?” malamig na tanong ng rider na nakasuot ng itim na helmet. Hindi siya agad nakasagot, nanigas ang kanyang katawan. Ang mga kamay niya’y nanginginig. Walang sabi-sabing iniabot ng rider ang isang maliit na kahon na itim, kasya lang sa dalawang palad. At bago pa siya makapagtanong, bigla itong umarangkada at naglaho sa dilim ng parking lot. Naiwan si Farah, nanginginig at hingal na hingal. Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon. At halos mabitawan niya iyon sa nakita. Isang pulang rosas, naka

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K18

    Mabilis ang tibok ng puso ni Farah nang muling pumasok sa gusali ng Rockwell’s Company. Kahit nakaayos ang kanyang suot—puting blouse at itim na palda, simple pero elegante—hindi niya maiwasang maramdaman ang bigat ng mga matang nakasunod sa bawat hakbang niya. “Good morning, Mrs. Rockwell,” bati ng isang receptionist, may halong ngiti pero may bakas ng pag-usisa. Narinig din niya ang mga pabulong sa paligid. “Siya pala ‘yon…” “Ang swerte niya, asawa na si Sir Dawson…” “Pero, totoo kaya ‘yong mga chismis?” Ramdam ni Farah ang init na umaakyat sa kanyang pisngi. Kahapon lamang, isa lang siyang simpleng staff. Ngayon, lahat ng tingin—may paghanga, may inggit, may duda—ay nakatutok na sa kanya. Huminga siya nang malalim at nagtuluy-tuloy papasok sa opisina. Pinilit niyang magpokus sa trabaho, pero hindi mawala ang kaba sa dibdib. May malamig na pakiramdam siyang tila may paparating na hindi maganda. At hindi siya nagkamali. Pag-upo niya sa kanyang mesa, tumunog ang no

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K17

    inabukasan, tila walang mabigat na nangyari kagabi. Parang hindi sila muntik magbanggaan ng mga damdaming hindi nila masagot. Parang hindi nagkaroon ng mga tanong at alinlangan si Farah. Sa bawat kilos ni Dawson, tila isa lang ang ipinapakita niya—ang pagiging perpekto nitong asawa.Pagmulat pa lang ng mga mata ni Farah, naroon na ito sa tabi niya. May dalang tray ng breakfast in bed: croissant, omelette, at isang baso ng orange juice. Pinagmamasdan pa niya si Dawson habang inaayos nito ang kumot sa gilid, at sa isang iglap, hinagkan siya sa noo bago ngumiti.“Good morning, Mrs. Rockwell,” malambing na bati nito, halos parang wala silang problema. “Did you sleep well?”“Y-Yes,” tipid niyang sagot, pilit ang ngiti. Pero sa loob niya, sunod-sunod ang bugso ng tanong. Paano ang mga kahon ng gamit sa rest house? Sino ang mga babaeng iyon? At bakit ako ang nakalista sa susunod?Gusto niyang itanong, gusto niyang isigaw ang lahat ng tanong sa lalaki—pero paano, kung heto ito ngayon, buong-b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status