INICIAR SESIÓNNanlamig ang buong katawan ni Abby sa mga narinig, lalo na ang ginawa ng kanyang ama. Hindi, hindi makapaniwala si Abby na narito ang kanyang ama, ngunit hindi para kamustahin o dalawin siya kundi sadyain lamang ni Drake para sa ganito."Kung ganun ay totoo pala ang mga bintang ni Drake sa kanila. Yung nga lang ay ang ama lamang niya ang may alam at siya ay walang kinalaman sa lahat ng ito. Hindi masisisi ni Abby si Drake kung anuman ang maging desisyon nito. Tama si Drake, kapag pinagbigyan niya ang request ng ama, uulit-ulit iyon ng ama niya at magiging panakot siya kay Drake habang buhay at habang buhay siyang kasuklaman ng binta dahil sa pagkabuwaya ng ama niya.Susundin kaya niya ang suggestion ni Empoy? Ipaliligpit kaya niya ang tatay ko?" Kahit papaano ay natatakot si Abby. Ang kanyang ama man ang pinakamasamang ama sa mundo; wala na siyang iba pang kapamilya."Paano na siya?"Natitiyak ni Abby na kapag pinaligpit ni Drake ang tatay niya, itatapon na siya nito bilang bas
"At isa pa," dagdag niya, "hindi ko hahayaang makita ni Abby ang kahit anong kahinaan sa akin. Kailangan niyang malaman na kahit anong mangyari, nandito ako para sa kanya. Kailangan niyang malaman na ligtas siya, anuman ang mangyari." Tumingin siya kay Empoy. "Ipagpatuloy mo ang mga paghahanda. Kumilos tayo nang mabilis. At siguraduhin mong walang anumang impormasyon ang makakawala mula sa amin. Ang lahat ng gagawin natin ay dapat manatili sa loob ng apat na sulok ng bahay na ito hangga't hindi pa tayo handa." "Opo, Boss. Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya. Pero Boss, may dalawang paraan para matigil na ito," sabi ng kanyang kanang kamay. "Dalawang paraan? Anong pinagsasabi mo, Empoy?" "Boss, hayaan ninyong linawin ko ang dalawang paraan na nasa isip ko," panimula ni Empoy habang nakatayo nang tuwid sa harap ng mesa, ang kanyang boses ay mababa at seryoso na parang nagbabahagi ng isang mahalagang lihim. "Una sa lahat, napakadaling solusyunan ang problema kay Dencio. Alam
"Whoa... woah... Mr. Mondragon, ipinagbayad ko nga sa inyo ang anak ko bilang aking kaban, pero hindi ibig sabihin noon ay pag-aari niyo na ang anak ko. May hangganan ang pagbabayad niya. Hindi niyo siya pag-aari nang lubusan," sabi ni Dencio."Ano? Anong sinasabi mo, Dencio? Anong kalokohan ito? Ipinagbayad niyo siya, 'di ba? Sinabi niyo na sa akin na siya at pwede kong gawin ang kahit ano kong gusto. Hindi niyo pa ba nakalimutan iyon? Putang ina mo, Dencio! Mayroon tayong kasulatan," sabi ni Drake."Kasulatan? Ang kasulatan na iyon ay paraan lamang natin; ilegal iyon at labag sa batas," sabi ni Dencio."Ano?"naniningki ang mga mata ni Drake sa inis sa kaharap. "Mr. Mondragon, noong sinabi kong ang anak ko ang kabayaran, naaalala niyo ba na habambuhay? Ang sinasabi kong puwedeng ninyong gawin sa kanya ang lahat, ang ibig kong sabihin ay bilang lalaki, Dr. Drake Mondragon… alam niyo kung paano siya papahalagahan at aalagaan. Pero may hangganan lamang iyon.""Putang ina mo, Dencio!" s
Matuling lumipas ang mga araw. Naging kampante si Abby sa mga yakap at halik ni Drake. Ganun din, naging kampante na ang dalaga sa bahay-bakasyunan. Ngunit ang kaligayahan ni Abby ay hindi pa lubusan dahil sa isang bagay na hindi nangyayari. Iyon ang singilin siya kay Drake sa paraang alam niyang ginagawa nito sa ibang babae.Alam niyang bagama't nagpakita ng interes sa kanya si Drake, alam niyang ilag ito. Madalas, kapag nadadalaw ito at hindi nakakapagpigil na halikan siya, nararamdaman pa rin aniya ang pag-aatubili nito, lalo na ang pagpipigil sa sarili. Naging palaisipan kay Abby ang mga kilos ni Drake. Konti na lamang at makukumbinsi na siya na wala siyang dating sa lalaki. Hindi siya maganda sa paningin nito at kolateral lang talaga ang turing nito sa kanya. Kaya unti-unti lang siya."Asa ka pa, Abby? Isa ka lamang utusan para sa kanya. Ang silbi mo bilang kolateral ay ang alipin lamang niya. Pero ang iniisip mo na pupunan mo ang malamig inyang mga gabi. In your dreams! Siya na
Naging mapag-ubaya naman si Abby sa mga halik at haplos na iyon ni Drake. Nagde-deny man ang kanyang isipan, ang puso at katawan niya ay nagsimulang hanapin ang binata na hindi niya nalalaman. Ang puso niya ay umasang palagi itong makikita at makakasama. Hinahanap-hanap niya ang pangungulit nito kahit pa nga may pag-aangkin at may sumbat. Sa puso ni Abby , hindi na lamang siya handang magpayag kundi handa na rin siyang magpasakop. Maging ito man ay panandalian o matagal lamang ng isang taon , nais ng dalaga na lasapin ang pagiging isang prinsesa sa piling ni Drake. Sa mga linggong nangdaan na palagi sniyang kasama ang binata, palaging kasabay kumain, katabi sa kotse at palagi siya nitong inaalalayan , inaasikaso at palaging pinupuri, Panadaliang natikman ni Abby kung paano pahalagahan ng isang Drake Mondragon at alam ng dalaga nas kalabisan ang pangaraping manatili ng habang buhay sa ganung stwasyun, pero kugn maari , kung pwede ay makikiusa siyang habang buhay na langna mamgbayad ng
Hindi maipaliwanag ni Abby kung bakit, pero parang may kakaibang init at lambing ang bawat salitang binitiwan nito. Ang utos na dapat ay matigas at awtoritaryan ay biglang naging parang hiling na puno ng kahulugan. At halos lumambot at manghina ang mga tuhod ng dalaga nang igawad sa kanya ni Drake ang isang nakabibighaning ngiti. Isang ngiting nakasanayan na niyang makita, ngunit sa gabing iyon ay tila mas matamis at mas mapanganib pa kaysa noon. Tumalikod na ito at naglakad paakyat, habang si Abby naman ay naiwang nakatayo pa rin sa kanyang pwesto, hawak ang dulo ng mesa at hinahabol ang kanyang hininga. Alam niyang sa sandaling dalhin niya ang kape sa silid nito, ay muli na namang siya papasok sa mundo ni Drake. Isang mundong hindi niya alam kung makakaligtas pa ba siya, o kung nais pa ba niyang makaligtas. Dahan-dahan niyang inupuan muli ang kanyang upuan, isinubo ang natitirang kanin sa kanyang plato, at habang nginunguya ito, tila isinama niya rito ang lahat ng kanyang pag-aalin
Ngunit habang papalapit ako sa pinto, may narinig akong mga yabag na papalapit. Agad akong bumalik sa pinagtataguan ko. "Hah!Sh*t, muntikan ba ako doon. Buwisit na bahay ito napakaraming tauhan." bulong ko habang pigil nag hininga. Lumabas mula sa kusina ang dalawang lalaki, ang isa ay may hawak
Narinig ko ang panggigipit sa boses ni Uncle Drake, isang banta na hindi ko kayang balewalain. Ang aking galit ay naglaho, napalitan ng pait at kawalan ng magawa. Hinayaan ko si Uncle Drake na pagmasdan ako, ang aking kalooban ay nagdurusa. Hindi ako sumagot, dahil sa sandaling iyon, wala na akong
Malayo ang naging paglalakbay ng sasakyan na ikinainip ko. Wala naman na akong magagawa pa kaya minabuti ko na lang na itulog ang sm ng loob ko. Kaya wala akong kaalam alam na nahimbing pala ako at binuhat na ng mga tauhan ni Uncle Drake hanggang sa silid. Napabalikwas ako ng gising.Sa una, ang ka
"Hay naku naman, Itay. Sana po nag-iisip muna kayo. Alam kong naglilibang kayo dahil hanggang ngayon hindi pa kayo nakakamove-on sa pagkawala ni Inay, pero limang taon na rin pong lumipas. Sermon ko na nga sa kanya eh.' "Actually, Anak, yung three hundred thousand ay ilang buwan ko nang hindi naba







