Share

Kabanata 4

DOMINIQUE’S POV

Palagi kong sinasabi sa sarili ko na kailangan kong mag sumikap at makahanap ng magandang trabaho. Gusto kong mabigyan ng magandang buhay si mama, ang pamilya ko.

Mag isa na lang si mama na nagpalaki samin ng kapatid ko. Wala kaming tatay na nakasama.

Noong elementary ako, roon ko nasaksihan kung paaano nasira ang pamilya namin. I can still clearly remember what my father looks like. Alfred Smith, he’s pure Filipino but his mother is half American so technically, may American blood kami. He had a relationship with my mother and they had me and Diana, without my mother knowing that he’s already engaged.

“Ma, eto po yung sahod ko no’ng nakaraan na linggo,”

Nakangiti kong inabot kay mama ang sweldo ko habang nandito siya sa sala, nakaupo. Bahagyang nanlaki ang mata niya ng makita ang ilang libo sa kamay ko.

“Anak, parang ang laki naman ‘yata nito?” inosente siya’ng tumingin sa’kin. “May kinikita naman ako sa pagtitinda kaya sayo na yan-“

“Hindi, Ma” ako na ang nag lagay ng pera sa kamay niya. “Nabigyan ko na po si Diana ng allowance kaya sa inyo na yan. Magpahinga muna kayo sa pagtitinda, Ma. Kaya ko naman mag trabaho at malaki ang kinikita-“

“Pero hindi naman pangmatagalan ang trabaho mo, Dom” ngumiti siya at tinanggap na ang binigay ko. “Salamat, pero…ako dapat ang gumagawa nito sa inyo-“

“Duh, I’m graduating, Ma! Maghahanap ako ng magandang trabaho para sayo at Diana. No need to worry…”

Lumalam ang mata ni mama. Hinaplos ko ang buhok niya dahil alam kong iiyak agad siya.

“Wag ka iiyak, Ma! Nababawasan ang beauty mo!” biro ko at hinalikan siya sa ulo.

My mother is really that pretty in her age. Her skin still looks delicate. Her brows are perfectly curved with her alluring eyes. Sa kanya talaga kami nag mana ni Diana ng kagandahan. Ang katawan niya, para nga’ng wala pang anak. Maganda siya kahit walang kolerete sa mukha kaya marami na ang nagtangkang manligaw sa kanya pero wala siya’ng pinapansin.

“Ikaw talaga,” bahagya siya’ng natawa. “Ayaw ko lang na nahihirapan ka habang nag-aaral pa. Pasensya na kung-“

“Heto na naman ba tayo, Ma?” putol ko. “Pag graduate ko, mag aapply agad ako roon sa malalaking kompanya para malaki ang sahod,”

“Nagsisikap ako para ipamukha sa ibang tao na kaya nating mabuhay kahit wala kang asawa at wala kaming tatay,”

Nawala ang ngiti ni mama at lumalam ang mata.

“Sa inyo pa lang ni Diana, swerte na ako. Alam kong malaki ang galit mo sa papa niyo at mas maganda kung…wag na lang natin siya’ng banggitin,”

Ngumiti ako kay mama bago ulit siya hinalikan sa ulo.

“Pasok na po ako sa school,”

Umalis na ako at sumakay sa jeep. Habang nasa biyahe ay nag text ako kay Jayvee na ibili ako ng paborito kong kape, kailangan ko ‘yon dahil kulang ako sa tulog dahil sa trabaho.

Nakarating ako sa school at sinalubong ako ni Suzette na halata pa ang antok sa mukha.

“Grabe, saan kaya ako makakahanap ng matandang mayaman na magbibigay sa’kin ng maraming pera? Para hindi na ako estudynte sa umaga tapos waitress sa gabi!”

Tumawa ako.

“Pareho lang tayong puyat,”

“Pero bakit ang unfair?” sumimangot siya. “Ikaw, ang fresh parin tapos ako mukhang panda?!”

Umiling ako at kumapit sa braso niya habang naglalakad kami sa hallway. Marami kasing estudyante ang nagkalat.

Nakita ko agad sa malayo si Trixie na nasa harap ng room ng engineering. Carl’s room to be exact. Napairap ako at iponustura ng maayos ang katawan ko dahil dadaan kami sa harap nila.

“Ay, silaTrixie, oh!” ani Suzette nang lumabas si Carl.

Nairita agad ako dahil sa ngitian nila ni Trixie. Ang kapal talaga ng mukha.

Hinawi ko ang mahaba kong buhok at maarteng lumakad. Nakuha ko agad ang atensyon nila. Hindi lang ‘yon dahil kahit ang tingin ng ibang engineering ay sa’kin.

Nasilayan ko ang matamis na ngiti ni Trixie na unti-unting nawala. Si Carl naman ay seryosong napatingin sa banda ko. I remained my bitch face when someone called me.

“Hi, Dominique!” a tall guy from Carl’s classmate called.

Tumigil kami ni Suzette sa mismong harap nila. Kita ko ang pag dilim ng mata sa’kin ni Carl. I want to tease him.

Nginitian ko ng matamis ang lalaking tumawag.

“Hello!” I greeted.

I heard their giggled then teasing the guy. I can’t help but to look at Carl who were looking at me seriously. Tinaasan ko siya ng kilay bago inirapan.

“Si Carl parang tutulo na ang laway!” bulong ni Suzette nang makalayo kami.

“In his face!”

Sinalubong kami ni Jayvee sa harap ng classroom namin at agad ibinigay ang pinabili kong kape.

“Kape para sa mga baklang puyat!” aniya.

Nauna na ako’ng pumasok sa room at pinahinga ang katawan sa upuan. Medyo masakit ang ulo ko. Even though I finished my coffee, I still feel sleepy.

Hindi na rin ako makakatulog ng saglit dahil pumasok na ang prof namin.

What we discussed today is our last lesson. Well, we're getting close to graduation and that's what I'm looking forward the most. I was really desperate for it. I badly want to have a decent and permanent job.

Natapos ang morning class namin kaya dinala ko na ang bag ko nang pumunta kami sa canteen. While eating, we were discussing about our upcoming graduation.

“Okay lang kahit walang flying colors, basta maka-graduate!” giit ni Jayvee.

“Palibhasa, tamad ka,” singit ko kaya napasimangot siya.

“Dom, palibhasa kahit hindi ka mag review, pasado ka parin sa mga exams!” ani Suzette. “Matalino ka na!”

“True! Beauty and brain ang peg mo, teh? Pero iniwan ka parin ni Carl,” Jayvee teased.

“Pasmado bibig mo. Gusto mo kumain ng sili?” mataray kong sabi.

Agad tumawa si Jayvee at hinampas ang braso ko.

“Ang sungit mo. Sige, ikaw na ang matalino at maganda parin kahit puyat!”

Umirap ako at kumain na lang. Umupo sa table namin ang isa kong kaklase na si Virgie, siya ang isa sa mga kilalang role model dito sa school. Mayaman, medyo maganda, matalino at may pagkayabang din.

“Dom, next week na ang exam. Mag review ka, ah!” ngiti niya’ng sabi habang umiinom sa juice niya.

Kita ko ang pag asim ng mukha ni Jayvee at Suzette.

“Oo naman, Virgie. Exam ‘yon kaya kailangan mag review,” peke ako’ng ngumiti sa kanya.

Noon pa lang, mainit na ang dugo ko sa kanya. Bakit ba kasi naging kaklase ko pa siya? She’s so annoying and damn competitive.

“Let's see who’s higher than us this last sem. Well, there’s no doubt I’m rank to have a flying color this graduation, ewan ko na lang sayo. Working student ka di ‘ba? It might affect your grades,”

I was already boiling inside but still, I forced a smile. Hindi ko alam kung nananadya siya o talagang likas sa kanya ang pagiging hambog.

“I’m not in a competition with you, Virgie. In fact, you’re doing that every year. Kailan ka nga ba lumamang sa’kin?” tinaasan ko siya ng kilay.

“Wala,” sabat ni Jayvee. “Wala naman ako’ng natatandaan na nalamangan ka ni Virgie, Dom,”

Virgie’s sweet smile disappeared. I swear, I don't want to be rude but she's pulling off my patience.

“Uh…” nangangapa siya ng sasabihin. “L-Let’s just see, Dom. Malay natin. Well, I’m going. Mag re-review pa ako,”

Umalis na siya palabas ng canteen.

Jayvee and Suzette started burst in laughing after that. Sanay na rin naman kasi sila sa ganoong ugali ni Virgie, minsan talaga ay hindi ko na kayang makipag-plastikan sa kanya.

“Assuming ng taon si bakla!” tawa ni Jayvee. “Yung kayabangan, to the highest level!”

“True!” sang-ayon ni Suzette. “It’s either Dominique will be Magna or Summa Cum Laude, period!”

Napangiti ako. They’re really a supportive friends.

Umalis na rin agad kami roon pagkatapos kumain. Bumalik kami sa room dahil may isa pa kaming klase sa major subject.

Mabilis lang din ‘yon at nang mag dismissal, kasabay namin ang isa naming kaibigan na si Renz sa pag-uwi.

Naglalakad kami palabas ng campus habang inuusisa ni Suzette at Jayvee si Renz tungkol na naman kay Carl at Trixie since from engineering din ito.

“I don’t know much information about them. Ang alam ko lang, they’re dating. Iyon ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko,” simpleng sagot ni Renz habang abala sa cellphone.

“Alam niyo narinig ko kay Jessa na medyo play girl nga ‘yon si Trixie!” si Suzette. “Feeling niya panalo na siya ngayon? Hindi niya alam marami na ang nag-iiba ang tingin sa kanya!”

“Yeah, hindi niya mapapantayan si Dom. Tingin ko, hindi rin sila magtatagal” sabat ni Renz.

“Wag niyo na nga sila pag-usapan. Hindi sila importante,” I said bitterly. “Ikaw, Renz? Nasaan ang sasakyan mo?”

“Hindi ko dinala, sasabay ako sa inyo,”

Naningkita ng mata ko. “Really? Sasakay ka sa jeep? Rich kid ka, eh!”

Tumawa sila Jayvee.

“Baka hindi ka sanay sa usok, Renz, ah? Siksikan sa jeep!”

Renz frowned. “Shut up. Naranasan ko na rin ang mag commute at hindi ako rich kid. Nakakaawa naman kayo kaya sasabay na lang ako,”

Napailing ako.

Renz came from a rich family. Ibang iba siya samin nila Jayvee at Suzette. Si Jayvee ay masasabi kong may karangyaan pero hindi halata. Samantalang pantay lang kami ni Suzette sa estado ng buhay. Both working student and came from a broken family. Such a best friends goals.

Hindi nga ako makapaniwala na naging kaibigan namin si Renz. Well, bukod sa guwapo, matangkad ay matalino rin siya. He’s one of the campus crush, ‘yon nga lang…suplado. But his parents loves us though.

Nakalabas na kami sa campus at naglalakad na papunta sa sakayan ng jeep nang tumigil si Jayvee at Suzette sa gitna ng isang eskinita na nadaanan namin.

“What’s wrong?” Renz asked and we both confused.

Nilingon ako ni Jayvee.

“Dom, kapatid mo ba ’yon? Si Diana?”

Itinuro niya ang nakaparadang tricycle. May nakikita ako’ng isang lalake at babae sa loob. High school students. Agad nanlaki ang mata ko nang makilalang si Diana nga ang nasa loob at nakikipag-tawanan sa lalaki.

Nag salubong ang kilay ko at agad sumugod doon.

“Diana!”

I saw how my sister panic when she saw me. Hinampas ko ang unahan ng tricycle at natataranta silang lumabas doon. Puno ng takot at pangamba ang mukha ng kapatid ko nang mag tama ang mata namin.

“Bakit ka nandito? Dapat nasa bahay ka na, ah!”

I scanned the guy she’s with. Kasing edad niya lang at mukhang adik pa at lalong kumulo ang dugo ko nang makitang hinawakan siya ng lalaki sa braso at itinago sa likuran.

“What the fuck? Boyfriend mo ba ito?”

Galit ko siya’ng kinuha sa lalaki. Una ay ayaw niya pa bitawan ang kapatid ko, since matangkad ako ay itinulak ko iyong lalaki at napaupo sa sahig.

“Ate!” ani Diana. “U-Uuwi na rin naman ako-“

“Sino ang lalaking ‘to?” galit kong sigaw. “Boyfriend mo ba? Kailan pa?”

Namutla ang kapatid ko at bumaling sa lalaki at tinulungan ng ilang kaibigan. Gosh, even his friends looks so thin and addict! Can’t believe she’s going with them!

“Dom, tara na. Sa bahay mo na lang siya kausapin,” hinawakan ni Renz ang braso ko.

Nanginginig ang kamay ko ngayon sa sobrang galit. This is my first time seeing Diana with a guy. She’s too young. Bawal pa siya mag boyfriend!

I pointed the guy and his gang.

“Ayaw kong makikita ulit kitang kasama ang kapatid ko!” bumaling ako sa mga kasama niya at dinilatan sila ng mata. “Kayo, boyfriend ba ng kapatid ko ang lalaking ito?”

I saw their face become pale. Hindi sila nag salita kaya akma ko silang lalapitan nang bumigay ang isa.

“O-Opo…”

Anger built inside me as I looked at Diana who was hiding behind Suzette, looks afraid.

I grabbed her arm as we get out of that street. I was silent. Pinipigil ko lang ang galit ko dahil mamaya sa bahay, lagot siya sa’kin!

“Ate, ngayon lang naman-“

“Shut up!” usal ko nang makarating kami sa sakayan.

Alam kong natatakot siya, dapat lang! Kahit ang mga kaibigan ko ay tahimik, alam nilang galit ako. Diana didn’t know her limits. Noon pa lang ay sinasabi na namin sa kanya ni mama na hindi siya mag bo-boyfriend. She’s not even in a legal age though. But after seeing that guy with her, she pulled my patience.

Ayaw kong sa huli, magsisi siya. Masyado pa siya’ng bata at inaalala ko lang na baka matulad siya kay mama. Get pregnant because of temporary…pero hindi pinanindigan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status