Share

chapter 7

Penulis: LalaRia
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-08 20:31:22

Shit…

Tahimik na pag mumura ni Izzy matapos mabasa ang maikling text message na iyon na pinadala ng lalaking bagaman at tinulungan ang kanyang ina ay alam niya pa rin masama ang ugali.

Seth Santiago…

Sa lahat naman ng araw bakit ngayon pa nito naisipang ayain siyang mag ‘lunch’ sa bahay nito? Ngayon pa kung kailan wala siyang maidadahilan sa mga kasama.

Malakas na napa buga ng hangin si Izzy sabay inilipat ang tingin sa naka ngiting ina.

Gumanti naman siya ng ngito dito bago dahan-dahan itong nilapitan habang pasimpleng ibinubulsa ang kanyang cell phone.

“May problema ba, anak?”

Bakas pa rin ang pang hihina sa boses n tanong ng ina.

“W-wala ho nay… M-maayos na po ba ang pakiramdam niyo?”

“Medyo maayos na, masakit lang ng kaunti ang sugat ko pero maayos naman na ang pag hinga ko…”

“M-mabuti naman po kung ganoon, hayaan niiyo, pag labas mo po dito, sigurado akong wala ka ang daramdaming sakit, alam ko po na mag tutuloy-tuloy na ang pag galing niyo, ‘nay…”

Pilit pa rin ang ngiting sabi niya sa ina, sa kung anong dahilan ay agad binalot ng matinding konsensya ang buong pagkatao ni Izzy nang makita ang saya sa mga mata ng ina.

Konsensyang pilit niyang itinatago sa likod ng malaki niyang ngiti na agad ring nadagdagan nang muli itong mag salita.

“Oo, sana nga ay ganoon ang mangyari, pipilitin ko rin naman ang mag pagaling nang hindi naman nakaka hiya doon sa charity na sinasabi mong tumulong sa atin…”

Wala sa sariling nahigit ni Izzy ang pag hinga nang bangitin nito ang kasinungalingan niya, sabay napatingin kay Carl na bagaman at nanatiling tahimik ay bakas pa rin ang pagka dismaya sa mga mata nito.

“At siya nga pala, pwede mo bang tawagan ang namumuno sa charity na nilapitan mo, anak? Gusto ko sanang ako mismo ang mag hatid ng pasasalamat sa kanila.”

“Naku maganda nga iyan, ate Hilda, hayaan mo at pati ako qay makiki pasalamat na rin sa kanila. Hindi biro ang isa’t kalahating milyong tulong sa pag papagamot mo, mabuti na rin na iparating natin sa kanila ang malaki nating pagpapasalamat.”

Masayang dugtong pa ng kanyang tiyong Oscar na labis namang ikinabahala ni Izzy.

Sinong tao naman kaya ang kanyang tatawagan gayong wala naman talagang ganoong charity?

Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng kasinungalingan ay iyong napakahirap pang lusutan ang napili niyang sabihin sa kanyang pamilya?

Dahil sa kawalan ng maisasagot ay wala sa sariling napakamot na lamang ng noo si Izzy, tila nahata naman iyon ng kanyang best friend, anong pasasalamat niya nang saluhin siya nito.

“Naku ‘nay Hilda, tiyong Oscar mukhang mahirap pong tawagan ang namumuno sa charity na nilapitan ni Izzy, pero hayaan niyo ho at susubukan kong gumawa ng paraan para makausap niyo sila.”

“Aba… Ikaw ba ay kasama nitong si Izzy sa pag lapit at pag hingi ng tulong doon?”

Tanong ng ina, sandali pa silang nagka titigan ni Carl bago ito mabilis na tumango.

“Oho, sinamahan ko ho si Izzy, alam niyo naman ho itong anak ninyo, masyadong mahiyaiin pag dating sa pakikipag usap ay agad tumitiklop…”

Pagsisinungaling ni Carl dahila upang tila lalong tumindi ang nararamdamang konsensya ni Izzy.

Pakiramdam niya kasi, dahil sa malaking kasinungalingan niya na hyindi niya man gustuhin ay nadadagdagan nang nadaragdagan ng marami pang kasinungalingan, maging ang kanyang best friend na si Carl na kung tutuosin ay wala namang kaalam-alam sa mga nangyayari ay nadadamay pa sa ginawa niyang kalokohan.

Sa ikalawang pagkakataon ay muling napa buga ng hangin si Izzy kasabay ng muli nanamang pag tunog ng kanyang celphone.

Ngunit sa pagkakataong ito ay ibang numero na ang tumawag.

”H-hello po?”

Nag tataka niyang sabi nang sagutin iyon.

“Hello po, si ma’am Izzy po ba ito?”

Sabi ng hindi pamilyar na tinig sa kanilang linya.

“O-opo, ako nga po, sino po sila?”

“Eh ma’am si Robert ho ito, driver po ako ni sir Seth Santiago, na-pagutusan ho kai akong sunduin kayo, nanito po ako sa may labasan, sa itim na sasakyan ho. Nag hihintay po kasi si sir eh…”

Mahabang sabi nito, muli namang napamura si Izzy dahil sa tila paalalang iyon.

Tila nawala kasi sa kanyang isipan ang text ni Seth kanina.

“O-opo… Papunta na po, s-sandali lang…”

Halos pabulong niyang sabi bago nag mamadaling pinatay ang tawag.

“May poblema ba?”

Nag aalalang tanong ng ina, mabilis namang umiling si Izzy sabay nag pilit ng ngiti bago sumagot.

“W-wala ho, sa- sa trabaho lang..”

Pagsisinungaling niya nanaman.

”Ah, akala ko naka leave ka hangang makalabas si ate Hilda?”

“I-iyon nga rin ho ang akala ko eh, k-kinulang daw ho kasi ang staff ng coffee shop ngayon, k-kailangan ko pong mag punta doon, p-pero sa tingin ko naman ay hindi naman po ako mag tatagal doon, s-sayang rin naman ho kasi ang ilang daang kikitain ko doon.”

Kulang na lamang ay kagatin ni Izzy ang sariling dila dahil sa pagsisinungaling, kung pwede niya lamang naman kasing sabihin ang totoo sa mga ito na hindi siya malalagay sa alanganin, kaya lamang ay hindi ganoon kadali iyon.

Kaya’t ayaw niya man, mapipilitan at mapipilitan pa rin siyang mag patuloy sa pag sisinungaling sa mga ito.

“Oh ‘di siya sige, mag madali ka na sa pag punta at baka hinihintay ka ng boss mo, ako na muna ang bahala kay nanay mo.”

Sabi ng kanyang tiyong.

“Ihahatid na kita.”

Agad siyang binalot ng pagkataranta sa alok na iyon ni Carl kasabay ang sunod-sunod na pag iling.

“H-hindi na… Marami namang jeep ang nadaan dito eh, mag jeep nalang ako para maka tipid ka na rin sa gasolina.”

Tanggi ni Izzy sa best friend na labis naman nitong ipinag taka.

Hindi naman na iyon pinag tuonan pa ng pansin ni Izzy, sa halip ay nag mamadali na lamang na nilapitan ang ina sabay hinalika ito bago nag mamadali nang umalis.

--

Agad nahigit ni Izzy ang pag hinga nang pag labas pa lamang ng ospita ay isang magara ang halos nangingintab sa kinis na kulay itim na sasakyan agad ang sumalubong sa kanya.

Sa itsura niyon, unang tingin pa lamang ay malalaman mo nang hindi lamang basta mapera ang may ari, sinama pang halos halat yat ng taong nadaan ay napapa tingin sa sasakyan.

“Taray… Kung hindi ko lang alam na kay Seth Santiago ito, iisipin kong may artista o hindi kaya naman ay presedente ang nandito ngayon…”

Naiiling niyang sabi habang pilit na sinisipat ang tao sa loob, nag mukha tuloy siyang desperadang tsismosa dahil doon.

“Ma’am Isabel Vergara?”

“Ay kabayo!”

Malakas niyang sigaw dahil sa gulat sabayy napaikot upang harapin ang may ari ng malalim at malaking tinig na iyon.

Mabilis niya ring pinigil ang sarili na huwag mapa ngisi nang makita ang ayos at suot nito.

“Ikaw po ba si Isabel Vergara?”

Sersyosong tanong ng lalaki, sa tangkad nito ay napilitan pa siyang tumingala.

“O-opo, ako nga po… Member ka po ba ng hawi boys?”

“Hawi boys?”

Nag tatakang tanong nito, puno naman ngg kaseryosohan napa tango so Izzy.

“Opo, hawi boys, iyong mga llaking taga hawi ng fans sa tuwinang may artistang daraan.”

Hindi mapigili ni Izzy ang huwag kabahan nang mapasimangot ang malaking lalaki.

“Robert po, driver ni sir Seth, naghihintay po siya, kailangan na nating umalis.”

Walang ganang sabi nito dahilan upang mapasimangot si Izzy, ganoon pa man ay wala na rin naman na siyang nagawa kung hindi ang umatras nang buksan nito ang pinto ng mamahaling sasakyan.

“S-sasakay po ako diyan? Si-sigurado po kayo, kuya?”

Naka ngiwi pa ring sabi ni Izzy habang titig na titig sa loob ng sasakyan.

“M-mukha po kasing mas malinis pa ang loob ng sasakyan kesa sa kwarto ko sa bahay, b-baka po madumihan…”

Dagdag niya pa saka lalong napa ngiwi nang manatiling tahimik ang lalaki.

“P-pwede po akong mag taxi nalang?”

Kulang na lamang ay may humuning kuliglig sa paligid bilang sound effect sa pananahimik ng lalaki, dahilan upang mapabuntong-hininga n lamang si Izzy saka hahihiya at dahan-dahang pumasok sa loob ng sasakyan.

Nang maayos nang maka upo ay nag mamadali nang isinara ni Robert ang pinto niyon bago mabilis na sumakay na rin.

Ilang sandali pa ay umandar kna rin iyon.

Habang sakay ng sasakyan, pilit pinipigil ni Izzy ang pag hinga, kasabay ng pilit na pag layo ng kanyang likod sa sandalan ng upuan sa takot na baka maging iyon ay madumihan, tulooy ang nag kanda hirap na siya sa pag kapit sa kung saan sa tuwinang madaraan sa lubak ang sasakyan.

“You can sit down, Isabel… Pwede ka ring sumandal, nothing’s gonna happen to the car seat, and will you please try to relax? You are all tensed.”

Pakiramdam ni Izzy ay halos mawalan ng kulay ang dati niya nang maputalang mukha nang marinig ang pamilyar at baritonong tinig na iyon mula sa front seat ng sasakyan.

“S-Seth Santiago???”

Agad siyang binalot nang kaba nang tapunan siya nito ng tingin saka ngumisi.

“Nice to see you again, Izzy…”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Lustfully yours, Uncle   Chapter 126 (epilogue)

    Sa may dalampasigan, kasalukuyang naka tayo si Izzy habang tinatanaw ang payapa at kulay asul na dagat.Rinig niya ang masayang tawanan ng mahahalagang tao sa paligid niya, sumasabay iyon sa pag hampas ng maliliit na alon sa kanyang mga paa.Mayamaya pa ay agad na agaw ang kanyang pansin ng isang tinig na tila musika sa kanyang pandinig, maliit iyon at matinis.Boses ng kanyang anghel... Agad siyang napa ngiti nang makita ang maliliit nitong mga hakbang habang patakbong lumalapit sa kanya, bitbit may kalakihang plastic bag."Mommy! Mommy!"Bakas ang tuwa sa tinig na tawag nito habang tuloy pa rin sa pag takbo, ngiting-ngiti naman ang tatay nito habang naka sunod."Careful, Sofia..."Saway niya saka agad itong kinarga nang tuluyan itong makalapit."Mommy look, I've got Ice Cream for everyone."Labas ang maliliit na ngiping sabi nito sabay excited na inangat ang hawak nitong supot ng Ice Cream."Binili ni daddy ba 'yan? Meron din ba ako?"Tanong niya dito saka kunwaring napanguso nang

  • Lustfully yours, Uncle   Chapter 125 SPG

    Kasalukuyang nag papatuyo ng buhok si Izzy sa harap ng malaking salamin sa kwarto nila ni Seth nang lapitan siya nito. Agad pa siyang napangiti nang yakapin siya nito ng mahigpit sa baywang mula sa likod. Pasado alas sais pa lamang ng gabi at halos kaka uwi lamang din nila galing sa pag bisita nila kay Shania. "You smell good." Naka ngising sabi nito habang bahagya siyang hinahalikan sa leeg, napa ngiti naman si Izzy saka napakagat ng labi bago ito alanganing tinitigan. Kanina pa kasi niya gustong mag tanong kay Seth, tungkol sa napag usapan nito at ni Shania kanina. Kaya lang ay hindi niya na nagawa sa sasakyan kanina dahil nakatulog siya sa biyahe pauwi. "What's wrong?" Tanong nito nang tila mapansin ang pag titig niya. Mabilis naman siyang napa iling saka ngumiti bago lakas-loob na nag salita. "Ma-may gusto akong itanong sa'yo." Halos pabulong niyang sabi, nakita niya pa ang bahagyang pag buka ng bibig ni Seth saka ngumiti. Mukha namang hindi na niya kailanga

  • Lustfully yours, Uncle   chapter 124

    Pigil ang pag hinga ni Izzy habang naka titig sa mataas at malaking gate ng isang kulungan.Hindi niya na rin malaman kung ilang minuto nang naka hinto ang itim na sasakyang minamaneho ni Robert sa tapat niyon, at lalong hindi niya na rin mabilang kung ilang beses niya nang pinag isipan kung tama ba ang napag pasyahan niyang gawin.Isama pang pakiramdam niya ay tila siya napi-pressure sa bigat ng pag titig sa kanya ni Seth na ngayon ay naka upo sa tabi niya."Are you sure this is what you want to do?"Bakas ang pag aalala sa mukhang tanong nito, may pag aalangan naman siyang napa tango saka bahagyang ngumiti."Sa totoo lang? Hindi talaga... Pero ano nga ba ang dapat, Seth? I know in my heart that this is the right thing to do... It's been a year, siguro naman sapat nang panahon ang ibinigay natin sa kanya para kahit paano ay mapag isipan niya rin ang bigat ng kasalanang nagawa niya sa atin, sa akin..."Mahabang litanya ni Izzy saka muling nag pilit ng ngiti. Alanganin naman siyang ngi

  • Lustfully yours, Uncle   Chapter 123

    Matamis na napa ngiti si Izzy matapos mailagay sa tupperwear ang inilutong Calderetang manok, may pag mamadali pa niyang inayos iyon sa isang paper bag saka excited na ipinatong sa kitchen counter.Sandali niya pang inayos ang sarili saka tinawag na si Robert na siyang driver na pinag bilinan ni Seth."Alis na po tayo, manong Robert."Malaki ang ngiting sabi niya bago kinuha ang dalawang paper bag, ang isa ay may lamang pagkain habang ang isang mas maliit naman ay ang surpresang regalo niya para sa kanyang fiance.Mabilis namang kumilos si Robert upang ihanda ang sasakyan.Sa kompanyang pag aari ni Seth siya agad nagpa hatid. Kulang na lamang ay mapunit ang kanyang pisngi sa laki ng kanyang ngiti lalo at pag pasok na pag pasok niya pa lamang sa loob ay agad na siyang binati ng mga guards na bantay doon maging ang kanyang mga katrabaho."Andiyan ba si Seth?"Nakangiting agad niyang tanong kay Mark, ang secretary ni Seth. Agad naman itong napa ngiti nang makita siya saka tumango."Nasa

  • Lustfully yours, Uncle   Chapter 122

    "Shania? You're the one behind all these?" Bakas sa tinig ang gulat na sabi ni Margaux habang titig na titig kay Shania, agad pang nakaramadam ng inis si Izzy nang makita ang pag silay ng isang matamis na ngisi sa labi nito na halatang nag iinis pa. "Don't act surprise now, Margaux, para namang hindi mo ako kilala. You know what I'm capable of. Actually hindi naman talaga kayo dapat kasama dito eh, kung hindi lang masyadong tatanga-tanga ang mga tao ko. Pinasok nila ang Ice Cream Shop at doon nag hintay sa babaeng 'to. Bakit ba kasi sumama pa kayong dalawa? And you!" Sabi nito saka siya sinamaan ng tingin sabay duro sa kanya. Mabilis naman siyang napa atras nang bahagyang umabante ang mga kasama nitong kalalakihan, sa itsura pa lang ng mga ito ay halatang hindi na ito gagawa ng maganda. Isama pang sa itsura ng mga ito ay halatang handa nitong gawin lahat ano man ang sabihin ni Shania. "Hindi ka talaga nadala sa mga pananakot na ginawa ko sa'yo. Nakuha mo pang lumipat sa bah

  • Lustfully yours, Uncle   chapter 121

    "Izzy... Izzy wake up..."Pilit nag mulat ng mata si Izzy nang marinig ang mahina at halos pabulong na boses ng pamilyar na tinig na iyon. Nanlalabo ang mga matang pilit niyang inaninag ang may ari ng boses saka bahagyang napa ngiwi nang maramdaman ang kirot mula sa likod ng kanyang ulo.Ano ba ang nangyari?Nag tataka niyang tanong sa sarili, mayamaya pa ay agad na binalot ng kaba ang kanyang dibdib nang malala ang nangyari sa Ice Cream shop kanina. Pilit niyang ikinilos ang mga kamay at paa ngunit lalo lamang siyang nakaramdam ng matinding takot nang mapagtantong naka gapos iyon."Izzy... Are you awake?"Muling pabulong na tawag sa kanya ng babae sa harap niya, mariin pa siyang napamura nang makilala iyon."Margaux?""Si Jane... I can't wake her up... Kanina ko pa siyang tinatawag pero I don't think she can hear me... Oh my God... I don't know what the hell is going on, where are we?"Bakas ang takot sa tinig na sabi ni Margaux, isama pang nanlalaki ang mga mata nito, madilim man an

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status