Share

chapter 6

Author: LalaRia
last update Last Updated: 2025-02-08 20:30:41

Pakiramdam ni Izzy ay kulang na lamang ay mag dugo na ang sariling mga labi dahil sa diin ng pag kagat niya doon.

Ang dahilan?

Hindi niya malaman kung anong dapat na isagot sa tanong na iyon ng kanyang best friend.

Did you do something illegal?

Ilegal na nga bang masasabi ang ginawa niya? Sa laki ng halagang nakuha niya mula kay Seth Santiago na kusa naman nitong ibinigay matapos siya nitong palayasin sa mala palasyo nitong bahay noong nakaraan ay hindi niya alam.

Ni hindi niya nga rin malaman kung utang ba iyong maituturing gayong alam na alam niya kung ano ang hihingin nitong kabayaran kung sakali.

Malakas na napa buga ng hangin si Izzy nang sa pag angat ng kanyang tingin ay nasalubong niya agad ang nanunukat na mga mata ni Carl.

“Don’t try to look away again, it will only convince me that you did something bad, so bad and its making me worry, Isabel.”

Puno ng ka seryosohan ang tinig na sabi ng kaibigan habang hindi pa rin inaalis ang matalim na titig sa kanya.

Wala sa sarili namang muling nakagat ni Izzy ang pang ibabang labi saka pilit na sinalubong ang tingin nito.

Pinili niyang huwag na lamang pansinin ang ang bahagyang pag buka ng kanyang bibig na agad niya rin naman isinara nang mapagtantong hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito.

“Seriously, Isabel… Anong ginawa mo? Saan mo nakuha ang pera?”

“S-sa… Sa ti-”

Nahigit ni Izzy ang sariling pag hinga habang pilit na nag iisip kung ano nga ba ang magandang gawing palusot, agad pa siyang napa yuko saka napakamot sa noo.

“S-sa tingin ko hindi na importate iyon, a-ang mahalaga naman ay natapos ang operasyon ni nanay, gagaling na siya…”

“That is 1.5 million, Izzy… Sa tingin ko pwede mong sabihin ang mga salitang binitawan mo ngayon kung ilang libo lamang ang pinag uusapan natin, 1.5 million isn’t a joke, and you must be tripping if you will tell me nqa basta mo lang nakuha ang ganoon kalaking pera sa loovb ng isang gaboi, come one, tell me… If you did something that’s really-really bad, baka matulungan kita…”

Matulungan…

Hindi mapigilan ni izzy ang pag silay ng isang mapait na ngiti sa kanyang mga labi dahil sa sinabi ng kaibigan.

“Hindi ko alam kung anong tulong ang pwede mo pang ibigay o kaya naman ay kung kaya ko pa kayang tumangap ng tulong mula sa iyo, ang dami mo nang naitulong hindi lang saakin kundi pati na rin sa nanay, Carl, hindi ko na kay-”

“At hindi rin naman ako umaasang papalitan mo o ibabalik mo sa akin ang mga tulong na iyon, Izzy… I am your best friend, you think I can let you suffer on your own when I am juts right here and know that I can do something?”

“Hindi naman sa ganoon, alam ko rin naman iyon eh, kaya nga nahihiya na ako sa iyo, pa-pasensya na, sa tingin ko kasi kapag sa iyo pa ako lumapit, pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng mukhang ihaharap sa iyo eh…”

“Okay, you’ve made your point… So saan nga galing ang pera?”

Muling napa iwas ng tingin si Izzy nang mag tanong iulit si Carl tungkol sa pera.

“I-iyong b-boss ko… D-doon sa coffee shop na pinapasukan ko, n-nakahiram ako sa kanya…”

Pag sisinungaling niya, pilit naman nitong hinuli ang kanyang tingin.

“Ng isa’t-kalahating milyon?”

Puno ng pag dududa ang tinig na tanong pa nito dahilan upang balutin ng matinding konsensya ang kanyang buong sistema.

“H-hindi ako gumawa ng illegal kagaya ng iniisip mo, Carl… Sa tingin mo talaga kaya kong gumawa ng masama?”

“That is exactly my point, you are Isabel Vergara, my best friend for seven years, I know you more that I know my own sister… Alam kong hindi mo kayansg gumawa ng kahit na anong masama, kaya ng hindi ko malaman kung bakit ka pilit na nag sisinungaling sa akin ngayon…”

Mahabang litanya nito, bakas ang pag tatampo sa tinig habang hindi pa rin inanalis ang tingin sa kanya.

“H-hindi ko kasi kaya kung paanong sasabihin…. H-hindi ako gumawa ng masama o ilegal… katangahan siguro pwede pa…”

Halos pabulong niyang sabi sa kaibigan habang pilit na sinasalubong ang tingin nito.

“Carl, a-alam kong nag aalala ka, p-pero sa ngayon, p-pwede bang ang kasinungalingan ko nalang muna ang pang hawakan mo?”

Nakikiusap niya pang sabi saka mapait na ngumiti nang mapa buntong-hininga na lamang ito.

“Mahal kita, Izzy… At nag aalala ako ng sobra sa iyo… Pero pwede ka rin bang mangako sa akin? Can you promise me that if things, or whatever it is started to get ugly, you will tell me?”

Hindi pa rin maalis ang pag aalala sa tinig na pakiusap rin nito, agad namang nag pilit ng ngiti si Izzy saka dahan-dahang tumango.

“S-salamat, Carl…”

Iyon na lamang ang tanging nasabi niya sa kaibigan.

Sa kabila ng bigat ng kanilang pinag uusapan isama pa ang labis na pag aala kay Seth Santiago na hindi niya maitatangging isa pa ring estranghero ay nakuha niya pa rin namang ngumiti nang humahangos habang malaki rin ang ngiting lumapit sa kanila ang kanyang tiyong Oscar.

“Izzy, gising na si ate Hilda, hinahanap ka niya…”

Masayang sabi nito, pabiro namang napanguso dito si Izzy sabay napa irap.

“Tiyong naman, kanina lamang ay gising na gising na rin naman si nanay ah?”

“Alam ko naman, kaya lang ewan ko ba, ngayong sa tingin ko ay maayos na si ate eh pakiramdam ko isang napakalaking biyaya na ang makitang mag mulat siya ng mga mata na wala nang gaanong iniindang sakit…”

Sa ikalawang pagkakataon ay muling napa ngiti si Izzy dahil sa narinig.

Tama nga naman kasi ang kanyang tiyuhin.

Noong hindi pa nalalapatan ng karapat-dapat na gamutan ang kanyang ina ay halos balutin ng takot at pangamba ang kanyang puso sa tuwinang pipikit ito upang matulog, naroon ang pag aalalang baka iyon na ang huling pagkakataong pipikit ang ina.

Ngayon…

Agad nawala ang ngiti ni Izzy at agad napalitan ng takot at pangamba nang mula sa malayo ay tila nasilayan niya ang muuka ng lalaking nag salba sa buhay ng kanyang ina.

Seth Santiago?

Tahimik niyang tawag sa pangalan nito habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki.

Masyado man itong malayo mula sa kinaroroonan niya ay sigurado siyang si Seth Santiago iyon, malamig ang mga matang naka titig sa kanya, na para bang pinag aaralan bawat kilos na gawin niya.

Wala rin siyang mabakas na kahit na anong imosyon sa mukha nito dahilan upang lalo lamang siyang balutin ng kaba.

Ngayon mo na ba balak na singilin ako?

Tahimik niyang tanong sabay napa talon sa gulat nang tawgin siya ni Carl.

“Izzy? Are you okay? Namumutla ka…”

“H-ha? Ah… Oo, ayos lang ako… Eto naman pa-para namang laging bago, eh ikaw na nga itong laging nag sasabing para na akong bangkay dahil sa putla… A-ano ba iyon?”

Pilit niyang pag bibiro sabay pasimpleng muling tinapunan ng tingin ang direksyon kung nasaan ang lalaki kanina.

Agad pa siyang naka hinga ng maluwag nang hindi niya na ito makita.

“Hay naku, now you are spacing out, your mom is already okay and I know na gagaling na siya ng tuluyan, bawasan mo na ang pag alala mo, you know what I think? I think that you too should take advantage of this, you need to stay here with tita Hilda, ibig sabihin din niyon ay may ilang araw ka ring pahinga sa mga trabaho mo…”

Mahabang sabi nito, kahit paano naman ay nakatulong iyon upang mawala ang kanyang kaba.

“Oo na ho itay! Ikaw talaga, daig mo pa ang matanda kung sermonan ako… Pero tingin ko tama ka rin…”

“Alam kong tama ako, ako pa ba? All I want is the best for you… Siya nga pala, dahil lutang ka kanina, alam kong hindi mo alam kung nasaan na nag punta si tiyo Oscar mo, nauna na siya sa loob so halikia na?”

Wala sa sariling napa kamot na lamang ng noo si Izzy nang mapagtantong naka alis na nga ang kanyang tiyuhin.

Pag pasok pa lamang sa loob ng ward ng kanyang mahal na nanay ay tila agad nang nawala ang kahit na ano pang alalahanin at pangamba sa puso ni Izzy, lalo nang ang mas masiglang ina na ang agad na sumalubong sa kanya.

Bagaman at naka sandal pa rin ito sa pina angat na hospital bed ay bakas pa rin ang tila pagkawla ng labis na hirap sa pag hinga nito.

Palapit pa lamang sana dito si Izzy nang agawin ang kanyang atensyon ng malakas na message tone ng kanyang lumang cell phone.

Pakiramdam ni Izzy ay tila siya tinakasan ng kulay sa mukha nang mabasa ang text doon.

0949*******

My driver is waiting for you in front of the hospital.

Let’s have lunch, my place…

Ps. This is not an invitation, it’s an order…

See you, Isabel.

-Seth

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lustfully yours, Uncle   Chapter 126 (epilogue)

    Sa may dalampasigan, kasalukuyang naka tayo si Izzy habang tinatanaw ang payapa at kulay asul na dagat.Rinig niya ang masayang tawanan ng mahahalagang tao sa paligid niya, sumasabay iyon sa pag hampas ng maliliit na alon sa kanyang mga paa.Mayamaya pa ay agad na agaw ang kanyang pansin ng isang tinig na tila musika sa kanyang pandinig, maliit iyon at matinis.Boses ng kanyang anghel... Agad siyang napa ngiti nang makita ang maliliit nitong mga hakbang habang patakbong lumalapit sa kanya, bitbit may kalakihang plastic bag."Mommy! Mommy!"Bakas ang tuwa sa tinig na tawag nito habang tuloy pa rin sa pag takbo, ngiting-ngiti naman ang tatay nito habang naka sunod."Careful, Sofia..."Saway niya saka agad itong kinarga nang tuluyan itong makalapit."Mommy look, I've got Ice Cream for everyone."Labas ang maliliit na ngiping sabi nito sabay excited na inangat ang hawak nitong supot ng Ice Cream."Binili ni daddy ba 'yan? Meron din ba ako?"Tanong niya dito saka kunwaring napanguso nang

  • Lustfully yours, Uncle   Chapter 125 SPG

    Kasalukuyang nag papatuyo ng buhok si Izzy sa harap ng malaking salamin sa kwarto nila ni Seth nang lapitan siya nito. Agad pa siyang napangiti nang yakapin siya nito ng mahigpit sa baywang mula sa likod. Pasado alas sais pa lamang ng gabi at halos kaka uwi lamang din nila galing sa pag bisita nila kay Shania. "You smell good." Naka ngising sabi nito habang bahagya siyang hinahalikan sa leeg, napa ngiti naman si Izzy saka napakagat ng labi bago ito alanganing tinitigan. Kanina pa kasi niya gustong mag tanong kay Seth, tungkol sa napag usapan nito at ni Shania kanina. Kaya lang ay hindi niya na nagawa sa sasakyan kanina dahil nakatulog siya sa biyahe pauwi. "What's wrong?" Tanong nito nang tila mapansin ang pag titig niya. Mabilis naman siyang napa iling saka ngumiti bago lakas-loob na nag salita. "Ma-may gusto akong itanong sa'yo." Halos pabulong niyang sabi, nakita niya pa ang bahagyang pag buka ng bibig ni Seth saka ngumiti. Mukha namang hindi na niya kailanga

  • Lustfully yours, Uncle   chapter 124

    Pigil ang pag hinga ni Izzy habang naka titig sa mataas at malaking gate ng isang kulungan.Hindi niya na rin malaman kung ilang minuto nang naka hinto ang itim na sasakyang minamaneho ni Robert sa tapat niyon, at lalong hindi niya na rin mabilang kung ilang beses niya nang pinag isipan kung tama ba ang napag pasyahan niyang gawin.Isama pang pakiramdam niya ay tila siya napi-pressure sa bigat ng pag titig sa kanya ni Seth na ngayon ay naka upo sa tabi niya."Are you sure this is what you want to do?"Bakas ang pag aalala sa mukhang tanong nito, may pag aalangan naman siyang napa tango saka bahagyang ngumiti."Sa totoo lang? Hindi talaga... Pero ano nga ba ang dapat, Seth? I know in my heart that this is the right thing to do... It's been a year, siguro naman sapat nang panahon ang ibinigay natin sa kanya para kahit paano ay mapag isipan niya rin ang bigat ng kasalanang nagawa niya sa atin, sa akin..."Mahabang litanya ni Izzy saka muling nag pilit ng ngiti. Alanganin naman siyang ngi

  • Lustfully yours, Uncle   Chapter 123

    Matamis na napa ngiti si Izzy matapos mailagay sa tupperwear ang inilutong Calderetang manok, may pag mamadali pa niyang inayos iyon sa isang paper bag saka excited na ipinatong sa kitchen counter.Sandali niya pang inayos ang sarili saka tinawag na si Robert na siyang driver na pinag bilinan ni Seth."Alis na po tayo, manong Robert."Malaki ang ngiting sabi niya bago kinuha ang dalawang paper bag, ang isa ay may lamang pagkain habang ang isang mas maliit naman ay ang surpresang regalo niya para sa kanyang fiance.Mabilis namang kumilos si Robert upang ihanda ang sasakyan.Sa kompanyang pag aari ni Seth siya agad nagpa hatid. Kulang na lamang ay mapunit ang kanyang pisngi sa laki ng kanyang ngiti lalo at pag pasok na pag pasok niya pa lamang sa loob ay agad na siyang binati ng mga guards na bantay doon maging ang kanyang mga katrabaho."Andiyan ba si Seth?"Nakangiting agad niyang tanong kay Mark, ang secretary ni Seth. Agad naman itong napa ngiti nang makita siya saka tumango."Nasa

  • Lustfully yours, Uncle   Chapter 122

    "Shania? You're the one behind all these?" Bakas sa tinig ang gulat na sabi ni Margaux habang titig na titig kay Shania, agad pang nakaramadam ng inis si Izzy nang makita ang pag silay ng isang matamis na ngisi sa labi nito na halatang nag iinis pa. "Don't act surprise now, Margaux, para namang hindi mo ako kilala. You know what I'm capable of. Actually hindi naman talaga kayo dapat kasama dito eh, kung hindi lang masyadong tatanga-tanga ang mga tao ko. Pinasok nila ang Ice Cream Shop at doon nag hintay sa babaeng 'to. Bakit ba kasi sumama pa kayong dalawa? And you!" Sabi nito saka siya sinamaan ng tingin sabay duro sa kanya. Mabilis naman siyang napa atras nang bahagyang umabante ang mga kasama nitong kalalakihan, sa itsura pa lang ng mga ito ay halatang hindi na ito gagawa ng maganda. Isama pang sa itsura ng mga ito ay halatang handa nitong gawin lahat ano man ang sabihin ni Shania. "Hindi ka talaga nadala sa mga pananakot na ginawa ko sa'yo. Nakuha mo pang lumipat sa bah

  • Lustfully yours, Uncle   chapter 121

    "Izzy... Izzy wake up..."Pilit nag mulat ng mata si Izzy nang marinig ang mahina at halos pabulong na boses ng pamilyar na tinig na iyon. Nanlalabo ang mga matang pilit niyang inaninag ang may ari ng boses saka bahagyang napa ngiwi nang maramdaman ang kirot mula sa likod ng kanyang ulo.Ano ba ang nangyari?Nag tataka niyang tanong sa sarili, mayamaya pa ay agad na binalot ng kaba ang kanyang dibdib nang malala ang nangyari sa Ice Cream shop kanina. Pilit niyang ikinilos ang mga kamay at paa ngunit lalo lamang siyang nakaramdam ng matinding takot nang mapagtantong naka gapos iyon."Izzy... Are you awake?"Muling pabulong na tawag sa kanya ng babae sa harap niya, mariin pa siyang napamura nang makilala iyon."Margaux?""Si Jane... I can't wake her up... Kanina ko pa siyang tinatawag pero I don't think she can hear me... Oh my God... I don't know what the hell is going on, where are we?"Bakas ang takot sa tinig na sabi ni Margaux, isama pang nanlalaki ang mga mata nito, madilim man an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status