REBORN: THE OBSESSION OF MY EX-HUSBAND’S UNCLE (SSPG)

REBORN: THE OBSESSION OF MY EX-HUSBAND’S UNCLE (SSPG)

last updateLast Updated : 2026-10-23
By:  Maxellian AxtonUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
23views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

WARNING: R+18 MATURE CONTENT & PURELY A WORK OF FICTION! Sa nakaraang buhay, si Seraphina Vale ay naging isang tapat at masunuring asawa kay Adrian Ashford. Pero ang lahat ng sakripisyong ginawa niya sa huli ay isang napakasakit na pagtataksil—pinatay siya nito kasama ang kanyang kabit upang kamkamin ang kayamanan ng kanyang pamilya. Pero binigyan siya ng langit ng ikalawang pagkakataon. Nagising si Seraphina bago sumapit ang takdang araw ng nalalapit niyang kasal kay Adrian. Upang tuluyang wasakin at hindi matuloy ang lahat ng plano ni Adrian, naisipan ni Seraphina na makipaglaro sa apoy. Sa halip na magmukmok, nagtungo siya sa marangyang penthouse ng nag-iisang lalaki na kinatatakutan pero iginagalang ng pamilya Ashford: ang bunsong tiyuhin ni Adrian, si Don Damian Ashford. Sa edad na 35, si Damian ang pinakamakapangyarihan, mailap, at mapanganib na patriarch ng kanilang angkan. Sa nakaraang buhay, alam ni Seraphina ang lihim na pagnanasa ng  tiyuhin ni Adrian sa kanya. Kaya ngayong gabi, gagamitin niya ang sariling katawan para sa isang napakabigat na bitag. Sa ibabaw ng kandungan ng binatang Don, suot ang isang pulang manipis na bistida na walang underwear sa ilalim, ibinigay ni Seraphina ang isang mapusok na alok na hindi kayang tanggihan ng kahit na sino. “Tito, ayoko na sa pamangkin mo. Gusto ko ng totoong lalaki... Isang Ashford na kayang ibigay sa akin ang lahat ng gusto ko.” Isang gabi ng kasalanan ang magpapabago sa kanilang kapalaran. Kinabukasan, sa harap ng altar, hindi ang kawawang si Seraphina ang haharapin ni Adrian, kundi ang isang babaeng may mga pulang marka ng pag-aari sa leeg… at ang kanyang sariling tiyuhin ang magdedeklara: “Huwag mo nang tingnan ang asawa ko nang ganyan, pamangkin. Respetuhin mo ang magiging bago mong tiyahin." Genre: Reincarnation / Revenge Romance / Billionaire / (SSPG) | Forbidden Desire

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

CHAPTER 1 - ANG PAGBABALIK

SERAPHINA'S POV

Napasinghap ako at biglang napabalikwas nang bangon mula sa aking pagkakahiga.

Mabilis na umaangat at bumababa ang aking dibdib habang pilit kong hinahabol ang aking paghinga. Basang-basa ng malamig na pawis ang aking likod, at nanginginig ang mga daliri kong nakakapit sa aking leeg.

Nararamdaman ko pa rin ang mga kamay ni Adrian na mahigpit na nakapulupot sa aking lalamunan. Ang malamig niyang mga daliri, ang unti-unting pagkawala ng aking paghinga, at ang mapanuyang tingin niya habang pinapanood akong unti-unting nawawalan ng lakas.

Iyon ang mga naalala ko bago ang huling sandali ng buhay ko. Pinatay ako ng sarili kong asawa para kamkamin ang natitirang kayamanang iniwan sa akin ng aking mga magulang.

Ngunit nang ibaba ko ang tingin sa aking mga kamay, wala akong nakitang dugo. Wala ring sugat o anumang bakas ng karahasan. Maging ang aking leeg ay makinis, walang pasa o marka ng mga daliring minsang dumurog sa aking huling pag-asa.

Ano ang nangyayari?

Dahan-dahan akong tumingin sa paligid. Hindi ito ang malamig at madilim na silid na kinasadlakan ko sa mga huling taon ng dati kong buhay. Pamilyar ang bawat sulok, mula sa malalaking bintanang natatakpan ng mamahaling kurtina hanggang sa tiles na maingat na pinili ng aking ina.

Kilala ko ang lugar na ito, nasa ancestral home ako ng pamilya.

Sa sofa sa gilid ng silid ay nakalatag ang isang puting belo, ang mamahaling lace wedding gown na ipinatahi ko pa sa Europa, at ang mga alahas na nakahanda para sa nalalapit kong kasal.

Teka, kasal?

Biglang nanlamig ang aking mga kamay…

Mabilis akong bumangon at halos matisod ako habang naglalakad patungo sa digital calendar na nakasabit sa dingding. Nang makita ko ang petsang nakailaw sa screen, nanlaki ang aking mga mata.

October 13, 2026.

Ang gabi bago ang kasal namin ni Adrian Ashford.

Ang lalaking minahal ko nang buong puso.

Ang lalaking pinagkatiwalaan ko ng lahat.

Ang lalaking kalaunan ay naging sarili kong berdugo.

Isang mahinang tawa ang kumawala sa aking mga labi.

Nagsimula iyon bilang isang hindi makapaniwalang halakhak, hanggang sa unti-unti itong napalitan ng mapait na pagtawa.

Buhay ako.

Bumalik ako.

At sa pagkakataong ito, dala ko ang lahat ng alaala ng buhay na ninakaw nila sa akin.

Tumingin ako muli sa kalendaryo. Ngunit ngayon, wala na ang takot sa aking mga mata. Pinalitan iyon ng galit—isang galit na matagal na akong nilalamon, isang galit na hindi kayang pawiin kahit ang kamatayan.

Binigyan ako ng langit ng ikalawang pagkakataon.

I was reborn.

At hindi ko hahayaang masayang ang pagkakataong ito.

Sa dati kong buhay, ako ang naging kawawang tupa na kusang nag-alay ng sarili sa bibig ng lobo. Nagmahal ako nang bulag, nagtiwala nang walang pag-aalinlangan, at ibinigay ang lahat sa lalaking hindi naman kailanman karapat-dapat sa akin.

Ngunit tapos na ang lahat ng iyon.

Dahan-dahan akong ngumiti habang pinagmamasdan ang repleksiyon ko sa salamin.

Kung naging demonyo si Adrian sa nakaraang buhay ko noon, sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, makakatagpo siya ng isang nilalang na mas mapanganib kaysa sa kanya.

Isang demonyong hindi na niya kayang kontrolin.

Isang demonyong hindi na niya kayang lokohin.

At higit sa lahat—isang demonyong sisira sa kanya bago pa niya ako magawang patayin muli.

Pumunta ako sa aking aparador at binuksan ko iyon. Ilang sandali akong nagmasid sa mga damit na nakasabit doon bago tuluyang abutin ang isang pulang bestida.

Ito ang damit na hindi ko kailanman nagawang isuot sa dati kong buhay.

Hindi dahil hindi ko ito nagustuhan, kundi dahil kay Adrian. Masyado siyang seloso at mapagkontrol. Bawat damit na isinusuot ko, bawat taong kinakausap ko, at bawat lugar na pinupuntahan ko ay kailangang munang dumaan sa kanyang pahintulot. Unti-unti niyang inalis sa akin ang kalayaang dati kong tinatamasa hanggang sa hindi ko na namalayang hindi na pala ako malayang nakakapagdesisyon para sa sarili ko.

Ngunit tapos na ang mga araw na iyon.

Hinubad ko ang aking pantulog at isinuot ang pulang bestida. Hapit na hapit iyon sa aking katawan, sinusundan ang mga kurba ng aking baywang at balakang bago bumaba hanggang sa aking mga binti. Lalong namukod-tangi ang matingkad na kulay nito laban sa aking maputing balat. Ang malalim na tabas ng neckline ay nagbigay sa aking anyo ng mapangahas na dating—isang anyong hinding-hindi kailanman pinahintulutan ni Adrian noon.

Hindi na ako nagsuot ng bra kaya mababakat sa bistida ang dalawa kong u***g. Maging panty sa ilalim ng bistida na ito ay hindi ko na rin ginawang isuot. Nararamdaman ko ang malamig na pakiramdam na dumudulas sa manipis na tela ng bistida.

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.

Sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon, hindi ko na nakikita ang babaeng laging natatakot na magkamali. Hindi ako matutulog ngayong gabi.

May isang lalaki akong kailangang puntahan—ang nag-iisang taong may kapangyarihang durugin ang ego na ipinagmamalaki ni Adrian at agawin sa kanya ang apelyidong Ashford na para bang isang pitik lamang ng daliri ang kailangan.

Si Don Damian Ashford. Ang bunsong kapatid ng ama ni Adrian.

Sa edad na tatlumpu't lima, siya ang isa sa pinakamakapangyarihang tao sa buong angkan ng Ashford. Bata pa kung ihahambing sa iba pang mga nakatatanda sa pamilya, ngunit walang sinuman ang naglalakas-loob na maliitin siya. Matalas ang isip, malamig magpasya, at kilala sa pagiging mahigpit pagdating sa negosyo at disiplina.

Hindi siya iyong tipong kailangang magtaas ng boses upang mapasunod ang lahat. Sapat na ang isang tingin niya upang manahimik ang isang silid.

Malapad ang kanyang mga balikat, matipuno ang kanyang pangangatawan, at halatang bunga ng regular na pagsasanay sa gym at iba't ibang sports ang kanyang pisikal na lakas. Hindi siya mukhang isang lalaking nasa kalagitnaan na ng kanyang mga taon. Sa halip, taglay niya ang isang mapanganib na karismang mahirap balewalain.

Sa dati kong buhay, ilang beses ko siyang nakasama sa mga hapunan ng pamilya. Madalang siyang magsalita, ngunit palagi kong napapansin ang kanyang mga mata.

Ang mga matang tila ba masyadong matagal na nananatili sa akin.

Noon, pilit kong ipinagwalang-bahala ang mga iyon. Siya ang tiyuhin ng lalaking pinakasalan ko, at ang paggalang niya sa pamilya ang tila tanging hadlang sa pagitan namin.

Ngunit ngayon, iba na ang lahat.

Wala na akong balak magkunwaring walang napapansin. Wala na akong balak manatiling sunud-sunuran sa mga tuntuning ginawa lamang upang ikulong ako.

Kung kailangan kong lumapit sa isang mapanganib na lalaki upang wasakin ang lalaking pumatay sa akin, gagawin ko.

At kung ang presensiya ko ang magiging mitsa ng pagkawasak ng pamilyang Ashford, wala akong balak umatras.

Muli kong inayos ang aking buhok at kinuha ang aking bag.

Ngayong gabi, bibisitahin ko si Don Damian Ashford.

Hindi bilang magiging asawa ng kanyang pamangkin.

Kundi bilang babaeng maaaring magbigay sa kanya ng isang alok na hindi niya basta-bastang matatanggihan.

At sa pagkakataong ito, ako ang magtatakda ng mga patakaran.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status