Maraming salamat sa mga READERS ko na agad nagbigay ng GEMS. Sana patuloy ninyong suportahan ang story nina Mr. X at Mrs. Helger! Support me with GEMS 💎 Comments, and GOOD rate😊 Thank you!!!♥️
"Damn!" Galit na hinampas ni Xerxes ang kamao sa mesa. "Nasaan na ba si Lolo at hanggang ngayon ay wala pa rin siya? I'm here because he wants me to come, and now he's nowhere to find?!""M-Mr. X—""Leave us, Cholo." Utos sa butler nang kadarating lang na matanda, si Axel Helger, ang lolo ni Mr. X. "Long time no see, Xerxes." Bumuntonghininga ang matanda bago naupo. Bakas ang pagtatampo sa kulubot nitong mukha. "Xerxes, apo... Bakit nagpakasal ka naman ng biglaan? Sana ay hinintay mo muna akong dumating galing ng ibang bansa. Hindi ko tuloy nakita at narinig ang wedding vows niyo sa isa't isa ng iyong asawa.""There's no wedding vows on our marriage. It's just a plain wedding. No feelings involved, just a formality." Walang ganang tugon ng apo nito."Xerxes apo, it's been 17 years. Matagal na panahon nang mangyari ang bagay na 'yon. Your wife is innocent... I could feel that she is a good person."Xerxes laughed sarcastically. "Hangga't nananalaytay sa dugo niya ang dugo ng lalaking '
[Apol]Napahatsing si Apol habang yakap ang sarili dito sa kwarto na pinagdalahan sa kanya ni Butler Choco. Mabuti nalang at nakita siya nito bago pa siya maligaw ulit at manigas sa lamig sa labas. Saka kung hindi siya nito nakita at naipasok dito sa loob sigurado na malilintikan siya kay Mr. X.“Mag-tea ka muna, Mrs. Helger, para kahit papa’no ay mainitan ang sikmura at katawan mo.”"Salamat po, Butler Choco. Ang gwapo mo na, ang bait mo pa." Nakangiting ani niya matapos tanggapin ang hot tea na inabot nito sa kanya. "Mrs. Helger naman, hindi nga po Choco, kundi Cholo." Nakasimangot na pagtatama nito sa kanya.Sa tingin niya ay nasa trenta palang ang edad ng Butler. Gwapo at matangkad din, tapos mabait pa. Iyon nga lang parang pinya ang ayos ng buhok nito, patulis na nakatayo ang lahat ng buhok. Lahat ng taong nakikilala niya ay mabuting tao naman. Maliban do’n sa nag iisang demonyong kilala niya.Napangiwi siya nang maalala ito. “Oo nga pala. Nakita mo ba kung nasaan si Mr. X?"Kum
[Apol]“Po? Bakit kailangan na kasama pa ako, Miss Carol? Ayoko ko pong sumama, please… Tulungan niyo naman po ako na magsabi kay Mr. X.” Kulang nalang ay lumuhod siya para magmakaawa sa matanda.Isasama daw siya ni Mr. X sa assembly ng mga Mafia Boss! Sinong hindi matatakot? Kay Mr. X pa nga lang parang mamamatay na siya sa takot, tapos may ibang Mafia Boss pa siyang makakaharap? Parang sobra naman yata ‘yon.“Mrs. Helger, mahalagang pagtitipon ‘yon. Hindi ka pwedeng mawala ro’n dahil ikaw ang kabiyak niya. Basta tandaan mo ang itinuro sa’yo nila Miss Leni. Wag mo siyang bibigyan ng kahihiyan kung ayaw mong malintikan sa kanya.” May himig pananakot pa nitong saad.Napalunok siya at mas lalong pinagpawisan. Akala niya tuloy-tuloy na ang pagiging tahimik ng buhay niya dahil dalawang linggo nang hindi bumabalik si Mr. X mula sa ibang bansa. Pero hindi pala.Sa pagbalik nito ay agad pa siyang isasama sa nakakatakot na pagtitipon na ‘yon. “Miss Carol, para saan ba ang assembly na nila?”
[Apol]Lahat nang sinabi niya…. Pinagsisisihan niya lahat. Habang pababa siya ng hagdan ay nanginginig ang tuhod niya. Pero wala na siyang magagawa dahil nasabi na niya at hindi na niya mababawe pa ang lahat ng lumabas sa bibig niya. Pinahatid siya ni Mr. X nang gabing ‘yon nang mag isa dito sa isla. Kaya ngayon lang sila ulit nagkaharap. Aaminin niyang natatakot siya dahil alam niyang pwede siya nitong patahimikin habang buhay.“Mrs. Helger, bakit parang nanlalalim ang mata mo? Hindi ka ba nakatulog nang maayos?” Kumuha si Karlo ng pagkain at nilagyan ang plato niya. “Tikman mo ‘to. Masarap ‘yan, siguradong magugustuhan mo ‘to. Kumuha ng tubig si Lito at inabot sa kanya. “Oo nga, no. Nanlalalim ang mata mo. Para kang panda! Pero maganda ka parin naman, Mrs. Helger.” Nagmamalaking inipit niya ang buhok sa likuran ng tenga. “Buti alam mo.” Dahil sa sinabi ni Miss Carol na maganda siya tumaas ang confidence niya. Napahawak siya sa batok. Pakiramdam niya ay mayro’ng nakatingin sa kany
[Apol]Kumunot ang noo niya nang makitang hindi na sila Karlo at Lito ang lumapit sa kanya para asikasuhin siya sa pagkain. May sakit siguro ang dalawa. Di bale, pupuntahan nalang niya ang dalawa para kamustahin. “Where are you going?” Tanong ni Mr. X nang tumayo siya.“Tapos na po akong kumain.” Magalang na sagot niya. Muli siyang napahinto nang magsalita ulit ito.“Sit down, Apol. I’m not done eating.” Iminuwestra nito ang kamay sa upuan niya. “Go back to your seat and wait for me until I’m done.” “Ah, eh…” Napakamot nalang siya sa ulo. Bakit biglang bawal na siyang umalis? Dati naman wala itong pakialam kahit na umalis agad siya.“Ano pong pangalan niyo mga, kuya?” Tanong niya sa lalaking pansamantalang kapalit nila Karlo at Lito. “Parang ngayon ko lang po kayo nakita.”Itinuro niya ang ulo ng dalawa. “Buti hindi po kayo kalbo, hehe—“ Natahimik siya nang marinig ang pagtikhim ni Mr. X.Hindi nalang siya nagsalita. Mukhang galit ito at hindi nagustuhan ang pakikipag usap niya sa da
[Apol]Parang bibigay ang mata niya sa antok habang kaharap dito si Mr. X sa dining table. Kung pwede lang na hindi siya humarap dito ngayon ay ginawa na niya. Hindi kasi siya nakatulog kagabi kakaisip sa demonyong hotdog na nakita niya. Iyon ang tawag niya dito kasi mala-demonyo sa laki, sa haba, sa taba, tapos maugat pa.Hindi normal ang laki ng 'ano' nito. Nakakakilabot!"Good morning." Napakurap siya nang ilang beses. Sinundot din niya ang tenga niya para siguraduhin kung totoo ba ang narinig niya, baka kasi nabibingi lang siya. "I said, good morning. Bakit parang gulat na gulat ka?" Dagdag pa nito.Napanganga siya habang nanlalaki ang mata na nakatingin dito. Tama nga ang narinig niya, binati siya nito. "G-Good morning din po. H-Hindi po ako nagulat. Nanibago lang po." Matapat niyang sagot. Hindi naman kasi ito bumabati sa kanya noon, ngayon lang. Kaya sino ang hindi magugulat?Habang hinihintay na dumating ang mga pagkain ay pasimple niyang binantayan ang kilos nito. Wala nama
[Apol]"M-Mr. X, bitiwan mo na po ako." Libo-libong kuryente ang gumapang sa katawan niya nang gumapang sa leeg niya ang ilong nito, patuloy ito sa pag amoy sa kanya, kasabay ng paggalaw ng bahagya ng tuhod nito sa gitna niya."What did you do to me that night, Apol? Why I couldn’t get you out of my mind?" Paos na anas nito sa pagitan ng pag amoy sa kanya."A-Ano po ba ang ibig niyong sabihin? W-Wala naman po akong ginawa sa inyo—" Natigilan siya nang maalala ang pagsagot-sagot niya rito. "S-Sinagot lang naman po kita nang kaunti. L-Lahat ng sinabi ko ay totoo naman po. S-Sinabi ko lang ang laman ng dibdib ko... n-nasasaktan na po kasi ako."Naalala niya ang pangungutya nito sa kanya. Hindi niya napigilan ang maluha. Natigilan naman ito nang makita ang mukha niya. Nakita niya ang pagdaan ng emosyon sa mukha nito pero saglit lamang 'yon at agad din nawala."Damn!" Nangangalit ang ngipin na sinuntok nito ang gilid ng ulo niya na ikinapitlag niya sa gulat. Ano ba itong ginagawa ko?!" Tum
[Apol]"Dalhin mo ito sa kwarto ng asawa mo, Mrs. Helger." Inabot sa kanya ni Miss Carol ang isang tray ng pagkain. "Miss Carol, ayoko po. Si Ester nalang po." Nginuso niya si Ester na ngayon ay namumutla na. Halatang hindi nito gusto na pumunta sa kwarto ni Mr. X."Bakit ako? Ikaw nalang, ikaw naman po ang asawa niya. Ay, nakalimutan ko may gagawin nga pala ako." Pagdadahilan nito bago nagmamadaling umalis."Miss Carol, naman... ayoko po." Naalala niya ang pag amoy nito sa leeg niya. Ayaw niya na maulit 'yon."Ikaw talagang bata ka, bakit ba parang takot na takot ka sa asawa mo? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ka naman niya kakainin." Umiling-iling ito. "Oh siya, ako na ang maghahatid nito, sasabihin ko na ayaw mong dalhin ito sa kanya—""Teka naman, Miss Carol. Bakit mo sasabihin na ayaw ko? A-Ako ba ang sinabi niyang magdala nito?" Nang tumango ito sa kanya ay nagpapadyak siya ng paa na parang bata. "Dapat sinabayan nalang niya akong kumain kanina para hindi na siya ka