Share

120.

Author: SEENMORE
last update Huling Na-update: 2025-02-27 09:05:49
Humalakhak ang asawa nitong si Cesar. “Kami nga. Nakipagsabwatan kami kay Zack at ginamit namin sila Maureen at Joffrey para gumawa ng lahat. Alam namin na si Karina talaga ang kasama ni Nissa at hindi ikaw. Pinapatay ka na kasi namin. Naisip namin na hahati pa sa yaman ng Solante ang batang iyon kaya nagplano kami. Binalak din namin na ipapatay si Nissa pero naunahan niya kaming kumilos…” tumalim ang mga mata nito. “Kinuha niya sa amin ang mga anak ko! Kaya ngayon ay gaganti kami sa ginawa niya sa pamilya namin!”

Natigilan sila ng tumawa ako sa kabila ng pag iyak ko.

“Kayo ang unang gumawa ng masama sa kapwa niyo, ngayong nakatanggap kayo ng karma ay hindi niyo matanggap?”

“Tumahimik ka! Anong karma?” Galit na bulyaw sa akin ni Tita Alexa. “Ang mommy mo ang kumuha sa mga anak ko! Siya ang dahilan kaya… kaya nawawala ang mga anak ko!” Humagulhol ito ng iyak habang nanlilisik ang matang nakatingin sa akin. “P-Pinadala niya sa ibang bansa para gawing prostitute ang mga anak ko… ahh
SEENMORE

LIKE 👍

| 64
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (14)
goodnovel comment avatar
MarieRhose Olib
yes yes yes yes.........thank you
goodnovel comment avatar
Eliza Palang Aguinaldo
miss a sana buhay si manang
goodnovel comment avatar
Girly Agbunag
nakakaiyak nman ,,,,,,sana ligtas clang LAHAT,,,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   121.

    (Laxus pov) Hinawakan ko ang kamay ni Kiray. Marahan ko itong pinisil habang nakatingin rito. Tumiim-bagang ako ng mapatingin sa ulo nito na halos mabalot ng benda. Dalawang araw na ang nakakalipas ngunit wala pa rin itong malay. Ayon sa Doctor ay baka abutin pa ng tatlong araw bago ito magising dahil sa pinsalang natamo at gamot na tinurok dito. Kung hindi daw ito agad nadala sa hospital ay baka naubusan na ito ng dugo at hindi maaagapan ang pagputok ng ugat sa ulo nito. "Boss, kanina pa umiiyak si Mumu. Mukhang hinahanap kayo." Lumapit si Jigs sa akin at inabot ang anak namin na umiiyak. Binitiwan ko muna ang kamay ni Kiray bago kinandong si Mumu. Napangiti ako ng bigla itong ngumiti ng makita ang mommy nito. "M-Myyy! M-Myyy!" Tila may nagbara sa lalamunan ko ng marinig ang tawag nito sa ina nito. Tumingala ako at nagsimulang manlabo ang mata ko. 'This is all my fault. Kung dumating ako ng maaga ay hindi mahihiga dito si Kiray.' Hindi ko mabilang kung ilang beses kong sinisi a

    Huling Na-update : 2025-02-28
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   122.

    Hindi ito ang unang beses na umiyak ako dahil kay Kiray. At kahit sinuman ang makakita sa akin na umiyak dahil sa kanya ay wala akong pakialam. Tama nga si Tita Julian. Kapag nagmahal ka ay lalabas ang mga emosyon na hindi mo aakalain na mayro’n ka. "Sir Kingkong---" Napalunok ng laway si Manang ng tingnan ko ng masama. "Sige, Sir nalang." bumuntonghininga ito. "Magpahinga ka muna. Hindi matutuyo ang mga sugat mo kung hindi ka magpapalagay ng gamot." "It was nothing, Manang." Sanay akong hindi kumain ng ilang araw, sanay sa sakit ng katawan. Balewala ang mga sugat na ito sa mga sugat na mayron ako noon. Pinalaki akong matibay at matatag, hindi ako kayang patumbahin ng mga sugat na ito. "D-Dada!" Tumingin ako kay Mumu. Nagulat ako ng abutin nito ang pisngi kong nasunog sa malakas na pagsabog. Hindi ko ininda ang hapdi ng hawakan ito ng anak ko. "Da-dada..." Naalala ko noong lumabas si Mumu, naluha din ako ng unang beses kong marinig ang boses nito. Hanggang ngayon ay may

    Huling Na-update : 2025-02-28
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   123.

    “Nangako ka sa akin—“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng yakapin niya ako. “I don’t care whoever you are, Queen. Si Kiray ka man o si Rayana ay wala na ‘yung halaga. Basta ikaw ang gusto kong makasama at magiging ina ng mga anak ko. Handa akong protektahan kayong dalawa.” Alam ko ‘yon… simula ng patawarin ko siya at pinapasok sa buhay namin ni Mumu ay pinadama niya sa amin kung gaano niya kami kamahal. Sinapo niya ang mukha ko at malamlam ang mata na tumingin sa akin. “But I do happy to see you again, kid. Ang lakas mo sa taas. Dati pangarap mo lang ako, pero ngayon abot kamay mo na ako.” Kumikislap ang mata sa luha na biro nito. Parehong luha ng kaliagayahan ang luhang pumapatak sa mata naming dalawa. Natawa ito ng irapan ko. Kid kasi ang tawag nito sa akin noon. “Ang yabang mo naman. Bata pa ako noon ‘noh. Saka kasalanan mo ang gwapo mo kasi.” Oo, pinangarap ko siya noong bata pa ako. Nagustuhan ko siya noong unang araw na nakita ko siya. Ang nakakatawa ay sampong tao

    Huling Na-update : 2025-02-28
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   124.

    (Kiray pov) Tumingin ako sa kamay ni Mommy na nakahawak sa kamay ko. Simula ng maggaling kami sa hospital ay niya ako binitiwan. Natatakot siya na baka daw kapag binitiwan niya ako ay mawala ako kagaya noon. Hindi ko mapigilan na maawa habang nakatingin rito. Hanggang ngayon kasi ay namamaga ang mata nito sa pag iyak simula ng malaman niya na buhay ako- Huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng isang Memorial Park. Pagkababa namin ay tumingin ako sa sasakyan na nakasunod sa amin kung saan sakay ang mag ama ko. Bago ako sumunod kay Mommy ay nakangiti na tinanguhan ako ni Laxus habang buhat si Mumu. Ayaw sana nitong sumama dahil gusto nito na bigyan kami ng time ni Mommy na magkasama, but I insist. May plano kasi akong gawin pagkatapos. Pagdating namin sa harap ng puntod nila Daddy at Karina ay agad na nangilid ang luha ni Mommy. "H-hon, Karina, si Rayana... bumalik siya sa atin." Hindi ko namalayan na umiiyak na rin pala ako. Last time na kasama ko si Daddy ay naghihingalo

    Huling Na-update : 2025-03-01
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   125.

    (Kiray pov) Dahan-dahan kong inalis ang benda sa mukha ni Laxus. Mas excited pa ako sa kanya habang inaalis ang benda sa buong niya. Ito kasi ay parang wala lang kung mabalik sa dati ang mukha niya. Ang dahilan nito, gwapo naman daw si Mumu, katibayan daw iyon na walang papantay sa kagwapuhan niya. Napailing nalang ako habang natatawa ng maalala ang biro nito. “Woah! Kingkong, ang gwapo mo na ulit!” Napapalakpak pang sabi ko ng makita ko na bumalik na sa dati ang mukha nito. “Ulit?” Nakasimangot na tumingin siya sa akin. “So, nagsinungaling ka sa akin na gwapo ako sa paningin mo in these few months?” Daig pa ang bata na turan nito. Hindi ko mapigilan na matawa ng paningkitan niya ako ng mata. “Gwapo ka, okay. Pero mas gwapo ka na lalo ngayon.” Nginuso ko ang mukha niya sa salamin kung saan naro’n ang napakakisig at napakagwapo niyang repleksyon. “Para ka ng Hollywood actor ulit… kamukhang-kamukha mo na ulit si Mumu!” “Tsk. Gusto mo lang yata akong pakasalan dahil gwapo na

    Huling Na-update : 2025-03-01
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   126. Laxus and Kiray♥️

    (Kiray pov) Kanina pa kami nag iiyakan nila Mariz, ngayong araw kasi ay hinahakot na ang ibang gamit namin para dalhin sa storage house namin sa Batangas. Ayoko kasing ipamigay ang mga lumang gamit namin ni Lola sa bahay. May sentimental value kasi ang lahat ng ‘to sa akin. Pati ang bahay namin ay hindi ko pa rin binebenta hanggang ngayon. “Mamimiss ka namin, Kiray. Mag iingat kayo do’n ha. Lalo ka na, Mumu.” Ginulo nito ang buhok ng anak ko. “Ninang!” Nakasimangot na reklamo ni Mumu. Natawa kami pareho ni Mariz. Ayaw na ayaw kasi nito na ginugulo ang buhok niya na pinatigas gamit ang gel. Ewan ko ba dito sa anak ko, gustong-gusto na matigas ang buhok. Pagkatapos isakay sa van ang mga lumang gamit namin ay nakipag kwentuhan muna ako sa kanila. Matagal kasi kaming hindi magkikita pagkatapos nito. Aalis kasi kami buong pamilya, pupunta kami ng US para do’n manirahan. Gusto kasing mag aral ni Morgan kung saan nag aral ang daddy nito. Habang naglalakd kami papunta sa bakery na pi

    Huling Na-update : 2025-03-02
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   Author’s note 📝✨

    Magandang araw po sa inyong lahat! Gusto ko lang po magpasalamat sa lahat ng sumubaybay sa love story nila Laxus at Kiray. Maraming salamat din po GEMS 💎 at RATE niyo🫶 Sa mga nahabaan po, pasensya na po. Hindi ko po kasi mai-execute ng maayos ang story ko kung mamadaliin ko. So bear with me guys🫰At saka ganito po talaga ako gumawa ng story, may pagka mahaba po talaga. Sa susunod pong CHAPTER ay isisingit ko pa rin sila Laxus at Kiray. Mamimiss ko kasi sila. Sana po ay subaybayan niyo rin ang story ng mga anak nila. THANK YOU PO ULIT‼️ Ang susunod po na CHAPTERS ay Love Story na nila Morgan at Saddie. Blurb of book 2🍀 Nagsara ang Dance Studio kung saan nagtatrabaho si Saddie. Dahil may kanya-kanya ng pamilya ang magulang niya, pinili niyang umuwi sa dati nilang bahay. Ayaw niya kasi magpabigat sa mga ‘to. At saka alam niya na hindi siya gusto ng bagong kinakasama ng mga magulang niya. Tumira siya sa dati nilang bahay—kung saan siya lumaki at nagkaisip. Sa kanyang

    Huling Na-update : 2025-03-02
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   127. (1.)

    “I’M REALLY SORRY, SADDIE. Kahit ako ay ayaw ipasara ang Studio na ‘to. Pero wala na kaming choice. Baon na nga kami sa utang, hindi pa kumikita ang Studio. Wala na kaming ipapasahod sa inyo.” Laglag ang balikat ang balikat na lumabas ako ng office ng boss namin. Hindi lang ako ang parang pinagbagsakan ng langit at lupa, pati na din ang mga kasama ko. Naging tahanan namin ang Studio sa loob ng tatlong taon kaya mabigat sa loob namin na lisanin ito. Mabait ang mag asawang amo namin dito. Sa loob ng tatlong taon na pagtatrabaho ay wala kami naging problema sa kanila. Sa katunayan ay malaki ang naging tulong nila sa katulad ko na walang matatawag na tahanan, o pamilyang uuwian dahil mayro’n silang dorm para sa mga katulad namin, libre sa lahat, sa tubig, sa kuryente, at upa, tanging pagkain lang ang gastos namin. Kaya karamihan sa amin ay nakaipon talaga. The best amo sila! Malakas naman ang naunang dalawang taon na pagbubukas nito. Pero ng dumami ang naglabasan na kakumpetensya

    Huling Na-update : 2025-03-02

Pinakabagong kabanata

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   230.(104.)

    Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako nito pabalik. “TULONG! Parang awa niyo na ‘tulungan niyo ako!” Hinawakan ko ang kamay nitong nasa ulo ko para tanggalin ito. Pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nitong NASA ulo ko. “Wag ka ng umasa na may makakarinig sayo, Saddie! Walang ibang tao sa islang ito kundi tayo lang at mga tauhan ko! Mapapaos ka lang sa kakasigaw mo!” Alam ko… pero umaasa pa rin ako na may makakarinig sa pagmamakaawa ko. Hindi ako huminto sa pagsigaw kaya nainis ito at binilisan ang paghila sa buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdiin ng kuko nito sa anit ko. Napakasakit! Isabay pa na wala akong tsinelas kaya tumatama ang talampakan ko sa mga sirang shell sa buhangin kaya puro sugat ang paa ko. “Tama na, Navy! Maawa ka pakawalan mo ako! Bitiwan mo ako nasasaktan ako! M-maawa ka parang awa mo na! B-buntis ako maawa ka!” Pero imbes na maawa ay tinawanan lamang ako nito. “Maawa? Sana inisip mo ‘yan bago mo ako tinakasan! Kung may utak ka hi

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   229.(103.)

    (Saddie pov) Sinanay ko muna ang mata ko sa daan. Ilang beses kong kinabisado ang daan bago ako naghanda sa pagtakas. Mahirap na dahil baka mabulilyaso ako kaya hinintay ko muna gumabi bago ako tumakas. “Wag kang mag alala dahil makakauwi rin tayo. Sa ngayon dito muna tayo para hindi tayo maabutan ng mga taong naghahabol sayo.” ‘Talaga? Ang sabihin mo lang gusto mo akong mapaniwala na may naghahabol sa akin! Pakana mo ang lahat!’ Ngumiti ako bago tumango rito kahit gusto kong basagin ito. Ang galing talaga magsinungaling ni Navy… sanay na sanay ito. “Salamat, Navy. Sige papasok na ako sa kwarto, nahihilo na naman kasi ako. Sana nga bukas makauwi na tayo. Ayoko na kasi dito… sigurado kasi ako na nag aalala na sila mama sa akin, saka ang asawa ko.” Panandaliang nawala ang ngiti nito. “Hayaan mo, sigurado na magkikita din kayo.” Ngumiti ito ng pilit. “Salamat.” Akmang papasok na ako ng pogilan nito ang braso ko. “Paano kung… kung patayin si Morgan ng mga humahabol sayo?

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   228.(102.)

    “Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   227.(101.)

    “Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   226.(100.)

    Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magbi

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   225.(99.)

    Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morga

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   224.(98.)

    (Saddie pov) Akala ko sa yate kami sasakay pero sa speed boat pala kami sasakay. May ilaw naman mula rito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi sapat ‘yon para makita namin ng maayos ang dinadaanan namin, lalo na at bumuhos pa ang malakas na ulan. ‘Diyos ko!’ Kulang kailan naman tumatakas kami ay saka pa umulan! Niyakap ko ang tiyan ko. Di bale. Konteng tiis nalang ay makakaalis na kami. Ang mahalaga ay natakasan na namin yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla akong kinabahan ng biglang huminto ang speed boat na sinasakyan namin. Hindi sana totoo ang hinala ko. “Ngayon pa talaga nasira!” Nanlumo ako. Bakit ngayon pa kung kailan nasa dagat kami at tumatakas? Hindi nga kami napahamak sa kamay ng mga dumukot sa amin pero mukhang dito naman kami sa gitna ng karagatan mapapahamak. Niyakap ko ang tiyan ko. Nag aalala ako sa dinadala ko. Siguro ay nilalamig na rin ang baby ko ngayon. Kanina pa kasi kami basa ng ulan at nanginginig sa lamig ng ulan at simoy ng hangin. Ka

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   223.(97.)

    Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Nav

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   222.(96.)

    (Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status