LIKE 👍
Kanina pa ako palakas-lakad habang iniisip ang sinabi ni Morgan bago umalis. Bayaran ko daw ang tsinelas nito na sinira ko. Tiningnan ko ang cellphone ko. Kanina ko pa pinag iisipan kung tatawagan ko ba ang nobyo ko para humingi ng payo. Wala naman talaga akong nasira. Hindi ko alam kung paano ito nasira, eh no'ng tingnan ko ang tsinelas nito ay ayos pa 'yon. Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Hindi ko alam kung itutuloy ko bang tawagan si Navy o hindi. Kapag tinawagan ko kasi ito ay malalaman nito na wala na ako sa dorm. Paano ko ipapaliwag sa kanya na wala na akong trabaho? Sigurado na pagmumulan ng away namin 'to. Malaki-laki pa naman ang pera ko sa banko. Pero kung babayaran ko siya ng buo, malaki na naman ang malalagas sa pera ko. Malakas na tumunog ang tiyan ko. Alas diyes ng gabi na pero hindi pa ako kumakain. Nawalan ako ng gana. Napatingin ako sa kare-kare na nasa food container. Parang gusto ko tuloy isisi dito ang kamalasan ko ngayong gabi. Naningkit ang mata ko
Inis na nilapag ko sa harapan ni Morgan ang pancake na niluto ko. Ang sabi nila, wag hayaan na masira ang umaga para maging maganda anh buong araw mo—pero mukhang hindi na gaganda ang umaga ko dahil sirang-sira na ito ng lalaking ‘to. Wala itong modo, nakakainis! Mabuti nalang at may chocolate syrup at fresh milk ako na binili. Pero ang lintik, powdered milk pa ang gusto! Mabuti nalang at may tira pa akong bear brand swakto pa ako na tira galing sa dorm ko. Naku, subukan lang nito na magreklamo, papaliguan ko talaga siya ng mainit na tubig sa ulo. Pinaningkitan ko ito ng mata habang kumakain. Sarap na sarap ang hudyo. Ang alam ko sa mga lalaki ay matapang na kape ang gusto sa umaga, pero ang lalaking ito ay gatas. Kaya siguro lumaki ito na parang kapre dahil rito. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Naubos nito ang lahat ng niluto kong pancake, parang nakulangan pa nga. Pagkaubos ko sa almusal ko ay nahuli ko itong nakatingin sa akin. Mukhang hindi din makapaniwala
(Saddie pov) Umakyat ang dugo sa ulo ko sa magkahalong hiya, kaba at takot. Natatandaan kong sinara ko ang pinto sa maindoor at dito sa Mini Studio ko. Kaya paano ito nakapasok? “A-anong ginagawa mo dito?!” Naka-seamless wireless push up bra at cycling shorts lang ako kaya kitang-kita ang kurba ng katawan ko. Pasimple kong tinakip ang ang dalawang braso sa dibdib ko. Ang idea na panoorin ako ng isang lalaki habang sumasayaw ng seductive music ng mag isa na may ganito katiim na tingin ay nagdudulot ng matinding pagkailang sa akin. Sanay ako na ganito ang suot ko dahil sa uri ng trabaho ko pero kapag siya ang nasa harapan ko, iyon ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi ay tumatagos ang kanyang paningin sa buong pagkatao ko. “With due respect, Sir, hindi ka pwedeng basta nalang pumasok sa bahay ng hindi nagpapaalam!” Umalis ito ng pagkakasandal sa pinto at tumuwid ng tayo. Sa magkahalong kaba at takot ko ay napaatras ako. Hindi ko naman siya lubusang kilala para magtiwala ako…
Akala ko ay madali siyang kasama sa bahay—pero hindi pala. Ang dami nitong request katulad ng, pancake lang ang gusto nitong almusal, o kaya naman ay slice bread, bawal ang kape, gatas lang ang iniinom nito. Sa tanghalin ay kailangan balance ang kinakain nito. May karne, gulay, isda at prutas, sa gabihan naman ay beef lang. “Kainis! Nangungupahan lang ang kailangan ko, hindi alaga!” Bulong ko habang nililinis ang banyo sa magiging kwarto niya. Daig ko pa ang asawa at nanay niya sa totoo lang. Sa umaga, tanghalian at gabihan ay aasikasuhin ko siya. Hindi yata matutuluyan ang kailangan nito kundi yaya! “Bwisit na damulag ‘yon! Ang laki-laki ng katawan pero hindi marunong magluto!” Pinahid ko ang pawis ko bago lumabas. Pagkatapos kong linisin ang banyo ay pinalitan ko ng bago ang bedsheet at mga punda, dinamay ko na din ang kurtina. Paglabas ko ay nasalubong ko siya na may dalang mga maleta. Nalukot ang mukha ko ng makita ang maraming kalalakihan na nakasunod sa kanya, may mga dal
Siyempre bukod sa SAKALIN ano pa gagawin sa akin ng lalaking ‘yon?! Wala ako sa mood buong araw. Mabuti nalang at hindi ito nagpaturo ngayon. Hindi din ito bumaba. Mukhang malala ang problema ng siraulong ‘yon dahil hindi ito kumain at nagpalipas ng gutom. Kinabukasan ay ang nagluto pa rin ako ng pancake para sa kanya. Para kung maisipan nito bumaba ay may makakain pa rin siya. Pero hindi pa ako tapos magluto ay bumaba ito kaya nagulat ako. Hindi ko alam kung good mood ito o hindi dahil wala naman bago sa ekspresyon nito. Ganito ba kapag tumatanda na? Nawawalan na nang dahilan para sumaya? Mayaman naman ‘to at mukhang bata pa, mga nasa trenta yata ang edad nito. Pero kung umasta ay daig pa ang sinalo ang lahat ng problema sa mundo. Mabait daw na bata ito sabi ni Ma’am Kiray. Napangiwi ako. Kapag naaalala ko ang ginawa nito sa akin kahapon ng umaga ay duda ako. Tumikhim ako at maingat na nilapag ang plato sa harap nito. Ang syrup, bagong timpla na gatas at isang basong tubig
(Morgan pov) “Totoo na ikakasal na kayo ng Hollywood actress na si Flory Smith?” Tanong ng isang reporter habang nakikipagtulakan ito sa kapwa reporters, mayamaya ay nagtanong naman ang isa pa nitong katabi, “Totoo ba na kaya ka nagquit sa basketball dahil sa kanya? Eh ang balita na nabuntis mo siya, totoo ba?” “Gaano katotoo ang balita na kaya mo ginive up ang career mo para sa kanya? “Oh baka naman totoo ang balita na kasal na kayo sa Amerika?!” I put my hoodie’s jacket on my head and ignored all their questions. Tsk. Wala ng ginawa ang mga reporters na ‘to kundi guluhin ang buhay ko simula ng bumalik ako. I’m just a basketball player for damn sake! Hindi ako artista para pagkaguluhan ng mga ‘to ng ganito. Gusto akong lapitan ng mga ‘to pero hindi sila makalusot sa mga bodyguards ko. Mabuti nalang at nakinig ako kay dad na hayaan ang mga ‘to na sundan ako, kung hindi ay baka natumba na ang mga makukulit na reporters na ‘to. Hindi ako basagulero, pero sobra na ang mga ‘to.
(Saddie pov) Isang oras bago ang usapan namin ni Navy ay nauna na ako sa tapat ng dorm ko dati. Baka kasi agahan nito ang pagsundo sa akin at malaman na hindi na ako dito nakatira. Halos lahat ng dumaan ay napapalingon sa akin dahil sa ayos ko. Ang sabi kasi nito sa akin ay magsuot ako ng Casual Green dress na hanggang talampakan ang haba dahil family dinner ang pupuntahan namin. Nabanggit kasi sa akin noon ni Navy na instrikta ang mommy nito, gusto nito sa dalaga ay mahahaba ang suot ay hindi labas ang balat. Pumunta pa ako ng salon kanina bago pumunta dito. Pinabawasan ko ang buhok ko ng kaunti, nagpaayos ng kuko, nagpa-Brazilian, foots spa at light makeup. Gusto ko kasi na perfect akong haharap sa kanila. Kumaway ako kay Navy ng makitang parating ang sasakyan nito. Sa sobrang tuwa ko ay napatalon pa ako. Pagkababa nito ay nilapitan agad ako nito. Nabura ang ngiti ko ng pagalitan agad ako nito. “What the heck, Saddie! Di’ba sinabi ko naman sayo na wag kang kikilos ng ganyan!
“Iha?” Untag ng ginang sa akin. “Uhm, maayos naman po ang business ko.” Ayokong magsinungaling pero kapag hindi ko ito ginawa ay mapapahiya si Navy, at ayokong mangyari ‘yon. Naging maganda na ang takbo ng usapan pagkatapos nitong marinig ang sagot ko. “Excuse me, magrerestroom lang po ako.” Magalang na paalam ko sa mga ‘to bago nagmamadali na nagtungo sa restroom. Saka ko lang napansin na nanginginig pala ang kamay ko ng makapasok ako sa loob. Kaya pala ayaw ni Navy na magresign ako bilang Dance instructor at sa dorm dahil nagsinungaling ito sa magulang niya tungkol sa tunay kong trabaho. Hindi ko kinakahiya ang trabaho ko o ang buhay ko, pero sa mga sandaling ito ay nanliliit ako. Malinaw naman ang dahilan kaya ginawa ‘yon ng nobyo ko—para matanggap ako ng magulang nito. Alam kong para ito sa relasyon namin, pero bakit ang sakit? Bakit nilihim niya sa akin ang tungkol sa bagay na ‘to? Kinakahiya ba niya ako? Nagsimulang mag init ang sulok ng mata ko. “Wag kang ii
“Sir, hinahanap ka ni ma’am. Nandito kami ngayon sa office niyo.” Napahinto siya sa paglapit ng marinig ang isang bodyguard na nagsusumbong sa asawa niya. Agad siyang nagtago sa gilid at nakinig sa sinasabi nito. Hindi niya naririnig ang boses ni Morgan pero alam niya may inuutos ito. “Sige, Sir… sasabihin ko nalang na pauwi na kayo. Oo, sir… binigay ko na kay Jerome, dadalhin daw niya diyan mamaya sa inyo.” Pinadala kay Jerome? Ibig sabihin pupunta ito kung nasaan ang asawa niya? Hindi siya tumuloy sa paglapit rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nang makitang hindi nakatingin sa kanya ang mga bantay niya ay nagmamadali siyang tumakbo para tumakas. Dumaan siya sa exit door pababa ng hagdan, kung mag eelevator kasi siya ay madali siyang mahahanap. Alam niya kung nasaan si Jerome, palagi itong nasa office ni daddy Laxus. Kailangan niya itong masundan. Pagkalabas ng gusali at sumakay agad siya ng taxi. “Manong, ihinto niyo.” Utos niya sa driver ng makarating sa isa pang
“Masakit ang mawalan ng anak, pero kailangan mong kayanin.” Hindi siya kumibo. “Anak…” “U-umalis na kayo.” Malamig niyang taboy sa mga ito. “H-hindi niyo alam ang nararamdaman ko dahil tinaboy niyp naman ako noon.” Natigilan ang mga ito sa sinabi niya. Tumingin siya ng puno ng hinanakit sa papa niya. “Lalo ka na… wag mo akong damayan na parang alam mo ang sakit na nararamdaman ko. Wala ka naman pakialam sakin kaya wag kang magpanggap na nakikiramay ka. Alam ko naman na ito ang gusto mo, ang magdusa ako para makaganti ka. Wala ka naman talagang pake sa akin, papa… wala naman ibang mahalaga sayo kundi pera. Hindi niyo alam ang pakiramdam ng mawalan ng anak dahil para sa inyo wala naman akong halaga… k-kaya iniwan niyo akong dalawa.” “Saddie…” umiyak ang mama niya ng tabigin niya ang kamay nito at humiga talikod sa kama. “Anak, alam kong hindi ako naging mabuting ama. Naging makasarili ako, naging pabaya at masama ding asawa. Hindi ko nawala maibabalik ang lahat. P-P
Wala sa sarili na nakasandal si Morgan sa labas ng emergency room kung nasaan ang asawa. Masyado ng maraming dugo ang nawala dito. Sa doktor na mismo nanggaling na imposibleng masalba ang batang dinadala nito. “M-mumu, ang sakit…” Pumikit siya ng maalala ang mga daińg nito kanina… maging ang ginagawa dito ni Navy pagkarating nila… muntik na itong mawala sa kanya. Damn! Damn! Damn! Kung hindi siya naging kampante at nagpabaya ay hindi ito mangyayari sa kanyang mag ina. Kung noong una palang ay hindi na siya pumayag sa gusto ng asawa na alisin ang mga bodyguards nito ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Tama ang daddy niya—hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat na masunod ang mga asawa. Pagdating sa kaligtasan ng asawa, lalaki dapat ang masusunod. “M-mumu, ang anak natin… ang anak natin!” Dainġ nito bago panawan ng ulirat kanina. “I’m really sorry, Mr. King… pero wala na ang bata.” Alam niya na imposible ang dinadasal niya kanina. Pero umaasa pa rin siya na mabubuha
Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako nito pabalik. “TULONG! Parang awa niyo na ‘tulungan niyo ako!” Hinawakan ko ang kamay nitong nasa ulo ko para tanggalin ito. Pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nitong NASA ulo ko. “Wag ka ng umasa na may makakarinig sayo, Saddie! Walang ibang tao sa islang ito kundi tayo lang at mga tauhan ko! Mapapaos ka lang sa kakasigaw mo!” Alam ko… pero umaasa pa rin ako na may makakarinig sa pagmamakaawa ko. Hindi ako huminto sa pagsigaw kaya nainis ito at binilisan ang paghila sa buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdiin ng kuko nito sa anit ko. Napakasakit! Isabay pa na wala akong tsinelas kaya tumatama ang talampakan ko sa mga sirang shell sa buhangin kaya puro sugat ang paa ko. “Tama na, Navy! Maawa ka pakawalan mo ako! Bitiwan mo ako nasasaktan ako! M-maawa ka parang awa mo na! B-buntis ako maawa ka!” Pero imbes na maawa ay tinawanan lamang ako nito. “Maawa? Sana inisip mo ‘yan bago mo ako tinakasan! Kung may utak ka hindi
(Saddie pov) Sinanay ko muna ang mata ko sa daan. Ilang beses kong kinabisado ang daan bago ako naghanda sa pagtakas. Mahirap na dahil baka mabulilyaso ako kaya hinintay ko muna gumabi bago ako tumakas. “Wag kang mag alala dahil makakauwi rin tayo. Sa ngayon dito muna tayo para hindi tayo maabutan ng mga taong naghahabol sayo.” ‘Talaga? Ang sabihin mo lang gusto mo akong mapaniwala na may naghahabol sa akin! Pakana mo ang lahat!’ Ngumiti ako bago tumango rito kahit gusto kong basagin ito. Ang galing talaga magsinungaling ni Navy… sanay na sanay ito. “Salamat, Navy. Sige papasok na ako sa kwarto, nahihilo na naman kasi ako. Sana nga bukas makauwi na tayo. Ayoko na kasi dito… sigurado kasi ako na nag aalala na sila mama sa akin, saka ang asawa ko.” Panandaliang nawala ang ngiti nito. “Hayaan mo, sigurado na magkikita din kayo.” Ngumiti ito ng pilit. “Salamat.” Akmang papasok na ako ng pogilan nito ang braso ko. “Paano kung… kung patayin si Morgan ng mga humahabol sayo?
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala
“Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magbi
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morga