LIKE
(Kiray pov)Humahagulhol na lumabas ako ng silid ni Laxus, takot na takot ako habang umiiyak na lumuluha kipkip ang kumot upang takpan ang aking kahubaran. Madam, ano ang nangyari sa’yo—diyos ko na mahabagin!” Agad akong inalalayan ni manang ng makita ako, bumalatay ang labis na pag-aalala sa mukha nito ng makita ang kalagayan ko. Halatang gulat na gulat ito at hindi makapaniwala, agad nitong nahulaan ang ginawa sa akin ng asawa ko. “M-manang Diday, huhuhu… si Laxus po… si Laxus po…” Sumisigok na iyak ko habang takot na takot akong nakakapit sa damit nito. Awang-awa na binalot nito ng maayo ang kumot sa aking katawan. Dahil sa pagod at sakit ng aking katawan ay hindi ko na magawang ihakbang ang mga binti ko, ang nag-aalala na boses nito ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay at bumagsak sa sahig. ****** (Laxus King pov)Tumingin ako sa dugong nasa ibabaw ng kama. Kanina pa nakaalis ang asawa ko pero hindi ko magawa na ipag-utos na linisin ito. Hanggang ngayon ay hindi
(Laxus King pov) Kumunot ang noo ko ng makita si manang Diday na mag-isang dumating, oras ng dinner pero hindi nito kasamang dumating ang asawa ko. Bago pa makapagtanong ay nagsalita na ito, “Hindi makakasabay sa gabihan si Madam dahil masama pa rin ang pakiramdam niya, Mr. King. Pero wag kayong mag-alala dahil nagpahanda na ako ng pagkain na dadalhin sa kwarto niya.” Ani nito bago nagtungo sa kusina, halata na hindi maganda ang mood nito. Naging ganito na si manang Diday tatlong araw na ang nakakaraan, simula ng lumabas ng silid ko ang asawa ko. Mukhang sumama ang loob nito sa ginawa ko. Hindi lang ito, maging si Jigs ay naging malamig ang pakikitungo sa akin nitong nakaraang araw. Damn. Ano ang pinakain ng babaeng iyon sa mga tauhan ko para maging ganito sila sa akin? Amo na nila ako bago pa ito dumating dito, I ruled this house, I ruled them before my wife does. Tumingin ako sa mga pagkaing nasa harapan ko. It’s been three days simula ng nakakain ako ng maayos, kaya dapat
(Laxus King pov)Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na sumapit ang ika-labinwalong kaarawan nito, ang araw na makasiguro ako na hindi ito si Rayana, ang araw na natakot ito sa banta ko kaya tinatasan ako nito, ang dahilan kaya napagtibay ang hinala ko. Ang malaking pilat nito sa ulo. Noong iligtas ako ni Rayana ay nagkaro’n ito ng malaking pilat sa ulo. Nang debut nito ay tiningnan ko ang ulo nito. Nang wala akong nakitang pilat dito ay galit na galit ako. Pinagbantaan ko ito na papatayin ko kapag napatunayan kong tama ako na isa itong huwad. Ito ang dahilan kaya paulit-ulit na tinakasan ako nito. Kung hindi dahil sa last will testament ng aking ama ay hindi ko ito hahanapin at papakasalan, dahil hindi naman ito ang gusto kong makasama, kundi ang tunay at nag iisang si Rayana. Kung ito si Rayana, makikita ko ang pilat nito sa ulo, ipagamot man ito sa doktor para mawala ang pilat nito, makakapa ko parin sa bungo nito ang pinsala na natamo nito noon. Nagtamo noon si Raya
“Hindi mo na kailangan alalahanin ang tungkol sa paglinis sa pangalan mo dahil nagawa ko na iyon. Malinis na ang pangalan mo at nanagot na rin ang pumatay kay Rayana at sa mayor na gusto mo. Nakakulong na sila, iha.” Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni mommy Nissa. Ang buong akala ko ay hindi na ito tumupad sa usapan naming dalawa. Pero ang nakapagtataka, bakit hindi ko na daw kailangan pumunta sa kanya? Bakit ako iniwasan nitong nakaraan? Inalis ko ang pagdududa sa isip ko. Sigurado ako na may dahilan ito. “Mommy Nissa, kung gano’n po ay pwede na akong umalis ng bansa?” Tanong ko. Iyon kasi ang napagkasunduan namin, na aalis ako ng bansa kapag nakuha na nito ang yaman na para sa pamilya Solante at napakulong ang may kasalanan sa pagkamatay nila Rayana, ay magbabagong buhay ako sa ibang bansa, sa bansa na walang nakakakilala sa aking mukha. Iiwanan ko ang buhay ko dito at mabubuhay do’n kapalit ng mukhang ito. “Iha, patawarin mo sana ako. Pero hindi mo pwedeng iwan ang buh
Nasagot ang tanong ko ng magsalita ang asawa ko. “Salamat sa pagtawag para sabihin na narito ang asawa ko,” hindi inaalis ang tingin sa akin na sabi nito. “Stand up, wife. It’s time to go home,” Naiyak na naman ako. Lalong sumama ang loob ko kay Mommy Nissa. “Laxus, pagpasensyahan mo na ang asawa mo kung hindi siya nakapagpaalam sa’yo na pupunta siya dito. Normal lang sa anak na babae ang namiss ang ina nila pagkatapos ng kasal,” nilapitan ako ni mommy Nissa para sana alalayan na tumayo, pero hindi pa ito nakakalapit sa akin ay binuhat na ako ni Laxus. Gusto kong magpumiglas at kalmutin ito. Pero naalala ko ang sinabi ni Mommy Nissa kanina. Kung magmamatigas ako at magpapadala sa galit ko, baka ikamatay ko iyon ng maaga. Mababalewala ang pangalawang buhay na mayro’n ako ngayon. Pinahid ko ang luha ko at pumikit nalang, hinayaan kong pangkuin ako nito. Pagdating sa labas nakita ko na maraming nagkalat na sasakyan at kalalakihang, armado sila at napakarami nila. ‘Delikado
(Kiray pov) Kinabukasan nag general cleaning ang lahat dahil darating daw si Tita Juliana para bisitahin kaming mag asawa ayon kay Manang Diday. Tumawag daw kasi ito para ipaalam na darating ito. Naalala ko no’ng kasal namin ni Laxus, halatang hindi ako nito gusto. Sigurado ako na kaunting maling kilos ko lang ay mapupuna ako nito kaya kailangan kong mag ingat sa kilos ko. “Manang Diday, ano ang mga ‘yan?” Takang tanong ko ng makita na nilalagyan nito ng likidong nakalagay sa maliit na botelya ang lahat ng plastic bottle ng mineral water na nakahanda sa kusina. “Ito ba? Para ito sa mga sikmura nating lahat. Pagkatapos kumain ay iinumin natin ito para sa kaligtasan nating lahat,” “Kaligtasan? Ano ‘yan parang vitamins po?” Nag-aalinlangan itong sumagot, “Parang gano’n na nga,” Lahat ng tauhan ni Laxus mapa-kasambahay o gwardiya ay binigyan nito, kahit ako ay binigyan din ni Manang Diday, nagbilin oa ito sa akin na inumin ko ito kapag kailangan. Hindi nagtagal may dumating n
“M-My King…kong, dumating ka na pala. A-ang aga mo naman yata umuwi ngayon. Akala ko ba gagabihin ka dahil nagkaro’n ng aberya ang isa sa negosyo mo?” Ito kasi ang sinabi sa akin ni Jigs ng tanungin ko ito. “Pero tamang-tama ang dating mo, katatapos lang magluto ni Tita, sumabay ka na sa amin maglunch,” Awtomatiko na lumayo ako dito ng magsalubong ang kilay nito. Maging si Tita Juliana ay kumunot ang noo. “Kingkong?” “A-ah… ‘yon po kasi ang tawag ko kay Laxus. Hay0p kasi siya—este, para siyang si Kingkong, dapat katakutan hehe,” namumutlang dugtong ko. Naku, nakalimutan ko na dapat tinatawag ko lang Kingkong si Laxus kapag kausap ko lang ang sarili ko. Ayaw ko naman kasi tawagin itong LOVE, BABE, o kung ano pang sweet endearments, hindi kasi bagay sa amin. Pagkatapos kong magpaliwanag ay lumayo agad ako kay Laxus na ngayon ay nakasunod ang mataman na tingin sa akin. Ewan ko ba. Pero simula no’ng bumalik ako galing kay mommy Nissa ay napansin kong madalas itong nakatingin sa
(Kiray pov) Isang linggo lang dapat si Tita Juliana mananatili dito sa bahay pero nagustuhan nito na magtagal pa kaya umabot ito ng isang buwan. Sa loob ng isang buwan ay wala kaming ginawa kundi ang kumain sa labas, magshopping, magluto, pumunta ng ibang bansa at kung ano-ano. Sinuot sa akin ni Tita Juliana ang isang mamahaling kwintas na binili nito sa Germany para sa akin. Nang makita nito na bagay ito sa akin ay ngumiti ito. “Bagay na bagay sa’yo, iha,” “Thank you po, Tita.” Kinuha ko ang binili kong scarf at binalot sa leeg nito. Nalaman ko kasi na pupunta ito sa Alaska next week. Sa pagkakaalam ko ay malamig do’n kaya ito ang binili ko. “Para po pala sa’yo, Tita. Naku pasensya na po, hindi niyo po ba nagustuhan?” Nakita ko kasi na hindi ito kumibo, nakatingin lang ito sa scarf na binili ko. “No, iha. Actually I love it. Nagulat lang ako dahil ito ang napili mong ibigay sa akin,” “Nabanggit niyo po kasi na pupunta kayo next week sa Alaska. Naisip ko kasi na hindi niyo na
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magb
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morg
(Saddie pov) Akala ko sa yate kami sasakay pero sa speed boat pala kami sasakay. May ilaw naman mula rito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi sapat ‘yon para makita namin ng maayos ang dinadaanan namin, lalo na at bumuhos pa ang malakas na ulan. ‘Diyos ko!’ Kulang kailan naman tumatakas kami ay saka pa umulan! Niyakap ko ang tiyan ko. Di bale. Konteng tiis nalang ay makakaalis na kami. Ang mahalaga ay natakasan na namin yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla akong kinabahan ng biglang huminto ang speed boat na sinasakyan namin. Hindi sana totoo ang hinala ko. “Ngayon pa talaga nasira!” Nanlumo ako. Bakit ngayon pa kung kailan nasa dagat kami at tumatakas? Hindi nga kami napahamak sa kamay ng mga dumukot sa amin pero mukhang dito naman kami sa gitna ng karagatan mapapahamak. Niyakap ko ang tiyan ko. Nag aalala ako sa dinadala ko. Siguro ay nilalamig na rin ang baby ko ngayon. Kanina pa kasi kami basa ng ulan at nanginginig sa lamig ng ulan at simoy ng hangin. K
Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Nav
(Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.
Malakas na binagsak ni Morgan ang kamao sa bumper ng sasakyan ng malaman ang nangyari. “Fvck! Fvck! Fvck!” Halos maglabasan ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit ng malaman ang nangyari sa asawa. Kanina pa siya pinapakalma ng kapatid pero bigo ito. “Paano ko magagawang kumalma ngayong nasa panganib ang mag ina ko?! Fvck!!!” Hindi lamang ‘yon, nasa panganib din ang buhay ng ina nito na malubha ang tama sa ulo. Wala pang isang araw ng magpasimula siya ng imbestigasyon ngunit nalagay na sa panganib ang buhay ng asawa niya. Nalaman ba nito ang plano niya na pag alam kung sino ito? Umiling si Morgan. That’s impossible! Sigurado na hindi iyon makakalabas sa kanilang pamilya. Tiyak na kagagawan ito ng taong nagtatangka sa buhay niya. Pagdating sa presinto ay umiling si Laxus ng makita ang galit na galit na anak. “Wala kayong malaman? Are fvcking kidding me? Anong silbi niyo kung wala kayong makuhang lead kahit isa kung nasaan ang asawa ko?!” Nang makita ng mga pulis si Lax
Tumawa ito ng makita ang walang patid na pagtulo ng luha ko. “Ano? Natatakot ka na ba ngayong gaga ka! Dapat lang! Pagkatapos ng ginawa mo ay sisiguraduhin ko na magkikita kayo ng anak ko sa impiyerno! Dante, dalian mo ang pagmamaneho! Gusto ko ng makaganti sa babaeng ‘to!” “Sige, manoy—“ masakit sa tenga na lumangitngit ang gulong na sinasakyan namin. “Anong problema?! Bakit ka huminto?!” “M-may sasakyang humarang sa daan, kuya!” Sumbong ng nagmamaneho ng sinasakyan nila. “Humarang?! Ano pa ang hinihintay mo, sagasaan mo!” “Pero, kuya—“ “Inutil! Sundin mo nalang ang utos ko!” Walang nagawa ang lalaki kundi ang sundin ang kapatid. Pero biglang sumabog ang sasakyan nito ng may bumaril sa gulong ng sasakyan “Anak ng…” halos umusok ang ilong ng lalaki sa galit. May dinukot ito sa tagiliran. Nanlaki ang mata ko ng makitang baril ito. ‘No!’ Gusto ko itong saktan pero binalaan ako nito sa pamamagitan ng tingin na babarilin kung kikilos ako ng masama. Pagkatapos mag uto
Hindi pa nag iinit ang pwet namin ni mama sa pagkukwentuhan ng makarinig kami ng katok. Mukhang dumating na ang asawa ko. Mga alas otso pa kasi ng gabi uuwi si tito kaya sigurado ako na asawa ko ang kumakatok. Pero pagbukas namin ni mama ay isang lalaking delivery man ang kumakatok. Nakasuot ito ng over all black uniform at sumbrero. “Ma’am, delivery po!” Kumunot ang noo ni mama. “Delivery? Sigurado ka ba na dito ‘yan? Wala kasing binilin ang asawa ko.” Takang tanong ni mama. “Ah oho. Kung gusto niyo ho ma’am ay pwede niyong icheck.” Inabot nito kay mama ang kahon na dala. Pagkakuha ni mama sa kahon ay kumunot ang noo nito dahil hindi naman ito nakapangalan sa kanya. Blanko ang waybill doon at walang nakasulat. “Mukhang mali kayo ng pinagdeliveran.” “Gano’n ho ba? Mukhang hindi naman mali ang pinunta ko dito, ma’am.” Tumingin ang lalaki sa akin. Nakita ko ang pagngisi nito sa akin ng makahulugan. Bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag. Pamilyar ito—parang nakita ko
(Saddie pov) Nagulat ako ng makita si mommy Kiray. Ako kasi ang nagbukas ng pinto ng may kumatok. “Anak, sino ‘yan?” Nang makita ni mama ang biyenan ko ay nagulat din ito. “Oh balae, ikaw pala. Hindi mo man lang nasabi na dadaan ka, hindi tuloy ako nakapagluto ng meryenda.” Ani nito. “Wag kang mag alala, may dala naman akong makakain natin.” Sabi ni mommy sabay kindat sa amin. Saka ko lamang napansin ang kahon na dala nito at— Teka sino ang babaeng kasama nito? Isip-isip ko ng makita ang napakagandang babae na kasama nito. “Hi, Saddie. Ako nga pala si Aimee.” Anitp sabay lahad ng palad sa akin. Napakaganda nito. Katulad ko ay napakaputi rin nito at halatang anak ng mayaman. Hindi ko tuloy alam kung tataggapin ko ang kamay nito na parang mamahalin sa kinis at ganda. Mukha itong koreana. Sandali… Tinitigan ko ito. Bakit parang pamilyar sa akin ang mukha nito? Hindi ko nga lang alam kung saan ko siya nakita. Nang hindi ko tanggapin ang kamay nito ay ito na mismo ang kumamay