LIKE
(Kiray pov) Isang linggo lang dapat si Tita Juliana mananatili dito sa bahay pero nagustuhan nito na magtagal pa kaya umabot ito ng isang buwan. Sa loob ng isang buwan ay wala kaming ginawa kundi ang kumain sa labas, magshopping, magluto, pumunta ng ibang bansa at kung ano-ano. Sinuot sa akin ni Tita Juliana ang isang mamahaling kwintas na binili nito sa Germany para sa akin. Nang makita nito na bagay ito sa akin ay ngumiti ito. “Bagay na bagay sa’yo, iha,” “Thank you po, Tita.” Kinuha ko ang binili kong scarf at binalot sa leeg nito. Nalaman ko kasi na pupunta ito sa Alaska next week. Sa pagkakaalam ko ay malamig do’n kaya ito ang binili ko. “Para po pala sa’yo, Tita. Naku pasensya na po, hindi niyo po ba nagustuhan?” Nakita ko kasi na hindi ito kumibo, nakatingin lang ito sa scarf na binili ko. “No, iha. Actually I love it. Nagulat lang ako dahil ito ang napili mong ibigay sa akin,” “Nabanggit niyo po kasi na pupunta kayo next week sa Alaska. Naisip ko kasi na hindi niyo na
(Kiray pov) Umikot ako sa harapan ng salamin. Narito kami ngayon nila Manang Diday kasama ang mga bodyguards ko sa isang mall para bumili ng susuotin ko. Pupunta kasi kami sa isang Live Auction sa darating na sabado. Excited ako dahil ito ang unang Auction na pupuntahan ko. Sa mga palabas ko lang ‘to napapanood noon pero ngayon ay makakapunta na ako. Pumili ako ng isang blue royal tube gown na sakto hanggang talampakan lang ang haba, blue 2 inches heel at white gloves, may pagka-cinderella color theme. Nang lumabas ako ng fitting room ay napatulala si Manang at ang mga bodyguards ko. Kahit ako din ay napatulala ng makita ang sarili ko sa salamin. Halos matulala ako sa gulat. Maganda na ako pero lalong lumitaw ang ganda ko sa suot ko ngayon. “Napakaganda mo, Madam.” Makapigil-hiningang puri sa akin ni Manang na bakas ang labis na pagkamangha sa mukha. “T-Thank you po.” Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, kaya nag-aalalang nilapitan ako nito. “P-pasensya na. Masaya lang po
Dumilim ang mukha ni Laxus kaya napalunok ako sa takot. Nang humakbang ito palapit sa akin ay napaatras ako pero hindi ako kumurap… hindi ako nagpakita ng takot at matapang na hinarap siya. “Hindi ka Diyos para kumitil ng buhay. Pwede mo naman siya ipakulong para sa kasalanang nagawa niya sayo… hindi mo siya kailangan ipapatay—“ napaigik ako ng biglang higitin ni Laxus ang braso ko. “This is my punishment for those who tried to do nasty things behind my back. Don't pretend you don't know. You know it better than anyone because our families are in the same business!” Hindi ko alam kung anong business ang sinasabi nito kaya naumid ang dila ko. Isang maling sagot, baka makahalata ito na wala akong alam. Si mommy Nissa, hindi ko alam kung bakit ang dami niyang hindi sinasabi sa akin. Dapat wala siyang nililihim dahil dalawa kaming nagplano nito. Alam niya dapat ang risk sa ginagawa kong pagpapanggap. “Sa oras na patayin mo siya ay hinding-hindi na ako magpapakita sa oras na tumakas
(Kiray pov) Aksideneng nagkita kami ni Mariz sa sementeryo kagabi. Gusto ko sana na makipagkwentuhan pa dito pero biglang dumating sila Manang at Jigs, kailangan na daw namin umuwi kasi gabi na. Kaya nagkasundo nalang kami na magkita sa paborito namin kainan. “Rayana!” Kumaway ako kay Mariz ng makita ko ‘to. Sa pinakadulo kami umupo para hindi kami agad pansin sa mga kumakain. Sikat kasi si Rayana dito sa lugar namin dahil maganda ito. Kaya sa tuwing dumadayo ito ay halos pagkaguluhan ito ng mga kalalakihan. Nagulat si Mariz ng yakapin ko siya ng sobrang higpit, hindi na ako nakapagpigil, miss na miss ko na kasi ito. Nagulat ako ng paghiwalay ko rito ay umiiyak ito. “P-Pasensya na, Rayana,” pinahid nito ang luha at puno ng lungkot na tumingin sa akin. “N-naalala ko lang si Kiray… saka nakokonsensya din ako,” Nag-iwas ito ng tingin sa akin. “A-aamin ko sayo, no’ng nalaman kong nakaligtas ka at namatay si Kiray h-hindi ako natuwa. N-naitanong ko, b-bakit siya pa? B-bakit h
(Laxus King pov) Kumunot ang noo ko ng marinig ang sinabi ng bodyguard na inutusan kong bantayan ang asawa ko. Nasa hospital pala ito para maghatid ng pagkain para sa lalaking pinabugbog ko sa mga tauhan ko. Kaibigan? Pagak akong natawa. Hindi ko alam kung uto-uto ba ang babaeng ‘yon o sadyang tanga lang ito. Matatawag ba na kaibigan ang taong kakakilala mo lang ng isang araw? “Sabihin niyo sa akin kung saan siya pumupunta at kung sino-sino ang nakakausap niya. Wag niyong aalisin ang mga mata niyo sa kanya. Manmanan niyo ang bawat galaw niya at ireport sa akin.” Utos ko sa tauhan kong nagbabantay sa asawa ko. “Masusunod, Mr. King. Kami na ang bahala kay Madam!” Pagkababa ng tawag ay sumandal ako sa swivel chair ko. Nagtaka ako sa kinilos kagabi ng babaeng ‘yon. Noon ay wala naman itong pakialam sa kahit anong makita, pero kagabi ay nagalit ito at parang natakot pa. Kakaiba ang tingin nito sa akin, may galit, may pagkamuhi at tapang. Mukha itong palaban. Nakuha pa ako niton
(Kiray pov) Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang ulo ko. Wala akong tigil sa pag-iyak habang tumatakbo. Pero hindi pa ako nakakalayo ng may humila sa kamay ko. “Damn it, woman! What are you doing?! Gusto mo bang mamatay?!” Galit na tanong ni Laxus ng mahawakan ako. Sumenyas ito kina Jigs at nag-utos na hulihin ang mga nagbalak na bumaril sa akin kanina. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero humigpit ang hawak nito. Gamit ang isa kong kamay ay tinakpan ko ang ulo ko. “L-Laxus, gusto ko ng umuwi,” nang makita nito ang nagmamakaawa kong tingin ay natigilan ito. Humikbi ako hanggang sa ang mahinang hikbi ko ay nauwi sa hagulhol. “G-Gusto ko nang umuwi,” Sa biyahe ay tulala na ako. Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko at nagkulong. Tumingin ako sa salamin. Itsura lang ang nagbago sa akin pero hindi ang pagkatao ko. Hanggang ngayon ay dala ko ang trauma ko na gawa ng sariling magulang ko. Habang nakatingin sa salamin ay nasasalamin ko sa aking mata ang takot
(Laxus King pov) Hindi maalis ang tingin ko kay Rayana habang tulala itong nakatingin sa kawalan. Dalawang araw na itong tulala at nakatanaw lang sa kawalan. Damn. This is all my fault. Kung hindi ako naging gag0 ay hindi ito magkakaganito. Mukhang na-trauma ito sa ginawa kong paggalaw dito ng sapilitan. Tama si Kairo, pagsisisihan ko ang lahat kapag nalaman kong si Rayana nga ito. I try to hold her hands but she flinch, para itong kuting na takot na hawakan ng kahit sino. Maging sila manang Diday ay walang nagawa para pagaanin ang loob niya. Malinaw na galit ito sa akin. Wala itong takot na sinasalubong ang tingin ko, puno ng pagkasuklam ang tingin nito. “Mas mabuti pa siguro na iwanan na muna natin si Madam, Mr. King. Sa palagay ko ay hindi niya gusto na makasama ka sa iisang silid.” Sabi ni manang na nakayuko, hindi man nito tahasang sabihin, alam kong ako na naman ang sinisisi nito sa kalagayan ni Rayana ngayon. Ayaw ko man iwan ang asawa ko, napag-isip isip ko na tama
(Kiray pov) Wala na akong mailuha, napagod na ang mga mata ko. Tanging sakit, lungkot at galit ang naiwan sa puso ko sa tuwing naaalala ko ang magulang ko. Magulang ko sila pero paano nila nagawa na gawin sa akin iyon? Ito ang paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko pero hanggang ngayon ay wala akong makuhang sagot. Siguro dahil masamang tao lang talaga sila. At malas ako dahil naging magulang ko sila. Hinawakan ko ang ulo ko. Naalala ko kung paano tawagin ni Laxus ang pangalan ng kaibigan ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag ako nitong Rayana. Ano kaya ang nakain ng Kingkong na ‘yon? Uminit ang ulo ko ng maalala ang sapilitan nitong paghawak sa ulo ko. Dahil dito ay bumalik ang alaalang matagal ko ng binaon sa limot. Walang hiya talaga ang Kingkong na ‘yon! Ginawa ko ang lahat para iwasan na mahawakan nito. Wala kasi akong tiwala dito. Baka mamaya balak pala nitong pilipitin ang kamay ko. Tumingin ako sa pagkaing nasa bedside table. Dalawang araw na akong hind
Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako nito pabalik. “TULONG! Parang awa niyo na ‘tulungan niyo ako!” Hinawakan ko ang kamay nitong nasa ulo ko para tanggalin ito. Pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nitong NASA ulo ko. “Wag ka ng umasa na may makakarinig sayo, Saddie! Walang ibang tao sa islang ito kundi tayo lang at mga tauhan ko! Mapapaos ka lang sa kakasigaw mo!” Alam ko… pero umaasa pa rin ako na may makakarinig sa pagmamakaawa ko. Hindi ako huminto sa pagsigaw kaya nainis ito at binilisan ang paghila sa buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdiin ng kuko nito sa anit ko. Napakasakit! Isabay pa na wala akong tsinelas kaya tumatama ang talampakan ko sa mga sirang shell sa buhangin kaya puro sugat ang paa ko. “Tama na, Navy! Maawa ka pakawalan mo ako! Bitiwan mo ako nasasaktan ako! M-maawa ka parang awa mo na! B-buntis ako maawa ka!” Pero imbes na maawa ay tinawanan lamang ako nito. “Maawa? Sana inisip mo ‘yan bago mo ako tinakasan! Kung may utak ka hi
(Saddie pov) Sinanay ko muna ang mata ko sa daan. Ilang beses kong kinabisado ang daan bago ako naghanda sa pagtakas. Mahirap na dahil baka mabulilyaso ako kaya hinintay ko muna gumabi bago ako tumakas. “Wag kang mag alala dahil makakauwi rin tayo. Sa ngayon dito muna tayo para hindi tayo maabutan ng mga taong naghahabol sayo.” ‘Talaga? Ang sabihin mo lang gusto mo akong mapaniwala na may naghahabol sa akin! Pakana mo ang lahat!’ Ngumiti ako bago tumango rito kahit gusto kong basagin ito. Ang galing talaga magsinungaling ni Navy… sanay na sanay ito. “Salamat, Navy. Sige papasok na ako sa kwarto, nahihilo na naman kasi ako. Sana nga bukas makauwi na tayo. Ayoko na kasi dito… sigurado kasi ako na nag aalala na sila mama sa akin, saka ang asawa ko.” Panandaliang nawala ang ngiti nito. “Hayaan mo, sigurado na magkikita din kayo.” Ngumiti ito ng pilit. “Salamat.” Akmang papasok na ako ng pogilan nito ang braso ko. “Paano kung… kung patayin si Morgan ng mga humahabol sayo?
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala
“Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magbi
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morga
(Saddie pov) Akala ko sa yate kami sasakay pero sa speed boat pala kami sasakay. May ilaw naman mula rito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi sapat ‘yon para makita namin ng maayos ang dinadaanan namin, lalo na at bumuhos pa ang malakas na ulan. ‘Diyos ko!’ Kulang kailan naman tumatakas kami ay saka pa umulan! Niyakap ko ang tiyan ko. Di bale. Konteng tiis nalang ay makakaalis na kami. Ang mahalaga ay natakasan na namin yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla akong kinabahan ng biglang huminto ang speed boat na sinasakyan namin. Hindi sana totoo ang hinala ko. “Ngayon pa talaga nasira!” Nanlumo ako. Bakit ngayon pa kung kailan nasa dagat kami at tumatakas? Hindi nga kami napahamak sa kamay ng mga dumukot sa amin pero mukhang dito naman kami sa gitna ng karagatan mapapahamak. Niyakap ko ang tiyan ko. Nag aalala ako sa dinadala ko. Siguro ay nilalamig na rin ang baby ko ngayon. Kanina pa kasi kami basa ng ulan at nanginginig sa lamig ng ulan at simoy ng hangin. Ka
Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Nav
(Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.