LIKE
(Kiray pov) Buong gabi ako hindi makatulog dahil sa “Let sealed it with a kiss” na sinabi ni Laxus. Akala ko sa labi ako nito hahalikan pero sa noo pala. Nakakahiya dahil pumikit pa ako at ngumuso ng matagal. Paano ako haharap dito bukas? Baka isipin nito gustong-gusto ko ng halik niya. Gumulong ako sa kama at hinampas ang unan. “Arghh… nakakahiya talaga!” Ano ba kasi ang pumasok sa isip ko at pumikit pa ako. Naisahan ako ng lokong ‘yon ah. Kahit puyat ako ay maaga ako bumangon kinabukasan. May lakad kasi ako ngayon kasama si Mariz, kaya kahit ayoko na makasabay si Laxus mag-almusal ay wala akong choice. Natigilan ako ng mapansin na hindi man lang ito tumingin sa akin. Sanay kasi ako na kapag dumarating ako ay titingnan ako nito ng matiim, blanko o kaya malamig. Pero kakaiba ngayon, wala itong kibo at nakaupo lang na parang wala sa sarili. “Magandang umaga po, manang. Maraming salamat po.” Pasalamat ko ng bigyan ako nito ng gatas. Hindi ito kinakalimutan ni manang tuwing u
Hindi na ako nakatiis, lumabas na ako dahil sa uhaw ko. Habang naglalakad, nagdadasal ako hawak ang rosaryo ko. Pagdating sa kusina ay kumuha ako ng sandamakmak ma mineral water para ilagay sa mini ref ko. “Argh! Damn it! Argh!” Napahinto ako sa hagdan ng marinig ang pamilyar ma boses. Nang makarinig ako ng yabag ay nagtago ako. Nakita ko si manang na nagmamadali bumaba. May dala itong plangganita at damit na may sariwa pang dugo. Binundol ng kaba ang dibdib ko ng makarinig muli ng malakas na boses. Para itong alulong ng isang mabangis na tao. Dahan-dahan akong umakyat at wala sa sariling tinahak ang pinanggalingan ng kwarto kung saan nanggaling ang boses na naririnig ko. H-hindi… “Madam!” Nang makita ako ni manang ay mahigpit na hinawakan ako nito sa braso. “Bumalik ka sa kwarto mo ngayon din!” Hindi ko ‘to pinakinggan, tinabig ko siya ay tumakbo papunta sa silid ni Laxus. Muntik pa akong matumba sa mga kahon na nakaharang sa pinto na may mga iba’t ibang klase ng
Hindi lang iisang video ang napanood ko habang tinutorture ang asawa ko ng sarili nitong ama. Hindi ko alam kung ilang beses akong humagulhol ng iyak dahil sa mga napanood ko. Parang sasabog ang dibdib, hindi ako makahinga sa awa para dito. Bakit niya ito ginagawa sa sarili nitong anak? Bakit? Kasalanan ba naging mahina para saktan ng ganito ang asawa ko? Ang dainġ, ang iyak at pagmamakaawa ni Laxus ay makabasag damdamin, gusto kong pumikit para hindi makita ang nakakahabag na kalagayan nito. Nasasaktan ako at parang pinipiraso ang puso ko sa nakikita ko. “Nang iluwal si Mr. King, nagkasundo ang magulang niya na dalhin siya dito. Hinubog nila si Laxus ng ayon sa kanilang gusto.” Hindi makapaniwala na tumingin ako kay manang. “S-silang dalawa po?” Malungkot na tumango ito. “Tama ang narinig mo, madam… sa katunayan, ang ina ni Laxus ang nagsuhestiyon na dalhin agad ang anak nila dito.” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Akala ko noong una ay labag sa ina ni Laxus ang pa
(Kiray pov) Hinaplos ko ang ulo ni Laxus na nakapatong sa hita ko. Salamat naman at nakatulog na ‘to. Simula kasi ng kausapin ko siya ay wala itong hinto sa pagluha na parang bata. Akala ko malupit na ang naranasan ko sa magulang ko pero mali ako. Mayro’n palang katulad ni Laxus na mas matindi pa ang dinanas. Parang balewala kay Laxus ang paglatigo dito, ang bilis nitong makabawi. Kagabi kasi ay nakuha na agad nitong gumalaw. Maliban sa emotional health nito na napakaselan. Humigpit ang hawak ko sa bedsheet ng kama. Parang pinupunit ang laman ko sa tuwing dumidikit ang sugat ko sa damit ko. Napakasakit! Dahan-dahan kong inalis ang ulo ni Laxus sa hita ko at tinagilid ito. Pagkatapos lagyan ng ointment ang sugat ay kinumutan ko ito bago ako lumabas ng silid niya. “A-aray…” kagat ang labi na tiningnan ko ang repleksyon ko sa harap ng salamin. Pagkapasok ko rito ay naghubad agad ako para makita ang sugat ko. Mahaba at halos matanggal ang balat ko sa laman ko… makapigil hini
(Laxus King pov) “Mr. King, this is a serious problem that we must solve before it gets worse. Dalawang buwan ng kulang ang mga supply na pinapadala sa ibang bansa. Kung magpapatuloy ‘to ay hindi natin magagarantiya kung magkakaro’n pa tayo ng susunod na transaksyon sa kanila!” “Balita ko ay pinasara ni Mrs. Solante ang ilan sa mga institute nila. Nawawala din ang kapatid ng asawa niya’t asawa nito, maging si Mrs. Solante ay nawawala at walang nakakaalam ng kinaroroonan ngayon. Sa loob ng maraming taon ngayon lang na-short ng supply ang Institute nila. This is a big problem on our Organization. Kung sa susunod na buwan ay mangyayari ‘to, marami ng bansa ang titigil sa pagkuha sa atin ng mga gamot!” “Mr. King, kailangan gawan mo ‘to ng paraan. Hindi ba’t Solante ang asawa mo? Bakit hindi siya ang humawak ng Solante Institute habang wala pa ang kanyang ina? Balang araw ay mamanahin niya din ang mga negosyo nila. Bakit kailangan patagalin pa? Let your wife handle their businesses nan
Nang makaramdam ang dalawa ng mabigat na arwa sa kanilang likuran ay lumingon sila. “M-Mr. King!” Namumutlang bulalas ng mga ‘to. I stepped towards them and snatched the picture they’re holding. Awtomatikong kumunot ang noo ko ng makita ang litrato ng isang lalaki. “Who the fvck is this?!” Dagundong ang boses na tanong ko. Nangangalit ang ngitin at nanlilisik ang mata na tumingin ako sa kanila. “Sino ang lalaking ‘to?!” “M-Mr. King… siya po si Chef Zues, ang nagtuturo kay madam sa cooking class na pinasukan niya,” nanginginig na tugon ng isa. Nag-aalalang nilapitan kami ni manang ng marinig ang malakas na boses kong umalingawngaw sa paligid. “Ano ang ginawa niyo at nagalit si Mr. King?!” Handa ng pagalitan ni manang ang dalawa ng makita nito ang litratong hawak ko. “Mr. King, pwede bang sa akin nalang ang litratong ‘yan? Idol at crush ko kasi ‘yang si Chef Zues—“ napipilan ang matanda ng makita kung gaano kadilim ang ekspresyon ko. “Ang ibig kong sabihin ay akina na ang
“I’m sorry to hear that, Rayana. Hindi ko alam. Wala man lang ako sa tabi mo para damayan ka.“ Lumayo ako sa kanya. Nakokonsensya ako pero kailangan ko ‘tong gawin. Naalala ko bigla si Joffrey. “Siya nga pala. May kilala ka bang Joffrey? May lalaki kasi na lumapit sa akin no’ng nasa Auction ako. Sabi niya kaibigan ko daw siya, pero hindi ko naman siya matandaan. Kilala mo ba siya?” “Hmm… Joffrey?” Umiling ito. “Wala akong kilalang Joffrey. Bukod kay Daniel ikaw lang naman ang kaibigan ko.” Natigilan ako at napatitig sa kanya. Hindi ‘yon ang sagot na inaasahan ko. Nang makita nitong nakatingin ako ay nag-iwas ito ng tingin. “Siya nga pala may pasalubong ako sayo galing ng Japan. Pagkatapos kasi ng Auction ay do’n ako dumiretso dahil may shoot ako don, kababalik ko lang kahapon.” ‘Kababalik? Eh nakita ko silang magkasama ni Joffrey?’ Nang tanggapin ko ang inabot nitong paper bag ay peke akong ngumiti dito. “Salamat dito, Maureen ha, kahit nasa ibang bansa ka hindi mo ak
(Kiray pov) Napabalikwas ako ng bangon. nanlaki ang mata ko ng makitang alas otso ng umaga na. "Naku lagot!" Nangako pa naman ako kay Laxus na imamasahe ko siya. Kumunot ang noo ko ng mapansin na iba na ang suot ko. Ito ang lingerie na binili ko no'ng kasama ko si Laxus. "Teka... bakit ito na ang suot ko?" Sa pagkakatanda ko ay nasa bathtub ako. Nanlaki ang mata ko. "Oo nga nasa bathtub ako kagabi!" Nagpaalam kasi ako kay Laxus na maliligo muna. ibig sabihin sa bathtub ako nakatulog at may naglipat lang sa akin sa kama. Mahina kong kinutusan ang sarili ko. Paano kung nalunod ako? Pagdating sa dining table ay may nakahain na, "Manang, si Laxus po?" tanong ko kay manang ng makita ko 'to. "Maagang umalis ang asawa mo, Madam." lumapit 'to sa akin at naglapag ng mainit na gatas sa harapan ko. "Madam, sa susunod ay wag niyo ng uulitin 'yon ha. Iba magalit ang asawa mo, nakakatakot siya.” Ang ibig ba'ng sabihin nito ay ang matulog sa bathtub? Pero di'ba dapat mag-alala an
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na p
“Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magb
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morg
(Saddie pov) Akala ko sa yate kami sasakay pero sa speed boat pala kami sasakay. May ilaw naman mula rito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi sapat ‘yon para makita namin ng maayos ang dinadaanan namin, lalo na at bumuhos pa ang malakas na ulan. ‘Diyos ko!’ Kulang kailan naman tumatakas kami ay saka pa umulan! Niyakap ko ang tiyan ko. Di bale. Konteng tiis nalang ay makakaalis na kami. Ang mahalaga ay natakasan na namin yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla akong kinabahan ng biglang huminto ang speed boat na sinasakyan namin. Hindi sana totoo ang hinala ko. “Ngayon pa talaga nasira!” Nanlumo ako. Bakit ngayon pa kung kailan nasa dagat kami at tumatakas? Hindi nga kami napahamak sa kamay ng mga dumukot sa amin pero mukhang dito naman kami sa gitna ng karagatan mapapahamak. Niyakap ko ang tiyan ko. Nag aalala ako sa dinadala ko. Siguro ay nilalamig na rin ang baby ko ngayon. Kanina pa kasi kami basa ng ulan at nanginginig sa lamig ng ulan at simoy ng hangin. K
Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Nav
(Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.
Malakas na binagsak ni Morgan ang kamao sa bumper ng sasakyan ng malaman ang nangyari. “Fvck! Fvck! Fvck!” Halos maglabasan ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit ng malaman ang nangyari sa asawa. Kanina pa siya pinapakalma ng kapatid pero bigo ito. “Paano ko magagawang kumalma ngayong nasa panganib ang mag ina ko?! Fvck!!!” Hindi lamang ‘yon, nasa panganib din ang buhay ng ina nito na malubha ang tama sa ulo. Wala pang isang araw ng magpasimula siya ng imbestigasyon ngunit nalagay na sa panganib ang buhay ng asawa niya. Nalaman ba nito ang plano niya na pag alam kung sino ito? Umiling si Morgan. That’s impossible! Sigurado na hindi iyon makakalabas sa kanilang pamilya. Tiyak na kagagawan ito ng taong nagtatangka sa buhay niya. Pagdating sa presinto ay umiling si Laxus ng makita ang galit na galit na anak. “Wala kayong malaman? Are fvcking kidding me? Anong silbi niyo kung wala kayong makuhang lead kahit isa kung nasaan ang asawa ko?!” Nang makita ng mga pulis si Lax
Tumawa ito ng makita ang walang patid na pagtulo ng luha ko. “Ano? Natatakot ka na ba ngayong gaga ka! Dapat lang! Pagkatapos ng ginawa mo ay sisiguraduhin ko na magkikita kayo ng anak ko sa impiyerno! Dante, dalian mo ang pagmamaneho! Gusto ko ng makaganti sa babaeng ‘to!” “Sige, manoy—“ masakit sa tenga na lumangitngit ang gulong na sinasakyan namin. “Anong problema?! Bakit ka huminto?!” “M-may sasakyang humarang sa daan, kuya!” Sumbong ng nagmamaneho ng sinasakyan nila. “Humarang?! Ano pa ang hinihintay mo, sagasaan mo!” “Pero, kuya—“ “Inutil! Sundin mo nalang ang utos ko!” Walang nagawa ang lalaki kundi ang sundin ang kapatid. Pero biglang sumabog ang sasakyan nito ng may bumaril sa gulong ng sasakyan “Anak ng…” halos umusok ang ilong ng lalaki sa galit. May dinukot ito sa tagiliran. Nanlaki ang mata ko ng makitang baril ito. ‘No!’ Gusto ko itong saktan pero binalaan ako nito sa pamamagitan ng tingin na babarilin kung kikilos ako ng masama. Pagkatapos mag uto