Share

Chapter 2

MABIGAT na bagay ang nakapatong sa tiyan ko nang magising ako. Iminulat ko ang aking mga mata.

Isang puting kwarto ang nabungaran ko. Ang mga gamit at muwebles ay itim. Mapaghahalataang mayaman ang nakatira.

Pero teka, nasaan nga ba ako? Ang tanging naaalala ko lang kagabi ay nasa bar ako. Nahilo na nga ako sa alak at--- Fuck! I lost my virginity. I freakin' lost my virginity to a man that I don't even know!

Sinubukan kong gumalaw. Sakit ng sentro ko at buong katawan ang agad kong naramdaman. Sinulyapan ko ang lalaking nasa tabi ko. Nakadantay ang braso niya sa tiyan ko at mahimbing pa siyang natutulog.

Ang lubos na ipinagtataka ko ay may saplot na kaming dalawa at hindi ito ang kwartong pinaggawan namin ng milagro. Naaalala kong malawak na kwarto lang iyon na naglalaman lang ng malaking kama at salamin. Pero ang silid na ito ay parang komportableng kwarto ng isang binata.

Sinubukan kong tumayo pero lalong sumasakit ang buo kong katawan. Tinanggal ko ang braso niyang nakadantay sa tiyan ko. Tumayo ako at maingat na naglakad.

Ito ang mga ginagawa ng mga babae sa mga nababasa kong libro pagkatapos may mangyari sa kanila. Akala ko katangahan lang 'yon pero eto ako, ginagawa ko rin.

Magagaan ang bawat hakbang ko para hindi ako makalikha ng ano mang tunog na magpapagising sa kanya.

Tinungo ko ang pinto at dahan-dahang binuksan iyon. Paglabas ko, isang mahabang pasilyo ang nakita ko. Naglakad ako doon hanggang sa matanaw ko ang isang mahabang hagdan. Naglakad ako pababa.

Mga lalaking nakaitim ang naabutan kong nagbabantay. Apat sila at may namataan ako sa taas na dalawa pa. Halos kasing laki nila ang mga bouncer sa bar. May mga wireless mouth piece silang nakakabit sa mga tenga nila.

"Bumababa ng hagdan si Lady." Narinig kong sabi ng isang lalaki na nakabantay malapit sa hagdan. Kahit naka-sunglasses siya, alam kong nakatuon sakin ang mga mata niya.

Lady? Is that me? I'm Autumn and not Lady! Kumunot ang noo ko dahil sa narinig.

Nang makababa ako, akala ko kukunin o dadamputin nila ako. Akala ko pipigilan nila ako. Pero, hindi. Hinayaan lang nila akong maglakad.

Natanaw ko agad ang malaking pintuan kaya patakbo kong tinungo iyon. Gusto ko na talagang makauwi.

Itinaas ko ang kamay ko at handa ng hawakan ang pintuan para mabuksan.

"Lady, don't open the door. Please?"

Hindi ko siya pinansin. Tinulak ko ito. Kakadikit pa lamang ng palad ko sa pintuan ay umalingawngaw na ang maingay na tunog na maririnig sa buong kabahayan. Napatingin ako sa paligid. Anong nangyari?

Mabibigat at mabibilis na yabag ang narinig kong nanggagaling sa hagdan kaya nilingon ko iyon. It's the guy that I lost my virginity for. Pupungas-pungas pa siyang nakatingin sa akin.

"What happened?" Wala sa sarili niya pang tanong.

"Young man, Lady touched the door. I'm sorry. Hindi namin siya napagsabihan." Sagot ng bantay na nasa tabi ko. Siya ang bantay sa pintuan.

Anong hindi napagsabihan? Pinagsabihan niya ako! Hindi lang ako nakinig!

I eyes the guy that they called "young man." Boss ang tawag sa kanya kagabi tapos ngayon, young man naman? Anong next? Prinsipe, kamahalan, o mahal na hari?

Magkasalubong ang mga kilay niya. His lips are in a straight thin line. He eyed me. Sinamaan niya ako ng tingin. Ibinaling ko agad ang ulo ko sa kung saan.

"Autumn, let's go upstairs."

Kilala niya ako? Wait. Hindi naman ako nabingi, di ba? Tinawag niya talaga ako sa pangalan ko. Sino ba talaga siya? Ni wala akong idea kung anong pangalan ng gwapong nilalang na ito.

"But I need to go home now. Baka hinahanap na ako nila Lola."

"Sabi ko, tara sa taas. Sumama ka na lang kung ayaw mong ipakaladkad kita paakyat."

Natakot ako sa banta niya kaya laglag ang ulong tumango ako. Sumunod na lang ako sa kanya nang magsimula siyang maglakad paakyat.

Pumasok kami sa kwarto pinanggalingan ko kanina. Pabalibag niyang isinara ang pinto.

"Mr---"

"Lordan. My name is Lordan."

"Okay, Lordan. Can I go home now? Baka kasi nag-aalala na sila sa akin."

"No."

"Ano? Hindi naman pwede 'yon. May pamilya ako---"

"I said, no! Walang lalabas sa pamamahay ko!"

"Huh? Bakit? Ni hindi nga kita kilala---"

"You can't go outside, unless you're pregnant!"

Natahimik na lang ako. Natakot ako sa pagsigaw niya ng malakas. Baka kapag nagsalita ako, patayin pa ako ng lalaking 'to. Mukhang minalas talaga ako. Sa baliw na lalaki ko pa naibigay ang pinakaiingatan ko.

"You will just stay here. Kailangan ko ng anak. And you will give what I need!"

"Paano kung ayaw ko?" Maliit na boses na tanong ko. Natatakot ako sa kanya.

"Kung kailangan, gagahasain kita para makabuo tayo. Hindi ka pwedeng magtake ng birth control pills. I need a baby as soon as possible."

"Anong tingin mo sa baby? Bagay na kapag gusto mo, makukuha mo agad? Hindi biro ang magkaanak."

"I don't care! Kailangan ko lang ng anak para hindi ako matanggalan ng mana! I need to get my dad's company. Hindi ko hahayaan na makuha iyon ng mga kuya ko."

"Lordan, I can't agree with your plan."

"Then, magdusa ka. Kung kailangan kitang ikadena at ikulong dito sa kwarto, gagawin ko. Kung kailangan kitang gahasain, I'll do it."

What the fuck?! Is he insane? Bakit ko pa nga ba tinatanong ang bagay na 'to? Obviously, baliw na siya! Wala na siya sa matinong pag-iisip niya.

"Bakit kasi ako? Maraming ibang babae diyan na willing na magpabuntis sayo." Mahinang sagot ko sa kanya.

Nakayuko lang ako habang sinasagot siya. Hindi ko kayang sagot-sagutin siya ng taas-noo. Baka bigla na lang akong tutukan ng baril dito. Natatakot talaga ako. Sigaw pa lang niya ay para ng bomba.

"You gave your virginity to me like a whore. I'll just take advantage. And well, akin ka na ngayon kaya wala ka ng magagawa kung anong gusto kong gawin sayo."

Like a whore. Wow! It's like a dagger in my heart. Ang sakit pakinggan na para akong p****k na isinuko ang pagkabirhen sa lalaking hindi ko kilala. Kay Lordan na ganito naman pala kasama ang ugali.

And I just own myself! Walang pwedeng umangkin sa akin. Kahit sino. Wala silang karapatan. Gusto ko siyang sampalin at murahin pero hindi ko magawa. Wala akong lakas ng loob. Ayaw kong saktan niya ako.

Yumuko na lang ako at kinagat ang ibabang labi. Hindi na lang ako umimik. Naiiyak na nga ako. Pero nilunok ko ang nagbabadyang luha.

"Just stay here. Kailangan kong pumunta ng opisina. You're not allowed to get out of this house. Pagbalik ko, dapat nakaligo ka na. We will start making a baby."

I just nodded my head. Wala naman na akong choice. Kailangan ko na lang sumang-ayon sa mga gusto niya hangga't hindi pa ako nakakahanap ng paraan para makatakas dito.

"At 'wag kang makikipaglandian sa iba. Hindi ka pwedeng magpahalik o magpahawak man lang sa kanila. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag sinuway mo ako."

Sino namang magiging kalandian ko sa bahay na 'to? Mga pusa o aso? Alangan ang mga bodyguard niya? 'Wag na! Nakakatakot kaya sila!

Tumango na lang ako. Nanatili akong nakayuko. Walang lakas ng loob na tignan siya sa mata.

Tinalikuran na lang niya ako. Lumakad suya palabas at padabog na isinara ang pinto.

Nang makaalis na siya ng tuluyan sa paningin ko, nanghihina akong napaupo sa kama. Laglag ang balikat. Nararamdaman ko pa ang panginginig ng tuhod ko dahil sa takot sa kanya. Naluha na lang ako doon. One thing is for sure. I'm kidnapped.

Ilang oras pa ang ginugol ko sa pag-iyak bago ko naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Tanghali na ata dahil nakakaramdaman na ako ng gutom. Pinilit kong tumayo. Naligo ako. Nanlalagkit na ako sa katawan ko. Dahil wala akong damit dito, mahabang polo nalang niya ang sinuot ko. Tangin panty lang ang panloob ko dahil iyon lang ang nakita kong maaaring suotin doon.

Lumabas ako at bumaba. Nakita ko na naman ang mga lalaking naka-all black. Kampante silang nakaupo sa mga sofa pero nang makita ako ay agad silabg pumormal at tumayo.

"Lady." Magalang na wika ng isang lalaki. "Pinagmeryenda po kami ni Manang Luna."

I smiled. "Okay lang. Ituloy niyo lang 'yang ginagawa niyo."

"Baka kasi pagalitan kami ni Young man."

"Bakit naman? Hindi naman masamang magpahinga at kumain."

Sumagot ang isa. "Salamat, Lady."

Tinanguan ko sila. "Nagtanghalian na po ba kayo, mga kuya?"

Tumango silang lahat. Nakikita ko ang kabuuan ng mga mukha nilang lahat ngayon. Tinanggal kasi nila ang mga sunglasses na suot. Mukha silang mga normal na mamamayan lang. Ang apat sa kanila ay mababakas ang katandaan sa mukha at ang dalawa ay mga bata pa. Mukhang mas matanda lang sila ng ilang taon sa akin.

"Gan'on po ba? Ako na lang po pala ang kakain na mag-isa." Malungkot kong saad.

Hindi sila sumagot. Wala man lang tumugon sa sinabi ko. Nagkatingin lang sila sa isa't isa. Naguguluhan ko naman silang tinignan.

"Lady, nakahanda na po ang tanghalian niyo. Tumawag po si Young man at ibinilin niya na kumain na kayo."

Pinagmasdan ko ang matandang babaeng nagsalita. Mukha siyang isang mabait na matandang babae. Maamo ang kanyang mukha kahit na nangungulubot na ang ilang parte ng balat niya.

Tumango na lang ako at sumunod na sa kanya papunta ng kusina.

Tahimik akong naghapunan na mag-isa. Pagkatapos, bumalik ulit ako sa living room. Bumalik na naman ang mga bodyguard sa dati nilang pwesto. Napabuntong-hininga ako.

Umakyat na lang ulit ako sa taas at natulog ulit sa kwarto. Mga bandang alas-kuwatro ng hapon na akong nagising ulit. Bumaba ako at nagmeryenda ng mag-isa.

Pagkatapos n'on ay wala na akong gumawa. Umupo ako sa living room at nagbukas ng telebisyon. Walang magandang palabas kaya pinatay ko na lang.

Napabuntong-hinina ulit ako. Miss ko na ang mga kapatid ko. Hinahanap na kaya nila ako ngayon? Nag-aalala na kaya sila para sa akin? Gusto ko silang tawagan pero hindi ko na mahagilap ang sarili kong cellphone kanina.

I eyed the bodyguards. Tahimik sila at nakatayo lang ng tuwid. Ginagampanan na naman nila ang trabaho nila.

Tumayo ako at lumapit sa hagdan kung nasaan ang isang bodyguard. Umupo ako sa hagdan at tinignan ang siya. Ito 'yong lalaking matanda lang sa akin ng ilang taon.

"Kuya, anong pangalan mo?" I asked.

Nilingon niya ako. "Hawk po. May ipapagawa po ba kayo, Lady?"

Umiling ako at nginitian siya. "Wala lang akong makausap." Hindi siya sumagot. "Hawk talaga ang totoo mong pangalan?" Pangungulit ko pa.

"Hindi po. Pero ipinagbawal ni Young man na sabihin namin sa iba ang totoong pangalan namin kapag naka-duty kami."

I nodded. "Ilang taon ka na, Hawk?" Ani ko.

"Twenty-nine, Lady."

I nodded again. "Magkalapit lang pala ang edad natin." I smiled. "Twenty-seven lang ako."

He nodded. Hindi siya nagsalita ulit.

"May asawa ka na?" Umiling siya. "Girlfriend?" Umiling ulit siya. "Talaga? Sa tingin ko, pogi at mabait ka. Bakit wala ka pa ring lovelife?"

Nakita ko ang pagngiti niya dahil sa tanong ko pero hindi siya sumagot.

"Well, kamusta namang boss si Lordan?" I suddenly asked.

Ibinaba niya ng bahagya ang salamin niya para magtama ang mga mata namin. "Masungit. Tsaka istrikto. Bihira lang ngumiti." Bulong niya. "Menopause na nga ata 'yon."

I laughed. Malakas ang tawa ko kaya napatingin sa gawi namin ang ibang bodyguard. Nakita ko ang pagtakas ng isang maganda at malaking ngiti sa mukha ni Hawk. Hinampas ko siya ng pabiro.

"Sumbong kita." I said.

"'Wag, Lady. Baka ipatapon niya ako sa Pluto." Nakatawa niyang sagot.

Lalong lumakas ang tawa ko. Maluha-luha na nga ako kakatawa dahil sa sinabi niya. May pagkakalog din pala ang isang 'to. Parehas kaming tumatawa.

Nasa ganoong sitwasyon kami nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Lordan na seryoso ang mukha. Nang makita niya kaming tumatawa ni Hawk, tumalim ang tingin niya sa akin. Sabay na agad na namatay ang tawa namin ni Hawk. Sumeryoso siya bigla.

Inilang hakbang lang ako ni Lordan. Hinigit niya ang braso ko at hinila ako paakyat sa taas. Marahas.

"Aray." D***g ko. Pero nagmistulan siyang bingi. Hinila niya lang ako.

Padabog niya akong tinulak sa kama. Agad siyang naghubad ng saplot niya. Umusbong ang kaba at takot sa dibdib ko. Nakikita ko ang galit sa mukha niya.

Lumapit siya sa akin. Napaatras ako dahil doon. Nakakatakot siya. Pinunit niya ang damit ko. Pati abf natitira ko g underwear ay pinunit niya.

"Lumabas ka ng ganito ang suot?" Mariing tanong niya.

"S-sorry." Nauutal kong saad.

"At ang kapag din ng mukha mo para makipaglandian sa bodyguard ko. Ganyan ka na ba kalandi, ha?"

Hindi ko siya sinagot. Mas lalo ata siyang nagalit dahil sa pagtahimik ko.

Ipinosisyon niya ang kahabaan niya sa akin. Walang sabi-sabi niyanv ipinasok ito sakin. Masakit. Nasasaktan pa rin ako pero wala siyang pakialam. Marahas niyang inilabas-pasok ang kahabaan niya sa akin. Madiin at mabilis.

"Akin ka lang. Sinabihan na kita, di ba?" Mariin at delikadong aniya.

Lalo niya pang nirahasan ang pagbayo sa akin. Mas naging mabilis ang galaw niya. Mas lalomg dumiin. Hindi ako nakakaramdam ng sarap! Purong sakit ang nanunuot sa sistema ko.

"Aaaaaaah! Lordan, t-tama na." Hiyaw ko sa sakit. Napapikit na lang ako at napaiyak. Hinintay ko na matapos na siya sa paggamit sa akin. Puro d***g ng sakit labg ang lumalabas sa bibig ko.

Pabagsak siyang humiga sa tabi ko pagkatapos. Marahas pa ang bawat paghinga niya. Tinalikuran ko siya at tahimik akong umiyak. Nananalangin na sana makaalis na ako rito.

This guy beside me is a devil. And a life with him is a hell.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status