Share

CHAPTER 15 "A FATHER'S REMINDER"

KATULAD ng napagkasunduan nila, nang gabing iyon, si Vincent ang personal na humingi ng permiso sa kanyang ama para masamahan niya ito sa Simbang Gabi. Pumayag naman doon ang kanyang ama at lihim na ikinatuwa ni Isla ang tungkol doon. Nasa loob na siya ng kanyang kwarto nang pumasok doon ang kanyang ama.

“Papa, bakit gising pa po kayo?” tanong niya habang nanatiling abala sa tinatapos niyang assignment.

Ngumiti lang sa kanya si Artemio at pagkatapos ay inilapag sa ibabaw ng kanyang study table ang isang mug. “Inumin mo ito, anak,” anito sa kanya.

Alam niyang gatas ang laman niyon. “Salamat po, Papa,” aniya habang nakatitig sa mabait na mukha ng kanyang ama. “May kailangan po ba kayo?” dugtong pa niya nang mapunang maliban sa mug ng gatas ay mayroon pang ibang pakay ang kanyang ama.

Noon naupo sa gilid ng kama ang kanya ama. “Gusto kong magsabi ka ng totoo sa akin, Isla,” sagot nitp saka siyang tinitigan ng tuwid sa kanyang mga mata
Jessica Adams

Hello guys! Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Nagkasakit kasi ako. Actually one week palang akong okay, as in super okay talaga. Allergic Rhinitis. Pero since okay narin naman ako at fully-vaccinated na, expect na ninyo ang mas madalas na updates. Sorry kung pinaghintay ko kayo at thank you narin sa paghihintay. Anyway, isa pang magandang balita from me is that, mag-aaral na ulit ako! lol. Bachelor of Arts in Broadcasting ang course ko. Ito kasi ang pinakamalapit sa passion ko which is pagsusulat kaya ito ang kinuha ko. Magiging busy ako sa loob ng susunod na apat na mga taon pero kakayanin iyan. Basta alam ko nandiyan kayo at ang pamilya ko na laging naka-suporta! Ingat kayo lagi! Mwahugstup! :)

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status