Share

Embracing The Change

No matter if we cling to worries about the future, we should move forward. Opening new doors and doing new things.

Kinabukasan pag-gising ko ay agad akong naligo at inihanda na ang bagahe sa may labas. Nakasuot lamang ako ng ordinaryong jeans at plain tee shirt habang naglalakad patungo sa kusina.

Bumungad sa akin sina Klare at Racquel na abalang nagluluto para sa agahan samantalang ang ibang kasambahay naman ang naghahanda nito sa hapag.

Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin si Mama ngunit hindi ko nakita. Paniguradong nasa labas iyon at tinu-tulungan niya ang aking ama sa hardin.

Lumingon sa akin si Klare at saka ngumiti. Alam na nilang aalis ako ngayon. Kagabi nag-usap kami tatlo. Nagpaalam na rin ako sa kanila ng matiwasay.

"Mama?" Tanong ko sa kanya. Kahit alam ko naman ang sagot.

Ngumuso siya,"Hardin." Sagot niya.

Tumango ako sa kanya at ngumiti. Sa unang tingin mo palang kay Klare ay alam mong mabuti at pala-kaibigan siyang tao. Hindi katulad nang kay Racquel na medyo seryoso minsan ngunit napaka-mabait naman.

Magsasalita sana akong muli ng kinausap siya ni Racquel. Tumingkayad ako at umatras. Naglakad na lang ako patungo sa hardin. Mamimiss ko ang lahat. Ang paglalakad ko sa hardin. Ang kulitan namin nila Racquel at Klare. Ang pagsasama ko kay Mama sa gawaing bahay. Marami akong mamimiss dito sa probinsya.

Dumaan ako sa maraming orchids na nakatanim atsaka sumunod naman sa mga rosas. Naalala ko tuloy kahapon si Senyorito. Muntik na niya akong makita na sumisilip sa kanila, dahil sa dalawa. Ang iingay kasi nila. Buti na lamang at nakatago ako agad. Humalakhak ako. Mga bagay na hindi ko makakalimutan dito.

Yesterday is history, it has shown me that everything is illuminated.

Napapikit ako dahil sa sariwang hangin na humahampas sa aking balat. Nararamdaman ko ang taglay ng lamig nito. Ang buhok ko ay malayang hina-hangin na animo'y ililipad ako nito.

Most of the time, we look for our happiness in other people, however, sometimes we need to find the happiness within ourselves. Mas masaya makita ang tunay ng kahulugan nito sa paraan na gustong-gusto mo.

Napa-angat ako ng tingin nang bahagyang makita ko sila Mama at Papa. True love that is given in vain is useless. We don't love the qualities but we must love the people.

Ngumiti ako ng malawak. Nakakapagtaka lang talaga na nagkagustuhan silang dalawa. My father is a typical serious guy and my mother is a shy and lovable lady. Hindi ko alam kung saan sila nagka-tugma. Siguro ay talagang mahal na mahal nila ang isa't isa.

Lumiko ako sa kanang bahagi ng linya nitong daan at nagtago sa may malalaking halaman. Ayaw ko silang abalahin ngayon. Dahil mas gusto ko pa silang pagmasdan. Natutuwa ako sa bawat galaw na ipinapakita nila sa isa't isa.

"What are you doing?" Someone said. Kumunot ang noo ko at napalingon sa likuran.

He was wearing a white top and dark khaki shorts.

"Ha? Wala po." Nahihiyang sambit ko. Kunwari kong inayos ang halaman sa harapan at sumipol.

Seryoso man ang kanyang mukha bagamat may kaunti ring pag-aalinlangan. Siguro ay inaakala niyang baliw ako.

"Done packing your things huh?" He asked again.

Hindi ako umimik. Nahihiya kasi ako.

"It's okay to be shy after all, it's who you are but change can be good." He muttered.

Napasinghap ako at tumango na lamang. Baka kung ano pa ang masabi nito sa akin. He put his right hand on his pocket then he walked away.

Tumingala ako at pinagmasdan ang likod niya. Gwapo, matipuno, matangkad at matalino. Nasa kanya na ang lahat pati na din ang pagiging masungit. Namula ang aking pisngi sa naisip.

Ipinilig ko ang aking ulo. What Venice! You admire his physical appearance, personable attitude, academic performance, and unique talent! Really?

And why whenever he's around, or accidentally crosses paths with you, your heart turns to panic mode? Napahilamos ako ng mukha. Aba ewan ko!

Niyakap ko si Mama habang humihikbi. Hindi ko mapigilan ang maiyak. Binuksan ni Manong Gil ang back seat habang hinihintay ako. Naroon na rin si Senyorito sa loob. Ngayong oras na kami aalis. Ngayong araw ko ng lilisanin ang probinsya. Mabigat sa pakiramdam.

"Mag-iingat ka. Mahal ka namin." Aniya.

Tumango ako at muling humikbi. Ibinigay sa akin ni Papa ang hawak niyang panyo. Kinuha ko pagkatapos ay niyapos siya ng yakap.

"Luna anak..mag-ingat ka." Mahinahon niyang sambit.

Huminga ako ng malilim ang tumingin sa taong nakapaligid sa akin. Nakita ko ang iilang luhang umagos sa mukha ng mga kaibigan ko. Ngumiti ako sa kanila at saka kumaway. Tumango sila sa akin at kumaway rin pabalik.

Lumapit sakin si Manong Gil saka bumulong,"Naiinip na ang Senyorito."

Muli kong niyakap ang mga magulang ko. "Mag-ingat po kayo. Mahal na mahal ko kayo." Wika ko.

Hinaplos ni Mama ang aking pisngi at mahinahon na ngumiti.

"Oo, Luna. Makaka-asa ka." Sambit nito.

Ngumiti ako. Kumalas ako sa kanila ng yakap tapos pinahid ang luha sa pisngi.

Hinalikan ko ang aking mga magulang bago nagpasyang pumasok sa loob ng sasakyan.

I want to be an independent woman who knows what I want and I wasn't afraid to go after it. A woman who could pay her bills and a woman who could run her own life.

Bahagya akong napapikit ng marinig ko ang pagsara ng pinto.

"Let's go!" Kaswal na saad ni Ryker kay Manong.

Kinabig ni Manong ang manibela. Unti-unting umaandar ang sasakyan. Mas lalong bumigat ang aking dinaramdam.

I wiped my tears away. Kinagat ko ang aking labi at tinahan ang sarili.

Napakatahimik ng buong paligid. Sometimes it's best to stay quiet lalo na kapag nalulungkot ka at may dinaramdam. Tumingin ako sa aking gilid. Nakatingala si Senyorito habang nakapikit ang kanyang mga mata.

Naamoy ko ang kanyang gamit na pabango. Napa-singhap ako agad. He looked like a deity, the perfect balance of danger and charm, he was at the same time fascinating and inaccessible, distant.

Hindi ko alam kung nararamdaman niya akong nakatitig sa kanya? But I can't stop myself. Hindi ko kayang pigilan ang sarili upang hindi siya titigan ng mas mabuti.

"Staring is rude!" Maawtoridad niyang sambit, kahit naka-pikit pa rin ito. Napalunok ako ng bahagya at nag-iwas ng tingin.

My hands start to sweat and I am getting nervous. My mouth is becoming dry and I don't know what to say. I don't want anything that is going to come across as too creepy either. Baka pag-kamalan niya akong baliw! It's creepy.

"You don't have a mouth? Say something huh!" Dagdag nito.

Tumikhim ako.

"Pasensya na po." Magalang kong sambit.

Ilang minuto ang lumipas ay hindi siya sumagot. Narinig ko ang mahinang hikbi nito. Siguro'y tuluyan na siyang nakatulog.

Lumingon muli ako sa kanya at saka napangiti. Kahit tulog na siya. Makikita mo pa rin sa kanyang mukha ang pagiging marahas. Ang mga panga nitong perpekto ay nakatiim. Ang kulay rosas at manipis niyang labi ay nakatikom. Ang kanyang pilik-mata na animo'y naging dekorasyon sa kanyang mga talukap.

Ngayon ko lang siya natitigan ng ganitong katagal at kalapit. Napatigil ako sa pagpapantasya sa kanya ng maalala ko ang aking kasintahan na naiwan sa isla.

Malungkot akong napangiti. Hinawakan ko ang ibinigay nitong kwintas na suot ko ngayon.

It's very true that you can be both selfless and selfish at the same time! Hindi lang ako nakapag-paalam sa kanya. Kamusta na kaya siya? Isang buwan na ang nakalipas pero wala parin akong balita kung nasaan sila ng pamilya niya.

Mattias has self-respect and gives respect to all, he focuses on the kind of man he wants to be. He has good humor too and his action is made with care and consideration, that's why I loved him.

Sana nagkaroon ako ng oras para kausapin siya! Para kahit papaano ay nagkaroon kami ng closure.

Tumingala ako na lamang ako at ipinikit ang mga mata. This is my first to go in a city. Medyo kinakabahan ako,natatakot at the same time. Sa iilang newspaper na nababasa ko tungkol sa maynila? It's creepy.

Inaasahan ko na sana'y walang mangyaring masama sa akin. Na sana'y pagdating ko sa maynila ay may magandang kahahantungan ang lahat ng ito.

Bumuntong hinga ako at nakaramdam ng pagod. At the end of the day, true silence is the rest of the mind. I count it certainly. Bumagal ang aking paghinga and now sleep is the most beautiful experience in life, that I want to do.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status