Home / Romance / MAID OF A MILLIONAIRE / CHAPTER 5: HATRED

Share

CHAPTER 5: HATRED

Author: Miss R
last update Last Updated: 2025-09-09 07:07:29

Ngayon ang kaarawan ng KINASUSUKLAMAN kong amo. Hindi ko alam na November 24 pala ang birthday nya. Naghahanda kami ngayon, dito na raw sya magce-celebrate ng kanyang birthday.

Abala sina Lyn na mag-decorate habang si Manang Selma naman ay sa pagluluto, si Vince at ang iba ay nasa kusina rin. Ako? Maggo-grocery.

Kanina pa ako dito pero hindi ko pa rin nakikita ang bibilhin kong Nestle cream. Siksikan rin ang mga tao dito.

Nakaramdam ako ng kaunting hilo ang sakit ng ulo ko. Napahawak ako sa aking ulo nang biglang umikot ng kaunti ang paningin ko.

"Are you ok, Miss?" Napa-lingon ako sa lalakeng nakatingin sa akin.

Teka.

"Ella? Ella is that you?" tanong nito sa akin. Sabi na eh. Sya nga. Si chance Hajj, kababata ko sa probinsya.

***

"Dito ka pala nagtratrabaho!" Hindi makapaniwalang sabi nito. "Ako? Na-assign kasi ako dito ni Papa and 1 month na lang ay uuwi na ulit ako ng Manila," dugtong nito.

"Ang swerte mo noh? Ang yaman mo na ngayon ang ganda na nang buhay mo. Samantalang ako? Eto isang hamak na katulong," sagot ko. Hinawakan nito ang balikat ko, parang pinapagaan nya ang loob ko.

"Dapat nga maging proud ka sa trabaho mo eh dahil kung hindi dahil dito, hindi mo matutulungan sina Tita."

"Hmm, may- point ka naman. Oo nga pala gusto mo ng juice? O kahit ano?" tanong ko pero umiling lang ito. Nakarating na kami sa bahay kanina, hinatid nya ako eh.

Ilang taon na rin ang nakalipas noong huli naming pagkikita. Aminado naman akong na-miss ko rin sya. Noon kasi kasama ko sya lagi noong maliit pa lang kami. Masaya lang ulit ako kasi sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkita ulit kami.

"Ella!" Tawag ni sir. Kunwaring inuubo pa ito. Wrong timing naman si sir, ngayon ko lang naman nakita 'yong dati kung crush tapos e-epal pa sya. Kainis naman.

"Ah sir, si chance pala. Childhood friend ko. Chance, si James boss ko." Nagkamayan pa ang dalawa. Pero parang may something.

"Nice to meet you, Bro."

"It's quite the opposite."

Kumunot naman ang noo ko sa sinagot ni James. "I think you should leave. May trabaho pa sya," sabi ni James na seryuso ang tingin kay Chance. "Yeah. I think so too. Una na ako Ella. See you tomorrow?"

Napangiti ako at tumango. "Sige. Hatid na kita--"

"He can walk," Putol ni James sa sinabi ko kaya sinamaan ko ito ng tingin. "It's fine. Bye."

"Ba-bye!" ani ko at pasimpleng ngumiti. "You like him?" Biglang tanong ng katabi ko. "Eh ano naman ngayon?" Pagtataray ko rito. Tinarayan nya lang ako. "Your taste sucks."

"Luh."

"Don't care. Anyways, samahan mo 'ko mayppupuntahan tayo."

"Saan naman?"

"Basta! Mag-bihis kana para naman magmukha kang tao."

"Iniinsulto mo ba ako sir?"

"Nasa sa'yo 'yan. Faster!"

"Eto na nga!"

***

Wow! Super ganda dito! Nasa isa kaming talon na maraming daisy sa paligid. Ang ganda. Pa'no nya nalaman ang lugar na 'to? Infairness my taste naman pala 'tong taong 'to.

"Wow! Ang ganda!" Manghang saad ko. "I know." ani nya.

"Pa'no mo nalaman ang lugar na'to" tanong ko. "Tinuro sa akin ni Kuya Jo. Na mangha nga ako nang makita ko'to eh," aniya. Namangha ako ng may ngiti na sumilay sa kanyang labi.

"Eh ano bang ginagawa natin dito?" tanong ko. "Come here," utos nya at naglakad papunta sa mga batuhan, sumunod naman ako. Maya-maya ay umupo ito sa sobrang lapad na bato ay may inilabas na sketch book at lapis. Nagulat ako. Ito yata 'yong pinapasunog ng Mommy nya.

"Umupo ka rito," utos nya at itinuro ang inuupuan nyang bato. "Idra-drawing mo ba ako?" tanong ko nang makaupo. "Yes. Now stay still. Don't move your body or you will ruined my sketch."

Sinunod ko ang sinabi nya at mga poses na tinuro nya. "Nangangalay na ako. Matagal pa ba 'yan?" reklamo ko. "Kunti na lang. I said don't move! Ipapaulit ko 'to sa'yo!" Galit na sya kaya tumahimik ako.

"Tapos na ba?"

"Done."

Nakahinga ako nang maluwag at ginalaw-galaw ang katawan ko. Pagkatapos ay lumapit ako sa kanya. Namangha ako sa nakita ko. Sobrang galing nya at kamukhang-kamukha ko 'yong sa drawing nya pati 'yong waterfalls na background kuhang-kuha.

"Ang galing! May talent ka rin pala," komento ko at kinuha ang sketch pad. Binuksan ko ang iba pang page at mas lalong namangha sa mga nakikita kong drawing. "Ang ganda. Bagay sa'yong maging architect," sabi ko. Bigla nitong binawi ang skeet pad sa kamay ko.

"Let's go back," sabi nya. "Ngayon na? Ang bilis naman."

"Magpaiwan ka r'yan kung gusto mo." Ang walang hiya nauna na ngang maglakad paalis. Nagmamadali na lang ako at sumunod sa kanya. Ang dulas dulas ba naman dito tapos maputik pa. Ano ba 'to? Kanina hindi naman madulas 'to ah. Teka nga.

"Sir, tama ba talaga ang dinadaanan natin? Sabihin mo lang kung naliligaw na tayo ha! Para makasigaw ako ng tulong," sarkastiko kong tanong.

"Shut up! Alam ko ang daan. And besides...dito raw ang shortcut."

"Ah, shortcut. Sabi mo eh."

Napakaputik na nang rubber shoes ko. Bakit ba kasi dito kami dumaan eh ang putik dito? May pa shortcut- shortcut pa kasing nalalaman. Kainis.

"Tabi! Aray ko!" Napadaing ako nang madulas. Ang sakit ng pwet ko. Aray naman. Tingnan mo ang puta, tumatawa pa. Pinilit kong makatayo pero nadudulas pa rin ako. Kainis naman oh.

"Hold my hand, Stupid."

"Wow ha? Ako pa talaga 'yong stupid? Kainis."

"Just hold my hand! Faster!"

"Oo na nga oh. Eto na!" Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay nito habang pinipilit ko ang sarili kong makatayo sa madulas na putikan. Pero putik, nadulas rin kaming dalawa. At ang nakakaluka pa dahil na sa itaas ko sya. "Hoy! U-umalis ka nga r'yan!" Nadidiri kong sigaw.

"Hindi nga ako makatayo kasi ang dulas nga eh," Inis nitong sagot.

"Anong ginagawa nyo?" Napa-tingin naman kaming dalawa sa lalaking nakakunot ang kilay ngayon.

"Tulungan mo nga kami kuya Jo! Na stock kami dito!" Agad nya kaming tinulungan. Ang sakit ng likod at pwet ko.

Ang dungis- dungis ko na tuloy. Hayts.

"It's all your fault!" Sigaw nya sa akin. "Anong ako? Nadulas ako dahil dito tayo dumaan sa maputik. May pashortcut-shortcut kapa kasi edi ayan mukha tayong bina-on sa lupa!"

"Huwag na nga kayong magaway! Tara na umuwi na tayo at baka magsuntukan pa kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap eh," ani ni kuya Jo. Mabilis namang sumunod si James sa kanya. Kaka-inis.

***

James POV

"Ok 'yong ginawa mo ah! Ayos! Proud na ako sa'yo! Sana nga hindi ko na kayo tinulungan do'n kanina eh! Hehehe! Nice move! 'yan ang galawang James." Nakanginting napa-iling lamang ako sa kanya. Si kuya Jo talaga oh. Manyak.

"It was just an accident! Walang ibig sabihin 'yon," ani ko. Mahina nyang akong binatukan.

"Accident! Tsk. First move mo na 'yan eh! Umamin ka."

"Eh Hindi ko nga sya gusto! 'Bat mo ba pinipilit?"

"Biro lang naman. Ito naman oh."

"Hay nako, ewan ko sa'yo kuya Jo. Mabuti pa umak.....yat....na....ako." Bigla na lang bumagal ang aking pananalita nang lumabas si Ella. She's wearing her off shoulder white dress together with a pink lipstick. Kelan sya nagpalit ng damit?

"Bibig mo nalag-lag na," biro ni Vince. Kanina pa sya seguro sa tabi ko. Agad kong isinarado ang aking bibig na kanina pa pala nakanganga.

"She looks gorgeous, right?"

Hindi ako nakapagsalita o lingunin manlang sina Lyn, Vince at Kuya Jo.

"Sir! Sir? Sir?" Nabalik ako sa realidad nang may kung sinong tumapik sa akin. "Y-yes? I mean what?" Kunwaring naiinis na tanong ko.

"Bagay ba sir? Wala na kasi akong nakita pang damit sa kwarto ko kaya eto na lang . Bagay ba naman 'di ba?"

"Hindi." Deritsong sambit ko.

"Bakit? Maganda naman ah!" Pilit nito. "You look awful with that dress. Better change it."

"S-sir?" Nanahimik silang lahat sa inasta ko. Gusto ko lang na malaman nila na wala akong gusto kay Ella.

"Change," Utos ko.

"Ang straight forward mo naman. Kung ayaw mo sa suot ko, 'di wag! Mabilis akong kausap!" Inis itong umalis sa harapan ko.

Napangisi ka agad ako nang makita ang nagpipigil na galit ng lalakeng bagong dating. Minabuti kong puntahan ito.

"Hey there, old friend." Bati ko pero hindi nya manlang ako binati pabalik sa halip ay akmang aalis ito nang pigilan ko sya. "Alam mo bang masama ang pumunta ka dito sa bahay na hindi binabati ang birthday boy?" Ngisi ko. Marahas na binawi nya ang kanyang braso na hawak ko. "Happy birthday, Mr. James Lauren," Seryuso nitong sagot habang nakatingin sa akin.

Tumawa naman ako nang kaunti.

"Oh, so you do remember me, huh. It's been so long, Mr. Chance Hajj," ani ko saka sumeryuso. Ilang segundo nitong pinako ang tingin sa akin bago umiwas. "If you'll excuse me, may pupuntahan pa ako."

"I missed those days," aniko dahilan upang mapatigil ito. "Those days na naging talunan ka. Do you still remember nang ilampaso ko ang team mo sa soccer? That's the best memory for me," Dugtong ko pa sabay ngisi. Humarap naman ito sa akin. "Oh, you mean those days na naging ?masaya ka kahit isang beses mo lang namang natalo ang team ko? Yeah it's surely one of the best memory," sagot nya na ikinawala ng ngisi ko.

"Oh, why so quiet?" Pang-iinis nya pa sa akin. Inis na napabuntong hininga ako. "Then, i have to go. Nice meeting you again, old friend," Huli nyang sinabi bago umalis sa harapan ko.

Nakuyom ko ang kama-o sa inis.

"Jerk!"

***

Chance POV

Hindi ko aakalaing sa pagpunta ko dito sa probinsya ay makikita ko ulit si Ella. Ang totoo nyan ay matagal ko na syang gusto magmula pa noong mga bata kami.

"Ella? You mean your first love? That Ella?" tanong sa akin ni Daddy sa telepono. Napangiti ako at tumango kahit na alam kong hindi nya naman ito makikita. "Yes, dad. That girl," ani ko. "Then, what are you waiting for? Ligawan mo!" Udyok nya. Nawala ka agad ang ngiti ko.

"Hey, son are you still there?" tanong ni Daddy ng sandaling manahimik ako. "Yeah. It's just...ewan ko kung kaya ko ba syang ligawan. You know naman na pagdating sa kanya torpe ako 'diba?" Nag-aalala kong amin. Huminga naman ito nang malalim.

"Listen boy, you are the son of Marcus Hajj. Alam kong kaya mo 'yan. Go on, ligawan mo sya. Gawin mo lahat. Habang hindi pa huli ang lahat, Chance. Make me proud." Huli nyang sinabi bago pinatay ang tawag.

Kaya ngayon sa wakas ay naipon ko na lahat ng lakas ko para harapin sya.

"Ella?" Mahinahong tanong ko. Humarap ito sa akin na nagtatanong. Huminga ako nang malalim bago sinambit ang mga katagang dati ko pang gustong sabihin. Kaya ko 'to.

"P-pwede b-ba---aham." Kunwaring napa-ubo ako . Ano ba 'yan nauutal na ako. Ramdam ko na rin na pinagpapawisan na ang mga kamay ko pati rin ako. Kinakabahan talaga ako.

"Ano ba kasi 'yon? May trabaho pa ako," sabi nya. Kainis naman. Bilis na kasi. "K-kasi..ano...pwede ba kitang-- " Pinutol ko muna ang sasabihin ko at agad na tumalikod. Ano ba chance ilang practice muna 'to huwag kangkabahan! Parang baliw na sermon ko sa sarili ko.

"Kitang? Anong kitang?" tanong ulit nya. Humarap ako sa kanya. Kapag naman sa bahay at nagpractice ako nito, hindi ako nauutal pero kapag kaharap ko na sya, hindi ako makapagsalita. "Kitang ligawan?" Deritsong saad ko.

Nakita ko ang expression sa kanyang mukha. Gulat.

"Ha?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Kaylan man hindi ako nagbiiro," ani ko. Hindi ito nakapagsalita na parang umurong na ang dila.

"Ah...eh..kasi--"

"Ok lang naman kung hindi mo masagot ngayon. I won't pressure you. Maghihintay ako sa sagot mo, Ella at kahit ano pa 'yon, matatanggap ko." Tumalikod ako at humakbang palayo sa kanya na nakayuko. Bababa na sana ako ng hagdan nang bigla itong magsalita . "Pwede naman... seguro," sagot nya. Mabilis naman akong lumingon sa kanya. Nakangiti ito sa akin.

"T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Humakbang ako ng isang beses palapit sa kanya. "Sabi ko seguro--"

"That's more than ok. Thank you."

"Luh. OA nito. Ano ba nakain mo--" Hindi ko na ito pinatapos at niyakap na lang sya nang mahigpit.

Sobrang saya ko.

***

James POV

Aakyat na sana ako papauntang Balcony nang makita ko sina Chance at Ella. Aalis na sana ako nang marinig ko ang isang salita na naka-agaw ng atensyon ko kaya huminto ako.

"Ktang ligawan?" Boses ni Chance. Mabilis akong humarap sa dalawa. Natigilan si Ella sa tanong ni Chance Kaya tumalikod na lang si chance pero nakayuko kaya hindi nya ako nakita agad. "Pwede naman...seguro," sagot ni Ella.

"Wow. That's too easy," sarkastiko kong ani sa sarili.

Nakakasuka na ang view dito kaya pasimpleng umubo ako para maagaw ang kanilang atensyon. Hindi naman ako nagkamali. Napatingin silang dalawa sa akin. Tumaas naman ang kilay ko na nakatingin sa kanila.

"S-sir! Nandyan ka pala," ani ni Ella. Obvious ba? Tsk.

"Kanina pa," Taray kong sagot. Hindi na sila nahiya dito pa talaga magyayakapan.

"Ella, pumunta ka dito may ipag-uutos ako," sabi ko. Kaya wala na itong nagawa pa kundi ang sundin ako. Wala naman talaga akong iuutos. Gusto ko lang putulin ang kasiyahan nila.

"Ano ba ang ipag-uutos nyo?" tanong nya nang maka-akyat na ito "Linisin mo 'yong kwarto ko!" Utos ko. "Ano? Kakalinis ko lang no'n ah. Ngayon lang," sagot nito.

"Wala akong pake-alam! Linisin mo ulit!"

"Pero sir---"

"Sinabi ng linisi--"

"Oo na. Eto na! Aalis na nga oh. Huwag ka ng high blood ok? Pesti!" Padabog nitong sinunod ang utos ko. Tsk.

Nang umalis na ito sa harapan ko, mabilis akong bumaba para harapin si Chance.

"You have very low taste. Seriously? That stupid annoying maid? Gusto mo 'yon?" Natatawa kong tanong dito pero wala manlang syang reaksyon. "No one's asking for your opinion," ani nya at alam kong may balak na naman itong umalis kaya mabilis akong humarang sa daanan nya.

"Ano bang kailangan mo sa akin?" Inis nitong tanong. "Actually wala naman, gusto lang kitang galitin nang galitin nang galitin hanggang sa ikaw na mismo ang umalis dito at para hindi ko na makita 'yang pagmumukha mo dito. And this time i will sure i will win."

"No one wants to play with your stupid game anymore, James. Hindi kana bata. Bakit ba isip bata ka pa rin hanggang ngayon? Grow up! And pwede ba kalimutan mo na 'yong nangyari noon--"

"Don't you dare say that!" Sigaw ko. "I hated you for being too perfect sa lahat ng bagay! You always beat me in everything! Sa tingin mo makakalimutan ko 'yon lahat? I can't lose again and again--"

"Then stop trying to compete against me," Putol nya sa sinabi ko.

"What?"

"You know you will never win. Kaya please lang hindi na tayo high school stop and move on already," ani nya saka tinapik ang braso ko at nawala sa paningin ko. Nagtiim ang bagang ko at halos mamula sa galit ang mukha ko.

"Jerk, remember this." Humarap ako sa dinaanan nya. "I will make you feel what i am feeling right now. Matatalo rin kita," Tiim bagang kong bulong sa hangin. Then someone caught my eyes. Bigla akong napangisi.

Kung hindi kita matatalo sa ibang bagay, what if sa babaeng gusto mong makuha na lang? I'm sorry Ms. Balona but you will have a big part for my game.

***

"Ella!" Tawag ko sa kanya. Agad itong lumapit, nakapaa lang ito dahil galing sa bukid. "Bakit sir?" tanong nya. Sandali akong hindi nakasagot. "Don't you think na kailangan mong sundin lahat ng utos ko because i am your boss?" ani ko.

"Malamang! Ano na naman ba ang nakain mo?" Walang gana nitong tanong. "Just answer my question!" Inis kong ani dito. Napaikot naman ito ng mata. "Oo na po, Boss James," Tunog sarkastiko nitong sagot. "Ok na? Aalis na ako--"

Aalis na sana ito nang hawakan ko ang kamay nya dahilan upang tumigil ito. Dahan-dahan itong tumingala mula sa kamay ko na nakakapit sa kanya hanggang sa aking mga mata.

"S-sir?" tanong nya. "Stay away from Chance. That's an order," Utos ko. Bigla na lang nalaglag ang panga nito. Hindi makapaniwalang tumingin ito sa akin na nakakunot ang kilay habang ako ay walang emosyon.

"Ha? Teka bakit? May-masama ba do'n? Wala na man akong nakiki---"

"Hindi mo na gugustuhing ulitin ko pa ang sinabi ko. Inuutusan kita, Ella," Matapang ko itong hinarap habang sya ang hindi pa rin makapaniwala.

"Alam mo ang labo mo! Wala naman syang ginagawang masama. Ang unfair mo!"

"I don't care! Just do it! Are we clea--- ahhhh!" Napahawak ako sa aking ulo nang bigla itong sumakit. Agad nya akong inalalayan papasok ng bahay. Hindi pwede, akala ko nawala na ito bakit ngayon bumalik. Naluluha na ako sa sakit parang mabibiyak ang ulo ko.

"Anong nangyari?" Alalang tanong ni Manang Selma. Agad nya kaming tinulungan at pinasok ako sa aking kwarto.

"Bumalik na naman ito. Sabi ko Kasi sa'yo na magpa opera kana!" Suhistyon ni Manang Selma. Pina-inom nya ako ng gamot upang mabawasan ang sakit ng ulo ko.

"Opera? Bakit ka magpapa-opera?" Alalang tanong ni Ella. Napatingin ako sa kanya. Akmang magsasalita si Manang Selma nang umiling ako.

Nag-buntong hininga na lamang ito at tumayo. "Sige, Ella, ako na ang bahala sa kanya. Mabuti pa at magluto kana para makakain na ang sir mo," Utos ni Manang. Nag-aalangan man ay agad na sinunod nito ang utos.

"Iwan mo muna ako," Utos ko kay Manang Selma. Agad naman nyang sinunod ang utos ko. Bumuntong hininga na lang ako saka humiga ng kama. Ang totoo nyan i have a brain tumor kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit palaging sumasakit ang ulo ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balak magpa-opera. Hindi ako takot sa operation, wala naman kasi akong rason para mag-stay pa sa mundong 'to. Kaya mabuti nang mawala na ako. Pero bago 'yon gusto kong magawa lahat ng gusto ko. Especially my first love. Arts. Pero mukhang mamamatay akong hindi ko magagawa 'yon.

Ayaw na ayaw ni Mommy sa ginagawa ko. She wants me to be an actor like her. Pero ayaw ko. I disobey her kaya she thought i rebelled against her kaya andito ako ngayon sa probinsya.

'Buti na lang at wala pang taning ang buhay ko kaya maswerte pa rin ako. Kaya ngayon na may pagkakataon pa ako. Gusto kong sirain si chance at all cost.

Just wait, jerk. I will make your girl fall in love with me. I wonder how you will feel.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MAID OF A MILLIONAIRE    CHAPTER 5: HATRED

    Ngayon ang kaarawan ng KINASUSUKLAMAN kong amo. Hindi ko alam na November 24 pala ang birthday nya. Naghahanda kami ngayon, dito na raw sya magce-celebrate ng kanyang birthday.Abala sina Lyn na mag-decorate habang si Manang Selma naman ay sa pagluluto, si Vince at ang iba ay nasa kusina rin. Ako? Maggo-grocery.Kanina pa ako dito pero hindi ko pa rin nakikita ang bibilhin kong Nestle cream. Siksikan rin ang mga tao dito.Nakaramdam ako ng kaunting hilo ang sakit ng ulo ko. Napahawak ako sa aking ulo nang biglang umikot ng kaunti ang paningin ko."Are you ok, Miss?" Napa-lingon ako sa lalakeng nakatingin sa akin. Teka. "Ella? Ella is that you?" tanong nito sa akin. Sabi na eh. Sya nga. Si chance Hajj, kababata ko sa probinsya.***"Dito ka pala nagtratrabaho!" Hindi makapaniwalang sabi nito. "Ako? Na-assign kasi ako dito ni Papa and 1 month na lang ay uuwi na ulit ako ng Manila," dugtong nito."Ang swerte mo noh? Ang yaman mo na ngayon ang ganda na nang buhay mo. Samantalang ako? Et

  • MAID OF A MILLIONAIRE    CHAPTER 4: TAKE CARE

    Ella's POVKausap ko sa telephono si Madam, ang Mommy ni James. Nanganga musta lang naman. "Wala ba syang ginawang kung ano r'yan?" tanong nito. Strikta talaga kahit 'yong tono ng pananalita. "Wala naman po, Ma'am," sagot ko. "Good. Seguradohin mong mababantayan mo ang bawat kilos nya. Don't let him do something useless again. And one more thing...do me a favor, Ella, tingnan mo sa lahat ng bags na dala nya if may makita kang drawing book or kahit anong bagay na related sa stupid arts. Burn them for me." Natigilan ako sa iniutos nito. "S-sige po, Madam," sabi ko at ibinaba ko na ang telephono.Bakit pinapasunog nya? Against ba sya do'n? May kinalaman kaya ito sa dahilan kung bakit pinadala sya sa probinsya?Minabuti ko nang bumaba at ka agad na hinanap ang boss ko. "Manang Selma, na saan po si sir James?" tanong ko sa kanya. Tumingin ito sa akin at agad na ibinalik ang atensyon sa kanyang hinihiwa. "Lumabas. Magjo-jogging daw eh." Tumango na lang ako at lumabas ng bahay.***Tumingin

  • MAID OF A MILLIONAIRE    CHAPTER 3: ALTERNATE

    James POV That Ella balona, para syang isang tinik sa lalamunan ko. Pero it's ok hindi naman ako magtatagal dito lalong lalo na ang babaeng 'yon. I will make her leave sooner or later. Ayuko dito pero wala akong choice. Ganito ba talaga ang probinsya? Creepy. Idagdag mo pa ang mga tingin ng mga tao sa akin, ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo?Kahit gumamit ng banyo, natatakot ako. Baka may sumilip na lang bigla sa akin."Hoy! Psst! Hoy!""Bakit po sir?""Samahan mo 'ko!""Saan?""Sa banyo.""Ano? Nahihibang kana ba?" Hindi makapaniwalang tanong nito."Hindi!" Tanging sagot ko."Eh bakit magpapasama ka sa banyo? Takot ka noh?""I am not!" Pagsisinungaling ko. Tiningnan nya pa ako ng taas at baba. "Tara na nga! Sa labas ka lang naman eh!" Pag-pipilit ko. "Oh sya oh sya! Dalian mo ha?" Mabilis ko syang hinila. Nakakatakot kaya dito."Saan kayo pupunta?""Sa banyo magpapasama raw," sagot ni Ella kay Vince, anak ni Manang Selma. "Ah sus. Anong gagawin nyo ro'n?" Nanlaki ang mata ko sa

  • MAID OF A MILLIONAIRE    CHAPTER 2: PROVINCE LIFE

    Ella's POV"Ella, tawagin mo na nga si James sa taas," utos ni Manang Selma. Tumango na lang ako at umakyat na sa kwarto ni James.Binuksan ko ang pinto, walang tao. Binuksan ko ang CR, wala ring tao. Nasaan na 'yon? Hays. "What are you doing here?" Halos mapa-tili ako sa gulat nang mag-salita ito sa likuran ko. "Eh kasi si---my ghad!" Mabilis akong tumalikod sa kanya dahil naka- towel lang ito at walang damit pang-itaas."Get out.""H-ha? K-kasi---""Get out!""Oo nga eto na oh aalis na. Bwesit! Bumaba ka...na." Nanginig ang boses ko ang lumapit ito sa akin. "A-a-ano..." Bakit ba ako nauutal? Nag-taas ito ng kilay. Nagulat naman ako nang nag-taas ito ng isang kamay at mas-lalo pang dumikit sa akin. Kadiri."H-hoy! A-anong gagawin mo?" Nanginginig na ang boses kong tanong. "M-may balak kang masama noh?" Dugtong ko. Napa-iling lang ito at tumingala. Ano naman ang tintingnan nya sa taas?"Hindi ka paba aalis dyan? Hindi ko makuha 'yong rubber shoes ko sa taas ng cabinet oh," reklamo nya

  • MAID OF A MILLIONAIRE    CHAPTER 1: MAID OF A MILLIONAIRE

    Ella's POV "Ma'am! Ma'am gising po." Nagising ako sa yug-yug nang kung sino. Minulat ko ang mga ata ko at tumambad sa akin ang mukha ni manong driver."Nandito na po ba tayo?" tanong ko at nag-kusot ng mata. "Hindi pa po. Na siraan po tayo kaya bumaba po muna kayo" wika nito. Ah gano'n?Tumango na lang ako at binitbit ang gamit ko at bumaba na ng Bus.Marami palang tao na nag-hihintay dito katulad ko. Naiinip na ako dalawang oras na hindi pa rin natatapos 'yan? Hayst.Bigla na lang naka-ramdam ako na parang may puputok na talaga parang tawag ng kalikasan yata ito. Dali-dali akong tumakbo sa talahiban at doon inalabas ang ginto ko. Solve! Tumayo na ako . Nagulat ako ng sumulpot ang isang lalake sa kabilang side ng talahiban. Sinilipan nya ba ako? Gago 'to ah!"Hoy!" Bulyaw ko."Yes?" tanong pa nito. Aba't may pa- english-english pa ah. "Bastos ka ah! Sinilipan mo 'ko!" sambit ko na may hawak pang stik na panghampas ko sa kanya."I'm sorry? What?" Inosenteng tanong nito. Hindi talag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status