Share

Kabanata 1

Auteur: Iamblitzz
last update Dernière mise à jour: 2021-08-28 14:36:37

"GOOD morning, Kuya!"

Nilingon ni Thorin ang nakakabatang kapatid habang masigla itong naglalakad papalapit sa kan'ya, pagkatapos ay humalik sa kanyang pisngi. "Good morning, Thyon," ganting-bati niya rito. "Maupo ka na, sabay na tayong mag-agahan."

Agad namang tumalima ang dalaga at saka naupo sa katabing silya niya. "Pupunta ka sa hacienda, Kuya?" tanong nito habang nagtutusok ng sausage na nakahain sa malaki at pahabang mesa.

Marahan naman siyang tumango sa kapatid habang naglalagay ng sariling pagkain sa plato. "Oo. Bibisitahin ko lang ang pag-aani ng kape. At saka gusto kong kumustahin ang mga farmer sa labas ng hacienda. Ang sabi kasi ni Tata Pedring, humihingi sa atin ng tulong ang mga magsasaka roon. Natutuyot daw kasi ang palayan dahil kinakapos sila ng mapagkukunan ng tubig," aniya sa kapatid habang pinong nginunguya ang pagkain sa bibig.

"I see," tumatango-tango namang sagot ni Tyhon sa kanyang kuya. "E, Kuya, bakit ba mas gusto mo rito sa hacienda?" usisa pa nito. Pinukol naman ni Thorin ng nagtatanong na tingin ang nakababatang kapatid. "I mean, you're a lawyer. Bakit hindi mo i-manage ang law firm mo sa Manila? Besides, it's getting bigger at mas nakikilala na sa bansa," dagdag pa ni Thyon sa kan'ya habang panay ang pagnguya nito.

Humigop muna ng barakong kape si Thorin, na galing pa mismo sa taniman ng hacienda bago sumagot rito. "Alam mo namang sa atin lang ipinagkatiwala ni Mama at Papa ang pamamahala ng hacienda. At dahil ayaw mong tumulong na mag-manage, ay ako na lang ang gumagawa mag-isa. Besides, alam mong hindi ko kayang pabayaan ang mga tao rito."

Umismid naman si Thyon sa kanyang Kuya Thorin. Ang totoo ay alam na niya iyon. Pero naghihinayang lang kasi siya para sa kanyang Kuya. Nakapagtapos nga ito ng may degree pero hindi naman nito iyon nagagamit dahil mas pinili nitong mamuhay sa probinsya, at i-manage ang hacienda na pamana pa ng mga ninuno nila sa kanilang parents.

"E, kailan ka ba mag-aasawa, kuya? Look, malapit ka nang mawala sa kalendaryo pero ni girlfriend ay wala ka," sikmat pa ni Thyon sa kanyang kuya. Si Thorin naman ay napapailing na lang sa katabilan ng kapatid.

"Twenty-nine pa lang naman ako, ano? At saka anong magagawa ko? Wala akong makitang magugustuhan," katwiran naman niya rito. Totoo naman iyon. Hindi pa kasi niya nakikita ang babaeng sa tingin niya ay wife material.

Tinaasan naman siya ng kilay nito. "Ano ba kasing type mo sa babae? E, hindi ba, maraming babae sa kabilang bayan ang may gusto sa'yo? At mga heredera rin gaya mo. Wala ka bang type sa kanila, Kuya Thorin?"

Sunod-sunod naman ang naging pag-iling ni Thorin sa kapatid. "Wala e. Hindi ko kasi makita sa kanila 'yong pagiging wife material," aniya sabay higop muli ng kape.

"Anong characteristics ba ng babae ang wife material para sa'yo, Kuya?" usisa pa nito.

Ngumiti naman si Thorin sa kapatid. Bigla kasi niyang naisip ang kanilang yumaong ina. "Just like our mom," turan niya. "Iyong mabait, malambing, maasikaso at higit sa lahat ay may takot sa Diyos."

Pumalatak naman si Thyon at saka pinukol siya ng namamanghang tingin. "Kuya, nasa modern era na tayo. Wala ng babae ang gaya ng sinasabi mo!" kunot-noo pa siya nitong tiningan habang panay ang subo ng pagkain, "at saka hindi na 'yon uso ngayon. Ang importante, mahal ka niya, mahal mo siya, okay na 'yon."

"Pero wala pa naman akong nakikitang mamahalin, Thyon," katwiran pa niya rito. Sa kabilang banda, ikinatutuwa rin niyang ganoon sila mag-usap ng kapatid. Very comfortable sa isa't isa kahit pa nga sampong taon ang agwat niya rito. Labing-siyang pa lamang kasi ito.

"E, pa'no? Puro hacienda ang inaatupag mo. O baka naman. . ." Pinukol siya ng makahulugan na tingin ng kapatid pagkasbi niyon.

"What?" maang namang tanong n'ya rito.

"Baka naman mahal mo pa si Ate Kelly na niloko ka at pinagpalit pa sa iba?" anang Thyon na pinukol pa siya ng nang-uusig na tingin.

Hindi naman agad nakasagot si Thorin. Dahil alam niya sa kanyang sarili na totoo ang sinasabi ng kanyang kapatid. Paano nga ba kita malilimutan, Kelly? Kung hanggang ngayon ay mahal pa rin kita? pipi niyang tanong sa sarili.

Si Kelly ay ang kababata niya at first girlfriend. Umabot ng dalawang taon ang kanilang relasyon kung kaya't naisipan na nilang mag-settle down. Besides, masaya naman sila at mahal nila ang isa't isa. Botong-boto rin naman ang mga magulang niya sa kanyang kasintahan. Ngunit sa araw ng kanilang kasal ay hindi ito sumipot, at nalaman na lang niyang sumama ito sa ibang lalaki. Sobrang sakit at kalungkutan ang dinanas niya dahil doon kaya naman kahit may tatlong taon na ang nakararaan, aaminin niyang hindi pa rin nabubura ang sakit at pagmamahal niya sa dating kasintahan.

"Ehem! Sabi na e," pukaw ni Thyon sa kan'ya. Para naman siyang natauhan nang marinig ang boses ng kapatid.

"Tama na nga 'yan. Tapusin mo na ang agahan mo," aniyang sinabayan ng pagtayo. "Anyway, mauna na ako. Kailangan ay maaga akong makarating sa kapihan," paalam pa ni Thorin sa nakababatang kapatid pagkatapos ay lumapit dito at ginawaran ng halik sa pisngi.

"Take care, Kuya Thorin!" pahabol naman ni Thyon sa kanyang kuya.

"I will!"

Nang maiwan si Thyon sa hapag ay napabuntong-hininga na lang siya. Alam niyang hanggang ngayon, hindi pa rin nakaka-move on ang Kuya Thorin niya sa ex-girlfriend nitong si Kelly. She doesn't deserved Kuya! galit na turan niya sa isipan kasabay ng pagkuyom ng mga kamao.

• • •

Hindi na mabilang ni Malaya kung ilang beses na siyang sumakay at bumaba ng jeep at traysikel. Ang alam lamang niya ay malayo na ang kanyang nararating. Malayo na siya sa kanyang pamilyang iniwan. Inabot na siya ng dalawang araw sa kalye nang walang tiyak na patutunguhan. Kapag napapagod ay pansamantala siyang tumitigil. Kapag gabi naman ay tumitigil siya sa bangketang nadadaanan at doon natutulog, katabi ang mga katulad niyang walang masisilungan.

Ang kamoteng baon niya ay naubos na kagabi pa, kung kaya't tanging tubig lamang na hinihingi niya sa mga karinderyang nadadaanan ang tanging inilalapat niya sa tiyan. Naubos na rin kasi ang kaunting pera na dala niya dahil ipinambayad na niya sa kanyang pamasahe.

Ngayon nga ay nasa Sto. Cristo na si Malaya, ayon na rin sa matandang babae na napagtanungan niya. Isa iyong malayong probinsya sa Cebu kung saan siya nagpunta. Nilakad ni Malaya ang maalikabok na kalupaan ng Sto. Cristo. At dahil nga magtatanghaling tapat na iyon ay tumatalab na sa kayumanggi niyang balat at hapdi dulot ng sinag ng araw.

Nanunuyo na rin ang kanyang labi dahil sa pagkauhaw. Paano'y ang karinderyang nadaanan niya kanina bago siya pumasok sa Sto. Cristo ay siya na yatang huling kainan sa lugar na iyon, dahilan upang maubos na ang tubig na hiningi niya roon.

May tatlong oras nang naglalaad si Malaya kung kaya't ramdam na niya ang pananakit ng talampakan. Maging ang kumakalam na tiyan ay panay na rin ang atungal. Noong isang gabi pa kasi ang huling kain ng dalaga.

Sa kanyang paglalakad ay unti-unti nang nakararamdam ng panghihina ang dalaga. Ang nakapapasong init na nagmumula sa katirikan ng araw ay nakadagdag rin sa hilo na kanyang nararamdaman. Subalit hindi huminto sa paglalakad si Malaya. Nagbabakasakali kasi ang dalaga na may masusumpungan masisilungan. Pawang maalikabok ma lupa lamang kasi ang dinaraanan niya at pilapil.

Hindi ko na yata kaya, anang Malaya sa sarili habang panay ang lakad sa gitna ng katirikan ng araw. Lubos na rin siyang naghihina. Wala na siyang lakas at nangangatog na rin ang kanyang tuhod habang dahan-dahan na lamang ang paglalakad. Ramdam na ni Malaya na ano mang sandali ay titimbuwang na siya sa nilalakaran. Pero kahit ganoon, umaasa pa rin siyang may makita siya o kaya ay makasalubong na maaaring magbigay ng tulong.

Hanggang sa tuluyan nang nabuwal si Malaya sa labis na panghihina ng katawan. Alam niyang hindi na niya kaya pang maglakad pa, at marahil baka doon na rin siya mamatay. Sa katirikan ng araw ay hinayaan na ni Malaya ang sarili sa gitna ng daan. Tutal ay mukha walang kahit sino man ang nagdaraan doon.

Subalit mayamaya lamang, nakarinig siya ng mga yabag na nagmumula sa kung saan. Kahit bahagyang nanlalabo ang mga mata dahil sa sinag ng araw, ay pilit inaaninag ni Malaya kung saan iyon nanggagaling. At gayon na lamang ang saya niya ng makitang papalapit ang isang lalaking sakay ng itim na kabayo papalapit sa kinaroroonan niya. Salamat sa Diyos! pipi niyang usal saka muling ipinikit ang mga mata.

Ngunit bago siya tuluyang igupo ng matinding pagod at sakit ng katawan, naramdaman ni Malaya na may matigas na bisig ang humapit sa kanyang baywang.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • MALAYA (A Tagalog Story)   EPILOGO

    NAKATANAW si Malaya sa veranda ng hacienda Aragoncillo at pinagmamasdan ang kulay kahel na kalangitan. Para sa kan'ya, napakagandang pagmasdan ang papalubog na araw sa kanluran. Kung dala lang niya ang kanyang camera, siguro ay kinuhanan na niya iyon ng litrato."Mukhang ang lalim ng iniisip mo, huh? Nahihirapan ka na ba sa law school?"Mula sa kalangitan na unti-unting nagiging kulay dugo ay ibinaling ni Malaya ang paningin sa lalaking nagsalita sa kanyang likuran. "Kuya..."Malapad ang pagkakangiti ng kanyang Kuya August habang nakatingin din sa kalangitan na noon ay unti-unti nang kinakain ng dilim. "Iniisip mo naman siya, 'no?" usisa pa nito. "Sunday bukas, 'di ba? If you want pagkasimba natin, dumalaw tayo sa cemetery, " suhestiyon pa nito.Napangiti naman ang dalaga matapos marinig iyon sa nakatatandang kapatid. "Sige, Kuya. Naging busy din kasi ako this past week ka

  • MALAYA (A Tagalog Story)   FINALE

    "Malaya..."Hindi malaman ni Malaya kung bakit awtomatikong napamulat siya ng kanyang mga mata nang marinig ang malamyos na tinig ni Thorin. Halos katutulog pa lang niya noon dahil mula ng dumating siya sa mansyon kagabi ay katakot-takot na kwento ang pinagsaluhan nila ni Thyon. Hindi tuloy niya napuntahan si Thorin sa silid nito.Bumalikwas ng bangon si Malaya upang hanapin ang pinanggalingan ng boses. At gayon na lang ang pagpatak ng kanyang mga luha nang makitang nakatayo sa may hamba ng pinto ng kanyang silid si Thorin.Sa loob ng isang taon, ni hindi nawala sa isip at puso niya ang lalaking kauna-unahan niyang minahal. Walang araw at gabing hindi niya ito naiisip. Kaya ngayong nasa harapan na niya ito ay walang pagsidlan ang sayang kanyang nararamdaman.Akala niya noong una, tuluyan na siyang kinamuhian ni Thorin dahil sa pag-amin niya sa kanyang tuna

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 25

    AFTER one year, sa tulong ni Thorin ay nabigyan ng gobyerno ng amnesty ang grupo ni Ka Andres at kasalukuyan na itong namumuhay bilang mga ordinaryong mamamayan.Hindi pa roon natatapos ang pagtulong ni Thorin sa ama-amahan ng nobya at sa grupo nito, dahil kinuha niyang manggagawa sa hacienda ang mga ito at binigyan ng matitirhan sa hacienda. Sinikap niya at ni Don Ysmael na tulungan ang mga ito upang tuluyang magbagong buhay.Samantalang ang mga tulisan naman na pumatay sa kanyang mga magulang at dumukot noon kay Malaya ay nalitis at nahatulan na ng reclusion perpetua o lifetime imprisonment at kasalukuyan ay nakapiit na sa New Bilibid Prison. Si Nicolai ang tumayong abogado at nagpakulong sa mga ito.Naging maayos ang buhay ng iba sa nakalipas na isang taon, pero hindi kay Thorin. Lumipas na kasi ang isang taon ay hind

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 24

    "KUNG gan'on, ikaw ang nakapulot at nagpalaki sa aking anak?!" bulalas ni Don Ysmael pagkatapos aminin ni Ka Andres na siya ang tumayong ama-amahan sa dalaga."Oo ako nga, Don Ysmael. Noong panahon na nagtatago kami sa mga sundalo, nakasagupa namin ang mga tulisan. May bihag silang sanggol at talagang kaawa-awa ang kalagayan nito," salaysay ni Ka Andres."No'ng una, nakipagkasundo kami sa mga tulisan na kami ang magpapalaki sa sanggol, pero ang nais nila ay gawing itong hostage para makakuha ng ransom. Nahabag ako sa kalagayan noon ng sanggol kaya naman nagpumilit akong kunin ang bata, na nagsiklab ng engkwentro sa pagitan namin at mga tulisan. Subalit sa awa ng Diyos, nasagip namin ang sanggol na babae at pinangalangan naming Malaya..."Sa labis na emosyon ay humagulhol si Don Ysmael at saka niyakap si Ka Andres. "Maraming salamat sa iyo! Kung hindi dahil sa iyo, malamang

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 23

    "PAANO ninyong naging anak si Malaya, Don Ysmael? Ang sabi niya sa akin, isa siyang NPA?"Malamlam ang mga mata ng Don nang balingan si Thorin. Kasalukuyang sakay sila ng kanyang sasakyan at patungo sa San Rafael. Ayon kay Major Cortez, may ilang grupo ng NPA ang nagtatago sa kabundukang doon. Nagbabaka-sakali silang baka bumalik si Malaya sa mga itinuturing nitong magulang.Sumama si Thorin kay Don Ysmael at sa mga sundalo para hanapin si Malaya. Aaminin niyang hinusgahan niya si Malaya no'ng una, pero sa tingin niya, normal lang iyon sa gaya niyang nawalan ng magulang. Nagulat siya noong una at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga natuklasan.Sa ilang araw niyang pagkukulong sa kanyang kwarto, nagnilay-nilay siya tungkol sa mga naganap sa pagitan nila ng dalaga. At aaminin niyang sa kabila ng lahat, mahal na mahal pa rin niya ito. Para nga siyang mababal

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 22

    Katatapos lang mag-agahan ni Thorin at kasalukuyan siyang nagpapahangin sa veranda nang lapitan siya ni Nana Delia."Señorito, may bisita ka.""Sino, Nana Delia?" clueless na tanong niya sa matandang katiwala. Wala naman siyang inaasahang bisita ng araw na iyon."Si Don Ysmael Aragoncillo, hijo," anang Nana Delia na ikinakunot ng kanyang noo. Wala silang usapang ng Don na bibisita ito sa kan'ya."Ano raw ang kailangan, Nana Delia?" tanong niya sa matanda.Umiling naman ang kaharap. "Hindi ko alam, Señorito. Basta ang sabi'y nais ka niyang makausap."Tumango-tango na lang si Thorin sa katiwala. "Sige, Nana Delia, pakisabing pababa na ako. Pakihatiran n'yo na lang siya ng meryenda," aniya saka tumalikod na at iniwan ang matanda.Mabilis na tinungo ni Thorin ang silid sa ika-apat na palapag ng mansyon para magpa

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status