thank you po sa inyong lahat 🙏💚🍀 like and comment lang po kayo...
VERONICA Dahil check-up ko ngayon, maaga akong umalis ng bahay. Gusto man akong samahan ni Hugo, hindi ko na siya pinasama dahil mabilis lang naman ang check-up ko. Kailangan din niya sa café ngayon dahil day-off ng isa sa mga workers namin. Apat lang naman sila, pero kailangan pa rin siya doon kasi medyo malaki rin ang café namin. While I was on my way to the hospital, I felt something strange—simula pa lang nung lumabas ako ng gate. Kahit nasa loob na ako ng kotse, ramdam ko pa rin na parang may nakamasid sa akin. Hindi ko alam kung ilusyon ko lang ba 'yon, o nagiging paranoid na naman ako. Pero kung meron man... who would it be? Hindi naman kalayuan ang hospital kaya mabilis lang akong nakarating. Pagpasok ko pa lang ay agad akong sinalubong ng OB-GYNE ko. Maganda dito dahil napaka-hands-on ng mga doctor at nurses. They're polite and they treat their patients gently. “Mrs. Mercedez, look at this healthy little Berry. She’s very healthy,” my OB said while looking at the
VERONICA Lumipas na ang apat na buwan ng pananatili namin ni Hugo dito sa London. Bumili pa nga siya ng bahay namin dito, malapit sa mansyon ng mga Esteban. As months went by, lalo na ring lumaki ang tiyan ko. Pero hindi ko pa ito ipinapakita sa publiko, dahil nagsusuot ako ng maluluwag na damit para hindi mahalata. So far, okay naman ang katawan ko—hindi naman ako tumataba. Pero sabi ni Mommy, normal lang daw 'yon dahil gano'n din daw siya noong ipinagbubuntis niya kaming magkakapatid. Cravings ko naman, pabago-bago. Minsan nga, ayaw ko pang paalisin si Hugo para magtrabaho. While we’re here in London, nagpa-part-time siya sa isang café na bagong bukas. At alam niyo ba kung sino ang owner? Syempre, ako! Sini-swelduhan ko rin siya no. Ang puhunan ay galing sa kanya pero ako ang owner at siya ang part-timer. Ang cute namin diba? Ayaw niya kasi akong nahihirapan at mahirap rin ang ginagawa namin sa cafe. Hands-on si Hugo pagdating sa akin—lahat ay nakahanda na. Sabi pa nga niya
THIRD PERSON POV Malalakas na ungol ang maririnig sa kwarto nina Hugo at Veronica. Sunod-sunod ang ungol na lumalabas sa bibig ni Veronica habang walang tigil si Hugo sa kanyang ginagawa. Matagal-tagal na rin mula noong huli silang nagtalik, kaya parehong-pareho silang nadala sa init ng kanilang katawan. Na para bang hinahanap-hanap nila ang init ng bawat isa. Patuloy pa rin si Hugo sa kanyang ginagawa kahit na nilabasan na si Veronica. Ilang sandali pa, tumayo siya sa harap ng asawa habang hawak-hawak ang kanyang pagkalalaki. Napakagat-labi naman si Veronica habang nakatitig sa asawa, na taas-baba ang kamay habang hawak ang pagkalalaki nito. “It’s so hard,” sa isip ni Veronica.Hindi niya namalayan na nasa harapan na pala siya ng kanyang asawa at hawak-hawak na ang pagkalalaki nito. Napalunok siya habang tinititigan ang maputing kargada ng lalaki.“Ahhh... B-babe,” usal ni Hugo, impit na napaungol sa ginawa ng asawa.“B-babe, your mouth is so hot,” kagat-labing sambit niya. Ag
VERONICA Mas lalong kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Napatitig ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Anong pero?" tanong ko, bahagyang mataas ang boses. Napakamot si Hugo sa batok at halatang nagdadalawang-isip kung sasabihin ba o hindi. “Ano nga? Bakit ayaw mong sabihin agad? May tinatago ka ba, ha? Ano? Nagkabalikan na ba kayong dalawa?” umiiyak kong sabi. Ang bigat sa dibdib ko. Sunod-sunod na nagsilabasan ang mga luha ko. Nakakagalit siya—ayaw pang sabihin agad. “Babe, please, calm down. Wala kami. Walang nangyari, okay? Ayaw ko na sanang sabihin kasi baka lalo ka lang magalit. Ayaw kong magalit ka lalo na’t buntis ka, pero ayaw ko rin namang magsinungaling,” mahina niyang sabi habang hinila ako palapit sa kanya. So, nagsinungaling nga siya? “Tell me. Kung ano man ’yan, I’m willing to listen. Just please, ayoko ng ganito—na nagkakataguan tayo ng mga sikreto,” mahina at kalmado kong sabi. I prepared myself para sa kahit anong sasabihin ni Hugo.
VERONICA Natigilan ako sa pagkain nang marinig ko ang sinabi ni Mommy Agnes. Napatingin ako kay Hugo na napahinto rin sa pagkain. Hindi ko alam, pero parang biglang kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang pangalan ng babaeng 'yon. "Let's not talk about her, Mom. She's not important at all," sagot ni Hugo. Kunot-noo ko siyang tiningnan, pero mukhang wala lang sa kanya. "Nalaman ko lang kasi, sinabi ni Aaron. Anyway, kain na muna tayo. Mamaya, aalis kami ng Daddy mo—babisitahin namin si Pursha," sabi na lang ni Mommy Agnes. Hindi ko alam, pero hindi ko nagugustuhan ang narinig ko. Bakit parang umiiwas siya sa usapan? Bakit andun si Venice sa apartment niya? Nawalan na ako ng ganang kumain, pero nanatili pa rin ako sa mesa. I’ll just wait for them to leave. Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano. "Anak, aalis rin kami mamaya ng Daddy mo. May pupuntahan lang kami, at bukas ng umaga ay maaga rin ang flight namin. Wala ka bang balak na bumalik muna sa Pilipinas?" tanong ni Mommy.
"Anak? Kanina ka pa ba diyan? Sobrang ingay na ba namin?" sunod-sunod na tanong ni Mommy. Nilapitan niya ako at niyakap nang sobrang higpit. Na-miss ko sila. Mahigpit ko namang niyakap si Mommy. Si Mommy Agnes naman ay nakangiti lang sa amin habang nasa likuran. Nang humiwalay si Mommy Yvette, si Mommy Agnes naman ang niyakap ko. "Sorry for the intrusion. Masyado ata kaming maingay. Sorry, iha, nadistorbo ata namin ang tulog mo," sabi ni Mommy Agnes habang marahang hinaplos ang likod ko. "Okay lang po. Akala ko nga panaginip lang e, kasi sobra ko rin po kayong na-miss. Totoo pala ang narinig ko—akala ko nagha-hallucinate lang ako." "Kanina pa kami dito. Sabay kaming pumunta rito para dalawin kayo ni Hugo. Mabuti na lang talaga at nagkalat ang mga litrato ninyo sa social media," nakangiting sabi ni Mommy Agnes, proud na proud pa na nagkalat ang mga litrato namin anak niya. Panigurado talaga na magkakalat na naman dahil sa mga paparazzi na sunod nang sunod kay Hugo. And I am n