My hands are shaking and my breathing is so heavy that my chest hurts. Ngayon ko lang 'to naramdaman mula nang magising ako matapos ang aksidenteng ginawa ni Venice nung nasa London pa kami. Kinakabahan ako at lalo pang sumasakit ang ulo ko. Nawala naman kanina nung umalis ako, pero bumalik rin ang sakit ng ulo ko. I hope dumating na sila to rescue us. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama at madamay ang anak ko. I can't take it. "Help us!" mahinang usal ko kahit wala namang nakakarinig. "HELLLLOOOO..." Muntik na akong mapasigaw nang may magsalitang boses ng lalaki sa labas ng pintuan ng CR. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. He tried to open the door, pero naka-block ito. "Open the door, please!" Gentle ang boses ng lalaki, but it's creepy. "Veronica, baby. Open the door, please." The sound of his voice was like begging. Hindi ko alam pero parang pamilyar ang boses ng lalaki. Hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay at tinakpan ko ang kabilang tain
VERONICA Pagkagising ni Hugo, umuwi na kami agad. Ayaw na niya kasing magtagal sa ospital dahil kailangan pa niyang maghanda para sa launching. Nagulat nga siya nang magising na nasa ospital na siya at ako pa ang tumulong sa kanya. I also told him about Adela and that I wanted to report it to the police, but he refused. I am concerned, however, iniisip ko na lang na baka ayaw muna niyang isipin ’yon at baka makasira sa launching. Kinabukasan, maaga siyang umalis para magtungo sa kumpanya. I’m just worried about him, but he seems distant. O baka masyado lang akong nag-iisip tungkol sa kanya kaya ganito na lang ang nararamdaman ko. I hate it when I feel something unusual—iyong mga unfamiliar feeling na para bang bigla ka na lang natatakot kahit wala namang dahilan. “Good morning,” bati sa akin ni Lizzy. She’s my secretary. I don’t remember her at first, but she introduced herself to me. At ngayon ay girlfriend na pala siya ni Kuya Vincent. Kwenento rin ni Lizzy sa akin kung paano
Sa kabilang banda, galit na dumating ang ama ni Adela at walang pagdalawang-isip na sinampal siya sa pisngi. Labis ang gulat sa mga mata ni Adela nang sampalin siya ng kanyang ama sa unang pagkakataon. “D-Dad, how could you slap me?” hindi makapaniwalang sambit ni Adela habang hawak ang kanyang pisngi. “You are an embarrassment to this family. Wala kang ibang ginawa kundi maging kahihiyan sa pamilyang ’to. Kailan ka ba magtitino, ha? Kailan?” sigaw ni Mr. Tan habang pinagtatapon ang mga bagay na nakikita niya. “I didn’t do anything! Ano ba ang pinagsasabi mo, Dad? May sinabi ba sa’yo si Veronica, ha? Is it her who sent you something? That bitch…” nanggigigil na wika ni Adela. “Veronica? Who? Wala akong kilalang Veronica, kaya manahimik ka. I already booked a flight to Canada—bumalik ka na roon,” mariing sabi ni Mr. Tan na ikinagulat ni Adela. “No! I am not going back, Dad!” pagmamatigas nito. "You're going back to Canada, whether you like it or not! Save some face, Adela!"
Anger could be seen on Adela’s face, however, Veronica didn’t even show any fear and remained calm. Galit na galit pa rin si Adela na sumisigaw kay Veronica, halos mawalan na siya ng boses sa kasisigaw. Pero walang pakialam si Veronica at hinayaan lang siyang magwala at magsisigaw. She really thought that Veronica had sent something to her dad, but it was just fake. Veronica only pretended to have sent something to Mr. Tan. Galit na tumayo si Adela at aatakihin sana si Veronica, pero mabilis ang mga kamay ni Veronica at nasampal niya si Adela sa pisngi. Nanlilisik ang mga mata ni Adela habang tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang luha. “Alam mo, Adela, sinasayang mo lang ang kagandahan mo. Gamitin mo ang utak mo, hindi ang puso,” panimula ni Veronica. "Ginamit ko nga kagandahan ko, wala naman epekto!" sarkastikong wika ni Adela. Bahagya namang natawa si Veronica. "Hindi ko na problema 'yon. Gumagana lang 'yan sa mga lalaking walang respeto sa kanilang mga asawa, at sa
VERONICA pushed the door aggressively. Thankfully, it wasn’t even locked, so she was able to open it right away. Adela had been complacent, thinking nobody would come into her room. Pagpasok ni Veronica sa kwarto, bumungad sa kanya ang gulat na mukha ni Adela, na ngayon ay nakapatong sa hubad na katawan ni Hugo—tanging boxer na lang ang suot nito. Walang salita ang lumabas sa bibig ni Veronica at agad na nilapitan si Adela. At marahas na hinila ang buhok nito pababa ng kama. “You b*tch. Unang tingin ko pa lang sa'yo ay wala na agad akong tiwala. Hindi ko na agad nagustuhan ang presensya mo,” galit na salita ni Veronica habang hila-hila pa rin ang buhok ni Adela. Malakas naman ang sigaw ni Adela, pilit na sinusubukan na makawala kay Veronica. Marahas naman na binitawan ni Veronica si Adela at itinulak sa sofa. Galit ang mga titig ni Adela. Gusto man niyang magsalita, wala ring lumabas sa bibig niya. Veronica seemed calm, but deep inside, she wanted to hurt her badly—ngunit hin
Sinamahan ni Adela si Hugo sa itaas kung nasaan daw ang kanyang ama, ngunit nagulat siya nang wala naman ito sa kwarto. "What's this? Are you tricking me?" galit na usal ni Hugo habang nakatitig kay Adela. Imbes na matakot si Adela sa galit na mukha ni Hugo, ngumiti lang siya. Lumapit siya kay Hugo at bigla itong itinulak sa kama. "You still have strength, ha? Hindi pa ba umepekto ang gamot sa katawan mo?" she said, laughing evilly. "What are you talking about? Tsk!" Hugo said, trying to stand up, pero nanghina ang kanyang katawan at halos wala na siyang lakas. He couldn't even lift his fingers, and that’s when he realized he had been dr*gged. He had no strength at all, pero buhay na buhay pa rin ang kanyang diwa. "Kaya pala nagdadalawang-isip akong tanggapin ang wine na binigay mo sa akin kanina. There was a hint, but I ignored it," usal ni Hugo na bahagya pang natawa. "I have no choice, Hugo. Ang hirap mo kasing mahagilap e. You always avoid me. You treat me like a s