thank you for reading po. 🙏🍀 Pasensya na po sa mahinang update. Hindi ko alam kung kailan makakabawi sa pag-update, but I am trying hard to update po. Na bu-burn out minsan pero patuloy pa rin. .. leave comment and likes po 😁 Ang tagal nilang ikasal no? HAHAHA
THIRD PERSON POV Puno ng pagtataka ang mukha ni David matapos sabihin ni Veronica na hindi siya kilala. Kusang bumitaw ang kanyang bisig mula sa pagkakahawak sa kanya. Nagtataka rin sina Veronica at Hugo. Agad namang tumakbo si Hugo papunta kay Veronica nang makita niyang parang nanghihina ang asawa. “Babe? Are you okay?” nag-aalalang tanong nito habang inalalayan ang asawa. Pumasok naman sina Lizzy at Vincent. Mabilis na tumakbo si Vincent kay David at kinuha ang hawak nitong baril. Hindi naman pumalag si David at naupo sa sofa. “Nahihilo lang ako. Si Baby, nasa CR,” nanghihina niyang sabi. “Nag-panic kasi ako kanina. Hindi ko namalayan na nailapag ko pala si Baby sa sahig.” “I’ll go get the baby,” ani Lizzy. Pumasok siya sa CR at maingat na inangat ang bata, na himbing pa rin sa pagtulog. “What the hell is going on, David?” galit na tanong ni Vincent. Kilala ni Vincent si David dahil naging close rin sila noon—nang sila pa ni Veronica—at mas naging malapit pa nang n
My hands are shaking and my breathing is so heavy that my chest hurts. Ngayon ko lang 'to naramdaman mula nang magising ako matapos ang aksidenteng ginawa ni Venice nung nasa London pa kami. Kinakabahan ako at lalo pang sumasakit ang ulo ko. Nawala naman kanina nung umalis ako, pero bumalik rin ang sakit ng ulo ko. I hope dumating na sila to rescue us. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama at madamay ang anak ko. I can't take it. "Help us!" mahinang usal ko kahit wala namang nakakarinig. "HELLLLOOOO..." Muntik na akong mapasigaw nang may magsalitang boses ng lalaki sa labas ng pintuan ng CR. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. He tried to open the door, pero naka-block ito. "Open the door, please!" Gentle ang boses ng lalaki, but it's creepy. "Veronica, baby. Open the door, please." The sound of his voice was like begging. Hindi ko alam pero parang pamilyar ang boses ng lalaki. Hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay at tinakpan ko ang kabilang tain
VERONICA Pagkagising ni Hugo, umuwi na kami agad. Ayaw na niya kasing magtagal sa ospital dahil kailangan pa niyang maghanda para sa launching. Nagulat nga siya nang magising na nasa ospital na siya at ako pa ang tumulong sa kanya. I also told him about Adela and that I wanted to report it to the police, but he refused. I am concerned, however, iniisip ko na lang na baka ayaw muna niyang isipin ’yon at baka makasira sa launching. Kinabukasan, maaga siyang umalis para magtungo sa kumpanya. I’m just worried about him, but he seems distant. O baka masyado lang akong nag-iisip tungkol sa kanya kaya ganito na lang ang nararamdaman ko. I hate it when I feel something unusual—iyong mga unfamiliar feeling na para bang bigla ka na lang natatakot kahit wala namang dahilan. “Good morning,” bati sa akin ni Lizzy. She’s my secretary. I don’t remember her at first, but she introduced herself to me. At ngayon ay girlfriend na pala siya ni Kuya Vincent. Kwenento rin ni Lizzy sa akin kung paano
Sa kabilang banda, galit na dumating ang ama ni Adela at walang pagdalawang-isip na sinampal siya sa pisngi. Labis ang gulat sa mga mata ni Adela nang sampalin siya ng kanyang ama sa unang pagkakataon. “D-Dad, how could you slap me?” hindi makapaniwalang sambit ni Adela habang hawak ang kanyang pisngi. “You are an embarrassment to this family. Wala kang ibang ginawa kundi maging kahihiyan sa pamilyang ’to. Kailan ka ba magtitino, ha? Kailan?” sigaw ni Mr. Tan habang pinagtatapon ang mga bagay na nakikita niya. “I didn’t do anything! Ano ba ang pinagsasabi mo, Dad? May sinabi ba sa’yo si Veronica, ha? Is it her who sent you something? That bitch…” nanggigigil na wika ni Adela. “Veronica? Who? Wala akong kilalang Veronica, kaya manahimik ka. I already booked a flight to Canada—bumalik ka na roon,” mariing sabi ni Mr. Tan na ikinagulat ni Adela. “No! I am not going back, Dad!” pagmamatigas nito. "You're going back to Canada, whether you like it or not! Save some face, Adela!"
Anger could be seen on Adela’s face, however, Veronica didn’t even show any fear and remained calm. Galit na galit pa rin si Adela na sumisigaw kay Veronica, halos mawalan na siya ng boses sa kasisigaw. Pero walang pakialam si Veronica at hinayaan lang siyang magwala at magsisigaw. She really thought that Veronica had sent something to her dad, but it was just fake. Veronica only pretended to have sent something to Mr. Tan. Galit na tumayo si Adela at aatakihin sana si Veronica, pero mabilis ang mga kamay ni Veronica at nasampal niya si Adela sa pisngi. Nanlilisik ang mga mata ni Adela habang tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang luha. “Alam mo, Adela, sinasayang mo lang ang kagandahan mo. Gamitin mo ang utak mo, hindi ang puso,” panimula ni Veronica. "Ginamit ko nga kagandahan ko, wala naman epekto!" sarkastikong wika ni Adela. Bahagya namang natawa si Veronica. "Hindi ko na problema 'yon. Gumagana lang 'yan sa mga lalaking walang respeto sa kanilang mga asawa, at sa
VERONICA pushed the door aggressively. Thankfully, it wasn’t even locked, so she was able to open it right away. Adela had been complacent, thinking nobody would come into her room. Pagpasok ni Veronica sa kwarto, bumungad sa kanya ang gulat na mukha ni Adela, na ngayon ay nakapatong sa hubad na katawan ni Hugo—tanging boxer na lang ang suot nito. Walang salita ang lumabas sa bibig ni Veronica at agad na nilapitan si Adela. At marahas na hinila ang buhok nito pababa ng kama. “You b*tch. Unang tingin ko pa lang sa'yo ay wala na agad akong tiwala. Hindi ko na agad nagustuhan ang presensya mo,” galit na salita ni Veronica habang hila-hila pa rin ang buhok ni Adela. Malakas naman ang sigaw ni Adela, pilit na sinusubukan na makawala kay Veronica. Marahas naman na binitawan ni Veronica si Adela at itinulak sa sofa. Galit ang mga titig ni Adela. Gusto man niyang magsalita, wala ring lumabas sa bibig niya. Veronica seemed calm, but deep inside, she wanted to hurt her badly—ngunit hin