“Your Honor, we would like to request for recess until the evidence is being examined thoroughly. We’ll wait for further test by professionals.” Pawisang utas ng abogado ni Gael, ang kanyang tinig ay bahagyang nanginginig, tila ba nahuli sa akto at desperado nang makatakas sa silakbo ng katotohanan.Ang pagpapaliban sa hukuman ngayon ay ang tanging paraan na naiisip nilang pangtakas. Parang apoy na palapit nang palapit, nararamdaman na ng kampo ng Ferell ang pagliyab ng ebidensyang ipinupukol sa kanila. Sa bawat segundo na lumilipas, lalo silang nalulunod sa katotohanan.“Why Attorney Reyes? Scared that much? Akala ko ba naman masasarapan kayo sa inihanda kong full-course truth?” Pamimikon ng abogado mula sa kabilang panig, si Ezekiel, habang mariing nakatingin sa abogado ni Gael, puno ng kumpiyansa ang kanyang mukha, tila ba alam niyang sa kanila panig kakampi ang hustisya.Parang suntok sa sikmura ang mga salitang iyon. Parang inilantad sa buong korte kung sino ang tunay na takot—at
“May idadagdag pa ba ang nasasakdal?”Sinabi lang ni Ezekiel na illegal ang nakuhang ebidensya. Walang dagdag. Walang paligoy-ligoy. Walang emosyon. Wala ring sinabi si Ezekiel na magpapahiwatig kung may ibubulgar pa ito. Samantalang sa kabilang partido, abala sa bulungan at kumpiyansang ngisi ang kampo nina Gael. Parang sigurado na silang panalo sila.“Your Honor, I have evidence to submit,” ani Ezekiel na buong kumpiyansang nakatayo. Diretso ang tingin nito sa hukom, walang bahid ng pag-aalinlangan sa boses. “Can the bailiff please take it for me?”Agad na kumilos ang bailiff at kinuha ang USB. Ipinasok ito sa screen na nasa harap ng courtroom. Tumikhim ang hukom. “Proceed.”Bumungad sa screen ang isang video. Medyo malabo ito sa simula, ngunit unti-unting luminaw. Magkaharap ang sekretarya ni Gael at isang lalake pamilyar sa mga dumalo—ang tagapaghukom na si Judge Ramos. Isang kilalang pangalan sa legal world. Ngunit ngayon, isa siyang mukhang kalaban.It was supposed to be the jud
“Will Ezekiel come?” tanong ni Riva, halos pabulong, habang nakakapit sa gilid ng kanyang upuan. Halata ang kaba sa boses niya, at ang pagkakagat niya sa labi ay tila ba nagpapahiwatig ng matinding pangamba.“He will,” sagot ni Luther, kalmado pero sigurado.“…at the right time,” dagdag pa nito, sa isang boses na parang hindi kailanman kinabahan.Sa kabilang dulo ng courtroom, sa hanay ng mga Ferell, maririnig ang mga pinipigil na halakhak. Hindi nila napigilang maghiyawan ng tahimik—mga hiyaw na mapanghamak—nang makita nilang kahit ngayon, wala pa ring kasamang abogado ang bagong kasal. Para bang pinagtatawanan na nila ang pagkatalo bago pa man ito ideklara ng hukom.“Alam ko nang tanga si Riva, pero hindi ko inakalang ganito siya katanga,” sarkastikong sambit ni Zephanie habang pinupulbos ang lipstick niya.“Bakit ba kasi hindi na lang sila sumuko? Magmakaawa na lang sana sila sa amin, tapos na sana ito. Eh ‘di sana pinatawad pa sila ng Kuya.” sabat ni Zephanie habang may halong art
Isang paglilitis sa loob ng korte.Mainit. Mabigat ang hangin. Hindi dahil sa panahon kundi sa tensyong nagsimula pa lang mag-umaga. Lahat ng tao sa courtroom ay parang nakatingin sa kanila. Ang bawat kaluskos, bawat sulyap, bawat buntong-hininga—lahat, may ibig sabihin.Ang abogado ng kabilang partido ay isa sa mga tanyag sa larangan ng batas. Kilala siya bilang walang kinatatakutan, at walang kasong hindi niya nabibitawan ng buo. Ilang beses na itong humarap sa mga kagaya ng kasong ito—at ang tagumpay ay palaging nakakabit sa kanyang pangalan.Si Riva, kahit gaano siya kahinog sa mga ganitong klaseng gulo, ay hindi nakaiwas sa takot na lumukob sa kanyang buong pagkatao. Parang may mga tanikala sa kanyang dibdib, at bawat hakbang patungo sa witness stand ay tila paglalakad sa sarili niyang libingan. Pinilit niyang manatiling kalmado, pero ang pintig ng puso niya’y tila sirena ng pulis—hindi mapigilan.“Ang kabilang partido ay sumalakay sa labas ng korte ngayong araw ng paglilitis, Ju
Katahimikan ang namutawi sa hapagkainan nang biglang nagsalita si Luther habang binubuo pa ni Riva ang kagat sa tinidor niyang may pasta. “Are you ready for tomorrow’s lawsuit?”Isang simpleng tanong, ngunit punong-puno ng bigat ang laman. Parang kidlat na biglang gumuhit sa himpapawid ng walang pasabi. Natigilan si Riva.Hindi siya sumagot. Hindi niya alam kung paano.She remained stiff, sweating, and weary. Imbis na lunukin ang pasta sa bibig, pinaglaruan niya ito sa plato. Yumuko siya, pilit tinatago ang kaba sa dibdib.Sa bilis ng mga pangyayari, parang saglit lang at nalimutan niyang may gyera pala siyang kailangang harapin kinabukasan. Ang gyerang wala siya dapat, pero siya ang pilit isinangkot. The one she used to care about, ang dating mahal, ngayon ay tinuturing na siyang kaaway.Sa isang iglap, napaisip si Riva—paano nga ba naging ganito kabaligtad ang mundo? Siya pa ang pinagtaksilan, pero siya pa ang kinasuhan? Siya pa ang kailangang magpaliwanag? Look how life plays its i
“Lakas ng tama sa’yo ‘yang contractual asawa mo.” ani Anthony habang umiinom ng kape, malamig na sa tasa pero mainit pa rin ang tono ng boses.Nagulat si Riva, bahagyang napatigil sa paghuhugas ng tasa. “Huh? Ganun lang talaga si Luther,” mabilis niyang tugon, kasunod ang bahagyang pagtawa, pilit. “Tsaka ‘diba nga, bakla si Luther?”Namula ang pisngi ni Riva. Bahagyang yumuko. Halatang napahiya o nabuko. Denying, yes—but the pink on her cheeks told a different story. Kahit gaano niya itago, kahit anong pilit ng isipan niyang itapon ang ideya, iba ang epekto ni Luther sa katawan niya. Sa puso. Sa bawat simpleng titig, may hatid na kuryente. Hindi niya inaamin. Pero ramdam.She refused to acknowledge the idea. Hindi siya handa. At ayaw rin niyang umasa.Hindi pa nakikilala ni Anthony ang bagong asawa ni Riva. But seeing her reaction? Kitang-kita niya na may init na namamagitan. Hindi lang basta init, kundi ‘yung uri ng tensyon na hindi maipaliwanag. Sa paraang tumatahimik ang paligid ka