 LOGIN
LOGINNanlilisik ang matang ipinukol ni Fatima sa pamangkin nito, na tila isang lintik na naghahanap ng masasambulatang kidlat.
“Bobo ka ba?” singhal nito, ang laway halos tumilamsik sa mukha ni Riva. “Basta-basta mo na lang pinakawalan ang mga Ferell na wala man lang ni pisong kuting ang ibinigay sa’yo?! Nagiisip ka pa ba Riva?! Ano nalang ang ipambabayad mo sa’kin?! Ha?!”
Humigpit ang hawak ni Riva sa palda ng kanyang suot, pinipigil ang panginginig ng kanyang labi. Hinugot niya ang hangin sa pagitan ng mga pangungusap, pilit nilulunok ang sakit na tila lalong tumitindi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng tiyahin.
“Tita naman… nagbibigay naman po ako buwan-buwan ah…” mahinang sagot niya, halos pabulong.
“Noon ‘yun!” sigaw muli ni Fatima, ngayon ay sumasabunot na sa sarili sa inis. “Noong kasal ka pa kay Gael! Noong meron pang sustento! Kung sana nilunok mo na lang ‘yung mga pag-aalipusta nila, edi sana may pera pa tayo ngayon! Eh ngayon? Anong meron ka? Drama?! Luha?! Mabubuhay ba tayo d’yan, ha?!”
“May ipon pa po ako, Tita… konti lang, pero sapat—”
“ANG BOBO! AMPOT@!” tuluyan na itong napamura. “Dapat isinantabi mo na muna ‘yang kadramahan mo! Wala kang silbi kung hindi ka marunong magtimpi! Anong gagamitin ko sa pagpapakasal ng pinsan mong si Camilo, ha? Sa dialysis ng tatay mo?! Eh kung mamatay na lang ‘yang tatay mo, eh ano? Wala rin naman tayong pambayad sa kabaong!”
Napatigil si Riva. Napasinghap. Tila kinuyom ng malamig na kamay ang puso niya. Iyon na yata ang pinakamasakit na linyang narinig niya.
Bata pa lang siya, wala na siyang ina. Ang ama na lang niya ang tanging kasama sa buhay, kahit pa’t lumpo na ito at halos hindi na makalakad. Siya lang ang dahilan kung bakit nagpakatatag siya. Pero ngayon... tila pati ang buhay ng sariling ama ay isinusumpa ng sariling dugo.
Hindi pa nakaka-recover si Riva sa sinabi ni Fatima, nang bigla nitong sinagot ang tumatawag sa cellphone.
“Ahhh, tangina... kasalanan mo ‘toh!” galit na galit nitong bulong bago sagutin ang tawag.
“Ah hello… boss… uh-oh-hooo... opo, wag na ho kayong magalit... mapag-uusapan pa naman natin ‘toh… may darating po akong pera…” Pinilit nitong ngumiti habang tumutulo ang pawis sa gilid ng mukha. Pero nang matapos ang tawag, bigla itong lumingon kay Riva—at ang ngiti ay napalitan ng nagngangalit na titig.
“Kasalanan mo ‘toh! Babalikan kita Riva! At siguraduhin mong may makukuha ka sa mga Ferell. Kung hindi… alam mo na ang mangyayari sa tatay mo.”
Hindi ito banta. Isa itong sumpa na lumalatay sa balat ni Riva.
Walang awa si Fatima. Ang tanging laman ng utak nito ay pera. Hindi pagmamahal. Hindi pagkalinga. Hindi pamilya.
At tila nakatakda ang langit na ipahiya si Riva ng paulit-ulit.
Dahil habang nagpupunas siya ng luha sa gilid ng kalsada, isang itim na sasakyan ang dumaan. Sa loob—nakaupo si Aileen Ferell. Sa likod—nandoon sina Gael at Shiela, parehong naka shades, nakatawa, parang nanonood lang ng low-budget na pelikula sa lansangan.
Bumaba si Aileen. Sa pagkakatayo nito, alam mong isa siyang reyna—reyna ng yabang at pangmamaliit.
“Ay, ayan na pala siya.” singhal ni Aileen, tila nagmamadali pang bumaba upang magdagdag ng lason sa sugat. “Ang drama mo talaga, Riva. Tignan mo nga? Pati kapamilya mo, itinatakwil ka na. Pinagbabantaan ka pa nga, ‘di ba?”
“Mga baliw. Walang pinag-aralan,” sabat ni Shiela, halos hindi makapagsalita sa kakatawa. “Kung ako sayo, Gael, buti na lang at nakawala ka d’yan. Parang basurang itinapon ng Diyos.”
Riva couldn’t speak. She was too stunned, too ashamed. Masyado na siyang pagod para lumaban. She wanted to scream, to fight back, to say something—anything. Pero wala. Pati ang dila niya, tila iniwan na rin siya.
“Ganito ba ang kapalit ng pagmamahal?” bulong niya sa sarili habang nakatingin sa kanilang tatlo. “Ito ba ‘yung sinakripisyo ko lahat para sa kanya? Ito ba ‘yung lalaking ipinaglaban ko?”
“Ay nako, Riva,” dagdag pa ni Aileen, “Sana noon pa lang, naisip mong hindi ka namin ka-level. Ni hindi ka marunong manamit ng tama. Ang social standing mo, parang basahan. Kaya wag kang magtataka kung bakit tinapon ka ni Gael. Ang suwerte nga niya ngayon, may Shiela siya—edukada, maganda, may breeding. Hindi tulad mo, na drama lang ang alam.”
“Ma, tama na nga. Sayang ang laway mo,” ani Gael, pero halata ang ngisi sa kanyang labi.
Napakagat-labi si Riva, pinigilang lumuha. Sa loob-loob niya, gusto niyang umalis. Gusto niyang mawala. Gusto niyang matunaw.
Pero hindi pa doon nagtatapos ang kahihiyan niya.
“Balita ko pa, nanghihingi ka raw ng sustento kay Gio,” ani Aileen. “Kapal din ng mukha mo ano? Eh kahit utang, wala ka na ngang binayaran. At ngayon, pati pamilya mo? Ginagamit mo para makuha ang awa ng ibang tao?”
“Sa tingin mo, maaawa pa kami sa’yo pagkatapos ng gulong ‘yan? Hindi ka na nga makaanak, wala ka pang hiya.”
Wala siyang sinabi. Hindi dahil wala siyang gustong sabihin—kundi dahil alam niyang kahit anong salitang ibalik niya, hindi iyon tatagos sa mga tulad nila. Sa mga pusong walang konsensya. Sa mga pamilyang ginagawang negosyo ang pagmamahal.
Nang makaalis na ang sasakyan ng mga Ferell, nang makalayo na ang hiyawan at hagikhikan, saka lang bumagsak ang luha ni Riva.
Tila ulap ang paligid niya—malamig, malungkot, walang katiyakan.
Sa gitna ng katahimikan, narinig niya ang isang boses. Mababang boses. Kalma. Maingat.
“Riva…”
Paglingon niya, si Luther pala. Nakaupo sa motor, nakasunod pala sa kanya.
“Sumama ka na sa’kin.”
Hindi siya nagsalita. Nilakad lang niya ang distansyang naghihiwalay sa kanila. Paglapit niya, binuksan ni Luther ang helmet niya at ipinasuot kay Riva.
“Hindi ka bagay sa lugar na ‘to,” bulong ni Luther. “Kaya tara na.”
At sa unang pagkakataon, wala na siyang sinabi.
Sumakay siya sa motor at yumakap kay Luther mula sa likod.
Muli siyang huminga.
Hindi pa tapos ang laban, pero may sandali ng pahinga. Sa bisig ng isang taong hindi siya ginamit, hindi siya tinapakan, at hindi siya ipinahiya.

Buong gabi, hindi mapakali si Riva. Nakahiga siya sa malambot ngunit tila banyagang kama, ang mga palad ay nakakuyom sa ibabaw ng kumot na parang kumakapit sa huling piraso ng kontrol na meron siya. Nakatingin siya sa kisame na parang hinuhugis nito ang mga sagot na matagal na niyang hinahanap. Ngunit walang dumating. Walang kasagutang sumagi, tanging bigat ng damdamin at pagod sa katawan ang bumalot sa kanya.Hindi siya makatulog, lalo pa’t napakalapastangan ng offer kanina mula sa dating naging madrasta. Ang bawat salita, parang tinik na paulit-ulit sumasaksak sa kanyang isipan.Oppose Ezekiel?Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya kung paano siya nauwi rito, sa mundong hindi niya lubos na inakala na papasukin niya. Bigla niyang naalala ang kanyang unang asawa—si Gae
Mula pa kaninang umaga, abala na si Riva sa kusina. Maaga siyang nagising, dala ng kaba at kakaibang kasabikan. Hinihintay niyang magising ang asawa, si Luther. Kanina pa nakahain ang inihanda niyang almusal — simpleng luto lang, pero maayos at kumpleto. Habang nilalatag sa mesa ang mga plato, napapangiti siya nang walang dahilan.Pero alam niya kung saan iyon nanggaling. Naalala niya ang mga nangyari kagabi.Halos mapasama na siya — muntik nang masaktan, muntik nang mawala sa kanya ang hininga. Ngunit… si Luther. Ang lalaking peke niyang asawa, siya ang sumagip sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw kung paano nalaman ni Luther na naroon siya sa Xentro.Napahinto siya sa pag-aayos ng kutsara. “Oo nga…” mahina niyang sambit, para bang kausap ang sarili. “Hindi ko pa pala siya tinatanong tungkol doon!”Sa isip niya, nagsimula nang mabuo ang mga salitang bibitawan niya kapag kaharap na niya si Luther. Paano ba niya sisimulan? Diretso ba? O dahan-dahan lang?Pero agad din siyang
Nararamdaman ni Riva na bawat segundo sa loob ng Xentro ay parang hinahati sa mas maliliit na piraso ng kaba at hinala. Habang nakatayo siya sa isang gilid, nagmamasid sa kilos ng mga tao, hindi mawala sa isip niya ang tanong na kanina pa naglalaro sa kanyang isipan—bakit siya pa ang tatawag sa General? Parang may kulang sa kwento, may lihim na ikinukubli. Hindi iyon basta simpleng pakiusap o utos; may bigat, may kapangyarihan sa likod ng bawat galaw ng lalaking iyon.“Relatives ba sila para mag-utos nang gano’n?” bulong niya sa sarili, ngunit ramdam niyang kahit magkamag-anak pa, kahina-hinala pa rin ang lahat. Para bang may mas malalim pang dahilan—isang dahilan na pilit niyang sinusubukang hulihin pero laging dumudulas.Sa loob ng Xentro, nagkakagulo na. Ang mga ilaw ay kumikislap-kislap sa bawat sulok, halong puti at madilim na bughaw, para bang sinasadya nitong takpan ang mga bagay na ayaw ipakita. Ang sahig ay malagkit sa pinaghalong alak at pawis, at may halimuyak ng mamahaling
Tinanggal ni Luther ang suot na tuxedo at marahang isinuot kay Riva, para bang bawat galaw ng kanyang mga kamay ay sinisiguradong natatakpan ang balat nito. Ramdam ni Riva ang bigat at init ng tela, pero higit pa roon ay ang bigat ng kahulugang dala nito—parang ibinalik sa kanya ang dignidad na muntik nang mawala. Nakalapat ang tela sa kanyang balat, mainit pa mula sa katawan ng lalaki, at tila ba binabalot siya ng proteksyon.Hindi siya tinitigan ni Luther. Ang malamig na anyo ng kanyang mukha at ang mariing pag-ipit ng panga nito ay nagsasabi na may pinipigil na galit. Para kay Riva, isa itong malinaw na palatandaan na tama ang kanyang hinala—galit ito. Napalunok siya, at hindi niya namalayang may isang luha na pumatak mula sa kanyang mata.Nagulat siya nang bigla siyang buhatin ni Luther—bridal style. Napasinghap siya, at sa kabila ng gulat, napako ang kanyang mga mata sa mukha ng lalaki. Matikas ang panga, matalim ang tingin, ngunit may kakaibang bigat at pag-aalaga sa pagkakarga
Nagpupumiglas si Riva, desperadong kumawala sa pagkakahawak ng lalake. Ramdam niya ang gaspang ng palad nito sa kaniyang braso—mainit, mabigat, at parang bakal na ayaw bumitaw. Nang magtangkang gumapang ang kamay ng lalake papunta sa kaniyang dibdib, isang matinding galit ang sumiklab sa dibdib niya. Mabilis, walang pag-aalinlangan, itinulak niya pababa ang kaniyang bigat at tinadyakan nang mariin ang maselang bahagi nito.Isang matinding ungol ng sakit ang kumawala mula sa bibig ng lalake. Napasubsob ito sa mesa, halos manginig ang mga tuhod habang pilit kumukuha ng lakas. Kita sa mukha nito ang pamimilipit sa matinding hapdi. Ang ibang lalake sa paligid—malalaking katawan, matataba, at karamihan ay lasing—ay napaurong sa gulat. May ilan pa na hindi na nakatayo mula sa kanilang kinauupuan, mistulang nabigla sa bilis ng pangyayari.Sa kabila ng kanilang pigil na reaksyon, malinaw sa kilos ng mga ito na hindi sila sanay na may lumalaban. Dahan-dahan, bahagyang nanginginig ang mga dalir
The clubhouse was still raging with noise—isang magulong timpla ng bass na parang dumadagundong sa dibdib at hiyawan ng mga taong walang pakialam kung may nasasaktan. The air was thick, amoy usok ng sigarilyo, halong pabango at pawis, na parang sumisiksik sa bawat hibla ng buhok ni Riva. Halos hindi niya marinig ang sinabi ng babae sa tabi niya, ngunit isang bagay ang malinaw—hindi iyon maganda.Bibilisan na sana niya ang hakbang papunta kay Zephanie nang biglang sumulpot ang isang grupo ng malalaking lalaki, naka-itim na shades kahit madilim ang paligid. Malalapad ang balikat, at bawat kilos ay parang sinukat para magpakita ng pwersa. Hindi lang siya hinarangan—itinulak pa siya, diretso sa entablado kung saan may mga babaeng nagsasayaw, nag-aalis ng saplot isa-isa.“Aray! Masakit…” daing niya, nagpupumiglas, nanginginig ang mga kamay habang sinusubukang kumawala sa matitigas na bisig ng mga lalaki. Parang bakal ang pagkakahawak nila, walang puwang para makasingit kahit kaunting lakas








