Share

CHAPTER 4

Tuwang tuwang ninamnam ni Alice ang sinag ng araw na tumatama sa kanyang balat. "Sa wakas makakalabas na rin." Bulong ni Alice sa sarili. Mula kasi ng manirahan na siya kay Joshua marami na ang bawal, tila bumalik siya sa buhay niya noon na tila nakakulong pero iba ang pag kakataon ito dahil imbis na mainis at mag rebelde ay mas pinipili niya ang igalang ang lahat ng desisyon nais ni Joshua.

Pumasok kasi sa isip niya na maaaring malagay sa panganib ang buhay niya kung hindi niya susundin si Joshua alo pa sa mga eksenang nakita niya na May kinalaman kay Joshua. Panigurado siya na maaaring maraming kaaway ito na maaaring May gawin hindi maganda sa kanya at sa mga magulang niya dahil sa kasal na siya rito.

Malay ba ni Alice kung kalat na ba sa lahat ng tao sa mundo na kinasal na sa kanya ang bachelor noon na si Joshua Huxley, mamaya pala marami itong babae na panigurado ni Alice na susugurin siya at kakatayin dahil "inagaw" niya ang lalaki.

Kahit pa hindi niya inagaw ito. Gusto lamang ni Alice ang mag ingat lalo pa at buhay ng mga magulang na nag palaki sa kanya ang nakasalalay rito.

Mas isinulot pa ni Alice ang buong katawan sa labas ng bintana ng sasakyan ni Joshua habang malayang lumilipad ang nakalugay niyang buhok.

"Iubita mea soție. Mag iingat ka at baka May sasakyan makahagip sayo." Saway ni Joshua kay Alice. Wala na itong nagawa sa napaka kulit at pasaway niyang asawa ng inilabas nito ang kalahati ng katawan sa labas ng bintana ng sasakyan niya habang nag mamaneho siya.

Mabuti na nga lang ay wala masyadong sasakyan ngunit bahagyang nakakaramdam pa rin ng takot si Joshua dahil wala man masyadong sasakyan sa paligid nila napaka delikado pa rin ng ginagawa ng matigas ang ulong asawa niya.

Salubong ang kanyang kilay habang nag mamaneho, Panay ang silip niya sa asawa habang nag mamaneho pero nawawala lamang ang inis sa niya sa tuwing nakikita niya ang kakaibang ngiti sa labi ni Alice. Para itong bata na ngayon lamang nakalabas.

Kumakalampag ang puso ni Joshua sa tuwa sa magandang tanawin nakikita niya. Bagay na hindi niya inaasahan mararamdaman niya ngayon.

"I love your smile, iubita mea soție." Wala sa sariling Saad ni Joshua kay Alice. Bahagyang natigilan si Alice sa narinig dahilan upang unti unting umayos ng upo si Alice At nawala rin ang ngiti sa labi nito. Pinanatili na lamang ni Alice ang tingin sa labas habang iniiwas ang tingin pilit tinatago ang kilig na naramdaman niya dahil lamang sa simpleng salita nito.

Nangingilid ang mata dahil sa luha, hindi inaasahan ni Alice na dadalhin siya ni Joshua sa isang flower farm. At sa mismong flower farm kung saan May huling alaala siya ng taong lubos niyang minahal. Ang kanyang bunsong kapatid.

"P-Paano?" Nanginginig ang boses na tanong ni Alice habang hindi iniiwas ang tingin sa mga tanim na ilang taon niya rin hindi na napupuntahan.

"Your mama Natasha. Sabi niya itong farm na ito ang mag papasaya sayo dahil napaka importante daw ng lugar na ito para sa babaeng pinakasalan ko. Ang sabi ng mama Natasha mo kung gusto kitang pasayahin, unahin kong dalhin ka sa lugar na nag papagaan ng puso mo. Kaya dinala Kita rito." Nakapamulsang Saad ni Joshua kay Alice.

Namalabis na ang luha sa mga mata ni Alice ng humarap siya kay Joshua. Parang matang mahinang pinaddiyak pag diyak ni Alice ang kaliwang paa sa buhangin lupa habang nakakagat ito sa labi nito bago ito tumakbo upang yakapin si Joshua.

"Thank you. Thank you." Humihikbing Saad ni Alice sa pagitan ng dibdib ni Joshua. Hindi inaasahan na sa tigas nito At pagiging bato ay magagawa nitong pasayahin siya sa pamamagitan ng pag dala sa kanya sa lugar na noon pa niya nais puntahan ngunit mas nangingibabaw ang takot na namumuo sa dibdib niya.

Bahagyang nakaangat ang labing iniyakap ni Joshua ang kaliwang braso sa bewang ni Alice At ang kabila ay sinusuklay ang nakalugay na buhok nito. Masaya na nagawa niyang masayahin ang asawang ilang linggo na niyang nakikitang masaya ngunit nalulusaw ang ngiti sa tuwing naiiwan itong mag isa.

"I have a question." Kinakabahan Saad ni Joshua habang pinapanood ang asawa na isa isang tinitignan at inaamoy ang iba't ibang uri ng bulaklak na nakatanim sa paligid nila.

"Hmm?" Tanging sagot lamang ni Alice habang hindi inaalis ang buong atensyon sa mga bulaklak na naging malaking tulong sa kanya upang bahagyang gumaan ang pakiramdam niya.

Walang mapag siglan ang tuwa sa puso ni Alice. Heto ang gusto niya ang kapayapaan sa paligid ng mga bulaklak.

"What do you like in a man?" Agad na tanong ni Joshua kay Alice. Natatawang nilingon naman siya si Alice. Hindi makapaniwalang tinatanong ito ni Joshua sa kanya.

"Bakit mo na tanong?" Unti unting sumilay sa labi ni Alice ang ngiting mapang asar para kay Joshua.

"I just want to know, so what do you really want in a man?" Tumutok ng napaka mataman ang mga mata ni Joshua kay Alice At seryosong nag hihintay ito ng sagot mula kay Alice.

"Hmm. Anong gusto ko sa lalaki? Hindi naman ako Napoli sa lalaki basta ang Gusto ko sa lalaki ay kahit Hindi guwapo basta May puso, May takot sa dyos at mas mahal ako. Sabi kasi ng matatanda kapag mas mahal ka ng lalaki mas mag tatagal kayo kasi mas kaya ng lalaki na ihandle ng maayos ang relation ng bawat isa kapag kasi ang babae ang mas nag mamahal ng husto kapag dinapuan sila ng matinding pagsubok lalaban Lang sila pero pag naupos na Sila magagawa na nilang sumuko kahit mahal pa nila ang partner nila." Saad ni Alice.

"Kapag naubos ka kasi mas pipiliin mo na Lang na bumitaw para mahalin mo naman ang sarili mo. Hindi ko sinasabi na hindi kayang maging mahina ng mga lalaki ah kasi alam ko na May pag kakataon din na sumusuko sila pero sa side kasi ng babae kakaiba. Ang mga babae kasi na katulad ko ay sobrang soft, mukha Lang kaming matapang pero kapag hindi na namin kaya namumuo yung sakit sa dibdib namin na nagiging dahilan para sumuko kami."

"pero May mga babae na kahit sobra na silang nadurog At nasaktan nagagawa pa rin nilang lumaban kahit pa yung partner na mismo nila ang nag tutulak sa kanila palayo. Bilib ako sa mga babaeng ganun kasi napaka lalim nila kung mag mahal at sobra nilang tapang para gawin ang lahat wag lamang sila iwan ng partner nila pero hindi naman lahat ng babae ay ganun mas madami pa rin ang babaeng nadudurog ng husto At iiwanan At kung kailan buo na Sila saka naman Sila iiwanan ng mga taong minahal na nila." Malumanay na Saad ni Alice habang payapang nakatitig sa malayo. Ninanamnam ang katahimikan ng kapaligiran niya.

"Pero mas bilib ako sa mga taong nagagawang makatayo At bumangon mula sa pag kakaligmok para mahalin ang sarili. Sabi sa nga sa kanta ni Selena Gomez, I needed to lose you to love me. To be able to be happy you have to lose him/her for you to learn to love your self. Minsan ang Pag kawala ng mga taong mahal natin ang mag tuturo sa atin para ang sarili naman natin ang mahalin natin. That's what Allijha Jane thought to me. Sabi niya kung mag mamahal ako dapat mas mahal ako, para kung dapuan man kami ng mabigat na problema sa pag sasama matatakot siyang mawala ako." May ngiti sa labing ibinaling ni Alice ang paningin kay Joshua na titig na titig na naman sa kanya.

"Te iubesc atat de mult, iubita mea soție." Bulong ni Joshua sa pagitan ng malalim na pag tititigan nila ni Alice. Hindi iniisip o pinag isipan ng mabuti ang mga salitang kanyang binitawan. Dahil para kay Joshua si Alice na lamang ang maaaring mag patibok ng puso niya ng ganito.

"Ano?" Kunot ang noong tanong ni Alice kay Joshua. Hindi maintindihan ang mga salitang binitawan nito.

"Hindi Kita maintindihan. Bakit ba ang hilig mo mag salita sa mga language na di ko naman maintindihan, Subukan mo kaya itranslate man Lang sa akin para alam ko kung Ano ang lahat ng salitang sinasabi mo."

"Wala. It is not yet time for you to know the meaning of the words I speak, iubita mea soție. Soon malalaman mo rin ang lahat ng iyun." Na nanatili ang mataas ng tingin sa mga mata ni Alice na nag tataka at naguguluhan sa nais ipahiwatig ni Joshua sa kanya.

"So sabi ni Mama Natasha May lugar ka raw rito na gustong gusto mong puntahan, gusto mong puntahan?" Pag lilihis ni Joshua sa usapan. Mabilis na napalitan ang reaction ng mukha ni Alice.

Nanlalaki ang mata at masayang tumango tango ito At tila "batang hinila hila ni Alice ang braso ni Joshua upang hilahin sa lugar na tinutukoy nito. Iiling iling pero May ngiti sa labing nag pahila lamang si Joshua kay Alice patungo sa lugar na tinutukoy ng Mama Natasha nito.

Lumawak lalo ang ngiti ni Alice ng bumungad sa kanila ang mga bulaklak na kulay puti, parang nasa paraiso sila sa tanawin natatanaw. "Halika dali, duon tayo." Exited na Saad ni Alice ng matanaw niya ang maliit na balon malapit sa mga bulaklak.

"Why do we need to get water?" Takang tanong ni Joshua ng makita niya ang bawat kilos ni Alice nang kumuha ito ng maliit na lagayan at manu mano itong nag salok ng tubig mula sa balon para lagyan ng tubig ang lagayan kanilang kinuha.

"Basta! Ilapit mo yang lagayan mo sayang sa tubig pag natapon ito." Saad ni Alice.

Napipilitan lumapit si Joshua ayt hinayaan ang asawa sa nais nito. Matapos mag salok ay muli na naman siya nitong hinila ng marahan palapit sa mga bulaklak na tanim na Kulay puti.

Pumitas ito dun. " Dali Ikaw din. Pumitas ka rin ng isang tangkay ng bulaklak." Muli, napipilitan pumitas din si Joshua at ng harapin niya si Alice ay napaka kalawak na ng ngiti nito.

"Ngayon ilagay mo sa lagayan May tubig ang pinitas mo hayaan mong ma absorb ng tangkay ang tubig." Saad ni Alice na sinunod naman ni Joshua. Maging si Alice ay ginawa rin ito.

"Sabi ni Allijha ang bulaklak na ito daw kapag inilubog mo sa tubig na galing sa balon mag iiba ang kulay at magiging pula siya." Saad ni Alice habang ang mga mata ay nakatutuk sa hawak nito.

"And?" Nag hihintay ng kasunod na salita tanong ni Joshua. Kunot na kunot ang noo nito ng balingan ito ng tingin ni Alice. Natawa ng bahagya si Alice sa reaction ng mukha ni Alice.

"Ang bulaklak na ito kasi ay isang Flower of love." Mas lumawak pa ng husto ang ngiti sa labi ni Alice ng makita ang unti unting pag babago ng Kulay ng bulaklak na nasa loob ng maliit na base na hawak ni Joshua.

"Nagiging pula siya." Gulat na Saad ni Joshua habang nakatingin ito sa bulaklak na hawak nito.

"Sabi ni Allijha Ang Flower of love daw kasi ay nagiging pula ang Kulay Pag napapasakamay siya ng taong may tinatagong Pag ibig. Flower of love is symbolizes for the deep love or emotion and desire." Malawak At marahan salaysay ni Alice kay Joshua. Gulat At nanlalaki ang matang tinitigan siya ni Joshua.

"You're in love." Dagdag pa ni Alice habang hindi nawawala ang maaliwalas na saya sa mukha nito.

"A-And you're not." Bulong ni Joshua ng dumapo ang mga mata nito sa hawak ni Alice na Hindi man Lang nabago ang kulay. Pakiramdam ni Joshua sinuntok ng sinuntok ang puso niya sa nakita.

Kung iyun ang tunay na ibig sabihin ng bulalak na pag dating sa pag babago ng Kulay ibig sabihin wala kahit na Anong malalim na nararamdaman si Alice para sa kanya. Hindi katulad ng inaasahan niya.

"Yup I'm not. Sarado na ang puso ko para sa bagay na iyan Tama na ang mahalin ko na Lang ang sarili ko." Na nanatili ang ngiti sa labi ni Alice. Hindi iniisip ang nararamdaman ni Joshua. Para kasi kay Alice walang kahit anong romantic feelings na nararamdaman si Joshua para sa kanya.

"Ikaw naging pula ang bulaklak mo! Sino ang babaeng masuwerte na ito? Bakit pinakasalan mo ako kung May ni minamahal ka na pa Lang iba?" Kunot ang noong tanong ni Alice. Puno ng curiosity ang isip.

"That's not important anymore ang mahalaga ikinasal ka sa akin." Wala sa sariling isinagot ni Joshua kay Alice. Kinukumbinsi ang sarili na okay Lang ang lahat dahil alam niyang matuturuan niya rin ang puso ni Alice para siya naman ang maging laman at tibok ng puso nito.

Matuturuan nga ba ang puso o hindi?

Hindi ba kamahaga iyun para kay Joshua, ang mahalaga mahal man siya o hindi ng babaeng pinakasalan niya mananatili itong Mrs. Huxley niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status