Share

MARRIED TO MY DEVIL, ANGEL SAVIOUR
MARRIED TO MY DEVIL, ANGEL SAVIOUR
Author: Queenash112

PROLOGUE

"Sige takbo Alice! Takbo! Hindi ka makakatakas sa akin!"

Walang direction tumatakbo si Alice Hindi niya alam Kung saan siya pupunta, gusto na niyang makatakas, gusto niya ang tahimik at masayang buhay sa piling ng mag asawang nag aruga at nag mahal sa kanya bilang isang totoong anak.

Ngunit hindi mangyayari ang lahat ng ito Kung patuloy siyang guguluhin ng nakaraan niya. Ang mga mahahalagang tao sa puso niya na Walang giniwa kundi ang makita siyang nahihirapan at nasasaktan.

Iyun ang kaligayahan nila.

At dahil masyado niyang mahal ang mga ito ginawa niya ang lahat ng ikakasaya ng mga ito. Iyun ay ang makitang nahihirapan at nasasaktan siya habang nag papakasaya ang mga ito.

Pag mamahal ba maitatawag Kung ang gusto lamang nila sayo ang kasiyahan makitang mahirapan ka?

Heto na ba ang bagong definition ng pag mamahal sa panahon ito?

Ang makitang nasasaktan ang mga taong sinasabi natin mahal natin?

Hindi tanggap ni Alice ang ganitong klase ng pag mamahal kasi kung ganito ang kailangan niyang maranasahan para lamang mahalin ng mga taong nasa paligid niya, debali na lamang mas gugustuhin niya ang mapag isa kesa ang paulit ulit na mabuhay habang patay ang puso niya sa sari sariling saksak ng sakit na dulot ng pag mamahal sa taong ang kasiyahan ay ang makitang masaktan ang mga taong sinasabi nitong mahal nito.

At ngayon pagod na siya gusto na niyang matapos ang lahat ng ito, ubos na ubos na si Alice para pag bigyan pa ang mga taong ito.

Nasagad na ng mga ito ang pasensya niya at natakpan ng kamuhian ang pag mamahal mula sa puso ni Alice.

Tama na, ayaw na ni Alice, pagod na pagod na siya.

"Alice bumalik ka rito!" Umalingawngaw sa paligid ang nakakatakot na sigaw ng matandang lalaki mula sa likod ni Alice.

Nanginginig ang buong katawan ni Alice sa sobrang takot ngunit pinipilit nito ang makatayo At makatakbo makatakas lamang sa kamay ng matandang humahabol sa kanya kahit pa puno ng sugat ang buong katawan niya.

Ginagawa pa rin ni Alice ang lahat makatas lamang rito.

"Tulong. Tulong. Tulong." Paulit ulit na bigkas ni Alice. Bakas sa mukha nito ang pagod At takot na kung walang tutulong sa kanya mangyayari ang nais ng nakakadiring matanda na iyun.

Umalingaw ngaw muli ang boses ng matanda. Isang nakakapanindig balahibong tawa nito. " Walang tutulong sayo rito Alice, kaya bumalik ka na rito kung ayaw mong magalit ako ng husto!" Sigaw nito.

Tila mauubusan na ng pag asa si Alice ng ni isang tao sa napakadilim na paligid niya ay wala man Lang makarinig ng pag hingi niya ng tulong.

Namalibis sa bibig niya ang hikbi sa sobrang takot na nararamdaman niya.

"Tulong. Tulong. Tulong." Muling bigkas ni Alice. Umaasa na sa pag kakataon ito maririnig siya ng dyos para padalhan siya ng taong tutulong sa kanya.

Please, Lord, help me.

Mama, papa. Paulit ulit na bigkas ni Alice sa isip habang iniisip ang mga magulang na nag palaki rito na alam niya na labis nang nag aalala sa kalagayan niya ng bigla na lamang siyang mawala na parang bula ng sumama siya sa mga ito upang mamasyal.

Halos gumapang na si Alice makatakas lamang sa matandang lalaki na Hanggang ngayon ay wala pa rin tigil sa pag habol sa kanya.

Ngunit tila dininig ng diyos ang mga panalangin niya dahil ng lumiko siya sa iskinita na nakita ay May nakaitim na lalaki siyang nakita nakasandal ito sa itim rin nitong sasakyan.

Hindi na mahalaga para kay Alice kung ito ba ay masamang tao o hindi ang nais niya lamang ay ang makatakas sa matandang humahabol sa kanya. Kaya naman nilapitan ni Alice ang lalaking ito kahit pa paika ika siyang nag lalakad.

Umaasa na tutulungan siya nito.

"Tulong. Tulong. Tulong." Halos mamaos na ang boses ni Alice sa pag bigkas sa salitang iyun.

May kakaibang epekto ang mga mata ng lalaking nakaitim sa buong katawan ni Alice ngunit hindi na niya pa ito ininda pa, dahil gumugulo sa isipan ni Alice na Baka maabutan na siya ng matandang lalaki na humahabol sa kanya kasama ng mga malalaki ang katawang lalaki na dumukot sa kanya.

Kumunot ang noo ng lalaki ng lapitan ito ni Alice. Pinakatitigan nito mula paa hanggang ulo si Alice, nag tataka sa ayos ni Alice.

"Tulungan mo ako pakiusap." Nanginginig ang boses na Saad ni Alice sa lalaking walang ibinigkas na kahit isang salita ng lapitan niya ito. Na nanatiling nakasandal ito sa sasakyan nito habang nakalusot sa mag kabilang bulsa ng pants nito ang mga kamay nito.

Nakakatakot ang anyo ng lalaki ngunit hindi maintindihan ni Alice kung bakit hindi man lamang siya tinamaan ng takot sa istrangherong lalaki sa harapan niya.

"Alice!" Sabay na napatingin sa direction pinag galingan ni Alice si Alice At ang lalaking nasa harapan niya. Nanginig ang balahibo ni Alice ng makita ng mga mata ang anino ng mga lalaking humahabol sa kanya.

"Please. Parang awa mo na tulungan mo ako." Nanginginig ang kamay na hinablot ni Alice ang kaliwang braso nito upang mag makaawa ngunit tila wala atang puso ang lalaki at tinignan lamang siya nito ng walang buhay.

Paunti unti nauubos nag pag asa ni Alice. Gusto pa sana ni Alice ang mag makaawa na tulungan siya nito ngunit kung mag tatagal siya sa pwesto niyang iyun ay tiyak na maaabutan siya ng mga taong humahabol sa kanya.

Kaya gulong gulo ang isip na tinalikuran niya ang lalaki at paika ika At pilit muli siyang tumakbo nag hahanap ng maaaring lugar na maaari niyang mapag taguan. Tanging iyun na lamang ang pag asa ni Alice ang makahanap ng lugar na maaari niyang pag taguan hanggang sumilip ang liwanag ng araw, sa pag kakataon iyun maaari siyang makatakas dahil nasisigurado niyang marami rami na ang tao sa oras na iyun.

Makakahingi na siya ng tulong at matatawagan na niya ang kanyang mama At papa.

Namuo ang takot sa buong katawan ni Alice ng May kamay ang humablot sa kanang braso niya at dinala siya sa napaka dilim na bahagi ng iskinitang kinaroroonan niya.

Nag sipag tulo ang bawat butil ng luha sa mga mata ni Alice At nag pupumiglas siya mula sa hawak at pag dagan ng katawan nito sa katawan niya.

"Ayoko na. Please maaawa ka. Pakawalan mo ako. Ayoko. Ayoko!" Sigaw ni Alice habang nag mamakaawa ngunit nakulong lamang sa labi niya ang ingay ng pag mamakaawa niya ng lumapat ang labi nito sa labi niya.

Natahimik si aAlice dahil roon. "Shh. They might hear you." Saad nito ng humiwalay ng bahagya sa labi ni Alice ang mga labi nito.

Kumalampag ng napaka bilis ang tibok ng puso niya ng makilala niya ang ashgray na Kulay ng mga matang nasa harapan niya.

Yung lalaking nakaitim!

Nanigas lamang ang buong katawan ni Alice ng muling lumapat sa labi niya ang mga labi nito At hiniharang nito ang buong katawan sa kanya upang hindi makita ng mga taong humahabol kay Alice ito.

May kakaiba sa labi ng babaeng kahalikan ni Joshua upang mas palalimin niya pa ang halik na ginawad niya rito mailigtas lamang ito.

Hindi ganito si Joshua. Hindi niya sasayangin ang oras niya sa pagligtas sa mga taong nasa paligid niya. Para kay Josh wala siyang pakielam kung May mangyari man Masama sa mga taong humihingi ng tulong sa kanya.

He has a stone heart, he was entitled as Devil.

A leaving Lucifer.

At wala siyang pakielam kung ganito ang tingin At tawag sa kanya ng mga taong nakakakilala sa kanya. Hindi niya kailangan mag pakitaan ng kabaitan ang mga taong ito upang matanggap lamang siya ng mga ito.

Wala siyang pakielam.

Pero pag dating sa babaeng ito nabago ang paniniwala niya at tumibok ng napaka bilis ang noon ay napaka togas niyang puso.

Hindi alam ni Joshua kung Love at first sight ba ang maitatawag rito? Ni Hindi niya alam Kung ano ang ibig sabihin ng nararamdaman niyang ito.

Naguguluhan siya ngunit isa lamang ang nais niya yun ay ang iligtas ito mula sa mga taong humahabol rito.

Nang maramdaman ni Josh na nakalayo na mula sa pwesto nila ang mga taong humahabol sa babaeng nasa harapan niya ay marahan niyang pinakawalan ang napaka maramis na labi nito at hinarap ito ngunit hindi pa niya naibubuka ang bibig ng nawalan ito ng malay At bumagkas sa dibdib niya.

Salosalo ng palad niya ang likod nito ng pakatitigan muli ni Joshua ang napaka Anong mukha ng babae, bakas ang pagod At takot sa mukha nito ngunit hindi nakaligtas sa mga mata ni Joshua ang nakakaakit na ganda ng mukha ng babaeng ito.

Ang mahahabang pilik mata, matangos na ilong at ang mamula mula nitong labi dahil sa malamin na pag halik ni Joshua rito kanina.

Tumaas ang gilid ng labi ni Joshua sa isipin siya ang dahilan kung bakit namula ng ganun ang labi ng babaeng salo salo niya sa bisig niya.

"I'm fuck up." Bulong ngisi ni Joshua habang nakatitig pa rin sa mukha ng walang malay na babae.

Maingat na binuhat ito ni Joshua upang dalhin sa sasakyan nito At isakay, nang maisakay na ito ni Joshua sa passenger seat at makasakay na rin siya sa driver seat ay pinakatitigan muna ni Joshua ang mukha nito. Nag lakbay ang mga mata ni Joshua sa braso dibdib At hita ng babae na puro galos at sugat.

Nagkiskis ang mga ngipin ni Joshua sa nakita. Hindi niya alam ngunit nakakaramdam siya ng galit para sa mga taong gumawa nito sa magandang binibining nasa tabi niya.

Bago paandarin ni Joshua ang sasakyan nito ay ibinigkas niya ang mga salitang ngayon niya lamang gagawin para sa isang babae na ngayon niya lamang nakilala.

"Mata Lang ang walang latay sa mga taong gumawa nito sayo, I'll make they live a leaving hell, baby. I promise."

Hinang hina ang katawan ni Alice at tila kinaratay ang buong katawan niya ng magising siya ngunit hindi na niya ininda pa ito ng makita niyang nasa kakaibang kwarto siya.

Puno ng kadiliman ang kwarto, ang lahat ng desenyo sa kwartong kinaruruonan niya ay puro itim.

Hindi alam ni Alice kung nasaan siya o nakuha na ba siya ng matandang humahabol sa kanya. At sa isipin nakuha nga siya ng matanda ay mabilis na niyakap ni Alice ang sarili At nanginginig ang buong katawan na tumayo mula sa napaka lambot na kama na kinahihigaan niya kanina lamang.

Marahan at May pag iingat siyang nag lakad patungo sa pintuan ng kwarto umaasa na hindi ito naka lock upang mag karoon siya ng pag kakataon makatakas muli.

Nag diwang ang tuwa sa puso ni Alice ng pag pihit niya sa pintuan ay bukas ito. Pag kabukas na pag kabukas ni Alice sa pintuan ay bumungad sa kanya ang nakapaka gandang paligid ng palapag na kinaroroonan niya ngunit wala na siyang oras upang namnamin ang ganda ng paligid, nakatatak sa isip ni Alice ang kagustuhan muling makatakas sa matandang humahabol sa kanya.

Ngunit masyadong malaki ang bahay na ito kaya nahirapan siyang mahanap ang pinto palabas, dumagdag pa sa kaba sa dibdib niya ang mga kalalakihan May mga armas na nakakasalubong niya sa bawat pasilyo dinadaanan ni Alice.

Ngunit hindi niya ito ininda at nag patuloy lamang siya sa pag takas. Ngunit nahungot ni Alice ang hininga ng pag silip niya sa isang pasilyo na kanyang dadaanan sana ay may hindi kaaya aya siyang nakita at narinig.

Umalingaw ngaw sa paligid tunong ng balang pinakawalan ng lalaking hiningian ni Alice ng tulong.

Yung lalaking nakaitim!

"Babe, alam mo naman mahal na mahal Kita kaya Hindi ko kayang gawin ang ibibintang mo sa akin." Nag mamakaawang Saad ng babaeng nakaluhod sa harapan ng lalaking hiningian ng tulong ni Alice. Nananatili si Josh na tahimik, walang salitang binibigkas At tanging madilim na expression lamang ang pinapakita niya sa kaharap.

Hindi kailangan ni Josh traitor, galit si Joshua sa mga taong katulad ng babaeng nasa harapan niya.

Walang salita at awa na makikita sa mukha ni Joshua ng muli niyang paputukan ang babae nasa harapan niya pero sa pag kakataon ito ulo na ng babae tumama ang baka na pinakawalan ni Joshua.

Kumalat nag dugo nito sa salamin na sahig ng bahay ni Joshua habang walang buhay itong nakahilata roon.

Mabilis na nag tago si Alice At kinakabahan sa takot na nag hanap siya ng lagusan kung saan siya maaaring makalabas sa empiyernong bahay na ito.

Hindi siya ligtas rito.

At ng makalabas siya sa bahay at makapag para ng taxi na dumaan ay duon lamang pinakawalan ni Alice ang nabuong luha sa mga mata nito sa takot na naramdaman nito.

"Darwin. Linisin ang kalat na ito ayokong May matirang madumi ng dugo sa sahig ng bahay ko kailangan pag balik ko wala na ang dumi na ito sa bahay ko." Walang mababakas na kahit anong emotion Saad ni Joshua sa kanyang butler.

At saka nag lakad patungo sa kanyang kwarto upang silipin ang dalagitang kanyang dinala sa kanyang bahay. Ngunit natigilan lamang si Joshua ng pag bukas niya sa pintuan ng kanyang kwarto ay wala na roon ang babae tanging ang amoy lamang nito ang naiwan.

Kumakaripas na nag punta si Joshua sa kanyang computer system upang tinignan kung saan bahagi ng bahay niya naroon ang babaeng kanyang dinala.

Nansalubong ang kilay ni Joshua ng makita niya kung saan nag punta ang babae. Nakita nito ang eksenang pag kitil niya ng buhay sa basurang dinispatsiya niya habang sa makalabas ito ng bahay niya at makasakay ng taxi.

"I will look for you and when I find you I will protect you for as long as I live." Titig na titig si Joshua sa takot na takot na mukha ng babaeng kanyang niligtas.

"Just wait baby, just wait."

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Preye Toiseidei
I need translation y is it not written in English
goodnovel comment avatar
Omo Lara
I need translation
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status