Share

CHAPTER NINE

SOBRANG laki ng bahay ni Maximo tapos kaming dalawa lang. Nung mga unang araw hindi ko pa naramdaman ang takot dahil nakakatulog ako kakanood ng TV. Pero ngayon, I am still awake and it’s past 10PM hindi ko alam ang gagawin. Sobrang lamig ng aircon. Bukas pa ang malaking glass door palabas sa may balkonahe ng kwarto ko. Tinatangay ng hangin ang puting kurtina. I shut it close. Huhu, bakit ba kasi walang katao-tao dito sa bahay nila?

Nagpasya ako na bumaba na lang muna para uminom ng tubig. Feeling ko ay nasa hunted house ako ngayon dahil patay ang main light nila. Tanging mga maliliit lang na light bulb ang nagbibigay liwanag sa hallway. Nagmadali akong bumaba sa kitchen.

Kaya mo to, Eloisa. Matapang ka. Ano ka ba? Pilit ko na lang pinalalakas ang loob ko pero sa totoo lang ay nangangatog na tong tuhod ko.

Kahit kusina, walang kailaw-ilaw. Sobrang dilim. Liwanag na lang ng buwan na tila nakapasok sa loob ng bahay ay nagbibigay ilaw. Nakakainis naman, e. Mapapadasal ako ng wala sa oras
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mayla Cuerdo
Unlock please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status