Share

Chapter 4

Author: Bratinela17
last update Huling Na-update: 2022-10-09 10:00:47

Nang makabalik ako ng bahay lahat ng mga Maritess na kapit bahay ko ay nagulat nang bumaba ako sa sasakyan. Hindi na ako nag abalang makipag usap sa'kanila, dahil ang mahalaga ay makapag usap kami ng asawa ko. Batid kung nasaktan ko ito kanina, ginawa ko lang naman yon para hindi niya ako pigilan na dumalaw sa abuela ko.

"Hon, nandito na ako," malakas na sigaw ko para matawag ko ang pansin niya kung saan man siya naroroon. Ngunit naka ilang tawag na ako, wala man lang ni isang sagot ito. Saan na naman kaya siya nag punta, hwag niyang sabihin nasa bukid na naman siya. Haixt!

Pag silip ko nang lamesa may mga nakahanda nang pagkain. Linatakan ko ito kaagad hanggang sa mabusog ako, hinintay kung makabalik ang asawa ko ngunit pasado alas otso na nang gabi walang MC ang dumating. Nagtatampo pa rin ba ang asawa ko sa'akin? mga katanungang bumabagabag sa isipan ni Tamara.

Hanggang sa naka received siya ng tawag na nasa ospital raw ang asawa niya at nabugbog ito. Nagmamadali siyang pumunta nang ospital na sinasabi ng tumawag. Doon niya nakita ang halos wala nang buhay niyang asawa.

"Anong nangyari?" hysterical na tanong nito.

"Hindi po namin alam ma'am basta may nag iwan na lang sa asawa niyo sa labas ng ospital..

"A-ano?? Nasaan siya?" tanong nitong muli.

"Sumunod po kayo sa'akin ma'am." anya.

Sumunod naman siya kaagad sa nurse na naglakad. Halos manlumo siya sa sinapit ng kaniyang asawa.

"Sinong may gawa sayo nito? Hon! Gising!" sigaw niya sa boses na nag hihinagpis.

"Ma'am, kailangan napo niyang masalinan ng dugo sa lalo madaling panahon. Dahil marami rami ng dugo ang nawala sa'kaniya." ani nito

"Malaking halaga po ma'am ang kakailanganin natin..

"M-magkano po ba?" nauutal na tanong nito sa nurse.

"Mga tatlong milyon po ma'am..

"A-ano???

"Opo, ma'am..

Napahagulgol na lamang si Tamara sa narinig mula sa nurse. Pero, hindi siya dapat pang hinaan ng loob sa sandaling 'yon.

"Sige po. Gawin niyo ang lahat iligtas niyo ang asawa ko. Magbabayad ako ng kahit magkano gumaling lang siya." pakiusap nito.

"Okay, ma'am! Tara po muna sa labas at dadalhin na po siya sa operating room." aya nito.

Laglag ang balikat ni Tamara nang lumabas nang emergency room. Abot-abot ang dasal niya na sana gumaling kaagad ang asawa niya. Alam niyang wala silang ganoong kalaking halaga kaya isang pasya ang nabuo niya ngayong araw.

Pinunasan niya ang luhang pumatak sa'kaniyang mga mata at naglakad palabas ng ospital. Nagpara siya ng taxi at kaagad namang may tumigil sa kinatatayuan niya. Binuksan niya ang taxi at sumakay sa loob.

"Wilson Palace po tayo kuya." utos niya rito.

Kaagad namang pina andar nito ang taxi. Tahimik naman siyang nanalangin na sana maligtas ang asawa niya. Alam niyang isusumpa siya nito habang buhay pero wala na siyang choice kundi kumapit sa patalim.

Kanina pa siya nakatayo sa harap ng gate nang palasyo, ngunit hindi niya alam kung papasok ba siya. Hanggang sa nakarinig siya ng usapan ng mga maid na may kaguluhan mula sa loob.

"Lanz, anong nangyayari sa loob?" sigaw niya sa guard para mapansin siya nito.

"Ikaw pala Señorita, Tamara. Hindi ko rin alam, mas mabuting pumasok na lang kayo..

Tumakbo ako patungong pintuan nang makita kong naka handusay ang abuela sa lapag. Napasigaw ako ng malakas.

"Hindiiii!!! Anong nangyari???

"Kailangan nang dalhin sa Europa ang abuela mo at ikaw ang sasama sa'kaniya.." singit ng tita Marga nito.

"Ho?? Bakit ako?? May asawa ako rito.." pag dadahilan ko.

"E' anong ginagawa mo rito? I knew it, kailangan mo nang pera, tama??

"P-paano mong nalaman?" nagtatakang tanong ko.

"Alam ko naman na pera lagi ang pinta mo rito. Ano, Tamara, mag desisyon ka na..

"Sige. Papayag ako na samahan si abuela sa Europa, ngunit sa isang kondisyon..

"Ano yon? Paki bilisan nanganganib na ang buhay ng abuela mo..

"I need ten million. You heard me right. Alam kung barya lang sa pamilya natin yan." sagot nito at nakikipag titigan sa tita nito.

"Hibang ka ba? Akala mo sa pamilya mo, mukha kang pera talaga..

"Hindi naman.." sagot nito. Wala naman kasi siyang balak talaga kaso naisip niya kung aalis siya kailangang may maiwan siya sa asawa.

"Sige.. Give me your bank account number, ide-deposit ko agad ang pera..

"Okay.. Pero bago ako sumama kay abuela, pwedeng umuwe muna ako at magpapaaalam ako sa asawa ko..

"Fine! Paki bilisan...

Umalis na si Tamara sa Palasyo at bumalik siya sa ospital. Nag check rin siya ng bank account niya at nakita niyang pumasok na ang hinihingi niyng ten million. Napangiti siya dahil mapapagamot niya na ang asawa, ngunit meron sa puso niya ang sakit habang nagpapaalam siya rito..

Matapos makapag paalam ni Tamara sa asawa at nabayaran niya na rin ang bills nito sa hospital. Naibilin niya na rin ang lahat lahat ng kailangan niya maging ang iiwan niyang pera para makapag simula ang asawa.

Lumabas siya ng ospital at ito na ang huling makikita niya ang asawa.

Ngayon gabi rin kasi ang lipad niya pa Europa.. Paalam, hon!" usal nito..

One year Later..

Himalang nagising sa pagkaka comatose si MC buhat nang maoperahan ito, masyadong na damage ang internal organs niya sa mga bugbog, pasa at saksak na tinamo nito.

"N-nurse, nasaan ang asawa ko?? nauutal na tanong ni MC sa mahinang boses.

"Asawa? Wala po akong nakitang asawa niyo sir, buhat nang nacomatose kayo..

"Comatose? Ano ho?? Ilang araw akong comatose??" tanong nito na medyo hilo pa at hindi alam ang nangyari sa paligid.

"Isang taon po sir.. Mabuti nga nagising na po kayo, kasi bihira na lang talaga ang mga taong nagigising." ani nito.

"Ano ho! Isang taon? Paano? Bakit?" sunod sunod na tanong ni MC at hindi makapaniwala na isang taon na pala ang nakakalipas.

"Ako pala si Nurse Janice. Ako ang nurse in-charge mula nang nacomma ka. Sige, tawagin ko muna ang Doctor mo. Maiwan na kita rito." anya..

Naiwan namang gulong gulo si Mc at hindi makapaniwalang lumipas na ang isang taon. Ang tanong sa isipan niya, nasaan nga ba ang asawa niya.. Anong nangyari sa nakalipas na isang taon..

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 22

    Nang maka alis ako ng ospital at nakauwi ng bahay napag isip isip ko ang lahat lahat. Sabi nga nila lahat gagawin ng isang ina para sa kanyang anak. Kaya kahit nagkakasakitan kami ng Daddy ng anak ko hindi ko pa rin dapat kalimutan ang pagiging Ina ko sa kanya. Naidlip lang ako at pagod na pagod ako sa byahe. Hinayaan ko na lang ang mag-ama na makapag bonding dalangin ko na pagalingin niya agad ang anak ko at itatama ko na ang lahat lahat. Pumikit ako at natulog gusto kung bawiin ang ilang gabing wala akong halos natulog although may tulugan sa loob ng ospital kaso hindi pa rin sasapat ang tulog ko sa mga ganoong pagkakataon at lugar. Habang bantay pa ang daddy niya sa anak ko susulutin ko ang pagpapahinga ko sa bahay. Nag alarm naman ako kaya magigising ako ng maaga. Three hours later nang marinig ko ang pagtunog ng alarm clock hudyat na para gumising ako at mag asikaso, balak kung lutuan ng arozcaldo ang aking anak. Kaya nagsimula na akong magprepated ng aking sarili. Nag inat

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 21

    Samantalang sa loob naman ng emergency room himalang nagkamalay ang kanilang anak. Akala ni Tamara ay mawawala na ang kanyang pinakamamahal na anak. Nang sabihin ng doktor sa kanya na may heartbeat na ulit ang anak niya nakahinga siya ng maluwag kahit kaunti lamang. Katatapos lang rin niyang kumain at medyo inaantok na rin siya. Sa sobrang antok niya ay hindi niya namalayan ang sarili na nakatulog na pala siya. Nagising siya na parang may humahaplos sa kanyang ulunan hindi niya alam kung nanaginip nga ba siya o hindi. Nag unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata nakita niya ang kanyang anak na si Tyron. "A-anak! Gising ka na?" tanong niya sa pag-aakalang nanaginip lamang siya. "M-Mommy! O-Opo!!" nauutal na sagot nito sa kanya. Hindi man lang naisip ni Tyron na kahit hirap mag salita ay nagawa pa rin niya. "Salamat sa Diyos, gising ka na anak. Pinag alala mo ng sobra ang Mommy. Saglit lang at tatawag ako ng doctor." Ani niya. Ngunit ng tatayo na siya agad nitong hinaw

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 20

    Nabulabog ang Emergency room ng biglang tumigil ang paghinga ni Tyron. "Code blue! Code blue." wika ng doctor at sinimulan ng irevived ang bata. Paulit ulit ginagawa ng doctor at inoorasan ang bata. ilang segundo na nilang ginagawang isalba ang bata kaso wala man lang kitang nakikita indikasyon na buhay pa ito. Hanggang sa hindi tinigilan ng doctor na magkaroon ito ng hininga. "Oxygen!" utos ng doctor. Napalitan na ng bagong tangke ng oxygen. Samantalang nagugulat ang dalawa sa labas ng makitang maraming Nurses ang pumasok sa emergency. At nang silipin ni Tamara kung anong nangyayari halos gumuho ang mundo niya ng makitang sinasalba ang kanyang anak. "No! It can't be, huhuhu. Tyron, anak." palahaw na iyak niya mula sa labas ng emergency room.. Habang pinapakalma siya ni MC. "Let's do their job! We will wait here." aniya. "Ayokong tumanga dito na walang ginagawa para sa anak ko." bulyaw niya rito. "Alam mo kung wala kang sasabihin, umalis ka na lang! Hindi kita kailangan dito." sig

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 19

    At Benitez Mansion Saktong kakauwi lamang niya at pagod na sumalampak sa kama ng kanyang kwarto. Wala siya sa mood makipag usap na kahit kanino at sobra siyang natakot sa nangyari kanina lang. Hindi niya akalaing makikita niya sa ganong kalagayang ang kanyang anak. Sariwa pa rin sa kanyang ala-ala ang mga dugo na nagkalat sa sahig at kumapit sa kanyang balat. Habang naghihintay siya ng tawag ni Tamara kung ipapaalam ba nito sa kanya ang nangyari sa kanikang anak, ngunit inabot na siya ng alas dos ng madaling araw kakahintay ng tawag nito pero, wala man lang. Ganon nga ba katindi ang galit jiti sa kanya at ayaw siyang bigyan ng karapatan para sa anak nila. Kasalanan rin naman kasi nito kung naging tapat lang sana ito sa kanya baka naging okay pa sila. Kaso mas pinili nitong iwan siya at magpakasasa sa Barcelona. Ayon ang matinding ikinagagalit niya na habang siya ay nag aagaw buhay nagawa nitong tikisin siya na iwan at magpakasaya sa malayo.Ipinikit na niya ang kanyang mga mata hang

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 18

    Kanina pa siya pabalik balik sa emergency room. Hindi niya malaman ang gagawin ng mga oras na 'yon para siyang pinagsakluban ng mundo. Wala pa ring tawag mula sa emergency room kaya naman hindi siya mapakali sa kan'yang kinauupuan paroon at parito siya. Hindi niya rin natatawagan pa si Tamara ang Mommy nito hindi niya kasi alam ang sasabihin niya. Kaya nagpunta muna siya sa information section at nakiusap na tawagan ang number nito. Hindi pwedeng makita siya nito roon kaya tiniyak niya na magtatago siya sa oras na dumating ito. Matapos niyang maibigay ang cellphone nito umalis na siya agad at bumalik sa emergency room para makibalita kaso wala pa rin. Kaya nilalamon na siya ng kaba at pagkabahala. Pagod na rin siya kakaisip ng posibleng mangyari. Habang naghahanap naman si Tamara at nababaliw na nga kung saan niya hahanapin ang kan'yang nawawalang anak. At hindi talaga niya mapapatawad ang sarili niya kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa anak niya. Kasalanan niya kasi '

  • MC's Desirable Revenge   Chapter 17

    "Mom, is this true??? Are you hiding something from me again? Kaya ba nagmamadali kang umalis ng bansa at bumalik ng Europa dahil alam mong nagkakalapit na kami ng biological father ko?" sunod sunod na tanong ng anak ko at wala akong maapuhap na sagot sa mga katanungan niya ngayon, miski ako ay nagulat ng malaman ni MC na may anak kami gayong hinarang ko naman ang naunang DNA test result niya. Pero, sadyang mautak siya at hindi na rin ako magtataka dahil hindi na siya ang dating MC na kilala at minahal ko. "Mom! Please answer me. I need to know the truth.." naiiyak na wika ng anak ko at sa mga oras na 'yon nanatili akong pipi at bingi sa harapan niya. Hindi ako pwedeng magsalita gayong mas lala ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa ng anak ko. "Tyron, son, go to your room and pack your things. Don't interrogate me now. We need to leave as early as we can." mariing utos ko. Tumingin lang sa akin ito sabay takbo. Mabuti naman naturuan ko ang anak ko noon pa man na makikinig pa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status